How To Love A Bastard ?

By Khira1112

4.4M 74.6K 6.9K

More

How To Love A Bastard ?
HTLAB - Chapter 1
HTLAB - Chapter 2
HTLAB - Chapter 3
HTLAB - Chapter 4
HTLAB - Chapter 5
HTLAB - Chapter 6
HTLAB - Chapter 7
HTLAB - Chapter 8
HTLAB - Chapter 9
HTLAB - Chapter 10
HTLAB - Chapter 11
HTLAB - Chapter 12
HTLAB - Chapter 13
HTLAB - Chapter 14
HTLAB - Chapter 15
HTLAB - Chapter 16
HTLAB - Chapter 17
HTLAB - Chapter 18
HTLAB - Chapter 19
HTLAB - Chapter 20
HTLAB - Chapter 21
HTLAB - Chapter 22
HTLAB - Chapter 23
HTLAB - Chapter 24
HTLAB - Chapter 25
HTLAB - Chapter 26
HTLAB - Chapter 27
HTLAB - Chapter 28
HTLAB - Chapter 29
HTLAB - Chapter 30
HTLAB - Chapter 31
HTLAB - Chapter 32
HTLAB - Chapter 33
HTLAB - Chapter 34
HTLAB - Chapter 35
HTLAB - Chapter 36
HTLAB - Chapter 37
HTLAB - Chapter 38
HTLAB - Chapter 39
HTLAB - Chapter 40
HTLAB - Chapter 41
HTLAB - Chapter 42
HTLAB - Chapter 43
HTLAB - Chapter 44
HTLAB - Chapter 45
Last Chapter Of Part 1
How To Love A Bastard - Part 2
HTLAB2 - Chapter 1
HTLAB2 - Chapter 2
HTLAB2 - Chapter 3
HTLAB2 - Chapter 4
HTLAB2 - Chapter 5
HTLAB2 - Chapter 6
HTLAB2 - Chapter 7
HTLAB2 - Chapter 8
HTLAB2 - Chapter 9
HTLAB2 - Chapter 10
HTLAB2 - Chapter 11
HTLAB2 - Chapter 12
HTLAB2 - Chapter 13
HTLAB2 - Chapter 14
HTLAB2 - Chapter 15
HTLAB2 - Chapter 16
HTLAB2 - Chapter 17
HTLAB2 - Chapter 18
HTLAB2 - Chapter 19
HTLAB2 - Chapter 21
HTLAB2 - Chapter 22
HTLAB2 - Chapter 23
HTLAB2 - Chapter 24
HTLAB2 - Chapter 25
HTLAB2 - Chapter 26
HTLAB2 - Chapter 27
HTLAB2 - Chapter 28
HTLAB2 - Chapter 29
HTLAB2 - Chapter 30
HTLAB2 - Chapter 31
HTLAB2 - Chapter 32
HTLAB2 - Chapter 33
HTLAB2 - Chapter 34
HTLAB2 - Chapter 35
HTLAB2 - Last Chapter
HTLAB2 - EPILOGUE

HTLAB2 - Chapter 20

29.8K 664 36
By Khira1112

-

Blood

-

The blood in his face gave me a scare. Nang lapitan ko siya ay agad kong sinipat 'yon.

"Oh, God. What happened?" Parang maiiyak ako sa kaba at pagkawindang. Cy wrapped me in his arms protectively ,then he looked around us as if he was scanning the whole parking lot.

"Go inside my car, Anne." Matigas niyang utos. Ngunit hindi no'n naitago ang panik na maaaring pinipigilan ni Cy. May pagmamadali niyang binuksan ang pintuan ng kotse at pinapasok ako ro'n.

"Cy-" naputol ang kung ano mang sasabihin ko nang isarado niya ang pinto.

Nang sumakay siya sa driver's seat ay muli kong sinipat ang kanyang mukha. May pasa sa kanyang kanang pisngi at nagsisimula na itong mangitim. Sariwa pa ang dugo sa gilid ng kanyang lagi. Napansin ko rin na medyo magulo ang suot niyang polo at may bahid iyon ng dumi. Ang necktie niya ay halos matanggal na. Mas tumindi ang kabang nadarama ko.

Mabilis niyang pinaandar ang kanyang sasakyan palabas ng parking lot na parang may humahabol sa amin.

