Pare, Mahal mo raw ako (BoyxB...

By iamdaDarkHorse

308K 7.5K 1.6K

In just accidental kiss. Everything will change. Himself, his friends and his world. Can he fix everything or... More

Pare, Mahal mo raw ako
Chapter 1: Your Kiss
Chapter 2: His Drunk
Chapter 3: Unfold Truth
Chapter 4: Giving Up
Chapter 5: He's leaving, she's coming.
Chapter 6: I love you, Goodbye
Chapter 7: Friendship ends, new changes (Part I)
Chapter 7: Friendship ends, new changes (Part II)
Chapter 8: Gone for good.
Chapter 9: One curse, one kiss
Chapter 10: Throwback
Chapter 10: Throwback (part II)
Chapter 11: 19:00
Chapter 12: #LGBT
Chapter 13: It's okay not to be okay
Chapter 15: Babe Ko <3
Chapter 16: Calling card
Chapter 17: Sam
Chapter 18: Fate's Game
Chapter 19: Dada
Chapter 20: They meet again
Chapter 21: We never ever getting back together
Chapter 22: Double Trouble
Chapter 23: Back hug
Chapter 24: The Confession
Chapter 25 : Moving on
Chapter 26: Phone Call
Chapter 27: Haunted by Past
Chapter 28: Magbalik
Chapter 29: Missing you
Chapter 30: Never Underestimate
Chapter 31: Decisions
Chapter 32: Okay, I'm confused
Chapter 33: I did it Again
Chapter 34: One Last Time

Chapter 14: So near yet so far

6.4K 182 16
By iamdaDarkHorse

Chapter 14: So near yet so far

 

(Naomi’s POV)

It’s been days since he break down and cried. I’m happy he’s leaning on my shoulder to cry but I’m sad at the same time. I saw him broken, to the point he waited under the rain. I ask tita Yngrid, why he’s broken. It’s all because of his bestfriend who left him. Sobrang swerte niya na he has Jayden pero sinayang niya. Hindi ko na inalam ang details ng nangyari. Siguro its destined para ako ang mag-alaga sa kanya, kapalit ng bestfriend niya.

Nandito ako sa bleachers ng court sa school nila Jayden, by next week, dito na rin ako mag-aaral. Sinamahan ko si Jayden para magpractice para sa regionals ng basketball team. Puspusan na ang training nila, sabi kasi ng coach nila, they need to be in finals kaya kailangan daw ng mas mahabang practice.

As a fiancé niya, all support ako. I’ve been his personal assistant, I give him drinks kapag water break niya, pinupunasan ko siya ng pawis which I love to do. Natutuwa akong hindi siya tumatanggi sa ginagawa ko. Feeling ko, I’ll be his perfect wife. Pero up until now, hindi ko siya nakikitang ngumiti ng totoo. Puro pilit na ngiti lang iginaganti niya.  But I’ll do my best para ako ang dahilan ng pagngiti niya.

My phone rings at tinignan ang caller ID. It’s Manager, I immediately answered.

“Yes, manager?” tanong ko.

“We have a post-celebration for your upcoming big and fabulous photoshoot.” Sabi ni Manager sa kabilang line. Napa’O’ yung bibig sa sobrang amused. Natutuwa pa rin ako kapag nagkakaroon ako ng project. Tumayo ako at nagtatatalon.

Bigla akong nahiya dahil agaw atensyon pala ang ginawa ko. Huminto pa sila sa paglalaro at tumingin lang sa’kin. I smiled awkwardly at nagpeace sign. Umupo ulit ako sa bleacher at kinausap si manager.

“Really?” pabulong na sigaw ko sa phone.

“Yes, honey. Nagpareserved na ‘ko ng VIP room.” Natuwa ako dahil alam ko na kung saan gaganapin yung celebration, sa bar. Alam niya kasi na I love bar hopping. Hindi dahil alcoholic ako, I love to dance.

“Cancel the reservation. Gusto ko near the dancefloor.” Sabi ko manager.

“Copy. May isasama ka ba?” tanong nito. Naisip kong isama si Jayden, sana pumayag siya.

