Marrying My Sister's Fiancee

By mamakarx

276K 8.4K 440

"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I... More

Cautionary NoteπŸ“Œ
DisclaimerπŸ“Œ
PrologueπŸ“Œ
Chapter 1πŸ“Œ
Chapter 2πŸ“Œ
Chapter 3πŸ“Œ
Chapter 4πŸ“Œ
Chapter 5πŸ“Œ
Chapter 6πŸ“Œ
Chapter 7πŸ“Œ
Chapter 8πŸ“Œ
Chapter 9πŸ“Œ
Chapter 10πŸ“Œ
Chapter 11πŸ“Œ
Chapter 12πŸ“Œ
Chapter 13πŸ“Œ
Chapter 14πŸ“Œ
Chapter 15πŸ“Œ
Chapter 16πŸ“Œ
Chapter 17πŸ“Œ
Chapter 18πŸ“Œ
Chapter 19πŸ“Œ
Chapter 20πŸ“Œ
Chapter 21πŸ“Œ
Chapter 22πŸ“Œ
Chapter 23πŸ“Œ
Chapter 24πŸ“Œ
Chapter 25πŸ“Œ
Chapter 26πŸ“Œ
Chapter 27πŸ“Œ
Chapter 28πŸ“Œ
Chapter 29πŸ“Œ
Chapter 30πŸ“Œ
Chapter 31πŸ“Œ
Chapter 32πŸ“Œ
Chapter 33πŸ“Œ
Chapter 34πŸ“Œ
Chapter 35πŸ“Œ
Chapter 36πŸ“Œ
Chapter 37πŸ“Œ
Chapter 38πŸ“Œ
Chapter 39πŸ“Œ
Chapter 40πŸ“Œ
Chapter 41πŸ“Œ
Chapter 43πŸ“Œ
Chapter 44πŸ“Œ
Chapter 45πŸ“Œ
Chapter 46πŸ“Œ
Chapter 47πŸ“Œ
Chapter 48πŸ“Œ
Chapter 49πŸ“Œ
Chapter 50πŸ“Œ
Chapter 51πŸ“Œ
Chapter 52πŸ“Œ
Chapter 53πŸ“Œ
Chapter 54πŸ“Œ
Chapter 55πŸ“Œ
Chapter 56πŸ“Œ
Chapter 57πŸ“Œ
Chapter 58πŸ“Œ
Chapter 59πŸ“Œ
Chapter 60πŸ“Œ
Chapter 61πŸ“Œ
Chapter 62πŸ“Œ
Chapter 63πŸ“Œ
Chapter 64πŸ“Œ
Chapter 65πŸ“Œ
Chapter 66πŸ“Œ
Chapter 67πŸ“Œ
Chapter 68πŸ“Œ
Chapter 69πŸ“Œ
Chapter 70πŸ“Œ
Chapter 71πŸ“Œ
Chapter 72πŸ“Œ
Chapter 73πŸ“Œ
Chapter 74πŸ“Œ
Chapter 75πŸ“Œ
Chapter 76πŸ“Œ
Chapter 77πŸ“Œ
Chapter 78πŸ“Œ
Final ChapterπŸ“Œ
PasasalamatπŸ“Œ
Author's NoteπŸ“Œ
AnnouncementπŸ“Œ

Chapter 42πŸ“Œ

3.9K 139 18
By mamakarx

ARABELLA'S POV

6 years, anim na taon simula ng umalis ako sa Pilipinas. Kumusta na kaya sila? Lalong lalo na si Vienne? Kumusta na kaya sya, siguro masaya na sya sa piling ng kanyang tunay na iniibig, kay Aranella. May mga anak na siguro silang dalawa. Pinahid ko ang kuha kong tumulo mula sa mga mata ko. Hindi ko talaga mapigilan ang hindi maiyak sa tuwing naiisip ko ang mga posibleng nangyari sa kanila sa Pilipinas. Kahit masakit, alam kong tama ang ginawa ko. Hindi pwedeng maging kabit ako at tawaging home wrecker kapag ipinaglaban ko ang nararamdaman ko sa kanya. Simula ng iniwan ko si Vienne ay hindi naging madali ang buhay ko. Naging mahirap para sa akin ang lumayo, hindi ko na nagawang kontakin pa sina Yaya Lolita at Ellie sa London, I just called Atty. Valdez, ang personal kong abogado at sinabi ko sa kanya na ibigay ang mga dokumentong nagsasaad na ibinibigay ko na ng buo ang property sa London, masaya ako dahil alam kong nasa mabuting sitwasyon na sina Yaya Lolita at Ellie.

