The Pirates And I (PUBLISHED...

By Justice_Grace

24.1K 850 51

Pirates are thieves of Seven Seas. They travel across the ocean to obtain treasures and attack the Mainland. ... More

Prologue
Chapter 1: Under the Moonlight
Chapter 2: Emerald Eyes
Chapter 3: Pirates
Chapter 4: Escape Plan
Chapter 5: The Piece of Truth
Chapter 6: White Lies
Chapter 7: Pieces of Eight
Chapter 8: Saving the Pirates
Chapter 9: Our Obligation
Chapter 10: A Promise to Keep
Chapter 11: Gabola
Chapter 12: Captured
Chapter 13: Shipwreck
Chapter 14: Survive
Chapter 15: Running Away
Chapter 16: The Truth
Chapter 17: The Golden Throne
Chapter 18: Trust
Chapter 19: Flowers for Me
Chapter 21: The New Queen
Chapter 22: The Barbosa has Fallen
Chapter 23: Portrait
Chapter 24: Wedding Contract
Chapter 25: We Meet Again
Chapter 26: The Second Time Around
Chapter 27: His Identity
Chapter 28: A Truth or A Lie?
Chapter 29: The Prince's Confession
Chapter 30: Meet the King
Chapter 31: Heartless King
Chapter 32: Blood vs. Love
Chapter 33: The Proposal
Last Chapter: Home
Epilogue
Author's Note
SOON TO BE PUBLISHED
PRE-ORDER
THE PIRATES AND I PRE-ORDER
Pre-Order!
BOOK UPDATE!

Chapter 20: Twist of Fate

457 19 0
By Justice_Grace

Nakangiti akong nakatingin sa kanilang lahat, dinala ako ni Zion sa isang silid na parang nasa resto bar. Nandito pala ang mga piratang kaniyang tinutukoy. May kaniya-kaniya silang ginagawa. Hindi ko alam na may tambayan pala na ganito sa kastilyo. Nakita ko sa 'di kalayuan si Azman at kinawayan niya ako. Dumapo ang tingin ko sa lalakeng nasa kaniyang likuran na masamang nakatitig sa kaniya. Kulang nalang patayin siya patalikod. It's guy that I'm thinking awhile ago. Tatakbo na sana palapit sa'kin si Azman pero hinila siya ni Xyron sa kwelyo, nagulat pa siya sa ginawa nito. Masamang titig ang pinukol ni Xyron sa'kin. Anong nangyari? May ginawa ba ako?

"Halika ka," hinila ako ni Zion sa isang grupo.

May biglang humila sa'kin na lalake at pinaikot ako gamit ang kaniyang kamay, tapos ay lumuhod siya at hinalikan bigla ang likod ng palad ko. "A beautiful maiden, that capture my eyes." Nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi niya. Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Pero sa isang iglap napasalampak na siya sa sahig dahil sa pagsipa ni Zion.

"Tumigil ka nga Martin, tinatakot mo siya eh!" Mahina ako napatawa. Umupo ako sa bakanteng upuan at tumabi kay Zion.

"Madalas ba kayo rito?"

"Hindi naman, kapag may pagpupulong lang."

Nilapagan ako ng bartender ng juice. "Thank you."

Naging maingay na ang paligid nang magtungo sa maliit na stage si Martin.

"Ahoy, pirates! Let me sing a song to confess my love to the beautiful Lady sitting at the counter," sabay turo niya sa'kin. Napayuko ako sa kahihiyan na ginagawa niya. Napalingon tuloy ang lahat sa gawi ko, nakakahiya.

"Pasensiya ka na, ganyan lang talaga siya pero lahat biro lang," bulong ni Zion. Uminom nalang ako ng juice at tahimik na pinapakinggan ang kanta ni Martin.

May pasayaw-sayaw pa siyang lumapit sa direksyon ko. Hindi na ako nakaangal nang hilahin at isayaw niya ako habang kumakanta. He's crazy but funny. Hindi ko na napigilang mapangiti at sumabay sa kalokohan niya. May kinuha siyang rosas sa isang mesa at ibinigay sa'kin. Inikot-ikot niya ako hanggang sa matapos ang kanta. Napuno ng asaran ang buong paligid.

"Nagustuhan mo ba ang kanta ko?" tanong niya at ibinalik ako sa pwesto namin ni Zion sa counter. Sasagot na sana ako nang may humila sa kaniya papalayo sa'kin, walang iba kundi si Xyron. Kanina si Azman ang hinila ngayon naman si Martin. Sino naman ang isusunod niya?

