Chasing Love (Sequel to Hopel...

By The8thWorldWonder

258K 4.9K 856

[BOOK 2 of HOPELESS LOVE] Paul had never stopped chasing Aaliyah. After a short while, Aaliyah got chased. Bu... More

Chasing Love (Hopeless Love Book 2)
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37

CHAPTER 8

7.8K 156 18
By The8thWorldWonder

Marami nang na-capture na tanawin sa Burnham Park si Aaliyah sa loob pa lang ng thirty minutes. Ako naman ay sumusunod lang sa kanya habang nag-nonotes ng mga bagay na makikita dito na maaari kong magamit sa gagawin kong article. Mayroon din kaming nakausap na ilang mga magulang na sa Manila nag-aaral ang mga anak nila. Sa tingin naman namin ay malaki ang maitutulong noon sa’min lalo na’t hindi naman namin nakausap ang mga magulang ni Arvie.

Maya-maya’y nag-aya si Aaliyah na mag-pahinga daw muna kami at hintaying lumubog ang araw dahil pagabi na rin naman.

“Alam mo, ang tahimik mo,” sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Hindi ako umimik at sa halip ay ibinaling ko ang tingin ko sa papalubog na araw. “Hindi ka ba natatakot mapanisan ng laway?”

“Alam mo, ang daldal mo. Hindi ka ba natatakot maubusan ng laway?” sarkastikong tanong ko pabalik.

Napatingin naman siya sa akin at saka tumawa sandali. “Hindi. May tubig naman kapag naubusan ako ng laway, e.”

“Alam ko,” ang tanging nasabi ko.

“Alam mo din ba’ng ang sungit mo?”

“Alam ko.”

“Alam mo din ba’ng ang boring mong kasama?”

“Alam ko.”

“Alam mo din ba’ng ang gwa— este sagwa ng itsura mo kapag naka-simangot?”

I grinned. “Alam kong gwapo ako.”

Tila natigilan naman siya at biglang napakagat sa lower lip niya. Agad niya ring iniwas ang tingin niya sa akin. Sa mga sandaling iyon ay nanatili lang siyang tahimik at ako naman ay gano’n din ang ginawa.

Suddenly, she heaved a sigh at saka muling nag-salita nang hindi ako tinitignan. “Mag-kwento ka naman.”

“Ayoko,” tugon ko.

This time, tumingin na siya sa akin. “Ako na lang ang mag-kukwento kung ayaw mo,” saad niya at saka nahiga sa damuhan. Hindi ako umimik at sa halip ay hinintay ko na lang siyang muling mag-salita. Gusto ko ring malaman kung ano’ng i-kukwento niya. “Tutal, hindi naman tayo talaga magkakilala, siguro mas maganda kung mag-kwento ako.”

“Alam mo bang hindi ko kilala ang sarili ko?” panimula niya. Tila bigla naman akong natigilan nang tanungin niya iyon. Parang ayaw ko na tuloy siyang pag-kwentuhin. “I can’t tell you exactly why. Pero hanggang ngayon, isang misteryo pa rin ang pagkatao ko sa sarili ko. Parang mas kilala pa nga ata ako ng ibang tao kaysa sa sarili ko, e.”

Hindi ko na napigilang magtanong ng, “Bakit?”

“Masyadong kumplikado,” sagot niya. “Have you ever felt so incomplete?” she paused. Para bang naghihintay siya ng sagot ko na hindi naman dumating.

Oo, Aaliyah. Matagal ko nang nararamdaman ‘yan. Simula pa lang noong umalis ako papuntang Singapore, hindi ko na ulit naramdaman kung paano ang maging buo. I have always felt incomplete ‘cause I’ve been missing a big part of me – you.

Gustuhin ko mang sagutin ang tanong niyang iyon ay hindi ko ginawa. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko sa kanya ang totoo.

“If you ever felt that way, I guess you’ll understand what I’m going through right now. Isang napakalaking parte ng buhay at pagkatao ko ang nawala sa akin. It’s depressing, right?” I heard her snickered. “Alam mo ‘yong feeling na kailangan kong gumising araw-araw at palakasin ang paniniwala kong someday… I’ll be finally whole again? Kahit na alam ko sa sarili kong imposible nang mangyari ‘yon. But still, I’m hoping. Someday.”

Sa mga pagkakataong iyon ay gusto ko siyang yakapin o kahit hawakan man lang ang mga kamay niya at sabihing, ‘Huwag kang mawalan ng pag-asa. I’m here. I’ve always been here.’ Pero for the nth time, hindi ko na naman nagawa at nasabi sa kanya ang mga iyon.

“Pero alam mo… sa mga panahong kinikilala ko ang pagkatao ko, may isang taong hindi umalis sa tabi ko. May taong palaging nagsasabi sa’kin na huwag akong mawalan ng pag-asa.”

Parang biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa mga sinasabi niya. Nag-simula akong mag-bunot ng paisa-isang damo para aliwin ang sarili. Sa ganitong paraan man lang ay mailabas ko ang bigat ng loob ko. Dahil alam ko kung sino ang tinutukoy niya at malabong maging ako ‘yon. Kahit na gustuhin ko… kahit na alam kong dapat ay ako iyon… alam kong imposible.