"Ano na naman ba ang iniisip mo Bella? Mukhang ang layo ng tanaw mo ha hindi ko maabot" pagbibiro sa akin ni Kristel. Yes, Kristel Monte, ang estudyante ko sa Matthew University kung saan ako nagtuturo noon.

I met her dito sa New York at halatang hiyang na hiyang sya dito sa klima ng New York dahil lumitaw ang tinatago nyang ganda. She is now a very beautiful woman inside and out.

"Here, nagdala ako ng mga baked cookies at pineapple juice. Mag meryenda muna tayo" she added bago nagsalin ng inumin sa baso ko at sa baso nya.

"Thank you.." sambit ko sa kanya bago kinuha ang baso at tumungga.

"Are you still thinking about Vienne?" She asked me, alam na lahat ni Kristel ang tungkol sa buhay ko. Naikwento ko na sa kanya ang lahat lahat. Hindi pa nga sya makapaniwala noong una pero sa huli naniwala na din sya.

"Partly yes, hindi naman mawawala basta basta ang koneksyon ko sa kanya dahil sa regalong bigay nya sa akin" nakangiti kong turan.

"Mommy!!!!" sigaw ng tatlong babies ko. My angels sent from above.

Tumakbo sila patungo sa direksyon ko kasama nila si Robert. Yes, Kristel and Robert were together. Naayos na nila ang problema nilang dalawa. Sa U.S. sila nagkaayos at dito tumira sa New York. Nagkita kita kaming tatlo dito at naging matalik na kaibigan, mga bago kong pamilya aside from Yaya Lolita and Ellie. Kagaya ngayon, binibisita nila ako every weekends.

"Mommy, Tito Robert bought me a Funko Pop" pagbibida sa akin ng anak kong bunso na si Savannah Fuentabella. She is bubbly at mahilig magpinta kagaya ko. She really looked like me.

"Me too Mommy, Tito Robert gave me a new set of Avengers Squad" hindi din magpapatalo ang pangalawa kong anak na si Sachilles Fuentabella. He is a loving and caring child. Kamukha ko sya at ng daddy nya, kumbaga hati kami ng mukha when it comes to Sachilles.

"I also have a new launch set of transformer cars Mommy" ang pinakahuling nagsalita ay ang panganay kong anak na si Schneider Fuentabella. An overprotective kuya to his siblings.

Lumapit si Robert sa amin. Nagbeso beso kaming dalawa bago sya lumapit sa asawa nyang si Kristel at hinalikan ito sa labi.

"Grossss!!!!" Sabay sabay na sabi ng anak ko na ikinatawa namin.

Pinaupo ko na ang apat kasama si Robert doon, nagsalin ako ng inumin sa babies ko habang si Kristel naman ang nag-asikaso sa asawa nya. My babies love to bake at tinulungan naman sila ni Kristel.

"Highest bid na naman ang painting mo Lady Victorina" wika ni Robert habang kumakagat ng cookies.

Ngumisi naman ako bilang pagpapakita ng kasiyahan ko. I have lots of money at ang perang kinita ko sa ibang painting ko ay ibinibigay ko sa mga charities na tinutulungan ko. I have hundreds of charities na natulungan, inside and outside of New York including Philippines. Mas marami akong charities na natulungan sa Pilipinas, my homeland. Si Robert ang tumulong sa akin para makapaglabas ako ng painting, nakipag negosasyon sya kay Ellie. Si Ellie naman ay palagi syang kinukukit tungkol sa akin everytime na ibibigay ni Robert ang painting ko sa kanya.

"You know what Bella, until now, hindi parin ako makapaniwala na ikaw si Lady Victorina. Biruin mo iyon? Naging guro ko ang iniidolo ko" natatawang saad ni Kristel na ngayon ay lumalamon na naman, buntis kasi kaya ganyan kong makalamon. Medyo naging maselan ang pagbubuntis nya dahil noong una nyang pagbubuntis ay nakunan sya.

"Hay nako! Tigilan na natin ang buhay ko. Sawang sawa na akong balik balikan ito" ang tanging nasabi ko sa kanila. Nagkibit balikat naman sila.

