Ace's P.O.V.
"WHAT do you want?"
Nakatingin sakin ang malalim na mga mata ni Nicky.Wala kang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.Ibang klaseng babae.How can she be so calm all the time?
Inilatag ko sa mesa ang mga picture na kuha ng CCTV.Ito ang mga picture na nakalagay sa brown envelope.
Pumasok ang lalake sa loob ng CR tapos mayamaya,sumunod si Nicky.Pagkalabas niya,puno ng dugo ang kanyang kamay ngunit bumalik siya sa loob.Lumabas siyang malinis na ang kamay sa CR at nagpatuloy sa pag-alis.Tanging iyon lang ang kuha sa CCTV camera sa labas dahil bawal ang CCTV sa loob ng CR.
"Hmm......I like this stolen shots,"she commented.Nakangising sinuri niya ang mga litrato.
"Why?"I asked.
"What?"Medyo natawa ito bago sumandal sa upuan."Aren't you going to thank me?I just save your girlfriend."She flashed a playful smirk.
I knew it.May rason talaga kung bakit niya ginawa iyon at alam kong para iyon sa ikakabuti ko.
"You asked for our help.Wish granted."
"Pero siya ang inatasan kong magbantay kay Zein."
"Magbantay?"Medyo natawa siya sa sinabi ko."O baka naman pumatay?Someone manipulated him.Kahit na hindi ko kilala ang nasa likod nito,napansin ko iyon.Pinag-aralan ko ang mga kilos niya and to my surprise,binabalak niyang patayin si Zein pag pumasok siya sa CR,"paliwanag ni Nicky.
Natahimik ako.Bumaliktad sa amin ang tauhan ko?bakit?
Sino ang nasa likod nito?Was it hell?
"To make it short.Inunahan ko siya.I killed him to save Zein."
Natahimik kami.Sabi ko na nga ba,hindi iyon gagawin ni Nicky ng walang malalim na dahilan.
"Hindi mo ba talaga kilala ang nasa likod nito?"tila pang-aasar niyang tanong.
Sumeryoso siya."I have a lead but...I'm not hundred percent sure,"naguguluhan kong sagot.
"Hindi ka pa sigurado?Talaga? O baka naman ayaw mo lang tanggapin?"
"Ano bang sinasabi mo?"medyo naiiritang tanong ko.
She just struggled her shoulders.
Naalala kong patapos na ang klase nila Zein kaya tumayo na ako.Baka sungitan na naman ako non dahil pinaghintay kona naman siya sa waiting shed."I have to go."
"Hunted by the past."
Hindi ko siya pinansin.Dumeretso lang ako palabas ng opisina.halos takbuhin ko ang parking lot para hauling ang oras.
She must be tired of waiting.
Kailangan kona sigurong sabihin ang lahat kay zein.tama si Mr Sebastian,kailangan niyang malaman.Hindi ko malulutas I to nag mag-isa,I need her.
Pinaharurot ko ang aking sasakyan palabas ng parking lot.Napansin ko ang cellphone ko na nasa sahig.Malamang nahulog iyon dahil sa pagmamadali ko.
Inabot ko iyon at binuksan.Kinabahan ako ng makita ang two missed calls na galing kay Zein at Cedric.Napakunot-noo ako dahil sa pagtawag ni Cedric.Nang I check ko ang voice mail meron isang entry doon na galing kay Zein.Nanginginig na pinakinggan ko ang via loud speaker para hindi ko na kailangang hawakan ang phone.Mabilis na inihinto ko ang sasakyan.
"A-Ace...Ace,natatakot ako.T-Tulungan mo ako.Ace,please."Nanlambot ang buong katawan ko.It was sent one hour ago.Natulala ako.Narinig ko ang takot sa nanginginig niyang boses.Parang nakikita ko sa isip ko ang pangangatog ng kanyang katawan.
NO!Not Again,please.
Tinawagan ko siya kanina,nag-ring lang iyon nang nag-ring hanggang sa maging unattend na.Ipinikit ko ang mga mata ko at kahit anong pagpapakalma ko sa aking sarili ay nanginginig pa rin ako.Ilang mura na ang sinabi ko sa aking sarili.
