SECOND VOICE

De HamieoSeio

794 20 1

DO NOT READ!!! MAJOR STORY REVISION! WILL SOON UPDATE PAG NAGKAKURYENTE NA. LOL Second voice. Minsan di narir... Mais

UNO

unVOICED

469 15 0
De HamieoSeio

Maraming nagsasabi na ang pagbabago ang tanging hindi nagbabago. Napaka-cliche man pakinggan ngunit hindi natin maipagkakaila na kahit papaano, may katotohanan ang kasabihang ito. Ang pagkain napapanis, ang damit hindi na nagkakasya, ang ngipin natin nalalagas, ang puti nagiging itim at ang mabuti muntikan nang mapunta sa masama. Sadya lamang nakapagtataka kung bakit nagbabago ang isang bagay. Dahil ba nakatakda na talaga itong magbago o sadyang epekto ito ng mga maling desisyon sa buhay?

Ginawa ko ang pinakamalaking kasalanan na maaring magawa ng isang kaibigan. Nahihinuha niyo na ba kung saan 'to papunta? Kung may isang bagay man tayong hindi natin kailanman makokontrol, para sa akin, iyon ang ating emosyon.

Ngunit kahit ilang beses man akong magsisi, ilang beses man akong manghinayang, hindi nito maaalis ang mga salitang binitawan niya. Matatatanggap ko na rin naman kung sasabihin kong hanggang kaibigan lang ang turing niya sa akin pero pati pa ba naman iyon, hindi pala totoo?

Sa paglabas kong papuntang entablado, hindi magkamayaw ang mga kakilala ko at handler sa pagsigaw para maipakita ang suporta nila sa akin. Ngiti rito, ngiti roon. Lakad na pangsosyal, lakad na kinukubli ang totoong ako.

"Number 8! Ang ganda mo po!!!"

"Panalo na iyan! Kabugin mo silang lahat!"

"Go! Ate Lorraine! Kaya mo yan!"

Ilan lamang iyan sa mga sigaw nang mga nasa audience. Habang rumarampa ako suot ang pula kong gown na hindi nalalayo sa sinuot ni Catriona, bigla kong naalala ang bilin sa akin ni Santiago. "Hindi title, hindi number 2, first runner up ka dapat. Alalahanin mo ang sikreto mo."

Kainis naman kasi si ate Rica, kung hindi ba naman kasi siya nagkasakit, eh di sana, siya ang nandito imbes na ako. Ngayon tuloy kailangan ko pang magsuot ng gown saka nitong wig saka makapal na make-up.

"And we now go to the most awaited event, the question-and-answer portion!"

To think na kailangan kong ngumiti kahit na sumasakit na ang paa ko sa dulot ng heels na gamit ko, hindi ko alam kung worth it ba ang pinaggagawa ko pagkatapos ng lahat ng ito.

"May we call on, candidate number 8, please pick your question," masiglang banggit ng di katangkarang host.

Shocks! Kaya mo ito Lorin. Maganda ka. Mas maganda ka sa kanila.

I did my best to hide the small shivers of my hands, but to no avail, they betrayed me.

"Oh, relax Ms. no. 8," sabi ni Penguin, the host, saakin saka tumingin sa audience.

Shocks, may galit ata sa akin ang isang 'to. Kailangan pa talagang i-announce?

"Here's your question: If you were to change a single event that has happened in your life, what would it be and why?"

Shocks. Yung ibang question, parang pang grade 1 lang, pero yung akin--- talagang ginagalit ako nitong babaeng 'to.

Huminga na lang muna ako nang malalim, pinilit na paliitin ang boses, at inisip kung anong pwedeng maging sagot na pang first runner up.

"If, um, If I, If I were to change, um," Shet. Lorin! Get hold of yourself!

Change. Kung hindi nga ba naman nananadya ang panahon. May nais nga ba akong baguhin? Dahil sa tanong na iyon, hindi ko maiwasang balikan ang taong iyon at ang mga nangyari noong nasa high school pa lang ako.

