POSING in front of the mirror. That was Gabbe’s doing right now. Pakiramdam niya kasi, kahit papaano ay matutupad ang pangarap niyang maging isang modelo kung sakaling magpapa-cute siya nang magpapa-cute sa harap ng salamin. Pero alam niyang hanggang isa sa mga pangarap na lang niya ang pagiging modelo. Kahit kasi unimom pa siya ng sandamakmak na cherifer—pambata man o pangmatanda, wala na rin siyang pag-asang tumangkad.
Alam niyang kahit anong gawin niya, hindi na siya tatangkad katulad ng sikat at iba’t ibang sikat na modelo sa mundo. Twenty five years old na kasi siya at nanatili pa rin ang height niya sa 5 feet. At sabi nga sa mundo ng science, wala ng pag-asa pang tumangkad ang mga nasa ganoong edad. Kaya naman kahit masakit, tatanggapin na lang niya iyon. Wala na rin naman kasi siyang magagawa kahit magulong-gulong pa siya sa harap ng altar ng Diyos dahil wala na siyang pag-asang dumagdag pa ang numero ng height niya.
Kinuha na lamang niya ang digital camera niya na nabili niya noong isang buwan at nag-picture sa sarili habang nasa harap ng salamin. Vain na kung vain ngunit nakasanayan niya ng gawin ang bagay na iyon. Mahilig siyang mag-pose at mag-picture sa harap ng salamin. Halos lahat yata ng solo album niya sa facebook account niya ay nasa ganoong katayuan.
Sa edad niya, alam niyang may pagka-weird na ang ganoon. Pero alam niyang hindi naman bagay sa kanya ang edad niya. Mukha kasi siyang disiotso anyos lamang dahil sa height niya. Baby face din siya at binigyan nang maamong mukha. Maikli lamang din ang buhok niya na palagi niyang iniipit sa magkabilang tainga.
Ang built din ng katawan niya ay pangbata. Kung tulog siya nang nagbiyaya ang Diyos ng katangkaran, nakapayong naman siya nang magpa-ulan ito nang laki ng dibdib at likuran. Hindi ganoon kalaki ang boobs niya at pati na rin ang puwet niya. May pagkapatpatin din siya ngunit marami naman ang nagsasabing kahit ganoon, may korte naman ang katawan niya kahit papaano.
Nang ma-satisfied siya sa kakakuha ng larawan sa sarili ay umupo siya muli sa harap ng kanyang computer. Bored na bored siya kaya naman naisipan na lamang niyang mag-picture sa sarili kanina. Wala rin siyang malikha sa isip kaya naman nais niya sanang mag-unwind.
Tumingin siya sa monitor ng computer ngunit kahit anong gawin niya ay wala pa rin na ideyang pumapasok sa isip niya. Gusto na niyang mapamura. Mag-iisang buwan na siyang walang tipa! Mag-iisang buwan na siyang walang nagagawang trabaho!
And yes, inis na inis na siya sa sarili niya. Sa tatlong taong pagiging isang romance novel writer, ito na ang pinakamatagal na panahon na nagkaroon siya ng sakit ng mga writers—ang writer’s block. Kung nagkakaroon man siya noon, tumatagal lamang iyon ng dalawang araw o hindi kaya ay nasa isang linggo. Pero ngayon, ay mag-iisang buwan na!
Bakit ba kasi wala siyang inspirasyon ngayon? Wala tuloy siyang ideya sa isusulat niya. Mahigit isang oras ng bukas ang MS word niya ngunit wala pa rin siyang naita-type kahit isa man lang letra.
Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa rin ni isang ideya ang pumasok sa isip niya. Nang mapagtanto niyang wala na talaga siyang pag-asang makapagsulat ngayon, umayaw na siya. Pinatay na niya ang computer dahil magsasayang lamang siya ng kuryente sa pakikipagtitigan niya sa monitor ng computer niya.