"Ilang lalake ba ang dapat kong hilahin papalayo sa kaniya, kainis." Nakakunot ang noo ko nang marinig 'yon galing kay Xyron habang papalayo. Ang lakas yata ng saltik ng utak niya ngayon.

"Can you sing?" Napalingon ako kay Zion.

"Hindi," mabilis kong sagot. Kumakanta lang ako noon kapag wala kaming magawa ni Lolo Esteban. Muli kong tinanaw ang direksyon ni Xyron ngunit wala na siya roon.

"I know you can sing." Hinila niya ako papunta sa maliit na entablado.

"Nakakahiya." Pilit ko hinihila palayo ang sarili ngunit lintik lang ang lakas makahila ng babaeng 'to. Nasa amin na ang atensyon ng lahat.

"Kakanta na 'yan!" Nagsigawan na sila na mas lalo kong ikinahiya.

"Come on, don't be shy." Inabutan pa ako ng ukulele sabay tulak sa'kin paharap sa maraming tao. Napalingon pa ako sa kaniyang pwesto pero ang gaga nakangiti lang. It's my first time singing in front of many people.

Nakatitig silang lahat sa'kin, dumapo ang tingin ko kay Xyron na ngayon ay nakaupo sa harapan. Kailan pa siya nandiyan? Si Azman naman nasa 'di kalayuan na malawak ang ngiti. Huminga ako ng malalim, wala ng takas 'to. Lahat nakatingin at nag-aabang.

"I hate the woman behind me, and please understand it's my first time singing in a large crowd." Ngumiti ako ng napakalawak, sinimulan kong ipagtutog ang ukulele at nagsimulang kumanta.

As our eyes met

I can't look away

My heart beats so fast

And I fell in love

I can't run

I can't walk

I can't move

Because I love you

Hold my hand and be mine

Let me stay

And don't walk away

That what destiny tells me

I can't run

I can't walk

I can't move

Because I love you

Hold me tight, and I hold yours

Be my life

You'll be my world

And I'm all yours

Tell me the right word

And I'll say I love you too

Tell me, and I'll wait

My love never fails until the end

Nakatitig lang ako kay Xyron hanggang matapos ako. Nais ko mang umiwas ay hindi ko magawa. Nagpalakpakan naman sila pero agad akong tumayo at umalis. I don't understand why I choose to sing that song. But while I'm singing, I realized that I'm falling. I don't know how to restraint myself and end up confessing what I feel. I don't have the guts to face him again. Nilagpasan ko nga si Zion at hindi na siya hinintay. Kung hindi lang ako sumama sa kaniya hindi sana ito nangyari. Napaupo ako sa pinakamalapit na bench. Napakamot ako ng ulo na parang baliw.

How could I love a pirate-like him? He's terrible and selfish! I hate this feeling! Bakit hindi ko ito napagtanto bago pa nangyari 'yon?

"Stupid!"

"Confessing is not a stupid act."

Napatigil ako sa nagsalita at mabilis na inangat ang tingin ko. Hindi ako makagalaw nang makita si Xyron sa aking harapan. Nakatitig lang siya sa'kin at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya at ekspresyon sa mukha. He's heartless! Napaiwas ako ng tingin at tatayo na sana para umalis pero umupo siya sa tabi ko.

"You like me, base narin sa kanta mo." Mas lalo akong nakaramdam ng hiya at malamang mas pula pa sa siling labuyo ang mukha ko ngayon.

"Kanta lang 'yon, walang ibang kahulugan," rason ko ngunit narinig ko ang mahina niyang tawa. Walangya tumawa pa talaga lalo tuloy akong nabaliw.

"For me, it's not. You're staring at me the whole time while singing." Ang taas naman ng confidence niya, at pinalandakan pa talaga ang ginawa ko.

"Ka-pal nito hindi ako nakatingin sayo. Marami akong tinitigan tulad nalang sa mukhang matalinong lalake sa likod mo. Ang binata sa kabilang gilid, at si Azman." Pilit kong inaalala kung sino pa ang mga taong nakita ko bago ako nagsimula.

"You're lying."

"Mukha ba akong manloloko?" Tumango siya na ikinainis ko. "Bahala ka nga sa buhay mo!" Tumayo na ako at naglakad papalayo ngunit ikinatigil ko ang dalawang kamay na pumulupot sa aking bewang at niyakap ako mula sa likod.

