"Eh, Hihi. Ni lilibot ko lang siya, Ipapa alam naman niya ako eh" Parang kinakabahan naman ako.
"Sino siya?" Tanong ni sean.
"Hi, Ako si Michael" Singit ni Michael at nginitian niya si sean.Inabot niya ang kamay niya para makipag shake hands, Pero tiningnan lang yun ni sean.
"Hindi kita kausap, Huwag kang sumabat!" Sabi ni sean, Ano bang problema neto!! Kinakabahan na talaga ako!
"S-Sean" Nakaka takot yung mood niya ngayon! Bad trip ba siya? naubusan ng kwek'kwek? Naubos ang pera? ay hindi! Ang yaman yaman neto eh!
Bigla niya akong hinatak an sakit! Ang higpit ng pag kaka hawak niya saakin!!
Humarap ako kay Michael "Sorry!" Pahabol ko, tapos ngumiti lang siya, Nag ring yung phone ni sean.huminto siya at sinagot iyon.
"Hello? Lolo?" Lalo akong kinabahan nung nabanggit niya yung lolo.
"Si angel?...Okey po..." Nanlaki ang mga mata ko nung narinig ko pa yung pangalan ko. Kinakabahan ako.Wala yatang araw na hindi ako kakabahan eh.
"Sige po lolo..bye" Tinago na niya yung phone niya at humarap saakin.
"Saamin ka na titira, Pack your things. Ako na bahalang mag pa alam sa pamilya mo"
"What!?" Na shock ako, Dun ako tititra!? Paano na yan! ayoko nuh! Nakaka hiya, Tapos makikita ko pa yung lolo niya dun, Ang init kaya ng dugo nun saamin!
"Just kidding, Gusto ka lang nila maka sama sa dinner mamaya." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Busit to! Akala ko totoo na! Mag papanic na sana ako eh!
"you need a make over" Bakit? pangit ba ako? I mean, hindi ba sapat yung normal lang?
Tinignan ko yung sarili ko.Fine naman. Maayos naman ako ah. "Bakit kelangan pa?" Sabi ko.
"Dinner yun, Tanga.Hindi tambay.tss" Harsh naman! Maka tanga to kala mo PERFECT! Okey ako na mali! Hmph!
"Sorry naman!..Pano nga pala ako makaka make over huh? wala po akong pera!"
"Ako na.Lets go" Ngayun na!? agad? eh mamayang gabi pa yun ih! Dinner nga diba?
"Wait! Mamaya pa yun diba?" Sabi ko.
"Sa panget mong yan, Tingin mo mabilisang proseso ang pag papa ganda sayo?" Sinamaan ko siya ng tingin. Talaga to! Harsh!
"to naman! Sakit mong mag salita"
"Bakit, Nagalusan ka?"
Am pilosopo pa! Nakaka inis! Mahaba ang pasyensiya ko pero pag dating sa kanya,Nag iiba! Naiinis ako agad!
Huminga ako ng malalim. Kalma angel.
Hinatak na niya ako papuntang parking lot. Paibaiba yung kotse niya~ Ang Ganda!!! *O*
Pumasok na kami, Hihi.Feel na feel ko dito sa kotse niya!!! ang bango tska ang linis!.Humarurot na siya.Nakarating kami sa salon.Ganun ba kapangit yung bohok ko!? Dry lang naman to! hihi.
Ang ganda dito, Pang susyal.May Chandelier agad na makikita.Siguro mahal dito.
Naupo na ako.May lumapit saakin na bakla. Tapos hinawak hawakan niya yung buhok ko na parang nandidiri. Harsh naman!
"Sino nag gupit neto?" Tanong niya.hehe.
"A-Ako po..Hehe," Eh wala akong pera para mag pagupit nung araw na yun! Last na nag pa gupit ako grade five eh.
"Kaya ba yan?" Nang aasar pa tong si sean.
"Try ko" Para namang big Work to! Try ko'Ahmph! Hello? andito po ako?? Makapag sabi to ng kung ano ano kala mo wala ako!
Sinimulan na niya ang pag lalaro sa buhok ko--Este, Pag aayos.Ansakit huh! Hatak dito, Hatak dun, Suklay dito, Dun, Haay! Parang sinasabunutan lang ako?
Sa sobrang tagal, Naka tulog ako.
"Hoy! Gising! Kadiri ka oh, Tulo laway!" Anak ng tipaklong! Tumulo laway ko!? Huhu! Nakaka hiya! Bakit pa kasi ako naka tulog eh!
Wait..Ang ganda ng Hair ko!!! pinunasan ko yung laway ko at pinag masdan ang buhok ko..Ang ganda ng lola mo te!