Humiga siya sa kama at hinawakan ang ulo. Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Ilang araw na siyang ganoon. Ayaw gumana ng utak niya. Kailangan niya ng inspirasyon para magkaroon ng ideya.
Kinuha niya ang cellphone at tinangkang i-dial ang numero ng boyfriend niyang si Kris. Nais niyang makausap ito at baka makatulong ito sa problema niya. Ngunit sa huli ay nagbago rin ang isip niya. Baka kasi kasalukuyan ay nasa isa itong board meeting at maistorbo pa niya ito.
Kasalukuyang nasa Singapore ang one-year-boyfriend niyang si Kris Castrences. Nasa isa itong business trip sa bansang iyon. Dalawang buwan daw itong mawawala sa bansa. Alam niyang sobrang mangungulila ito sa kanya at gayon din naman siya dito. Mahal niya ang boyfriend niya kahit ba may pagka-workaholic ito at palaging busy sa trabaho. Ayos lang iyon sa kanya dahil alam niyang ginagawa nito iyon dahil sa future nilang dalawa.
Masaya na siya sa isang araw kung tatawagan siya nito sa cellphone. Marinig lamang niya ang boses nito ay panatag na siya. Isa pa, tiwala din siya sa boyfriend niya. Wala itong record ng pagka-playboy hindi katulad ng kapatid nitong si Prince na siya namang best friend niya.
College buddy sila ni Prince. Pareho silang kumuha ng kursong AB Communication sa isang sikat na university sa Maynila. Palagi silang magkaasaran. Ito kasi ang numero unong mapang-asar sa klase nila. Matangkad ito samantalang maliit siya kaya naman siya ang palaging pinagdidiskitahan nito. Ngunit dahil sa mga pang-aasar nito sa kanya, nabuo ang pagkakaibigan nila. Hindi niya ba alam kung bakit pero isang araw ay nagising na lang siyang tinuturing na niyang matalik na kaibigan si Prince.
Sa kabila ng mga pang-aasar nito sa kanya, hindi iyon naging hadlang sa pagiging magkaibigan nila. Iyon pa nga ang nag-add ng “spice” sa friendship nila. Kung wala kasing mga asaran ay magiging boring lang ang pagkakaibigan. Tanggap na rin niya na parte ng pagkakaibigan ang mga asaran.
Nanatiling matatag pa rin ang friendship nila ni Prince sa nagdaang taon. Marami siyang itinuturing na matalik na kaibigan ngunit para sa kanya, si Prince ang pinaka-favorite niya. Bukod kasi sa palagi itong nandiyan sa parati sa tabi niya ay naging crush niya din ito.
At iyon lamang ang sikreto niyang pinakatago-tago dito. Hindi niya kailanman ninais na sabihin kay Prince ang naging damdamin niyang iyon. Kahit ang ibang kaibigan at pamilya niya ay walang alam tungkol doon. She just kept it to herself. Ayaw niya kasing malaman nito na crush niya ito dahil baka iyon lamang ang makapagpanira ng pagkakaibigan nila.
Hindi din siya umaasa na magkakagusto din ang isang katulad nito sa isang kagaya niya. Sino lang naman ba siya? Sa daming babaeng nagtatangkaran at nagagandahang babaeng humahabol dito, mistula lamang siyang langgam sa liit. Walang-wala siya sa mga babaeng madalas iparada ni Prince.
He was an international model while she was just a girl who earns money because of writing. Alam niyang hindi nito mapapansin ang pagtingin niya dito noon. Sikat na sikat ito sa larangan ng pagmomodelo. College pa lang ito ay kung anu-anong sikat na modeling competitions na ang sinasalihan nito. At masaya siya para dito. Masaya na rin siyang kahit simpleng babae lamang siya ay nabigyan siya nito ng pansin kahit pagkakaibigan lamang.
Isa pa ay saksakan din ito ng playboy. Wala yatang araw na hindi niya ito nakikita na walang kakabit na babae sa tabi nito. He’s a charmer, too. Lahat yata ng babaeng ngingitian nito ay napapa-ibig nito. Wala rin siyang babaeng alam na nakaka-resist ng charm nito. Kung mayroon man, pang-guiness world of records na siguro ang kamanhidan ng babaeng iyon.