"Oh, paano ba yan Bella, mauuna na kaming dalawa ng Mrs ko" pagpapaalam ni Robert. I just jodded bilang pagsang-ayon.

"Mag-iingat kayo" sabi ko.

"Bye po Tita Kristel at Tito Robert" sabay na wika ng triplets.

"Bye babies, balik kami next weekends ha" sabi ni Kristel bago hinalikan isa isa ang mga anak ko ganoon din si Robert.

Nang makauwi na sila ay pumasok na kaming apat sa loob ng bahay. Ang mga anak ko naman at bising bisi sa kanilang mga bagong laruan. Napailing na lamang ako dahil sa inaasal nila tuwing nagbibidahan sila ng kani-kanilang mga laruan.

"Kids, mamaya na iyan. Magbihis na muna kayo at tulungan nyo si mommy na maghanda ng lulutuin natin for dinner" saad ko sa kanila. Agad naman silang sumunod sa akin sa taas.

Savannah a.k.a. Savi, Schneider a.k.a. Nei, at Sachilles a.k.a. Sachi ay may sariling kwarto, nasa iisang kwarto lang sila pero sobrang laki din nito na kasya ang kanilang sobrang laki ding walk in closet. May isa isa din silang mini room sa kwarto nila na kung saan ang laman ng room na iyon ay mga collections nila.

"Savi, are you done baby?" Tanong ko sa bunso ko, sa kanilang tatlo si Savi ang inaalalayan ko pa unlike sa dalawang kuya nya na masyado ng independent, they can manage themselves na pero ginagabayan ko pa din naman sila.

"Not yet Mommy pero malapit na akong matapos po" Magalang ang mga anak ko. I teaches them to use po and opo everytime they are talking to their elders.

Sinanay ko ang mga anak ko na magsalita ng Filipino dahil gusto kong mahalin nila ang sariling atin, kung saan sila nabibilang. Robert and Kristel ay Filipino din ang ginagamit kapag nakikipag-usap. Grade 1 na sila at nasa Grade school sila nag-aaral dito sa New York which is ang system ay pang Pilipinas kasi ang may-ari ay Pilipino, halos lahat na nag-aaral sa school na iyon ay mga anak ng Filipino. Iwas bully na din.

"Were done po" sabay sabay na turan ng mga anak ko.

I kissed them bago kami bumaba, Nei at Sachii ay palaging na aassign sa paghanda ng mga plates na gagamitin while Savi naman ay sa akin palagi nakasunod. Kung ano ang mga inuutos ko ay ibinibigay nya. Like get my spatula. Hindi naman mahirap ang mga iniuutos ko for their age.

Nagluto ako ng sinigang na baboy which is their favorite of all recipe. They love Filipino foods especially bagoong, ganado silang kumakain kapag may ganoon sa hapag. Sila ang pumapawi sa mga lungkot na nararamdaman ko, sila ang lakas ko, at ang inspirasyon ko.

"Dinner is serve babies" sigaw ko, napapalakpak naman sila sa tuwa. Nei guided his siblings paupo sa mga upuan nila pagkatapos ay umupo na din sya, ako naman ay kinuha ang napkin at nilagay sa lap nila. Nag pray muna kami bago kumain, rotation ang magiging rules namin for prayer at ngayon ay si Savi ang na assign.

"In the name of the father, and of the son, and of the holy spirit, Amen. Dear Papa God, thank you po sa lahat ng blessings na ibinigay ninyo sa amin araw araw. Thank you for giving me a wonderful mom and the best kuyas in the entire universe. Sana po makasama na namin si daddy, miss na miss na po namin sya nina kuyas. Amen. Let's eat na po mommy at kuyas" sabi ni Savi, si Nei naman ay nilagyan ng pagkain ang plato ng mga kapatid nya.

Masaya akong pinagmamasdan ang mga anak ko. Hindi ko akalain na magbubunga ang gabi ng pinagsaluhan namin ni Vienne, I am very thankful for these wonderful babies. Tumayo naman ako at nilagyan ang bawat baso nila ng orange juice. Ganadong ganado ang mga anak ko habang kumakain, sinabayan ko na din silang kumain.