"Cy, anong nangyari?" Muli kong tanong.

"Fasten your seatbelt, angel." Nakatiim niyang sagot. Pumikit siya sandali at nagmura ng ilang ulit. "Fucking shit. Hindi na dapat ako tumuloy."

Lito man ay kinapa ko ang seatbelt sa magkabilang gilid ng upuan at sinuot 'yon. Muli ko siyang nilingon. Nababahala ako sa kanyang kinikilos. There is something wrong here. I want to know why he's acting so strange.

"Cy. . ." Muli kong pagtawag sa pangalan niya. "Anong nangyari? Sinong nanakit sayo? Ba't ka may pasa at sugat? Tell me. Napaparanoid na ako."

"I don't know." Umiling siya. "I don't know if they were just goons o mga tao ni Morris. I'm not sure." Nangangalit ang kanyang panga. Nagpula ang traffic lights kaya naman nagawa niyang lumingon sa akin. Ang galit na nakita ko sa kanyang mukha kani-kanina lang ay natabunan ng pag-aalala. Dinampi ko ang aking palad sa kanyang pisngi na may pasa.

"Binugbog ka nila? Ano pang ginawa nila sayo?" Kinakabahan ako sa kanyang isasagot. Kung mga tao nga iyon ni Morris, malamang ay pinasundan nito si Cy at maaring nagsisimula na itong kumilos.

Hindi sumagot si Cy. Tumingin siya sa rear view mirror at napamura ulit. Naguguluhan pa rin ako.

"Cy?"

Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagdial. Malapit na mag-green ang traffic lights.

"Hello, track me. Emergency. Call my brother." Agad niyang binaba ang kanyang cellphone nang umandar ang sasakyan sa harap namin.

"Cy, anong nangyayari?" Nilulukob ng takot ang sistema ko. Na-f-frustate ako dahil hindi niya sinasagot ang mga tanong ko. And at the same time, parang gusto ko na magpanik. Pakiramdam ko ay may masamang mangyayari. Oh, God, huwag naman sana. . .

Lumingon sa akin si Cy pagtapos ay tumingin muli sa salamin. Tumingin na rin ako sa likod. May mga sasakyang nasa likod namin at meron ding mga motorsiklo. Bumilis ang pagpapatakbo ni Cy at napakapit ako sa aking seatbelt.

"Cy, slow down." Nagpapanik na ako. Bumaling ako sa kanya at gano'n din siya sa akin. Hindi na niya natago ang takot sa kanyang mga mata. Kung bakit iyon ang emosyong nakita ko sa kanyang mukha ay wala akong ideya. Hindi na maganda ang kutob ko sa mga nangyayari.

Nagfocus si Cy sa pagmamaneho. Mas bumilis ang takbo ng sasakyan at napapapikit na ako sa pag-t-take over ni Cy.

"C-cy!"

Nagmura muli si Cy at nanlaki ang mata ko nang makitang tila humahabol ang tatlong motor na nakasunod sa amin. Napasinghap ako at napatingin muli kay Cy. "Are we being followed?"

"I'm sorry, angel. Kung alam ko lang, hindi na dapat kita sinundo." Kinabig niya ang manibela at mabilis na nag-u-turn. Nanlaki ang mata ko nang gano'n rin ang ginawa ng mga nakamotor. "Fuck! Why now?" Halos pabulong lamang iyon at tila daing na sa pandinig ko ngunit ang punung-puno iyon ng pangamba. Pangamba para sa aming dalawa.

Agad kong inabot ang aking cellphone at nag-dial rin. Nanginginig ang mga kamay ko habang ginagawa ko 'yon. Isa lamang ang taong naiisip ko na maaaring may kagagawan nito. Walang iba kundi si Morris.

Nagriring na ang tinatawagan ko nang biglang nagpaulan ng bala ang mga naka-motor sa likurang bahagi ng sasakyan. Nabitawan ko ang aking cellphone at napatakip na lang sa aking tainga. Halos sumabog ng ang dibdib ko sa kaba.

"Shit!" Hiniwakan ni Cy ang ibawbaw ng aking ulo at pilit na pinayuko.

"Oh, God." I muttered. Naluluha ako. Hindi ako makapaniwalang nangyayari 'to sa akin ngayon. Ang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at igik ng gulong ng sasakyan. Natatakot ako para sa sarili ko at kay Cy, sa kaligtasan naming dalawa na ngayo'y nanganganib.