Sabagay, hindi rin naman niya ito masisi kung palagi itong habulin ng babae. He’s just too beautiful to look at. He had dark eyes, cute nose and sexy lips. Kapag nanonood siya minsan ng mga pagrampa nito ay nakikita din niya ang magandang hubog ng katawan nito. Parang nililok ng napakagaling na iskulptor ang katawan nito. His abs makes all the girls go gaga with. Mabait din ito, malambing, pala-kuwento at pala-tawa. Kaibang-kaiba nito ang kapatid sa ugali. If Prince is the prince of joy and smiles, his brother is the king of stiffness and coldness.
Pero okay lang sa kanya iyon. Tanggap niya si Kris kahit ganoon ito. Panganay ito at madalas sa mga katulad nito ay palaging seryoso. Nakaatang ang mga responsibilidad dito. Si Prince naman ay ang bunso kaya naman pa-happy-happy lamang ang buhay nito hindi katulad ng kapatid nito.
Nakilala niya si Kris sa tulong na rin ni Prince. Noong una ay hindi siya na-attract sa gandang lalaki nito hindi katulad nang una niyang makita si Prince noon. For her, Kris is just another guy. Matagal na silang magkaibigan ni Prince nang una niyang makita si Kris. Nakabase kasi ang negosyong hinahawakan nito noon sa ibang bansa kaya matagal bago niya ito nakita sa personal. Katulad ni Prince ay magandang lalaki din ito. Iyon nga lamang, version ito ni Prince na hindi palangiti at hindi palaging nagbibigay ng emosyon sa mukha.
Pero nag-iba ang tingin niya dito nang ito ang unang nagpakita ng interes sa kanya. Nagpunta ito mismo sa bahay nila upang dalawin siya. Nagulat siya sa ginawa nito dahil hindi naman sila close nito. Natawagan pa nga niya noon si Prince dahil sa biglaang pagpunta nito sa bahay nila. Napasugod din doon ang binata dahil sa ginawa ng kuya nito. At doon inamin ni Kris na kaya ito nagpunta sa bahay nila upang sabihin sa kanya na gusto siya nito. Tinanong din siya nito kung puwede itong manligaw sa kanya.
Na-shock siya noon sa ginawa nito. Who would have thought that a man like him would like her? Pati nga si Prince ay hindi makapaniwala sa sinabi ng kapatid nito. Tawa pa ito nang tawa sa sinabi sa kanya ng kapatid nito. Pero pinatunayan ni Kris na talagang seryoso ito sa kanya. Araw-araw itong nagpupunta sa bahay nila. Madalas ay may dala itong bulaklak at kung anu-ano pang bagay para ipakita nitong talagang seryoso itong ligawan siya.
At nagising na lang siya isang araw na tinugon na pala niya ang pagsinta nito. Naging magkasintahan sila ni Kris at ngayon nga ay naka-isang taon na sila bilang magnobyo. Maganda naman ang tinatakbo ng relasyon nilang dalawa dahil faithful sa kanya si Kris. Ni wala man lang siyang nababalitaan na babaeng napalapit man lang dito. Masaya siya doon dahil alam niyang pinapahalagahan ni Kris ang relasyon nila. Ang tangi nga lamang niyang kinaiinisan dito ay ang madalas na boredom na nararamdaman niya kapag kasama ito.
May pagka-boring kasing kausap si Kris. Bihira siyang matawa kapag kasama ito. Palagi kasi itong seryoso hindi kagaya ng kapatid nitong si Prince na wala ng ginawa kundi aliwin siya kapag kasama ito.
Ngunit sa kabila noon, nanatili pa rin na mahal niya si Kris. Mabait ito, may ambisyon at faithful kaya naman sino siya para ipagpalit ito sa iba? Ito ang lalaking gugustuhin ng karamihan sa mga babae.