Nagpabaya ako.Ngayon,anong nangyari?nasaan si Zein?
Tinawagan ko rin si Cedric na sumagot naman kaagad."Where is Zein?"Akala ko makakahinga na ako sa isasagot niya pero hindi pala.
"I Don't Know.Ang sabi niya may pupuntahan daw siya pero hanggang ngayon wala parin siya."
" We have a deal and you just let her go alone!"
Natahimik si Cedric.
Hinabol ko ang hininga ko.Hinampas ko ang busina nang ilang beses.Where the hell is Zein?
Kapag may nangyaring masama kay Zein.Papasabugin ko ang bungo nila.Wala akong pakialam kung sino sila.
" Where are you?Medyo kumalma na ako.
Hanggat hindi ko nasisiguro na ligtas si Zein,hindi ako tuluyang kakalma.I will kill that bastard if someting bad happened to my girl and I will also kill myself.It's my fault.Im sorry.
Pumunta ako sa isang park na sinasabi ni Cedric.Pagkatigil ng sasakyan ko,lumabas ako at sinugod si Cedric.Medyo nagulat pa siya sa paghawak ko sa kwelyo niya.
"Where the hell is Zein?Answer me!"
"I told you!Hindi ko alam!Yes,I was with her a while ago.Sinamahan ko siyang mag-grocery pero sinabi niyang mauna na ako at may pupuntahan pa siya."
Binitawan ko ang kanyang kwelyo at inihilamos ko ang kamay ko sa aking mukha.I'm scared and it's slowly killing me.Zein,Where are you?Please,be safe.Please.
"Wait naka-open ba ang GSP ng phone niya?"Cedric asked.
Naintindihan ko naman ang gusto niyang sabihin kaya binuksan ko ang cellphone ko.Nabuhayan ako ng loob ng ma-track namin kung saan naroon si Zein.
"Let's go."sabi ko.
Sumakay kami ni Cedric sa kotse ko at pinuntahan ang direksiyon na itinuturo ng GSP kung saan naroon si Zein.Hindi ko kayang maging kalmado.Ilang beses ko pang nahampas ang busina ng kotse.
"Hindi ko inakalang magiging pabaya ka rin."
"It's no longer my fault.Sinunod ko lang ang gusto ni Zein."
"Oh,shut up!I don't need your explanation."
Hindi ko pinansin ang mulutong na mura ni Cedric.Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami sa dulo ng daan.Nanlumo ako ng makita kung gaano katarik iyon.
"May sira ba ang GSP mo?"tanong ni Cedric."Bangin na ang dulo nito."
Umakyat yata lahat ng dugo sa aking ulo at nanlamig ang buong katawan ko.This is not hapenning.Hindi mangyayari ang iniisip ko.I tried to divert my thoughts.No.Mali ang iniisip ko.
Huli naba ako?Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring hindi maganda kay Zein.Baka ako pa mismo ang pumatay sa sarili ko.
Nabingi kami sa katahimikan.Natulala ako habang nakatingin sa bangin at sa malawak na karagatan.
Naunang bumaba si Cedric sa kotse at mabilis ko rin siyang sinundan.Natatakot akong makita ang nasa ibaba.Hindi maipagkakailang may nanggaling na dito kanina dahil sa mga bakas ng gulong ng sasakyan.
Hindi ko nagawang silipin ang baba dahil natatakot ako.Tanging si Cedric lang doon ang tumingin at natulala.
Naglakas-loob akong tumingin sa ibaba.Nalula ako sa taas niyon.Muntik na rin akong tumalon doon ng makita ang halos durog na sasakyan at Ang apoy mula sa sumabog na kotse.Nasa mabato ito na bahagi ng bangin.
"Panaginip lang to,"bulong ko sa sarili ko.
Naunang bumalik sa sasakyan si Cedric.
