LUCIO'S PROVERBS
Pagkatapos naming mag-usap ng Bathaluman ay naramdaman ko na may paparating kaya naglaho na ako pabalik ng aking kaharian.
OTIS' PROVERBS
Pagdating namin sa kagubatan malapit sa dalampasigan ay tinalasan namin ng aking asawa ang aming pakiramdam ng saganon ay hindi kami mauunahan kung sakaling isa ngang kaaway ang nandoon nagsimula na kaming maglibot ngunit wala kaming makita na kahit na ano sa paligid kaya napagpasyahan namin na bumalik na.
AMIHAN:May mga kaaway ba o kung ano Rama?
OTIS:Wala naman kaming kahit anong makita doon sa ngayon,ngunit hindi tayo pasisiguro baka hindi na natin alam na baka isa iyon sa ating mga kaaway.
PIRENA: Tama ang Rama wala man tayong makita sa ngayon ay hindi dapat tayo making kampante.
KEVA:Tama kayo sa ngayon na habang payapa pa ang paligid ay itutuloy natin ang ating kasihayan.
MIRA:Oo nga, huwag muna natin iyang isipin sa ngayon, kaya heto Yna alak para sa iyo para hindi ka ma stress! 😁(Sabay abot niya ng alak sa kanyang Yna at agad naman itong kinuha ng Hara)
PIRENA:Avisala eshma anak..
DANAYA:Tumador talaga itong si Pirena! 😂 (Pang-aasar niya sa kanyang kapatid)
PIRENA:Sheda Danaya! Wala ka talagang ibang nakikita noh!warka!
EMMANUEL:Kasi naman po Tita Pirena ikaw ang nasa tabi ni Tita Danaya! 😂
PIRENA:Ewan ko sa inyong dalawa, mabuti pang kumain nalang tayo!
LIRA:Mabuti pa nga Ashti kasi nagugutom pa ako!
Pagkasapit ng hapon ay napagpasyahan na ng mga diwata na bumalik sa mundo ng mga tao ngunit bago iyon ay nagtungo muna sila sa Kaharian ng Lahar upang kunin ang kanilang mga gamit at makapagpaalam.
SA KAHARIAN NG LAHAR
ALENA:Avisala eshma sa mainit na pagtanggap at pagpapatuloy niyo sa amin! 😊
ADAMUS:Avisala eshma rin po sa magandang karanasan na ito!
KEVA:Walang anuman iyon at natitiyak ko ma mauulit pa ito!
OTIS:Natutuwa din ako sa pagpunta niyo dito! 😊
ANGELO:Hayaan niyo po kung mayroong kasihayan na magaganap sa aming kaharian ay iimbatahan din namin kayo!
AMIHAN:Tama si Angelo pagkat iisa na tayo..
KEVA:Salamat sa inyong pakikiisa sa amin!
YBRAHIM:Walang anuman man iyon Hara walang ibang magtulong-tulong kundi tayo-tayo lang din!
OTIS:Tama kayo diyan Rama Ybrahim!
AZULAN:O ano mauna na kami sa inyo hanggang sa muli nating pagkikita! 😊
Nagpaalam na din ang mga batang Sang'gre sa kanilang mga kaibigan at inihanda nga mga kawal Laharian ang sasakyang panghimpapawid upang sila'y ihatid patungo sa lagusan palabas ng Elementia.
SA KAHARIAN NG HADES
LUCIO'S PROVERBS
Sumasangayon talaga ang kapalaran sa akin at natutuwa ako na nakahanap na ako ng bagong kakampi at si Ether pa mismo ang lumalapit sa akin ang gagawin ko nalang sa ngayon ay maghihintay ng hudyat na nanggaling mismo sa Bathaluman.
MARCELO:Parang tuwang-tuwa tayo ngayon Panginoon!
LUCIO:Oo,sa pagkat nakahanap na ako ng bagong kakampi siya pa mismo ang lumapit sa akin hindi lang iyon dahil hindi siya pangkaraniwang nilalang isa siyang Bathaluman!
