LDR? No Its DLR

By Wonhwa10001

19 4 0

From Laguna to Cavite with love More

Chapter 1
Chapter 3

Chapter 2

3 1 0
By Wonhwa10001

Dhona's POV

"Tay nagpapasama sakin si Angela sa school" paalam ko kahit ang totoo makikipag kita talaga ako kay Raphael

"Saang school?" - Tatay Ben

"Sa Landayan, kukunin daw kasi niya yung form 137 niya"

"Tumigil ka nga muna sa kakagala mo, halos linggo linggo ka na umaalis ah tsaka kauuwi mo pa lang mag pahinga ka naman" - Tatay Ben

Kauuwi ko lang kasi kaninang umaga galing Paranaque dahil nag sleep over kami sa bahay ng tita ni Angeline

"Saglit lang naman kami dun eh"

"Hindi pa nga natin alam kung ano yang sakit mo labas ka pa ng labas, tsaka linggo ngayon sarado school" - Tatay Ben

Hala oo nga nakalimutan ko, mali dinahilan ko "naka usap na ni Angela yung adviser namin dati sabi nasa school daw siya ng 1:00 PM"

"Sabihin mo magpasama na lang siya sa iba" - Tatay Ben

Agad akong pumasok sa kwarto para mag isip ng paraan kung pano ko masasabihan si Raphael na baka hindi ako makapunta, di kasi yun nagdadala ng cellphone pag naalis siya eh sure ako nakaalis na yun sa bahay nila

Biglang tumunog yung cellphone ko kaya tinignan ko kung sino yung nag text

[Dine: Dhona anong oras kayo mag kikita?] 11:13 AM

[Dineeee tulongggggg
Bka kc d ako payagan umalis pero try ko parin. Pag d ako nakapunta pwede bang puntahan mo si Rafael sa shopwise? Tas sabihin mo pinagalitan ako, kung gusto nya punta sya dito sa San Pedro tas samahan mo]

[Dine: sige sige]

Buti na lang naalala ko na malapit lang bahay ni Dine sa shopwise kung hindi kawawa si Paeng dun

Nakita kong dumaan si tatay sa may pintuan kaya nag try ako ulit mag paalam "tay dali na saglit lang naman kami dun"

"Ala una ka aalis kainitan ng araw tas tamad na tamad ka pa mag dala ng payong" - Tatay Ben

"Mag dadala akong payong"

"Mainit pa rin yun, di bale kung alas tres ka lalakad eh" - Tatay Ben

"Edi 3:00 ako aalis" di siya sumagot kaya tinanong ko ulit "3:00 na lang ah"

"Oo" - Tatay Ben

Agad kong tinext si Dine para sabihing pinayagan na ko

[Waaaaiitttt pinayagan na ko pero 3 daw ako lumakad
Puntahan mo siya mamaya ah sabihin mo intayin ako]

[Dine: Sige sige. Text mo na lang ako pag andun na]

[Lah d ko alam kung nandun na yun. Wala kcng dalang cellphone yun
Mga 1:30 mo na lng puntahan para sure]

[Dine: nayy anong oras daw sya dadating?
Sige maliligo pa naman ako]

[1:00]

[Dine: sige]

[Thank youuuuuu
Alam mo nmn yung itsura diba?]

[Dine: Teka te. Nakalimutan ko hahahaha]

[Semi kalbo buhok nya ngayon tas mas matangkad ng konti kay Dale]

[Dine: sige sige keri na yan]

[Bka naka suot ng cap yun ngayon]

[Dine: sige sige]

[Thank you talaga]

[Dine: hahaha no prob]

Sinabihan ko na si Angela na 2:30 na lang niya ko sunduin tas pinaliwanag ko na rin kung bakit. Natulog na muna ako saglit para kahit papano makabawi ako ng tulog

Nagising ako biglang ng tumunog nanaman cellphone ko, nakita kong si Dine ang tumatawag kaya sinagot ko agad


Dine calling....
Accept | Reject

"Te nakita ko na, tama nga yung sabi mo naka suot siya ng cap" - Dine

"Nasabi mo?"