May kinuha si Cy sa compartment at tila huminto sa pagtibok ang puso ko nang kunin niya ang isang baril ro'n.

"What are you goi-" hindi ko na natapos ang aking itatanong ng magpaputok rin si Cy. Umalingawngaw iyon sa loob ng sasakyan at napasigaw ako.

"I'm sorry, Anne. I love you." Bulong ni Cy at mas lalong binilisan ang takbo. Napahikbi ako at tuluyang napaiyak. Nakita ko ang pinagsama-samang galit, sakit, takot at pagsisisi sa kanyang mukha.

Kahit kailan ay hindi ko naisip na ganito ang kahahantungan namin. Kasabay ng takot ko ay ang pagbalik ko sa nakaraan. Hindi ko alam kung paano ko pa 'yon naisip gayong nasa panganib kaming dalawa. Siguro ay gano'n nga talaga pag nararamdaman mo ng malapit ka na sa iyong katapusan. Bumabalik lahat ng masasayang alaala, mga pangyayaring gusto mong pagsisihan at mga bagay na nais mo pa sanang magawa. Lahat iyon ay maiisip mo sa isang kisapmata.

At lahat ng bagay na naisip ko ay may kinalaman sa amin ni Cyfer. Lahat ay tungkol kay Cy.

Dinilat ko ang aking mata at nakita ko sa bintana ang isang motor. Nakataas ang kanyang isang kamay at nakatuon ang hawak niyang baril sa akin.

Ang huli kong natandaan ay ang malakas na paghila sa akin ni Cy, ang putok ng baril at malakas na impact ng pagkabangga ng kotseng sinasakyan namin. Then, everything is a blur.

-

Wala akong nararamdaman maliban sa pagsikip ng aking dibdib. Nahihirapan akong huminga.. Wala akong nakikita. Para akong nakalutang sa ere. Hindi ko mabuksan ang mga mata ko at hindi ko rin mabuka ang aking bibig. Ngunit nakakarinig ako ng mga boses. Boses na hindi pamilyar sa akin.

"Check her vitals."

"What happened to them?"

"Car accident raw, Doc."

"Car accident? But this girl was shot."

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Kung ako ba o ibang tao. Hindi ko alam. Gusto ko dumilat pero napakabigat ng talukap ng aking mata. Hindi ko kaya. At habang tumatagal ay mas nahihirapan akong huminga. Parang may umiipit na kung ano sa dibdib ko.

Hanggang sa maging blanko muli ang lahat. Tuluyan akong natangay sa sakit na nakapagpamanhid sa buong katawan ko.

I have this strong urge to open my eyes. Manhid pa ang buong katawan ko. Wala na akong maramdamang kahit ano. Kahit yung sakit sa dibdib ko ay nawala. Gusto ko talagang dumilat pero hindi ko pa rin kaya. Nakarinig muli ako ng mga boses ngunit hindi pa rin 'yon pamilyar sa akin.

"Kawawa naman si Doc."

"Sino kayang gagawa no'n sa kanya? Napakabait ni Doc Martin."

"Walang lead kung sino ang gumawa nito sa kanila. Teka, boyfriend niya ba yung kasama niya sa kotse?"

"Mas kawawa 'yung lalaki. Nasa ICU pa rin hanggang ngayon."

Ako yung tinutukoy nila. Aware ako dahil narinig ko ang pagbanggit nila sa aking pangalan. Pero yung lalaking tinutukoy nila. . .

Muli akong ginupo ng antok.

Nakarinig ako ng mga panibagong boses. Hindi kagaya ng mga nauna ay pamilyar na ang mga tinig na naririnig ko.

"I. . .I can't take this any longer." Naninginig ang boses ni Rhea. I'm a hundred percent sure it was here. She's here! At sa pangatlong pagkakataon ay ginusto kong dumilat pero kagaya ng mga unang pagkakataon , hindi ko pa rin nagawa.

"Who did this? May lead na ba? Sinong gagawa nito sa kanya? Sa kanila?"

"I don't know, Rhea." It's Shinn! Nandito ang mga kaibigan ko. Gusto ko silang makita. Gusto ko silang makausap. "Tinawagan niya ako nung nangyari 'to kagabi. We didn't had a chance to talk dahil ang narinig ko na lang sa linya ay mga putok ng baril at ang sigaw niya."