MARCELO:Mabuting balita nga iyon dahil magagawa mo na ang iyong nais na mapabagsak ang mga naghariharian dito!
LUCIO:Tama ka ngunit sa ngayon ay maghihintay muna tayo sa hudyat ng Bathaluman..
SA MUNDO NG MGA TAO
GENERAL'S PROVERBS
Ilang minutong paglalakbay patungo sa mahiwagang lagusan ay nakarating na rin ang mga Hara, Rama, Diwani, Rehav, at Sang'gre sa kanilang paroroonan ang mundo ng mga tao pagkatapos buksan ang lagusan ng isa sa mga kawal.
LIRA:Hay salamat nakabalik na rin tayo!
HAYDIE:Oo nga medjo malayo din ang nilalakbay natin ha..
BONG:Medjo nakakapagod rin..
MIRA:Mabuti pang humawak na kayo sa amin para makauwi na po tayo...
Saka sila nag-ivictus patungo sa kanilang tahanan pagdating nila doon ay nagtataka ang ilang kasambahay liban kay Choleng sa pagkat nasa loob na sila Pirena na wala man lang bumusena sa tapat ng gate o nag-doorbell.
CASSANDRA:Hi Ate Evelyn, Ate Raquel and Ate Jane!
EVELYN:Nandiyan na po pala kayo, ngunit paano? 😅
PIRENA:Pinagbuksan kami ng pinto ni Ate Choleng kasi nagdodorbell kami kanina ngunit parang wala yatang nakarinig.(Palusot ng Hara)
JANE:Ganon po ba sorry po Mam Pirena kasi naging abala kami.
PIRENA:It's fine,you can back to work.
JANE:Mauuna na ho kami mga Mam mga Sir. (At naglakad na palayo ang tatlong kasambahay)
AMIHAN:Hindi talaga nauubusan ng palusot itong ating kapatid! 😁
ALENA:Oo nga at hindi pa parin kumukupas ang kanyang kakayahan! 😊
PIRENA:Iyan lang ang naisip kong sabihin para mapaniwala sila, kaysa naman magtataka sila di ba..
DANAYA:Mabuti pang iakyat nalang natin ang ating mga gamit!
SA HARDIN
PAOPAO'S PROVERBS
Habang naghihintay kami na maluto ang aming dinner ay nagpunta muna ako sa hardin upang magpahangin at nakita ko si Lira na parang ang lalim ng iniisip hindi man lang niya ako napansin.
PAOPAO:Parang ang lalim yata ng iniisip ng Diwani ng Sapiro.
LIRA:Iniisip ko lang ang mga posibleng mangyari kapag magkakagulo na dito.
PAOPAO:Lalaban pa rin tayo katulad ng dati. (Sabay hawak ko sa kanyang magkabilang kamay) Hangga't kumpleto tayo malalagpasan natin kung ano mang pagsubok ang darating.
LIRA:Sana nga avisala eshma sa pagpapagaan mo sa aking loob.(Sabay bitiw ng maliit na ngiti)
PAOPAO:Wala iyon,kahit ano para sa iyo..
LIRA:Thank you ulit, Paopao yung kamay ko..
PAOPAO:Ay.. sorry.
LIRA:Okay lang iyon.
PAOPAO:Matagal na tayong magkaibigan di ba?
LIRA:Oo, bakit mo naman natanong iyon?
PAOPAO:May nais sana akong sabihin sa iyo ngunit huwag kang magagalit.
LIRA:Ba't naman ako magagalit, sige na sabihin mo na.
PAOPAO:Naala mo nung nagbalik ako ng Encantadia tapos inakap mo ako?
LIRA:Oo, at tuwang-tuwa pa nga ako na nagbalik ka kasi akala ko dati na hindi na tayo magkikita.