"Don't move, let's stay like this for a while because maybe tomorrow I can't hug you anymore." Ramdam ko ang hininga niyang tumatama sa likod ko, nilagay niya pa ang kaniyang baba sa balikat ko. Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa, ang paghalik sa leeg ko.

"Xyron." Mabilis kong tinanggal ang pagkakayakap ni Xyron sa'kin nang marinig ang pamilyar na boses. Pag-angat ng tingin ko ay nakatayo sa aming harapan si Alia.

"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." Nilagpasan niya ako at nilapitan si Xyron. "Halika may pag-uusapan tayo."

Tinanaw ko sila papalayo at hindi man lang siya lumingon sa'kin. Magkahawak ang kanilang kamay at magkalapit ang kanilang katawan. Mas lalo akong naguguluhan sa ginawa niya

"Ano ang ibig sabihin ng ginawa niya?" mahina kong bulong.

"He left you to be with Alia. He chooses her." Preneteng nakasandal sa poste si Azman na nakatanaw rin sa dalawa. "Hindi pa ba 'yan sapat na sagot sa tanong mo?" Nakaramdam ako ng kirot sa sinabi niya.

"Alam mong may iba ng tao na nasa puso niya pero umasa ka parin."

"Bawal ba?" inis kong wika. Ang sakit ng sinabi niya, parang malakas na sampal na nakapagising sa kahibangan ko.

"Hindi, ngunit di'yan nagsisimula ang lahat. Umasa kahit wala ng dapat iasa pa." Naglakad siya papalapit sa'kin at seryoso akong tinitigan.

"Masakit ba?" Mahina akong tumango. "Good, being hurt makes you stronger." Paano ako magiging malakas kapag nasasaktan.

"Nagmahal ka na ba?" tanong ko sa kaniya.

Napatigil siya sa tanong ko ngunit sinagot niya parin. "Yes."

"Anong nangyari?"

"Heto, naghihintay na sa'kin naman siya tumingin."

"Masakit ba?" balik kong tanong sa kaniya.

"Malamang, matagal ko siyang hinintay. Ang malas lang inunahan ako eh." Nakita ko ang pagkuyom ng kaniyang kamay. Inabot ko ito na ikinagulat niya at tinggal ang pagkakakuyom nito.

"Maaaring hindi kayo para sa isa't-isa dahil nakatadhana ka sa iba at hindi sa kaniya."

"Maaari nga." Ginulo niya ang buhok ko at mas lalong naging seryoso ang mukha. "But how can I stop loving her if she's doing something that makes me fall even harder."

Bago pa man ako makareact ay naglakad na siya paalis, pero muli siyang tumigil at nilingon ako.

Bakit lahat nalang sila iniiwan akong parang tanga sa kakaisip sa mga sinasabi nila? Palagi nilang inuulit na huwag akong magtiwala sa iba.

Pabalik na ako sa aking silid nang makarinig ng isang musika. Sinundan ko ito hanggang marating ang isang double-door na pinto na nakabukas. Pasimple akong sumilip ngunit napakadilim ng loob na halos wala akong makita. Kaya pinasok ko nalang at natagpuan si Captain Cordell na nakaupo sa isang silya. Sa isang tabi ang isng stereo kung saan nanggagaling ang musika.

"Uhhmm," Napalingon siya sa aking gawi at ngumiti. "Sorry po naistorbo kita, napadaan lang kasi, ang ganda ng pinakikinggan niyo."

"Come her and sit beside me." Nahihiya akong lumapit at tumabi sa kaniya. "Sa ilang araw ay ngayon lang kita nakita. Patawad at naging abala ako na nawawalan ng oras sayo."

"Okay lang po, naiintindihan kita, Captain."

"Captain parin ang tawag mo sa'kin."

"Hindi po kasi ako sanay, alam niyo na," napakamot pa ako sa ulo. Tumawa siya sa kapilyahan ko at bigla nalang tumayo at nilahad ang kaniyang kamay sa aking harapan.

"Pwede ba kitang isayaw?"

Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ang kaniyang alok. Hinawakan niya ang isa kong kamay habang ang isa naman ay nasa bewang ko. Sinabayan namin ang tugtog at nakangiti kaming sumasayaw sa kadiliman ng gabi.

"Noon, nangangarap ako na ako ang una't huling sasayaw sayo, unang makakarinig sa unang salita na lalabas sa bibig mo, at unang makakakita sa iyong hakbang. Pinagkait man 'yon ng tadhana sa'kin sa mahabang panahon. Sapat na ito na makita kitang muli, anak"

"Hindi man po 'yon maibabalik, pwede nating gawin lahat ang mga bagay na hindi natin nagawa noon."