---

Swerte na rin sigurong maituturing na naging magkaibigan kaming dalawa noong high school. Nagagawa ko ang mga bagay na hindi nagagawa ng normal niyang tagahanga: nakakausap ko siya palagi, nakakasama pauwi, at walang inhibitions na suportahan siya sa bawat pa-liga ng baranggay at laro sa eskwelahan.

Isang malakas na tunog ng pito ang nagsilbing hudyat na tapos na ang laro. 88-87 ang resulta, pabor sa aming mga nasa third year. Habang abala ang iba sa pagdiriwang sa aming pagkapanalo, ang iba pa nga nag-uunahang bumaba para makapagpapicture sa ibang manlalaro, ako naman ay agad na hinanap ang kaibigan ko.

"Choy!" Pagtawag ko sa kanya habang inilalabas ang itinago kong tubig sa maliit kong bag.

"Lorin, saglit" sambit niya nang makita ako, "sige, sa susunod na lang," pagpapaalam niya sa dalawang babaeng kausap niya kani-kanina lang. Agad naman akong lumapit at binati siya sa kanyang pagkapanalo.

"Wala yun, muntikan pa nga tayong matalo," sambit niya saka ininom ang inabot kong tubig, "paniguradong mas lalakas pa ang team kung kasama ka."

Nang marinig ko iyon, hindi ko maiwasang samaan siya ng tingin. Dapat nga sanay na ako kapag sinasabi niya iyan. Lagi kasi niya saking kinukulit na dapat sumali ako sa varsity saka tititig siya sa akin na parang nagpapakonsensiya. Ang totoo niyan, marunong lang akong maglaro, pero hindi naman yung tipong panglaban. Kapag nagwa-one-on-one kaming dalawa, halata namang nagpapatalo siya para lang may dahilan siya para kulitin ako.

"Oo na," sabi niya na halatang dismayado. "yung snacks natin Lorin ha, magbibihis lang ako."

Habang papunta sa canteen para sundin ang bilin niya, hindi ko maiwasang isipin ang ikinilos niya. Hindi naman siya dating ganun. Dati-rati tumatawa lang siya o kaya magsasabing, 'biro lang', pero nakakapanibago na bigla na lang niya akong tinalikuran saka di niya ako tinawag sa palayaw ko. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon, marahil pagod lang siya.

Pagbalik ko sa gym, iilang tao na lang ang naroon. Napagdesisyunan ko na lang na hintayin siya malapit sa may locker room ng mga players.

"Bilib na talaga ako, sa'yo Choy," rinig kong boses mula sa loob, "pa'no mo natitiis na kasama si Lorin?"

Pagkatapos noon, nakarinig ako ng tawanan. Choy? Lorin? Bakit kailangang masama ang pangalan ko? Dahil doon, mas nagkaroon ako ng interes na pakinggan ang usapan nila sa loob.

"Wag ka, Moks, bigla ngang tumaas ang grades nito dahil kay Lorin,"

"May alalay ka na, may tutor pa."

"Kaibigan mo ba talaga, yun, pre?"

"Gago ka ba?" for a second nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sagot ni Choy.

Bakit ba ganiyan ang pinag-uusapan nila?
"Malamang - - - hindi."

Napansin ko na lang na nanginginig na ang mga kamay ko. Ramdam ko na umaakyat ang dugo ko sa aking ulo. Nang-iinit ang pakiramdam ko. Gusto ko manuntok. Umalis ako sa pinagkakataguan ko at lumayo. Dahil siguro sa galit, inilabas ko ang lahat ng nararamdaman ko sa unang taong nakita ko. Gaya ng inaasahan, nauwi sa basag-ulo ang ginawa ko. Pinilit kaming awatin ng ibang estudyanteng naroon pero ni isa sa amin hindi nagpapigil. Hanggang sa isang pares ng malaking braso ang umawat sa aming dalawa.

"Juno! Santiago! Both of you, in my office, now." Nagawa pa ring makasigaw ni Sir Umali kahit inaawat niya kaming dalawa.

Si Santiago pala napagbalingan ko, ka-team pa ni Choy kaya mas lalong nagningas ang ulo ko.