“Yup. My fiancé.” Nakangiti kong sabi.

“WHAT!?” Nailayo ko yung phone sa tainga ko. He sound so shock. Ayaw niya kasing may lumalabas na gano’n. Baka masira daw ang career ko.

“I’ll tell you later. Where’s that bar?” pagche-change topic ko. Buti na lang may big project ako, kaya kalmado pa siya.

“I’ll text you the address.”

 

“Okay. Thanks manager.” Binaba ko na yung phone.

I’m so excited. This is my first time na magba-bar hopping sa Philippines. Mas magiging exciting kung makakasama ko si Jayden. I hope he can’t resist my charms para naman mapa-oo ko siya despite of everyday practice nila sa basketball.

Natapos na ang practice nila. Lumapit siya sa’kin at binigyan ko siya ng towel.

“Salamat.” Sabi niya pagkabigay ko ng towel.

“Umm. Pwede bang humingi ng favor?”

 

“Ano ‘yon?” sabi niya sabay inom ng energy drink.

“Mamaya na lang. Magshower ka muna.” Nakangiti kong sabi.

Dumiretso na siya ng shower room nang lumapit sa’kin yung ibang players ng basketball. May dala dala silang ballpen at papel. Nagtutulakan pa sila.

“Ikaw yung sikat na model sa New York diba?” tanong ng isa sa players, matangkad siya, Moreno at may pagsingkit ang mata.

“Hindi naman.” sabi ko. Nahihiya kasi ako kapag may nagsasabing sikat.

“Ikaw nga, tapos pinakilala ka pa sa’min ni Jayden na fiancé ka raw niya. Totoo ba yun?” tanong niya ulit. Ngumiti ako sa tanong niya. Nakakatuwang isipin yung nangyari kanina na pakilala niya sa’kin ay fiancé.

“Oo, fiancé niya ‘ko.” Sagot ko sa kanya.

“Swerte yung mokong na ‘yon ah. Paano ka niya nagayuma?” seryoso nitong sabi. Natawa tuloy ako bigla. Ang seryoso kasi tapos paano daw ako nagayuma. “Tama na yan, nai-inlove na ko e.” nakita ko siyang namula at napahawak sa batok.

“Dre, di bagay.” Sabi ng kasama niya. “Ako nga pala si Pete.” Sabay lahad ng kamay niya. Tinanggap ko naman ‘yon.

“Chansing ka dre. “ sabi nito kay Pete. “Ako nga pala si Ben.” Pakilala niya at nakipagshake hands rin ako. nagpakilala na rin yung iba pang players at nanghingi ng autograph ko. At nakwento sila tungkol sa mga kalokohan ni Jayden.

“Wala ba kayong balak magsiligo? Ambabaho niyo na.” nakabalik na pala si Jayden. Nakasuot na siya ng jeans at v-neck shirt.

“Ang KJ mo naman ‘tol. Parang kwentuhan lang naman. Pero paano mo naman nagayuma ang maladyosang babaeng ‘to?” sabi ni Ben kay Jayden.

“Maligo na kayo ‘ron at aalis na kami ni Naomi.” Seryosong sabi Jayden. “Let’s go.” Kinuha niya yung bag at hinintay akong maglakad. I wave goodbye to them. Nakakatuwa kasi silang kausap, they’re fun to be with.

Dumiretso kami sa parking lot at pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. He’s so gentleman but he has this cold treatment. I was kinda worried kasi daw hindi naman dati ganito si Jayden sabi ni tita Yngrid.

Nang makapasok na kami. I was hesitant na sabihin ang favor ko. Baka hindi siya pumayag, but take the risk.

“Jayden, about the favor.” Lumingon siya nang magsalita ko. “Can you go with me sa post celebration ng upcoming project ko?” i’m hoping na magyes siya.

“Sure. When is it?” tanong niya. Relieved ako na nagyes siya sa favor ko.

“Later, before 10 pm.”

 

“Okay, I’ll fetch you.” Sabi niya. Napangiti ako at pumayag siya.