"Oo intayin ka daw niya" - Dine

"Kasama mo ba? Pakausap nga"

"Eto katabi ko. Kuya kausapin ka daw" - Dine

"Hello" - Rafael

"Sorry"

"Okay lang intayin na lang kita dito" - Rafael

"Sorry talaga promise pupunta ako dyan"

"Okay lang kahit 5:00 ka pa dumating mag iintay ako, ge na balik ko na to sa tropa mo" - Rafael

"Hello te aalis na ko pupunta pa ko sa bangko" - Dine

"Sige thank you talaga"



Naka-baba na ko sa harap ng shopwise nakita ko siya nakatayo malapit sa entrance palingon lingon, sa gilid ako dumaan para di niya ko agad mapansin

Hinampas ko siya ng mahina sa balikat, halatang nagulat siya nung nakita ako "sorry"

"Okay nga lang, ano tara na?" - Rafael

Nagsimula na kaming maglakad "anong oras ka dumating?"

"11:30" - Rafael

"Hala di nga?"

"Oo nga kaninang kanina pa ko nakatayo dun sa may entrance, tinanong na nga ko nung guard kung ano ginagawa ko dun" - Rafael

"Edi sana pumasok ka na muna sa loob"

"Ayoko mas magandang nasa labas ako para di ka na maghanap" - Rafael

Naguilty ako bigla, sobrang tagal ko pala siyang pinag intay samantalang sabi ko pa sakanya nung umaga mauunahan ko pa siyang dumating.

Nilagay niya sa ulo ko yung bimpong dala niya "sabi ko sayo mag dala ka ng payong" sabi niya

"May payong ako sa bag"

"May payong nga di naman ginagamit" kinuha niya yung payong sa bag ko saka ito binuksan.

Ang galing na pumayag siya bigla sa gusto ko, biniro ko lang naman siya na samahan ako mag simba ngayon

Nang makarating kami ng simbahan umakyat muna kami sa shrine ni lolo Uweng, kilala kasi tong simbahan na to dahil kay lolo Uweng dahil nag hihimala ito

"Yung bata pwede niyong kalungin para maka-halik kay lolo Uweng" sabi nung lalakeng nag a-assist sa pila

"Gusto mo buhatin kita?" Bulong sakin ni Paeng

"Bakit?"

"Ang liit mo eh" - Rafael

"Gusto mo sapakin kita?" Tinawanan lang niya ko

Nagulat ako ng may bigla siyang sinuot sa kamay ko "kapalit nung bigay mo" sabi niya tas pinakita niya yung kanya "pareho tayo"

Nasa loob na kami ng simbahan, nagsimula na kasi yung misa "ay nga pala"

"Ano yun?" - Rafael

Bigla kong sinuntok yung hita niya "di pala malakas yung una ah"

"Loko nito nasa simbahan tayo sinusuntok mo ko, tsaka binibiro ka lang eh sakit sakit ng suntok mo" - Rafael

"Haha ganun talaga"

"Wala pala tayong picture nung unang kita natin no? Sayang nakalimutan ko. nga pala may dala akong damit pang-palit" - Rafael

"Para san?"

"Mag basketball ako diba sabi mo may malapit na court dito" - Rafael

"Tumigil ka"

"Lah bakit?" - Rafael

"May lagnat ka diba?"

"Galing na kaya ako" - Rafael

"Kahit na pano kung mabinat ka?"

"Oo na hindi na" kinuha niya sakin yung bag ko "ako na maghahawak"

Hinawakan ko yung kamay niya nung nag simula ng kumanta ng Ama Namin, maya't maya pinipisil niya yung kamay ko na para bang ayaw na niyang bumitaw.

Tas nung peace be with you na nag tinginan lang kami sa mata sabay ngiti sa isa't isa.