Napangiti siya at mabilis akong pinaikot. "You're my princess until my last breath. I'm old, and I don't have a long life to live."

"Don't say that."

"I have to, see," turo niya sa buhok niyang may puti at kulubot sa kaniyang mukha. "I can't stay long, but I'm happy that I fulfilled my goal to see you. I love you, my princess."

Tumigil kami sa pagsayaw. Naramdaman ko ang paghawak niya sa magkabila kong pisngi at sinundan ito ng paghalik niya sa aking noo. "Ang laki mo na, ang bilis ng panahon at ang laki ng nasayang na dapat magkasama tayo."

He is my father that I'm longing for since when I was a child, and I wish to spend more time with him.

Tumigil kami sa pagsayaw at hinila niya ako sa terrace kung saan matatanaw ang buong bayan. "Kung ano man ang mangyari, don't give up. Be strong, protect our people, and lead them as I do. Listen to them, and you will know what they need. Don't hesitate to do the things that you believe it's for the best. Being a leader and a pirate runs in your blood, and no one can destroy the bond of the pirates."

Tumitig ako sa kaniya." Hindi ko nagugustuhan ang sinasabi mo ngayon," komento ko.

"I know, hindi ka pa nakakadesisyon. As long as I'm breathing, I lead them, but I can't assure my life span."

Niyakap niya ako ng napakahigpit na para bang ayaw niya akong pakawalan at tinugon ko naman ito. He's a good father that sacrifices his happiness to protect me against them. "Remember you're a Cordell. A Cordell leads the Seven Seas."

Isang malakas na pagputok ang ikinatigil namin. Nilibot ko ang tingin sa paligid ngunit wala naman akong nakikitang kakaiba. "Captain Cordell tunog ba iyon ng baril?" Pagbalik ng tingin ko sa kaniya ay sumusuka na siya ng dugo.

"Captain." Tinulungan ko siyang tumayo at at napayakap pero napatigil ako nang may makapa sa likod niya. Pagtingin ko sa aking kamay may bahid na ito ng dugo.

"No, this can't be."

"Help!" buong lakas kong sigaw. "Please, tulong!" Inihiga ko na siya sa sahig. "Tulong!" Nasaan na ang mga kawal?

Umiiyak na ako habang hawak siya. "Stay, and don't sleep. Don't leave me."

Inabot niya ang mukha ko. "I can't stay any longer, my darling."

"No, you need to live, please! Help!" Where are they, the guards, maids, and the pirates? They are useless!

"Dito nalang yata ang hangganan k..." Hindi ko siya pinatapos at mabilis siyang niyakap.

"Hindi ko kayang mawala ka. Hindi pwede!" Konting panahon ko lang siyang nakasama, marami pa kaming dapat gawin.

Biglang bumukas ang pinto at dumating si Zion na gulat na gulat sa nangyayari. "Tumawag ka ng manggagamot!" Kahit may nais pa siyang sabihin ay umalis agad siya habang tumatakbo.

"You're bossy," komento niya kahit hirap na hirap na.

"Don't say anything, and stay calm. I need you." Nanginginig na ang boses ko sa takot na mawala siya.

"This is my fate."

Mabilis akong umiling. "Papa, please." He looks surprised and amused as I say the magic word that he's been waiting.

"At last." Umiling-iling ako at mas lalo siyang hinawakan. May singsing siyang kinuha sa kaniyang kaliwang kamay at ibinigay sa'kin. I don't want him to leave me like this.


"If you want to hear those words thousands of times, then stay! Live! Just for me! Please, I'm begging you."

Continue Reading

You'll Also Like

19K 893 13
I am Allana Zia Singson. I got jilted on my wedding day! I was hurt! I was betrayed! I was humiliated! I was devastated! I want to run away! Away f...
6.3K 851 36
Si Kapitan Aurelio ay isang manlalayag na pirata na sumunod sa yapak ng kaniyang namayapa nang ama. Bata pa lamang ay tila hinihikayat na siya ng kar...
4.4K 217 48
La Lune Series #1: Illuminated Memories Aelin lost her memories in an accident, she never knew the cause of it and she didn't really care. Until she...
THE ROYAL DECREE By Justice

Historical Fiction

53.2K 1.5K 43
It's an Era of arts and beauty, with golden crowns and throne, fancy gowns, and social standing matters the most. But behind the mask of a girl named...
Wattpad App - Unlock exclusive features