* * * * * * * * *

Nagpaalam na ‘ko kila mom and dad at pinayagan nila ako dahil kasama ko raw si Jayden. Kumakain na kami ng dinner nang may nagdoor bell.

“Manang, please open the gate.” Sabi ni Mom.

“May bisita po kayo?” tanong ko kay mom.

“Yes, baby. You’ll be surprise who’s the visitor.” Parang nanunuksong sabi ni mom. Tinignan ko si dad na parang ‘sino yung visitor, dad?’ pero ngumiti lang ‘to.

Ilang sandali lang, si Jayden ang pumasok sa bahay. Bigla akong nahiya kasi, hindi pa ako naliligo at masyado pang maaga. 8pm palang para sunduin niya ako.

“Good evening Ms. & Mr. Madrigal.” Bati ni Jayden kay mom and dad.

“Cut the salutation. Hijo. Tito and Tita would be fine.” Sabi ni dad.

“Have a sit here, hijo.” Sabi ni mom kay Jayden. “Manang, get another plate for Jayden.”

 

Kumain na kami. Binilisan kong kumain para makaligo na, matagal pa naman ako sa bathroom. Nagkukwentuhan naman sila at ako, natahimik lang. minsa’y nakikisali sa usapan nila. nag-iisip kasi ako kung anong dapat suotin.

I excused myself after kong kumain at dumiretso sa room ko. Naghanap muna ako ng isusuot, after ten minutes of looking for clothes, halos nagkalat na ang room ko dahil wala akong maisip na isusuot. Naligo na lang muna ako at nag-isip kung ano bang mas okay na isuot.

Naalala ko yung suot ni Jayden na black leather jacket, at white shirt. For bottom, black slim jeans at pair of black leather shoes.

Pagkatapos kong maligo, kinuha ko yung sequenced jacket ko at white sando panloob. Ripped jeans for bottom and red stiletto. Sinuot ko at tumingin sa salamin. Napangiti ako dahil parang fair kami ni Jayden sa suot namin. I put light make up and kinuha ko yung purse ko and ready to go na ‘ko.

Pagbaba ko, nakita ko silang umiinom ng tea sa sala. Unang nakapansin sa’kin si mom na abot tainga ang ngiti.

“Baby, you look a hot chic. Bagay na bagay kayo ni Jayden. Look, dad. She’s beautiful.” Komento ni mom. Napatingin rin si dad at ngumiti ito. Tumayo si Jayden at lumapit sa’kin.

“Let’s go?” tanong ni Jayden. Ngumiti lang ako at inalalayan niya ako papalabas. Nagpaalam na rin kami kila dad.

“Call me if you’re home, okay?” sabi ni mom.

“Okay, mom.”

 

Sinabi ko kay Jayden yung address ng bar. Passed 10 na nang maipit kami sa traffic. May slight accident lang na nangyari kaya traffic pa. Tumawag naman si Manager Becky.

“Saan na kayo?” tanong ni manager.

“On the way na. Natraffic lang kami, in a minute, nand’yan na kami. See yah!” sabi ko at in-end ang call. Binalik ko ang phone sa purse ko.

“Matatagalan pa ba?” tanong ko kay Jayden.

“No. tinow-tow na nila yung car. Malapit na rin naman tayo.” Sabi nito.

After 15 minutes, nakarating na rin kami. Agad kaming pinapasok dahil nasa list yung name ko. Bigla akong na excite dahil sa tugtog sa loob ng bar. Medyo napapasayaw ako dahil sa beat ng music. Agad kong nakita si Manager Becky, dahil sa pink niyang suit. Lumapit kami at nakipagbeso beso.

“Congrats Naomi! Unang project mo ‘to sa Philippines at big project ‘to. Good luck sa’yo.” Sabi ni Loreen. Una kong naging friend. Parehas kasi kaming hinahandle ni Manager Becky. Bumati rin ang iba pa, mga models din sila.

“Before that, I want you to meet Jayden Alcantara, my fiancé.” Tinignan nila si Jayden at napa’O’ yung bibig nila. Napangiti ako sa reaksyon nila.

“Ang gwapo naman pala ng fiancé mo, pwede siyang magmodel.” Suhestiyon ni manager.