"Hindi pwedeng walang lead! Dapat maparusahan ang gumawa nito?"

"Lets just wait. Siguro may lead na pero hindi pinapaalam kung sino. Ipaubaya na natin sa batas ang bagay na 'yon."

"They should be on jail!"

"The only we could do right now is pray for Anne's safety. May mga nakabantay ng bodyguards sa labas ng kwarto ni Anne."

"Good. Kasi hindi ako matahimik. And how about-"

Gusto ko mang marinig ng buo ang pinag-uusapan nila ay hindi ko kinaya. Muli akong nakatulog. Kailan ba ako makakadilat? Sawa na ako sa dilim. Gusto ko na makita ang liwanag pero bakit parang napakalabong magawa ko 'yon ngayon?

Dalawang pamilyar na boses muli ang narinig ko at isang hindi ko kilala. Sinubukan ko muling dumilat pero wala pa rin talaga. Nawawalan na ako ng pag-asa.

"How's my daughter?" Paos ang boses ni Dad at rinig ko naman ang marahang paghikbi ni Mommy. Alam kong sila 'yon pero ang naglalarong tanong sa aking isipan ay bakit umiiyak si Mommy. Again, I tried to open my eyes but I just can't.

"She's just sleeping. Okay na siya. Bumabalik na sa normal ang vitals niya at naging successful naman ang operation kaya gumaganda na ang respond ng kanyang katawan sa mga gamot."

"Is she going to live?"

"Base on her condition now, she has eighty percent of recovery. Maari siyang magising one of these days. Ang inaalala ko lang ay baka nagkaro'n siya ng trauma o kaya ay magkaro'n siya ng temporary amnesia. May sugat siya sa ulo. Maaring nauntog siya sa matigas na bagay nang mabangga ang kotse. And she was shot in the-"

Muli akong hinatak ng antok kaya naman nabalewala ko na ang pag-uusap ng mga magulang ko at ng estranghero.

"Wake up, Anne." Ibang boses muli ang narinig ko pero kilala ko rin ang isang 'to. It's Ram..

"You have to wake up. Cyfer needs you. He needs you now, Anne. This isn't your ending. You have to make something better than this." Humahagulgol siya habang sinasabi niya 'yon. At parang may umupit muli sa may bandang dibdib ko . Masakit ngunit wala akong magawa. Ni hindi ko maangat ang aking kamay para mahawakan iyon.

Muling bumalik sa aking isipan ang pangalang binanggit ni Ram. Cyfer. . .

Cyfer?

Napaungol ako nang umatake ang napakatinding sakit ng aking katawan. Napalunok ako at halos mapangiwi nang may ma-realize na tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Sunod-sunod na paghinga ang ginawa ko dahil hirap pa rin akong makasagap ng hangin. Anong nangyari?

Sinubukan ko muling dumilat at unti-unting tumambad sa akin ang may kadilimang silid. Ang tanging nagbibigay na liwanag sa silid ay ang ilaw na nagmumula sa lamp na naka-dim. Pumikit ako at dumilat muli. Pinakiramdaman ko ang aking sarili at halos mapadaing ako nang umatake ang sakit mula sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Nanlalata ako. Nauuhaw rin ako. Ang dami kong nararamdaman at hindi ko alam kung ano ang dapat kong pagtuunan ng pansin.

Hindi ko magalaw ang aking mga kamay at na-realize kong naka-cast ang isa kong braso. Ang isa naman ay may dextrose at . . .

Umawang ang bibig ko nang makita ang natutulog na mukha ni Cy. Nakayupyop siya gilid ng aking kama at nakaupo sa stool. Nakahawak ang dalawang daliri niya sa kamay ko. May benda pa siya sa ulo at may bakas ng pasa sa kanyang mukha na pawala na.

Saka ko lang naalala na naaksidente kaming dalawa.

Yung bawat putok ng bala, sigaw ko, ang takot na mukha ni Cy, lahat iyon ay naalala ko.

Sinipat ko ang aking sarili. May benda rin ang aking ulo tulad ni Cy. Naka-cast ang isang kamay, may mga pasang natamo, Nakita ko ang napakalaking pasa sa aking braso. Saan ko nakuha ang mga ito?