Wala nang urungan 'to. Dumami na ang mga nakiusyoso sa paligid. Napahawak ako sa kaliwa kong pisngi na paniguradong namamaga buhat ng suntok ng nakaaway ko. Napansin kong nakatingin pa rin siya sa akin kaya hindi ko maiwasang ngumisi.

"Gago ka rin, eh, no!" Mukhang tumalab ang pang-iinsulto ko sa kanya. Napakamainitin din pala ng isang 'to. Tinangka niya akong sugurin pero hindi siya makapiglas dahil sa mga taong nakahawak sa kanya. Kung makikita mo lang ang hitsura niya ngayon, para siyang palakang natataeng hindi mo maintindihan.

"Pffft," takte, nakakatawa talaga ang hitsura, kahit anong pagpigil ko hindi ko na talaga mapigilan ang tumawa.

Nangyari na nga ang inaasahan. Tuluyan na ngang nagalit si Sir Umali at nagdesisyon na sa Detention Room na muna kami mamalagi. Sa huling pagkakataon, sinulyapan ko ang mga tao sa paligid, baka sakaling nagmamasid din siya. Pero wala, ni anino niya, hindi ko man lang nakita.

---

"Uhmm. Candidate no. 8, you still have to answer the question," paalala sa akin ng MC.

"Sorry," sambit ko, masyado ata akong natangay sa kakaisip sa nakaraan, "I was thinking, life itself is easy; difficulty only comes when we chose the wrong option.

"If I were to change something from the past, I won't be in this pageant. The Lorraine Juno today won't be Lorraine Juno if those events did not happen. Struggles can either make or break you. In my case, it made me wiser, stronger, and braver. That would be all. Thank you." sabi ko saka binigay ang pinakamatamis kong ngiti.

With a single breath of air, I thought I said something odd.

Halos hindi umiimik ang ni isa sa mga audience.

Shocks.

Maiiyak na sana ako nang magbago ang ihip ng hangin. Halos dumagundong ang buong paligid sa palakpakan at sigawan ng mga tao. Shet. Mukhang ako pa ata ang mananalo.

Dumating na sa punto na kailangan nang i-announce ang magiging panalo. Dalawa na lang kaming natitira, napatingin ako sa katabi ko. Di hamak naman na mas maganda ako kaysa sa kanya.

Kahit labag sa kalooban ko, hinawakan ko pa rin ang kamay ng kalaban ko. Pakitang tao, kumbaga, kunwari nangangamba ako na hindi manalo.

"...and the crown for Miss Dalandian 2016 goes to..."

---

"Mamsh, okay lang yan. Diba aim naman talaga natin ang 1st runner up?" pagpapakalma sa akin ng katabi ko. Tinitigan ko na lang siya ng masama. Di hamak naman na mas maganda si ate 2nd placer tapos, kainis! "Naku, ikaw talaga. Diyan ka na nga muna. Kunin ko lang mga gamit natin backstage."

Maiba ako, plano talaga naming wag manalo since may usap-usapan na dyodyowain ng mayor namin ang mananalo. Eh pag nalaman niyang may lawit ako madededo pa ako. Saka amoy nilumang aparador na yun. Pangalawa, mas trip ko naman yung papremyo nilang TRIP TO JERUSALEM para sa 1st runner up. Charot. Travel package kiyeme daw. Siguraduhin lang nilang totoo kundi magrereklamo ako sa DTI.

"Niluto ang laban! Luto!" Pilit kong sinisigaw para marinig ng mga organizer. Nang marealize kong wala saking pumapansin umupo na lang muna ako sa isang tabi para makapagpahinta. Habang pinagmamasdan na pinagkakaguluhan ang nanalong Miss Dalandian kaakbay pa ang isa sa mga judge (hindi pa yan yung mayor namin ha) ngayon ko lang napagtanto na landian pala talaga ang labanan.

Hindi nagtagal, may pagpagkalabit akong naramdaman sa braso ko. Di ko naman yun pinansin baka si ateng lang yan saka abala rin ako sa pagtanggal nitong heels para naman makapagtsinelas na ako. Total baranggayan lang naman to.

