Maayos naman ang simula ng pagrereview ko. At seryoso din si Mark Ethan na hatid sundo niya ako. Nakakatawa nga nung unang araw ng review kasi andun din talaga siya sa Room. Ayaw niya akong iwan. Yung parang bata ako na hindi ko kakayanin ang pinasok ko. Yung tipong iiyak ako pag may umaway sa akin. Ganun ang dating ng kinikilos niya. Akala ata niya makakalusot siya na mag sit in dun pero nawala ata sa isip niya na dating Top 1 siya sa Board Exam kaya kilala siya ng mga Professor sa Review Center.
"Engr. Valero, magrereview ka ulit?"
Nung tingnan ko siya tatawa tawa lang siya. Yung parang batang nahuli sa paggawa ng kalokohan. Ganung ganun ang itsura niya. Ako gusto ko man siyang tawanan din pero bigla akong nahiya at kinabahan sa mapanuksong tingin nung Professor namin.
"So andito ka na lang din. Bakit hindi mo sila bigyan ng payo para sa pagkuha nila ng Board Exam?"
Akala ko hindi niya pagbibigyan si Sir. Pero dahil nga sa napahiya na siguro siya kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo at pumunta sa may harap. Ang gwapo niya talaga. Kahit yung ibang kasama namin sa room hindi mapigilan ang paghanga sa kanya. Gusto ko sanang sabihin na Akin na sya kaso hindi pa nga pala kami legal. Wala pa akong panghahawakan sa kanya. Hindi pa niya binabalik yung "Mahal Kita". Kaya kahit anong selos ang pwede kong maramdaman, babalik pa din ako sa tanong na. Kami ba?
"Wala naman akong gustong sabihin. Hindi ko din alam kung maniniwala kayo sa akin." simula niya. "Bago ako mag fifth year college. Ang goal ko lang ang mapantayan si Daddy. Ang mapasama sa Top 10. Kahit paulit ulit na sinasabi ng parents ko na hindi ko kailangang pahirapan ang sarili ko. masaya na sila na maging Engineer ako." bigla siyang tumingin sa akin. "Sabi nila huwag mo iaalay ang pagpasa mo para sa iba. Na papasa ako para kay ganito. Kasi pagnagkalayo kayo ng taong yun pati ang pagkuha ng Board Exam baka katamaran na din. Dapat alam mo kung anong Goal mo sa buhay. Kaya siguro ako pumasa."
Habang sinasabi niya yun hindi niya inaalis ang titig niya sa akin. Hindi ko tuloy alam ang ikikilos ko.
"Kuya ano nga yung Goal mo? Bukod dun sa pamantayan ang Daddy mo?"
Tanong ng isang babaeng simula pa lang ay alam ko na nagpapacute lang kay Mark Ethan. Kanina nung magkatabi kami nasa unahan siya namin. Ngayon na nasa harap si Mark Ethan lumipat din.
"Hindi ano. Sino. Sino ang Goal ko"
Tas kumindat siya sa akin. Ang adik lang. Hindi ko na nga alam ang ikikilos ko tas kikindatan pa ako. Pwede na ba akong matunaw sa kilig?
"Akala ko ba huwag ialay sa ibang tao ang pagkuha ng Board Exam? kasi baka pagbagkahiwalay kayo. Mawawalan ka ng ganang kumuha"
"Oo nga. Pero sabi nila yun. Hindi ko naman sila sinunod. At alam ko na naman na hindi kami magkakahiwalay. Ang goal ko ay ang humanga siya sa akin. Kasi anong silbi ng kung anong mararating ko kung balewala lang din naman sa kanya. Ipagpapalit ko ang pagiging Top 1 ko sa board exam para maging Top 1 ng buhay niya"
Napuno ng tili at kantiyawan ang room dahil sa sinabi niya. Ako bigla ata akong gumaan kasi pakiramdam ko nakalutang ako. Si Mark Ethan mabilis na lumabas ng Room namin. Ang adik lang kasi. Napaka unexpected magpakilig.
Akala ko hanggang dun lang ang kilig na pwede kong maramdaman nung araw na yun. Pero wala pang 10 minutes nakarecieve ako ng text mula sa kanya.
From: Mark Ethan
Siguro naman wala ng lalaking makakalapit sayo. O magtatangkang lumapit. Kasi akin ka lang.
Ang lapad lang ng ngiti ko. Hindi ko alam ang irereply ko. Kaya hinayaan ko na lang. Ano ba ang dapat ireply bukod sa "baliw" at "adik"? kasi wala akong maisip. Sa mga ginawa niya makakapag isip pa ba ako ng matino? Yung tibok nga ng puso ko hanggang ngayon hindi pa bumabalik sa normal.
From: Mark Ethan
Pag may nagtangka pa na lumapit. Sabihin mo lang. Para aayusin ko pa pambabakod sayo.