Hindi ako makagalaw. Wala akong sapat na lakas para iangat ang anumang parte ng katawan ko. Para akong nabugbog. Mula ulo hanggang paa ay nakakaramdam ako ng sakit. Yung braso kong naka-cast ay kumikirot. Napatingin ako kay Cy na natutulog. Lumipat ang tingin ko sa sofa na malapit sa may pintuan, nando'n si Mommy at nakapikit rin.

Kumunot ang aking noo at parang lalong sumakit ang ulo ko sa nakita. Bahagya kong ginalaw ang aking kamay at hinawakan ang kamay ni Cy. Wala akong lakas para pisilin 'yon kaya naman pinatong ko na lang.

We're alive. Wounded but still breathing. We survived. Nakaramdam ako ng relief. Ilang oras kaya akong nakatulog? Pumikit ako sandali at napadaing dahil hindi humuhupa yung sakit na nararamdaman ko. Mas lalo lang tumitindi.

But I should be thankful about it. Pain means I'm still living. I woke up after hearing many voices in my dreams. Or was it real?

Gustuhin ko mang mag-isip ay ninanakaw ng pisikal na sakit ang buong atensyon ko. Idagdag pa ang tuyong lalamunan ko. Nauuhaw ako. Sinubukan kong lumunok pero maski iyon ay masakit para sa akin.

"Anne?" Bahagya akong napadilat nang marinig ang boses ni Cy. Sa wakas ay nasilayan kong muli ng buo ang kanyang mukha. Pinagmasdan ko siya sa loob ng maikling sandali. Why do I still find him good looking even when he has a cut on the side of his lips? Even he has a plaster on his left check? And even when his eyes are swollen and bloodshot? Sinubukan kong ngumiti ngunit agad ring napawi nang umatake muli ang sakit. Napangiwi ako at rinig ko ang pabulong na pagmumura ni Cy.

"I-I'm gonna call the doctors."

Marahan akong umiling kahit nagpapanik na siya. Ayoko muna. Gusto ko pa siyang makausap. Gusto ko muna siyang pagmasdan ng mas matagal. Gusto ko pang itanong sa kanya kung ano na ang nangyari nung nawalan ako ng malay. I can still manage. The pain is bearable. . . I think so.

"C-cy, w-what happened?"

Ngunit mukhang hindi nagpaawat si Cy. The next thing I witness, nasa harap ko na ang mga doktor. Ang iba ay pamilyar sa akin ang mukha ngunit hindi ko sila pinagtuunan ng pansin. Nakatingin lamang ako kay Cy habang nag-uusap ang mga doktor. Puno ng pag-aalala ang mukha niya. Napansin kong naka-patient cloth rin siya tulad ko.

"How are you feeling, Miss Anne?" Marahang tanong ng doktor.

Lumunok ako. "Thirsty."

Ngunit nakalimutan ko ang uhaw ko nang biglang akong makaramdam ng hapdi sa braso ko. Nakita ko ang isang nurse na tinuturukan ako ng pain killer pagtapos no'n ay nakaramdam ako ng antok.

"I don't want. . .to sleep." Nakatingin ako kay Cy. Nakahawak siya sa aking kamay at marahang pinisil 'yon.

"The patient must rest. She's recovering."

Nakita kong bumaling ang doktor kay Cy at nagising na rin si Mommy na tila nagpanik pa nang makitang bahagya akong nakadilat. Pero hindi ko man lang nagawang tawagin siya dahil hinila na naman ako ng antok.

Nagising lang ako ulit nang maramdamang may tumatamang liwanag sa aking mukha. Dumilat ako at bahagya pang nasilaw sa sinag ng araw mula sa bintana. Napabaling ako at nakita ang walang ekspresyong mukha ni Daddy. Nakatunghay siya sa akin.

"Dad. . ."

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam na para akong maiiyak. He's here. That only meant one thing, he knew what happened.

Wala akong masabi. Nakatunghay lang siya sa akin at wala akong mabasang emosyon sa kanyang mukha. Is he mad? Did he worry a lot? I wanna know but I'm too afraid to ask.

Nagbuntong hininga siya at umusog palapit. "How are you feeling? May masakit ka bang nararamdaman?"

Hindi agad ako nakasagot. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Bahagya na lang ang sakit hindi tulad ng kagabi. Medyo namamanhid ang aking brasong naka-cast. Nanatili ang titig ko sa mukha ni Dad. What is he thinking? I wanna know if he's angry or not.