Nang matapos ang misa sobrang daming tao sa labas tas medyo siksikan kaya hinawakan niya yung kamay ko "baka mawala ka"

"Baka ikaw ang mawala, nakalimutan mo atang taga dito ako"

Siya yung nauunang mag lakad saming dalawa tas dere-deretso lang siya "may balak bang puntahan to? Lagpas na sa dinaanan namin kanina eh" tanong ko sa sarili ko

"Kumain ka na ba?" - Rafael

"Saan ka pupunta? Lagpas na sa dinaanan natin kanina eh"

"Lagpas na ba? Di mo sinabi agad" - Rafael

"Dere-deretso ka eh kala ko naman may gusto kang puntahan dyan"

"Malay ko ba di naman ako taga dito" - Rafael

"Tamo tas sasabihin mo baka mawala ako"

"Sorry na" - Rafael

"Pag dineretso mo yun makakarating ka na sa bahay namin"

"Aba ayoko pang pumunta sa bahay niyo" - Rafael

Habang naglalakad pinipisil nanaman niya yung kamay ko kaya pinisil ko din ng sobrang diin yung kanya "kanina ka pa masakit kaya"

"Lambot pala ng kamay mo" - Rafael

"Edi wow"

"Ganda ng kamay mo bagay na bagay sakin" - Rafael

"Dami mong alam"

"Haha sana laging ganto, habang naglalakad hawak ko kamay mo" - Rafael

"Seryoso sa buong buhay ko ngayon lang ako may naka-holding hands"

"Talaga ako yung una?" - Rafael

"Oo"

"Nakakatuwa naman" kitang kita sa mukha niya na sobrang saya niya sa nalaman niya "anong gusto mong kainin?"

"Fishball"

"Nakain ka bang street foods?" - Rafael

"Malamang, ano kala mo sakin maarte?"

"Eh diba may mga bawal na pagkain sayo" - Rafael

"Seafoods, pork, chicken, beef, beans, mga laman loob ganun"

"Napaka dami namang bawal" - Rafael

"Eh mataas kasi uric acid ko"

Nasa tapat na kami ng mga nagtitinda ng street foods, kwek kwek na lang yung kinuha ko wala kasing fishball tas bawal naman sakin yung isaw

"Di mo man lang isasawsaw yan?" Tanong niya nung kumain agad ako

"Suka yung sawsawan eh bawal din"

Natawa na lang siya sa sagot ko tas binayaran na niya yung kinakain namin.

Nadaanan namin yung tindahan na nagtitinda ng mga kpop na poster kaya hinila ko agad siya papunta dun "wait lang may bibilhin ako"

Habang namimili kung ano yung bibilhin ko bigla siyang sumingit tas may tinurong poster "eto oh maganda"

Kinuha ko na yung tinuro niya tas pinahawak ko sakanya saglit kasi inaayos ko yung mga kinalikot ko kanina

"Ate magkano to?" Tanong niya dun sa bantay

"Bente lang po" sagot nung babae

"Ako na oi sakin yan eh" Pinigilan niya ko makapagbayad tas siya na yung nagbayad dun sa babae

Nagsimula na ulit kaming maglakad "hilig mo talaga sa Seventeen no" sabi niya

"Bakit may problema ka dun?"

"Wala naman nasabi ko lang" - Rafael

"Kala ko may problema ka eh awayin kita"

"Bakit Seventeen eh 13 lang naman sila?" - Rafael

Di na talaga mawawala yung mga nagtatanong nga ganto "basta nakakatamad mag explain"

"Pwede sayo chocolate?" - Rafael

"Walang sinabi yung doctor pero ayaw ako payagan ng mga tao sa bahay, bawal daw kasi chocolate sa may cancer"

"Sus nagpapaniwala ka dun, pag ako kasama mo pwede kang kumain ng chocolate" - Rafael

"Loko loko"

"Oo nga aba tara sa shopwise may nakita akong zagu dun" - Rafael

Pagdating namin sa shopwise pinaupo niya agad ako tas siya yung bumili "oh yan chocolate" sabi niya pagka abot niya sakin nung zagu

Nagtaka ako kung bakit hindi pa siya na-upo eh okay naman na yung order niya o baka naman iniintay yung sukli