Ibinaba niya ang cellphone niya. Wala na siyang magawa. Ayaw naman niyang matulog dahil wala pang apat na oras ang nakakaraan simula nang magising siya.
Tumingin siya sa kisame na para bang sa pagtingin niya doon ay magkakaroon siya ng ideya sa pagsusulat. Ang kailangan niya ngayon talaga ay ang mag-unwind. Kailangan niyang umalis ng bahay para makapulot siya ng ideya.
Ngunit problema naman niya iyon dahil hindi niya trip umalis mag-isa. Nakakapang-emo naman kasi kung sakaling gagala lamang siya sa mall na mag-isa at mag-o-observe sa mga tao.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang biglang maalala si Prince. Ito pala ang taong maari niyang makasama ngayong araw. Sa pagkakakaalam niya ay wala itong photoshoot sa araw na iyon kaya puwede siguro siya nitong samahan kung saan man niya gustuhing pumunta.
Kinuha muli niya ang cellphone at tinawagan si Prince. Makaraan ang limang ring ay sumagot ito.
“Hello Gabbe! What’s up? Bakit ka napatawag? May problema ba?” wika nito nang masagot ang tawag niya.
“Wala naman. May ginagawa ka ba?”
“Ahmmm. Ito, nakikipaglandian lang sa mga bebot,” anito saka tumawa. “Gusto mong sumali?”
Agad naman ang pag-ingos niya nang marinig ang sinabi nito. “'Wag mo nga akong isali sa listahan mo ng mga cheap na babae!”
“Oy, hindi sila cheap 'no! Mga anak-mayaman kaya ang mga dine-date ko!” depensa naman nito.
“Kahit na! Mahilig silang makipaglandian sa mga kagaya mong playboy kaya cheap na din ang tingin ko sa kanila!”
Narinig niyang pumalatak ito sa kabilang linya. “Ikaw talaga. Ano ba talaga ang kailangan mo?”
“Maari mo ba akong samahan sa mall? Nabo-bored kasi ako dito sa bahay. Kailangan ko ng inspirasyon.”
“Titigan mo na lang ang picture ko, magkaka-inspirasyon ka na.”
“Asa!” malakas na wika niya. “Baka tubuan ako ng kulugo sa mata kapag nakipagtitigan ako sa larawan mo!”
Tumawa muli ito sa sinabi niya. “Sus! If I know, gusto mo lang talaga akong makita sa personal.”
“Eh kung ganoon nga, mapagbibigyan mo ba ako?”
Sandali muna itong natahimik bago muling nagsalita. “Hmmm… Pwede rin. Teka, tsu-chula muna ako dito sa babaeng katabi ko bago ako umalis.”
Kumunot ang noo niya sa sabi nito. “Ano’ng chula?”
“French kiss. Bakit? Gusto mo rin bang magpa-chula sa akin? Masarap akong mang-chula!” natatawang wika nito.
“Ew! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo! Isusumbong kita sa kuya mo, eh!”
“Of course that’s only a joke. Mapalo pa ako ng sintron 'nun sa puwet, 'no!”
“Ay buti alam mo. At hindi lang siya ang gagawa 'nun sa 'yo. I will also pinch your face until it gets tomato red!”
“Ay, ayaw ko niyan. Masakit kang mangurot kaya never ko talagang gagawin 'yan sa 'yo. Siguro in another lifetime na lang. Kapag tumangkad ka na at lumaki na ang dibdib mo!”
“Loko ka talaga!” natatawa na lamang niyang wika dahil sa sinabi nito. “Papatayin ko na itong cellphone ko. Basta dalian mo ang pagpunta, ha? Magbibihis lang ako tapos gorana tayo.”
“Okay!” wika nito saka pinatay ang cellphone. Inilapag niya ang cellphone sa ibabaw ng kama at namili ng damit na susuotin para sa lakad ngayon kasama si Prince.