PAOPAO:Alam mo ba na palagi kitang iniisip araw-araw hanggang lumipas ang napakahabang panahon, sa simula palang may nararamdaman na ako sa iyo Lira maiintindihan ko na hindi ka hindi ka magiging handa sa ganitong mga bagay sa dami nating iniisip ngunit ang akin lang ay masasabi ko ang aking nararamdaman para sa iyo.
Nang walang pagdadalawang isip ay hinalikan niya ako at ako'y napapikit nalang sapagkat hindi ko akalain na magagawa ni Lira ang bagay na iyon pagkalas namin sa isa't-isa ay napatanong ako ng..
PAOPAO:L-lira p-para s-saan iyon? (Nauutal kong sabi)
LIRA:Ang slow mo, hindi mo ma gets?
PAOPAO:Hindi eh..
Hinawakan niya ako sa magkabilang kamay
LIRA:Ang ibig sabihin nun ay pareho tayong ng nararamdaman para sa isa't -isa ang hinihintay ko lang na magtapat ka sa akin! 😊
PAOPAO:So, ang ibig sabihin ba nun ay tayo na?
LIRA:Bakit ayaw mo? 😊
PAOPAO:Yes!!
Dahil sa sinabi sa'kin ng aking mahal ay napatalon ako sa sobrang saya at inakap ko siya ng mahigpit tapos ay umakap naman siya sa akin pabalik.
LIRA:Paopao iyong boses mo naririnig sa buong subdivision! (Saway niya sa akin)
PAOPAO:Ay.. sorry hindi ko lang kasi mapigilan ang aking sarili sa sobrang saya ipinapangako ko sa iyo na hinding-hindi kita sasaktan at handa ako maging Tatay ni Cassandra..
Nang biglang sumulpot si Cassandra sa aming harapan..
CASSANDRA:Talaga po? So kayo na ba ni Yna kuya?! (Sabi niya na hindi talaga mapagkaila na sobrang saya niya)
PAOPAO:Oo, Cassandra at maari bang atin-atin lang muna ito?
CASSANDRA:Opo Ama makaasa po kayo!
PAOPAO:Avisala eshma anak!
At nagyakapan kaming tatlo ang sarap talaga ng pakiramdam na tawagin kang Ama pagkat may anak ka na na magmamahal sa iyo..
LIRA:Matanong ko lang kanina ka pa ba diyan anak?
CASSANDRA:Oo Yna kaso hindi niyo lang napansin hehehe.. 😁😁
LIRA:Ashtadi ka talagang bata ka! (Sabay pisil niya sa kanyang ilong)
CASSANDRA:Mana po sa inyo eh.. hehehe...anyway handa na po ang dinner..
PAOPAO:Ikaw talaga!, tara na nga pasok na tayo!
GENERAL'S PROVERBS
Pagpasok nila sa loob ay nandoon na ang lahat sa hapag at nagsimula na sila maghapunan napansin agad ni Ybrahim ang kasiyahan sa mukha ni Lira at Paopao.
YBRAHIM:Parang ang saya niyo yata anong meron?
PAOPAO:Masaya lang po kami ni Lira!😁
AMIHAN:Iyan lang ba ang dahilan Paopao?
PAOPAO:Hay..kilalang-kilala niyo po talaga ako..sasabihin ko na..
YBRAHIM:Sabihin ang alin?
PAOPAO:Kami na po ni Lira..😁
YBRAHIM:Totoo ba iyon anak?
LIRA:Opo Tay,totoo ang sinabi ni Paopao
AMIHAN:Mabuting balita iyon,ngunit ipangako mo na hindi mo sasaktan ang anak namin..
PAOPAO:Pangako po Ate Hara Amihan at Kuya Rama Ybrahim na hinding-hindi ko sasaktan si Lira.
AMIHAN:Mabuti naman!😊
MIRA:Nako bessy masaya ako para sa iyo!Congrats!😁
LIRA:Thank you ha..eh..sa inyo ni Angelo nasabi niyo na ba?