Nilagyan nila ako ng bangs saka pina straight yung buhok ko,may high lights yung buhok ko na color brown. Ang cute!
"Do the make up" Sabi ni sean. Wow! may make up pa! Tumango ang parlolista. "Oh, Yung kuko sa kamay at paa na din.Pang kalye yang paa niyan eh" Tuloy pa ni sean.
Sakit nun ah! Eto naman si Baklang parlolista natawa!
Nag simula na silang linisin yung kuko ko sa paa at sa kamay. Hindi nag tagal natapus din sila. Ang sakit nila mag linis ng mga to! Maka sundot parang hindi lang yung dumi yung tinatanggal, Parang pati yung loob!
In'inferness. Worth it lahat ng sakit, Ang ganda kasi!! Hihi.Ngayon sa mukha ko naman.
Andaming ka ek'ekan! kung ano anong nilagay sa mukha ko, Mas maganda kaya yung Normal lang!
"Finish!" Sabi nung parlolista. Ang ganda ko! Taray! Hindi ko nakilala yung sa salamin! hehe.
"Buti kinaya ka" Pang asar ni sean. Pasalamat siya good mood ako ngayon hihi. Binayaran na niya yung parlolista. Saka ako hinatak.
Nag punta naman kami sa mall at Pinilian niya ako ng mga damit, Para siyang mag lalayas sa dami ng damit na kinuha niya tapos bigla pang binato yun saakin!
"Sukat mo" An dami neto!!! Ganun ba yun ka importante huh!?
pumasok na ako sa fitting room. Puro light color yung kinuha niya.Ang gaganda. tiningnan ko yung presyo, Grabe naman! Ang mahal naman neto! Isang dress 1,650 Pesos!? Kung sa ukay ukay nalang kami bumili! Edi makaka tipid ka pa!
Sinukat ko yung isa. Jusko! Parang tinipid sa tela! Kita yung likod ko tapos sobrang ikli!
"An tagal mo diyan huh!?" Nagulat ako ng biglang binuksa ni sean yung pinto, Langya to! Paano kung nag bibihis palang ako!?
"Dun ka nga! Lalabas na ako!" Sabi ko tapos tinulak ko siya palabas.Busit to!
Naupo siya tapos ako, ilang na ilang lumabas dahil sa suot ko. "Oh ayan nalang" Ano!?
"Hindi! Mag papalit ako! Pervert na to!" Puro talaga ka bastusan!
Andami ko ring sinukat na kung ano ano, Magaganda naman kaso ang arte talaga ni sean. Isa lang yung nagustuhan ko.Etong sky blue..Simple lang kasi pero bagay saakin.
Lumabas ako. Tinitigan ako ni sean. Lumapit siya saakin. Hinawakan niya yung kamaya ko at itinaas..Inikot niya ako ng mabagal..
Napaharap na ako sa kanya. Napansin kong iba na yung suot niya.Ang gwapo niyang tingnan.
"I'll pay this one" Sabi niya. Tapos binayaran na niya yung lalake.
Tumingin siya sa phone niya. "Anong phone number mo?" Hindi niya pala alam. Wala akong pambili kaya wala akong phone.
"Wala akong phone" Sabi ko. Nag tch lang siya at hinatak na niya ako, Ngayon ang next journey ay ang Sapatos na Matataas ang takong.
"Miss, Pumili ka nga ng bagay sa soot niya" Sabi ni sean dun sa babae.
tumango yung babae.Madalian naman yung pag pili kaso..An laki ng takong. Hindi ako maka lakad ng maayos!
Naka tayo naman ako, Tapos nag lakad ako, crap! An sakit sa paa!
"hi-Whoa!" Muntik akong matapilok, Buti nalang,nahawakan ni sean yung bewang k--...Awkward...Napaharap ako sa kanya..
Nag ka titigan kami...Brown eyes..Ang ganda ng mga mata niya..Ang hot niya rin tingnan dahil may nunal siya sa gilid ng mata niya..
Inangat na niya ako, Pero naka hawak parin siya sa bewang ko "Kumpit ka saakin." Sabi niya.Tumango ako. Kumapit ako sa kanya habang inaa lalayan niya rin ako sa pag lakad.
Ang awkward namin.Hindi kami nag kaka tinginan.Nag lalakad lang kami ng tahimik.
hanggang maka punta na kami sa mansion nila.Grabe..Sobrang laki..Pumasok na kami. pag ka pasok palang bumulaga na sa harap namin ang mga maid.
Binati nila si sean at ako.Sa di kala yuan nakita na namin si don marcelo. Nag aantay saamin.Bawat hakbang, Kina kabahan ako lalo.
Ngayon nasa harap na namin siya.. "Sit" Sabi niya..Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba..
......................................