Hindi ko alam kong ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na binanggit ni Savi ang tungkol sa daddy nila. Sachi at Nei ay ang mga anak kong alam kong gusto ding makita at makasama ang dad nila kahit hindi nila sabihin ramdam ko ang kagustuhan nilang makita ito. Minsan tinanong nila ako about their dad, hindi naman ako masamang ina para hindi sabihin sa kanila kung sino ang ama nila. Pinapakita ko sa kanila ang pictures ng daddy nila at kita ko sa mata ang pangungulila doon. Masyado pa silang bata para malaman ang dahilan kong bakit hindi kami nagsasama ng daddy nila. Si Savi lang talaga ang masyadong makulit pagdating sa usapin ng daddy nya kaya hanggat pwede pang iwasan, iiwasan ko munang mabanggit si Vienne. Fuentabella ang ginamit nilang family name dahil iyon ang dapat, hindi kami kasal ni Vienne.

"Mommy, okay ka lang po?" my little Nei asked me. Tumango naman ako.

"Of course baby, bakit?" malambing kong saad.

"Kasi po, kanina pa po kayo wala sa sarili habang kumakain tayo" Sachi added.

Sobrang talino talaga ng mga anak ko. Mana sa akin at sa daddy nila. Alam nila kong may problema ako o wala. Kabisadong kabisado na talaga ako ng mga anak ko.

"No babies, may naisip lang si mommy. Tomorrow is Sunday, after mass ano ang plano nyo?" iniba ko ang usapan at salamat dahil kumagat naman sila.

"Amusement park po" sabay sabay nilang wika at ng mapagtanto nilang pareho sila ng sinabing tatlo ay nagtawanan sila.

Nagtaka ako when Savi, Sachi, at Nei ay may kinuha sa mga inuupuan nila. Medyo nag-uusap usap pa sila gamit ang mga mata nila, ng magkaintindihan ay sabay sabay nilang ibinigay sa akin ang letters nila na may nakasulat sa unahan na "happy mother's day" hindi lang ito normal na letters, it was a pop out book, every page ay may mensahe. Naiyak naman ako sa surprise nila sa akin.

"Kailan nyo to ginawa mga anak? Everytime na nandito kayo sa bahay ay sama sama tayong naglalaro diba? Paano kayo nagkaoras na gawin ito?" Madamdamin kong tanong sa kanila.

Savi just giggled, Sachi just smiled, at si Nei naman ay binigyan ako ng isang basong tubig para mapatahan ako sa kakaiyak.

"Tuwing gabi po mommy pagkatapos nyo kaming dalawin, nagdradramahan lang po kaming tulog kahit hindi naman po. Pagkaalis nyo po, saka namin gagawin" paliwanag ni Sachi. Agad ko silang niyakap at hinalikan isa isa sa pisngi.

"I promise babasahin ko ito mamaya bago matulog. Si mommy din ay may mensahe para sa inyong tatlo. Savi baby, kuya Sachi, at kuya Nei always remember that mommy loves you so much no matter what. I just wanted to say sorry kung bakit hanggang ngayon ay hindi nyo parin kasama ang daddy nyo. The three of you were so young to understand our situations. Just always put in your mind that daddy Vienne always love you no matter what like mommy okay?"saad ko. Tumango tango naman sila bago ako niyakap at pinaghahalikan sa pisngi.

Nang gabi ding iyon ay sa kwarto ko sila natulog, gusto daw nila akong makatabi total mother's day naman kaya hinayaan ko na lamang sila. Sa kanang gilid ko ay si Savi habang sa kaliwa naman ay ang dalawang kuya na sina Nei at Sachi. Nang makatulog sila ay isa isa ko silang pinagmamasdan. They are lovely, I kissed them bago pinatay ang lampshade. Napakasarap sa pakiramdam na katabi mong matulog ang mga kayamanan mo sa buhay.






To Be Continued . . . . .

Continue Reading

You'll Also Like

59.9K 1.2K 26
"Stanley, please, stop now.." Umiiyak kong pakiusap sa kanya bago muling pinilit na tumayo mula sa pagkakahiga ko. Ngunit bago pa man ako tuluyang...
358K 9.9K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
214K 3K 28
Chen Marie Ayala is a famous neurosurgeon. Marami ang humahanga sa angking talino at ganda ng dalagang doktor. But despite of her success was her dar...
24.2K 389 45
As I began to disrobe, undressing myself in front of him, his attention was solely focused on me. A smirk formed on his lips as he took a sip of his...