PIRENA:Anong tungkol sa inyo ni Angelo anak?
ANGELO:Kami na po pala ni Mira.
PIRENA:Talaga kailan pa?
ANGELO:Noong nakaraang buwan lang po nung mga panahon na iyon wala pa akong kahit anong maalala ngunit alam ko na tama ang aking nararamdaman kay Mira.
AZULAN:Pinapayuhan ko si Angelo dati na habang may panahon pa ay sabihin niya na ang kanyang nararamdaman para sa anak natin habang may panahon pa.
PIRENA:Alam mo ang tungkol dito Mahal?(Pagtatakang tanong ng Hara)
AZULAN:Ngayon ko palang nalaman na sila na pala.
MIRA:Hindi po namin sa nasabi agad pagkat marami pa tayong suliranin noong mga panahon na iyon.
ANGELO:At naghihintay lang po kami ng tamang panahon.
PIRENA:Oo nga naman,kung ganon ay masaya ako para sa inyo ngunit huwag mong sasaktan ang anak ko.
ANGELO:Makakaasa kayo Hara.
AZULAN:Masaya rin ako para sa inyo ni Mira,at kailan ang kasal?(Biro ng Rama)
ALANA:Wow Ama kasal na agad hindi pwedeng mag-boyfriend muna?!
At nagtawanan ang lahat sa tinuran ng Diwani
AQUIL:Alagaan niyo sila Mira't Lira huwag niyo silang pababayaan malaking tiwala namin sa inyo.
PAOPAO AT ANGELO:Opo Mashna.
MEMFES:Hindi lang iyon botong-boto kami sa inyo para sa aming mga hadia.
PAOPAO AT ANGELO:Avisala eshma Rehav.
MEMFES:Walang anuman.
ADAMUS:Congrats mga Ate mga Kuya, ako kaya kailan ako magkakalovelife?
ALENA:Darating rin ang tamang babae para sa iyo anak,ngunit sa ngayon ay mag-aral ka muna.
ADAMUS:Opo Yna.
DANAYA:Ito tandaan niyo kung magkaroon na kayo ng katipan ay hindi lahat ng pagkakataon ay masaya meron ding mga pagkakataon na masasaktan niyo ang isa't isa...
AQUIL:Totoo iyan kagaya namin ni Danaya maraming pagkakataon na nagkahiwalay ngunit kung para talaga kayo sa isa't-isa kahit anumang pagsubok ang dumatimg sa inyo hindi iyon matitibag pagkat kayong dalawa ang itinadhana.
DASHA:Ang lalim naman iyan Ama hindi ko reach,pero ilalagay po namin ang iyong payo sa aming isipan.
CASSANDRA:Ngunit sa ngayon ay mag-aaral muna kaming mabuti kasi kapag nagmamadali tayo mahirap na.
HAYDIE:Tama nga iyon baka madapa pa kayo kung magmamadali kayo.
BONG:Ngunit kung dumating na ang tamang pagkakataon ay huwag na huwag niyo itong palampasin.
MEMFES:Naks naman!kaya ba kayo nagkatuluyan ni Haydie dahil hindi mo pinalagpas ang tamang pagkakataon!😁
BONG:Oo naman!
MEMFES:Kaya pala..😁😁
Nagtawanan ang lahat sa kakulitan ng Rehav..
SA ENCANTADIA
KAHARIAN NG NIYEBE
ETHER'S PROVERBS
Ngayon na nagbigay na ng katapatan sa akin si Lucio hindi na ako mapipigilan ng mga diwata pagkat sa pagkakaalam ko ay isa rin siyang makapangyarihang nilalang kaya lang siya napabagsak dahil pinagtulungan siya ng apat na kaharian.
Pero ngayon natitiyak ko na hindi na mangyayari ang nakaraan!
Umaapaw nga ang pag-ibig ngunit pagmamahal pa rin ba ang mangingibabaw sa huli o pagdudusa?
ABANGAN..