Nagulat ako ng may nilagay siya sa harap ko na fries "wala na kong utang sayo ah" nung una naguluhan ako sa sinabi niya hanggang sa naalala ko may usapan nga pala kaming dalawa

Pala-mura kasi ako kaya sabi niya kada may mag mumura saming dalawa manlilibre ng fries, eh isang beses habang kausap ko siya sa tawag bigla siyang nag mura kaya yan siya nanlibre haha.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa "lapit ka dito" sabi ko sabay hila sa inuupuan niya, pag lapit niya nag picture kaming dalawa "yan may picture na tayo, send ko na lang sayo mamaya"

"Sa susunod ibibili kita ng ganyan" turo niya dun sa malaking stufftoy na panda

"Aanhin ko naman yan?"

"Kayakap mo sa gabi" - Rafael

"May unan ako"

"Eh mas maganda yung panda, bagay pa sayo kasi black and white. ang astig mo kaya tignan pag black and white suot mo kaya nga ganyan kulay nyang bracelet na binili ko eh" - Rafael

Tinignan ko yung rosary bracelet na binigay niya kanina "bagay nga"

"Sa susunod nga na punta ko magmomotor na lang ako" - Rafael

"Bakit?"

"Eh para di na ko mamasahe tsaka mas mabilis byahe kaya kong makarating dito ng 30 minutes lang" - Rafael

"Pag ikaw naaksidente patay ka sakin"

"Naaksidente na nga patay pa sayo" - Rafael

"Wag ka ng magpapakita sakin pag nangyari yun"

"Mamamasahe na lang pala ako" - Rafael

Pumunta na kaming sakayan papuntang SM Dasma kaso konti pa lang yung sakay kaya tumambay muna kami

"Kanina nung wala pa tropa mo dapat pauwi na ko nun eh kaso pag punta ko dito wala pang nga van" - Rafael

"Haha buti na lang"

"Oo nga eh sakto nga nun kasi pagbalik ko ng shopwise nagulat ako may biglang kumausap sakin yun pala tropa mo" - Rafael

"Buti na lang talaga naisipan kong utusan yun, muntik na nga kong di payagan kung hindi lang ako nag makaawa"

"Kung hindi ka pumunta uuwi akong malungkot nun. Pano ka pinayagan?" - Rafael

"Sabi ko 3:00 na lang ako aalis tas nagpasundo ako sa tropa sa bahay para kunwari siya kasama ko"

"Galing mo naman basta makatakas ka lang. Anong pangalan nun tsaka yung kanina?" - Rafael

"Angela tsaka Geraldine"

"Pasabi sakanila salamat kamo" - Rafael

"Oo" tinignan ko yung sintas ko na natangal na, aayusin ko na sana ng bigla niya kong hinampas gamit yung poster

Pumunta siya sa harap ko tas siya yung nag ayos ng sintas "di kasi pantay yung haba kaya natatanggal eh"

"Tinatamad akong pantayin eh"

"Pati ba naman yan kinatatamaran mo pa" umupo na ulit siya sa tabi ko "saka na ko pupunta sainyo ah"

"Kailan yun?"

"Pagka-pulis na ko"

"Tagal pa nun"

"Eh alam mong mahiyain ako eh tsaka gusto ko pag punta ko sainyo may maipagmamalaki ako" - Rafael

Basta pumunta ka lang sa bahay okay na sakin yun. Tinignan ko yung oras "6:00 na baka mapagalitan na ko"

Tumayo na siya tas nilahad niya sa harap ko yung kamay niya para tulungan ako tumayo, agad ko tong hinawakan tas tumayo na din ako "mag ingat ka"

"Ikaw din" sabi ko sabay yakap sakanya, napangiti ako nung yumakap din siya pabalik

Continue Reading

You'll Also Like

852K 40.6K 60
Dominique Selenophile * Mikaela Rielle
96.4K 4.2K 2
a one-shot story from your favorite band in pursuing our freedom- anagapesism. alluringli ©2022
78.5K 138 49
Enjoy
171K 9.7K 49
Porcia Era Hart x Chrisen