Paulit-ulit akong huminga ng malalim.Pilit na pinatatatag ang sarili ko.Hindi mawawala si Zein.Hindi pa rito magtatapos ang lahat.
Pagkasakay ko sa kotse ay agad ko iyon pinaharurot para mabilis kaming makarating sa ibaba.Pagkahintong-pagkahinto ng kotse ko ay malapit sa crash site ng taxi na nahulog sa bangin,agad kaming lumabas at lumapit Doon.Nagkalat sa paligid ang ibang parte ng taxi at umaagos ang gasolina mula roon.
"Walang tao sa loob"bulong ni Cedric.
Yupi na ang buong sasakyan pero wala kaming nakitang tao roon.Tama ang hinala ko.Hindi pa nagtatapos ang lahat dito.
Nabuhayan ako ng loob.Kahit paano,nakahinga ako ng malalim.Pero nasaan si Zein?Dito kami dinala ng GSP kaya malamang nasa loob ng nasusunog na taxi ang cellphone ni Zein.
Hinampas ang buong katawan ko ng malamig na hangin.
Nanginig ako.Ajg sakit tanggapin ng katotohanan na nawawala parin si Zein.
Kahit na nakakalma ang lamig ng hangin sa dalampasigan,hindi non nagawang payapain ang isip ko.Mas nangibabaw sa akin ang labis na pag-aalala at pag-sisisi.
"Kung sinabi mona sana sa kanya dati pa ang mga nalalaman mo.Sana naging mas maingat din si Zein.Hindi natin siya mababantayan sa lahat ng oras.You don't have supernatural power,dude.Don't act like you have one."bulong ni Cedric.
Nakatulala lang ako sa malawak na dagat.Unti-unti kong na-realize ang lahat ng mga pagkakamali ko.Hindi ko dapat hanayaan na humantong sa ganito.
Nanlambot ang mga tuhod ko habang sinisisi a ang sarili ko.
Ako ang may kasalanan nito.Naging pabaya ako.Halos hindi ko na nabibigyan ng pansin si Zein dahil mas inuuna ko ang ibang bagay.Hindi dapat ako kumuha ng taong magbabantay sa kanya dahil ako dapat ang magbabantay sa kanya.At ako rin dapat ang pumoprotekta sa kanya.
Dapat natulungan ko noong panahong tinatawag niya ang pangalan ko,noong humihingi siya ng tulong.
Nakaupo ako sa bench sa malapit na park.Umiihip ang malamig na hanging panggabi.Madilim ang paligid.
"May problema ba?"
Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata ni Allison na nakatitig sakin."Zein is missing".
Tila nalito siya sa sinabi ko.Malinaw ko naman iyong sinabi kaya hindi ko na kailangang ulitin iyon.
"What are you talking about?"naguguluhang tanong ni Allison.
"Nawawala si Zein.Hindi ko alam kong nasaan siya."
Kumunot ang noo niya.Tila hindi parin siya makapaniwala sa mga sinabi ko."Nagkakamali ka.Nagkita kami kanina sa bahay."
Kumunot din ang noo ko."Really?"Nakahinga ako ng malalim.Pero naguguluhan din ako sa nangyari.
"May nangyari ba?"tanong ni Allison."Namumula ang mga mata ni Zein kanina na parang kaiiyak lang.
Umiling ako at tumayo.Kailangan ko siyang makausap.Kailangan ko siyang makita dahil hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nakikita na maayos si Zein.Aalis na sana ako nang may iabot si Allison.
"She gave it to me.Ang bilin niya ibigay ko daw ito sayo"
Kinuha ko ang kapirasong papel sa kanya at binuklat iyon.Nakita ko ang sulat kamay ni Zein."Sigurado kang siya ang nagbigay nito sayo?"
"Yes,siya ang nagbigay niyan.Niyakap pa nga niya ako.May nakita rin akong sugat sa braso niya."Ano bang nangyari?"nag-aalala niyang tanong.
Muli kong binalikan ng tiingin ang kapirasong papel na hawak ko.
You took everything from us and its pay back time.I'll steal your life....Yes,we have your queen.