Bumukas ang pinto at pumasok si Mommy na may dalang basket na puro prutas ang laman. Natigilan siya nang makitang nakadilat ko.

"Oh, thank God you're awake." Usal niya.

Bahagya akong ngumiti. Umupo si Mommy sa tabi ni Dad at hinawakan ang kamay kong hindi naka-cast. Marahan niyang hinaplos 'yon. Nakatitig siya sa akin ng may ngiti sa labi ngunit may luhang umaambang bumagsak sa kanyang mga mata.

At naramadaman ko na rin ang pagtulo ng luha ko. Pumikit ako sandali at pilit na nagsalita kahit nanunuyo ang lalamunan.

"Sorry, My. . .Dy. . ."

Kung nandito sila ngayon, may alam na sila. Maaaring alam na nila ang sanhi ng aksidente, alam na nila kung ano ang totoong nangyari, alam na nila kung sino ang kasama ako. . .

Binayo ng pangamba at guilt ang aking dibdib. Dumilat akong muli at naabutan ko si Mommy na nagpupunas ng kanyang luha at si Daddy ay nakapikit, nakatiim ang bagang at nakakuyom ang kamao na nakapatong sa aking kama.

"Sorry. . ." Pag-uulit ko. Hindi ko na huhuluan pa. Nakikinita ko na rin kasi ang kanilang reaksyon.

Alam na nga nila. . .

At hindi ako handa para sa komprontasyon. Naisip ko si Cy. Agad na nagbara ang lalamunan ko. Siya ang naabutan ko rito kagabi. Umasa ako na siya rin ang mamumulatan ko pero iba pala ang dapat kong unahin. Gustuhin ko mang kay Cy mismo itanong ang kabuuan ng pangyayari ay mukhang malabo. Gustuhin ko mang malaman ang lagay niya at kamustahin ang pakiramdam niya ay mukhang hindi ko rin magagawa sa ngayon. Ang dapat kong harapin ay ang mga magulang ko. Si Mommy na umiiyak ngayon at nakakapagpahabag sa akin, at si Daddy na kanina'y walang emosyon ang mukha pero ngayo'y nagpipigil ng galit.

"We were so worried , Annielle. I fainted when I heard we recieved a call, informing us that you were involve in a car accident." Kwento ni Mommy. "We almost lost you. You were unconcious for eleven days. You gave us a scare."

Halos manlaki ang mata ko. Eleven days? Labing-isang araw akong tulog kahit pakiramdam ko ay wala pang isang araw ang lumipas matapos ang aksidenteng 'yon. Oh, God! Gano'n katagal.

"Nagugutom ka ba? Magpapadeliver akong ng soup. No heavy meals for now. Tatawagin ko pa ang doktor. Wait-"

"My, I want to talk with you first." Nanghihina pa ako pero gusto ko talaga silang makausap. Kaya ko namang magtiis. Ang hindi ko kayang patagalin ay ang pag-uusap na 'to.

Tumingin si Mommy kay Daddy na hindi umiimik. Nakatingin si Dad sa kawalan ngunit halos marinig ko ang pagtatagis ng kanyang bagang. Napapikit ako. Galit si Dad. Paano ko sisimulan 'to? Paano ko pakikitunguhan ang galit na nakikita ko sa kanyang mata?

Where's Cyfer? Parang bigla akong kinabahan. Gusto ko sana itanong sa kanila pero natatakot at akong baka magsindi lamang iyon ng panibagong apoy at mas sumiklap ang galit ni Dad.

Tumikhim si Mommy at nag-iwas ng tingin. Nagulat naman ako sa biglang pagtayo ni Dad. Tumalikod siya at tinungo ang pinto. Pero bago pa niya mabuksan 'yon ay umawang na iyon at may pumasok.

Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong si Cyfer 'yon.

"Cy. . ." Pabulong kong tawag sa kanyang pangalan.

>>next update

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
4.3M 64.3K 34
Sequel of Invisible Girl (Jared's side story) This time, siya naman ang bibida! All rights reserved 2013 alexisse_rose© Highest rank achieved: #5 in...
4.8K 486 15
My name is Simon. I am living in a life that probably everyone will say a sinful. But come on, who will judge me? You? Pathetic. I don't believe in H...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

101K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]