Wala na naman siguro. At kung may lumapit man. Sa palagay ko hindi ko din naman papansinin.
From: Mark Ethan
Kung sino man ang lalapit sayo ay hindi makakapag apply sa company namin.
Me:
Ang adik mo.
From: Mark Ethan
Pinapahalagan ko lang ang sa akin.
Me:
Start na ng review. Ingat ka.
Itinabi ko na yung cellphone ko. Nakinig na lang ako at inabala ang sarili ko. Hindi ko naman sinasabi na nakakagulo si Mark Ethan. Kasi panget lang tingnan na ngiting ngiting ako habang nagrereview. Baka isipin nila na hindi ako seryoso at walang planong ipasa ang Board Exam.
Nung matapos kami. Lumabas na ako agad. Hindi ko na chineck kung nagtext ba ulit si Mark Ethan. O kung nagtext siya para sabihin na andyan na siya. Lagi naman kasing maagang dumating yun. Kahit nung college ako pag sinabi niya na susunduin niya ako maaga pa lang andun na siya.
"Kamusta?"
Pagpasok na pagpasok ko sa sasakyan niya ayun agad ang sabi ko. Mabilis naman niya akong hinalikan sa labi bilang pagbati.
"Ok lang naman. Nakaleave ako ngayon eh"
"Nakaleave?"
"Yeah. Sabi ko kay daddy mga 1 month akong hindi papasok."
"Pumayag siya?"
Simula kasi nung nagstart siyang magtrabaho hindi siya nagleleave. Lagi siyang late pero bihira siyang magleave.
"Sabi ko kasi babantayan ko ang magiging nanay ng apo nila. Ayun ang bilis pumayag"
"so bubuntisin mo lang ako? hanggang dun lang?"
Pwede naman niya kasing sabihin na future wife o future daughter in law. Pero nanay ng apo lang. Hinawakan niya ang kamay ko. Ayaw ko sanang tumingin sa kanya pero hinawakan niya ang baba ko para tumingin sa kanya. Kahit anong banat ang sabihin niya o kahit anong pagpapakilig ang gawin niya. Kung walang label. Kung hindi ko alam kung ano ako sa buhay niya. Kung parte ba ako ng future na sinasabi niya. Kung naging goal lang niya ako nung kumuha ng Board Exam. O literal na goal na score lang ng score?
" Bakit papakasalan mo ba ako?"
Seryosong tanong niya. Nakakainis.
"Mahal mo ba ako?"
Ngumiti lang siya. Kung papakasalan ko siya. Syempre. Pero gusto ko munang marinig kung anong nararamdaman niya. Gusto ko na legal na kami. Na legal lahat ng pagseselos na nararamdaman ko. Na legal na pwedeng mang away sa magtatangkang umagaw sa kanya.
"Sabi na eh. Babalik na naman tayo sa tanong na yun. Kung Mahal kita. Kung masasabi ko na Mahal kita. Na ibabalik ko yung Mahal kita Na sinabi mo dati. bakit nga ba ang hirap sabihin na Mahal Kita? Lalo na siguro yung sobrang Mahal kita. Baka abutin ako ng taon bago masabi ko yun. At yung sobrang Mahal na Mahal kita. Baka abutin ako ng pagputi ng buhok ko bago ko masabi yun."
Seryosong sabi niya. Pero yung dating ng mga salita niya tumatagos. Sagad.
"Kaya mahihintay mo bang sabihin ko yun? Hanggang sa pagputi ng buhok ko?"
Kanina nagpapakilig siya. Ngayon nagpapaiyak. Kaya nakakabaliw kang Mahalin Mark Ethan. Hindi ko magawang magsalita. Baka kasi mapaiyak ako sa harap niya ng wala sa oras. Kaya niyakap niya na lang ako.
"Pero kung hindi ka makakapaghintay ng ganung katagal. Willing naman akong magpakulay ng buhok. Kasi Mahal kita"
Aalis sana ako sa pagkakayakap niya para makita ang mukha niya. Pero lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Pinanagutan ko na yung pagmamahal mo sa akin."
Matagal niya akong niyakap. Tas nung hinayaan niya akong kumalas. Medyo namumula ang mata niya. Kaya ba hindi niya ako pinapakawalan kanina? Kinabig ko siya para mahalikan siya sa labi. Halik na naging mas malalim at lalong tumagal. Bakit pa ako mahihiyang halikan siya? Pinanagutan na niya ang pagmamahal ko. At buti tinted ang sasakyan niya. Kaya ok lang na maghalikan kami sa loob. Pero nung maramdaman ko yung kamay niya sa may dibdib ko. Napalayo ako. Baka hindi nga umaandar itong sasakyan pero baka kung saan kami makarating.
"Ikaw kasi..".
Sabi niya habang inistart na niya yung sasakyan. At sisihin daw ako?
_casper_