“HEY babe, I need to go.” Wika ni Prince sa kasamang babae sa mesa. Mataas pa ang araw ngunit naroroon na siya sa isang 24-hour bar at may kasamang babae. Hindi na bago sa kanya iyon. Matagal na siyang sanay at ang mga tao sa paligid niya na ganoon palagi ang eksena niya. Wala yatang araw na walang kumakapit sa kanyang babae.
Being a 26 year-old hot model, talagang nagkukumahog ang babaeng mapalapit sa kanya. With just one smile of his, every woman who will saw it will surely knock off their feet. Ganoon kalakas ang karisma niya. At sanay na siya. Simula pagkabata yata ay palaging nasa kanya na ang atensyon ng mga babae dahil sa gandang lalaki niya. Masaya naman siya doon.
Girls always swoon over him. At siya naman ay isa lamang lalaki para hindi pumatol sa mga ito. Hindi siya santo para matanggihan ang tukso. Palagi naman kasing ang mga ito ang unang lumalapit sa kanya kaya kahit anong depensa ang gawin niya, wala pa ring laban iyon. Lalaki lamang siya at tanga na lamang ang lalaking hindi sasama sa mga babaeng nagagandahan katulad na lamang ng mga madalas lumapit sa kanya.
And this woman that he is with today is just one of them. It was Teresa, an ex-fling. Tinawagan siya nito dahil kailangan daw nito ng kaibigan na makakausap dahil iniwan daw ito ng boyfriend nito. Tumalima naman siya nang tawagan siya nito dahil umiiyak ito nang makausap niya. At ang ayaw na ayaw niya sa mga babae ay ang mga umiiyak. Even if he was branded a playboy, he respected girls. Ayaw niyang umiiyak at nasasaktan ang mga ito.
Pero sa durasyon ng pag-uusap nila ni Teresa kanina, mukhang hindi naman ito broken-hearted. In fact, niyaya pa nga siya nitong makipaglaro dito. Papatol na nga sana siya sa larong nais nito kung hindi lang siya tinawagan ng best friend niyang si Gabbe.
Kahit ano pa ang ginagawa niya, basta’t tumawag si Gabbe sa kanya ay iiwan niya. Ganoon niya kamahal ang best friend niya. Kahit nakakainsulto para sa kanya ang relasyon nila bilang matalik na kaibigan, tinatanggap niya. Iyon lang naman ang maaring mag-ugnay sa kanila ni Gabbe. Pagkakaibigan.
Simple lang si Gabbe pero nakuha nito ang loob niya. Hindi pa umaabot ang bumbunan nito sa balikat niya dahil sa liit nito. Hindi rin malaki ang hinaharap at likod na bahagi ng katawan nito. Pero kahit ganoon, iba ang tingin niya dito. Unang tingin pa lamang niya dito, pakiramdam niya ay nahanap na niya ang babaeng kukompleto sa buhay niya.
Matagal na niyang gusto si Gabbe. In fact, higit pa nga sa pagkagusto ang nararamdaman niya dito. Palagi siya ditong nagpapansin noong magkaklase pa sila. At ginagawa niya iyon hindi dahil para lang makipagkaibigan dito kundi dahil nais niyang makuha ang atensyon nito. Luckily, hindi naman pikon si Gabbe kaya hindi ito naasar sa mga pinagagawa niya. Ang mga pang-aasar pa nga niya dito ang naging daan upang maging magkaibigan sila.
Noong una ay naiinis pa siya dahil napakamanhid nito para hindi malamang may gusto siya dito. Hindi ba nito nakikita na ito lamang ang taong pinakikisamahan niya nang ganoon? Hindi ba nito nararamdaman na dito lang siya nagpapakita ng ganoong klaseng atensyon? Pero sa huli ay naisip na lang niya na siguro ay tama lang ang maging magkaibigan sila. Natatakot din kasi siyang baka hindi naman siya magustuhan ni Gabbe. She’s a romantic type of girl. She’s like a princess who believes in fairytales. Samantalang siya, Prince nga ang pangalan niya, parang hindi naman siya prinsipe sa tunay na buhay.