“Manager Becky. Hindi niya kasi field ang modeling. Mas gusto niya ang basketball.” Tinignan ko si Jayden at kumurba ang labi niya, pagsang ayon sa sinabi ko.

“Ganun ba, okay. Umupo na kayo at oorder na ‘ko kay Baldemore.” Sabi ni manager. Nakita ko ang pagngisi ni manager na parang may binabalak.

“Sino si Baldemore?” tanong ko kat manager.

“Yung gwapong waiter dito sa bar plus ideal maging model. Dahil daw puputok na ang shirt sa biceps. Target ata ni manager na maging model ito.” Si Loreen ang sumagot.

Nagtaas naman ng kamay si manager para tawagin ang waiter na ‘yon. May lumapit na lalaki at ito ata yung tinutukoy ni manager. Matangkad, Moreno, at may foreign blood. Magaling ngang pumili si manager, bagay nga siyang maging model.

“Hello again, what’s your order?” nakangiting tanong niya.

“Two bottles of white wine.” Sabi ni manager.

“What kind of white wine?” tanong ni waiter.

“Your choice. And 2 potato fries, 2 buttered buffalo wings and 2 calamari.” Order ni manager.

“Okay, 2 bottles of white wine, 2 potato fries, 2 buttered buffalo wings and 2 calamari.” Pag-uulit niya ng orders. “10 minutes and ready to serve.” Sabi niya at in-excuse ang sarili.

Tumayo sila Loreen, magpa-party muna daw sila sa dance floor. Tumayo rin si Jayden kaya na nagtaka ako.

“Are you joining them?” tanong ko.

“No, I’m going to use the rest room.” Sabi niya then umalis na siya sa table namin. Tinakpan ko ang mukha ko, feeling ko nagiging red na mukha ko.

“Ba’t parang ang cold ng fiancée mo?” tanong ni manager. Napansin niya rin pala. I was about to answer manager’s question, dumating si Baldemore the waiter together with a drunk man.

“I’m sorry to interrupt you, I just want to say, I can’t serve you your orders. This man, my friend needs my assistance. Nagpaalam na rin po ako sa boss ko, pero may naka-assign na magseserve ng orders niyo. I’m sorry. We need to go.” Sabi niya habang akay akay yung friend niya. He looks very much drunk.

Papaalis na sila nang tawagin ni manager si Baldemore. “Wait, what’s his name?” napaface palm na lang ako. may radar talaga si manager pag dating sa gwapo.

“He’s name is Darren. We really need to go.” Yumuko pa ito bilang tanda ng paghingi ng paumanhin.

After a minute, dumating na rin si Jayden.

“Shoot!” nasapo ni manager yung noo niya. “I forgot to get his number para isama sa photoshoot mo next week. Perfect sila and Darren, he looks exhausted pero ang gwapo pa rin.” Sabi ni manager. Napatingin ako kay Jayden, I saw agony in his eyes.

“Jayden.” Tawag ko sa kanya. Kinalabit ko siya, “Jayden.” Medyo nagulat siya sa ginawa ko.

“Are you okay?” nag-aalala kong tanong.

“Yeah. May naisip lang ako.” sabi nito. “Who’s Darren, do you know his full name?” curious na tanong ni Jayden. Medyo nagtaka ako sa kinikilos niya. I don’t what his into, kung may nangyari ba nung nagCR siya but he look curious.

“Ahh. Kasama siya nung waiter na nagseserve kanina. Nagpaalam lang na hindi na siya magseserve dahil may emergency. Why, do you know named Darren?” tinignan ko siya.

 

“Nevermind. Imposibleng may kakilala ako rito.” Sabi niya habang nakatingin sa entrance/exit ng bar.

Anong bang meron bakit nabother si Jayden o it’s just me. Masyado lang akong nagco-conclude ng bagay bagay. It’s my night, so I’ll have fun.

* * * * * * * * * * * * * *

A/N: Hope you enjoy this Chapter. Next Chapter? AS SOON AS POSSIBLE.

LEAVE VOTES AND COMMENTS. THANKSSSSSSSSSSSS :*

 

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...