"Ano ba?!" sigaw ko nang hindi ako makapagtimpi sa kakakalabit nang kung sinuman ang nasa tabi ko.

"Hi. Uhm. Sorry, I didn't mean to disturb you. Really. Gusto ko lang sanang icongratulate ka. Celeron D. Choy nga pala. " sabi niya saka inabot ang kamay para makipag-handshake.

Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Tatanggapin ko ba ang handshake niya? Handshake lang naman, eh. Ngingitian ko rin ba siya? Pakshet! Hindi niya ba talaga ako namumukhaan? Best friend, I mean, dati ko siyang kaibigan tapos, ganito?

"I know it sounds cliché but you really look familiar..." rinig ko pang dagdag niya kaya tumungo na lang ako para hindi niya ako mas matitigan.

"Uhmmm," napahawak ang lalaki sa batok niya, naalala ko na ginagawa niya lang iyan kapag nahihiya siya o napapahiya, "sige, I have to go."

"By the way, you look way more gorgeous--- than the winner," sambit niya saka akin saka nag-iwan ng kindat bago tuluyan nang umalis.

Gago talaga. Hindi man lang ako namukhaan.

"Wait. Lorin, umiiyak ka?" Imbes na sagutin ang bagong katabi ko, tumayo na lang ako papuntang CR ng mga babae saka pinunasan ang mga butil ng tubig na unti-unting sumisira sa make-up sa mukha ko. Nakakainis! Nakihingi ako ng wet wipes na hawak ng babae sa CR saka tuluyang inalis ang mga kolorete sa mukha ko. Konti na lang ata ang tao sa labas. Hindi ko na kailangang magbihis ng pambabae. Saka, paki ba nila kung may lawit pala ang naging first-runner up?!

"Nasaan na ba si ate Mimi nang makauwi na tayo?" Tanong ko kay Gigi na sumunod pala sa akin habang dala pa mga gamit namin.

"Parating na daw. Hintayin na lang daw natin siya sa tapat nitong gym."

Maraming nangyari pagkatapos ng kaguluhan na sinimulan ko noong high school.

Nang makarating kina mama ang ginawa ko noon, inilipat nila ako sa kabilang eskwelahan; mas nanaisin pa nilang ilipat na lang ako sa ibang eskwelahan kesa mapahiya na nagkaroon sila ng basagulerong anak. Hindi man ako makapaniwala noong una, ngunit totoong lumipat din si Santiago sa parehong eskwelahan. Unti-unti, naging sandalan namin ang isa't isa. Kahit hindi niya sabihin, alam ko, kahit papaano, tinuturing na rin niya akong kaibigan.

Naging magkatambal kami sa halos lahat ng gawain, mapunta man sa mga bisyo o sa mga barkada, lagi kaming magkasamang dalawa.

Pero nang makapagcollege, di ko na nakanayan manatili pa sa poder nina mama. Sinigurado ko talagang tulog sila nang maglayas ako dala lahat ng gamit ko.

"O, ayan na pala si Tiago," sambit na ate saka itinuro ang sasakyan sa kabilang kalsada.

"Gaga, si ate Mimi yan. Kakatext lang ni Tiago. Di daw siya makakapunta."

"Eh, bakit nasa may sasakyan? Achi, may bago kang car?" Tanong niya nang makalapit kami kay ate Gigi.

"Luka. Di pwedeng dito lang tumambay. Tara na nga."

Patawid na sana kami nang marinig ko na naman ang isang pamilyar na boses.

"LORIN? Rinrin, ikaw ba yan?"

Continue lendo

Você também vai gostar

350K 8.4K 16
She is a well-known actress. She knows how to act, and to fake her emotions, even her civil status. Who would have thought that she is already marrie...
41.7K 1.2K 12
✨FLUFF✨ Do you know what the worst part of loving someone is? It is losing yourself in the process of loving them and losing sight of how special you...
856K 40.7K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
1.8M 89.4K 18
a chasing hurricane and stay awake agatha side-story.