Ang isang prinsipe ay hindi kagaya niya. Happy-go-lucky at babaero kasi siya. Ang mga tunay na prinsipe ay ang tulad ng kapatid niyang si Kris na ngayon naman ay nobyo ni Gabbe. Mabait, faithful, seryoso at may pangarap. Siya kasi, tanging ang pangarap lamang niya ay si Gabbe. Pero alam niyang malabo na iyon lalo na ngayong matagal na itong nobya ng kapatid niya.
Masakit para sa kanya nang malaman niyang ang sarili niya pang kapatid ang naging kaagaw niya kay Gabbe. Worse, siya pa ang naging daan para makilala nito ang dalaga. Sabagay, dapat nasasanay na siya na palaging natatalo ng kapatid niya. He was always a loser when it comes to his brother. Bata pa lamang ay ganoon na palagi ang trato sa kanya. Palagi na lamang ang kuya niya ang magaling, ang mabait. Samantalang siya, ni hindi man lang nakikitaan ng galing ng mga magulang niya. Ang tingin sa kanya ng mga ito ay pabaya.
Kaya naman kahit masakit, tinatanggap na lang niya na nakuha na naman ng kuya niya ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay niya. Sanay na siya. After all, siya din naman ang may kasalanan ng lahat. Kung sana noong una pa ay pinagtapat niya ang nararamdaman at gumawa ng efforts na suyuin si Gabbe, malamang ay sa kanya nito nasabi ang matamis nitong “oo.”.
Pero tapos na ang lahat. Wala na siyang pag-asa sa taong mahal niya. Masakit man pero pinipilit niyang tanggapin. May iba na itong mahal at hindi siya iyon.
Sa ngayon ay nasa stage siya ng pagmu-move-on. Alam niyang ang tagal-tagal na noon. Mahigit isang taon na pero hindi niya pa rin nagagawa. He tried dating more girls since Gabbe and his brother got together. Pero kahit anong gawin niya, hindi pa rin ito umaalis sa sistema niya. Kahit ilang babae pa ang i-date at makalaro niya sa kama, tanging si Gabbe pa rin ang hinahanap-hanap niya.
“B-but why? I thought you want to play with me?” wika ni Teresa sa sinabi niya. Malungkot na ang kaninang game na game na mukha nito.
“Ahmm… Something important came up.”
“More important than this?” binigyan siya nitong mapang-akit na tinig at ibinulong pa sa tainga ang gusto nitong mangyari sa kanila at kung anu-ano pang creative styles ang balak daw nitong gawin kung ipagpapatuloy nila ang kaninang plano.
Humugot siya nang malalim na hininga saka pilit na inalis ang kamay nitong ngayon ay nakakapit na sa braso niya. Kailangang hindi siya magpa-apekto sa mga ginagawa nito sa kanya. Kailangan siya ni Gabbe. Kailangan siya ng best friend niya at ng taong mahal niya. “It’s an emergency. 'Hope you understand.”
Lumabi ito sa kanya. “Talaga bang emergency 'yan?”
“Yes, Babe. Maybe next time, we can do it. Tatawagan na lang kita.”
Bigla namang nagliwanag ang mukha nito sa tuwa. “Talaga? 'Promise, Babe?”
Tumango siya saka nagpaalam na dito. Bago pa siya makaalis sa tabi nito ay hinalikan pa siya nito nang maalab sa labi. Iiling-iling tuloy siya nang makapunta sa parking lot upang i-drive ang kotse. Talagang desperada si Teresa na makuha siya ngayong araw na ito.
Pero pasensya na lamang ito, kinailangan siya ni Gabbe kaya kinailangan din niyang iwan ito. Hindi niya ipagpapalit ang araw na makakasama niya si Gabbe para lamang sa sex kahit gaano pa kaganda at kagaling si Teresa.
Huminga muna siya nang malalim bago pumasok sa loob ng kotse niya at pinatakbo iyon papunta sa bahay ng dalaga.