“’Yong taong ‘yon, palaging pinapakita sa akin na kahit kailan, hindi ako mawawalan ng taong masasandalan. Pinaparamdam niya sa’kin na hindi ako nag-iisa at sabay naming bubuuin ang pagkatao ko.” Huminto siya panandalian at maya-maya pa’y muli siyang umupo. “Feeling ko nga nagkakaroon na ak—”

Hindi ko kayang marinig ang huli niyang sasabihin kaya naisipan ko nang tumayo at mag-lakad palayo. Agad naman siyang sumunod habang tinatawag pa ako.

“Justine! Huy! Ang daya mo naman, e. Hindi pa kaya ako tapos mag-kwento!” reklamo niya nang mahabol niya ako.

Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya. “Hindi ako interesado, okay?”

Kalungkutan at sakit ang sa tingin ko’y bumakas sa mukha niya nang sabihin ko iyon. Hindi ko din alam kung bakit ko nabitiwan ang mga salitang iyon sa kanya. Interasado ako sa lahat ng bagay na tungkol sa kanya lalo na’t mahigit isang taon kong hinintay ang pagkakataong muli siyang makausap. Pero kahit kailan, hindi ako naging interesado sa anumang sasabihin niya tungkol kay Aaron. Ayoko. Hindi ko kaya. Mahirap masaktan.

Hindi siya sumabay sa akin pabalik ng hotel.

Natapos na akong kumain ng dinner ngunit hindi pa rin siya dumadating.

Mali ata ang ginawa ko. Tss!

Agad kong kinuha ang hoodie ko sa kwarto namin at naisipang bumalik sa Burnham Park para hanapin siya. Pagdating ko naman sa lobby ay nakita ko siyang pasakay na ng elevator. Para hindi niya ako mapansin ay hinayaan ko muna siyang makasakay at saka ako nag-palipas ng ilang minuto sa labas.

Noong pabalik na ako ay pareho kaming nagulat sa isa’t-isa noong pagbukas ng elevator. “Saan ka galing?” mahinang tanong niya habang lumalabas ng elevator.

“Nagpa-hangin lang. Matutulog na ako,” paliwanag ko at saka sumakay ng elevator.

Gustuhin ko mang tanungin kung saan siya pupunta ay hindi ko na ginawa. Ayoko munang magpakita ng concern sa kanya sa ngayon dahil na rin sa ugaling inaasta ko towards her.

Ten-thirty na ng gabi ay hindi pa rin bumabalik si Aaliyah. Nag-simula na akong mag-alala kaya kinuha ko agad ang cellphone ko at nag-simulang mag-type ng message para tanungin kung nasaan na siya. Noong isesend ko na ay bigla namang bumukas ang pinto.

Hindi siya umimik nang makapasok na siya. Dumiretso lang siya sa kama niya at saka nahiga. Ako naman ay nag-kunwaring abala sa tina-type ko sa laptop ko kahit na kung anu-ano lang naman talaga ang ginagawa ko doon. Ilang saglit lang ay kumuha na siya ng pamalit na damit at saka nag-punta sa banyo.

Nang makalabas siya’y muli siyang nahiga. “Hindi mo pa ba papatayin ang ilaw?”

As usual, hindi ako sumagot. Sa halip ay tumayo na lang ako at pinatay ang ilaw. Nag-desisyon na rin akong patayin ang laptop ko at matulog na.

Nang mahiga ako ay pinili kong tumalikod mula sa kanya. Hindi ganoon kadilim sa kwarto dahil may street light sa tapat lang mismo ng kwarto namin. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa rin ako makakuha ng tulog. Siguro kasi, ito ang unang pagkakataon na matutulog kaming magkasama sa iisang kwarto.

“Justine?” mahinang tawag niya sa akin. “Tulog ka na ba?”

Hindi ko ginawang sumagot o gumalaw man lang. Maya-maya’y naramdaman ko ang pag-bangon niya mula sa kama niya dahil hindi siya ganoon ka-ingat gumalaw. Rinig na rinig ko ang pagkaluskos ng kumot niya.

Unti-unti akong humarap sa lugar kung nasaan ang kama niya at napansin na wala na nga siya doon. Nakita ko siyang nakatayo sa patio ng kwarto. She was shaking and I knew from that moment that she was crying.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nagulat naman siya nang makitang nasa tabi na niya ako. Agad siyang nag-punas ng luha at kunwari’y nagpatay-malisya na lang ako.

“A-akala ko tulog ka na,” nauutal na saad niya.

“Marami ang namamatay sa maling akala,” pahayag ko. This time, hindi ko na pinigilan ang sarili kong tumingin sa kanya. Naka-tingin rin siya sa akin at tila nagulat naman nang ngitian ko siya ng panandalian.

Then there came the awkward silence.

Naka-lean lang ang mga kamay namin doon sa mga bakal at sa tingin ko’y pareho lang kaming naka-tingin sa kawalan. Maya-maya’y nabaling ang atensyon ko sa keychain na hawak niya sa kaliwang kamay. Ang keychain na ibinigay ko sa kanya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ito ba ang dahilan ng pag-iyak niya?

Kahit na sobrang bilis na ng tibok ng puso ko ay nakaramdam din naman ako ng pag-luwag ng kalooban.

Nasa kanya pa ang keychain. Isa lang ang ibig-sabihin nito.

“A-ano ‘yan?” tanong ko na wari’y curious sa bagay na hawak niya.

“A-ah… a-ano, keychain,” utal na sagot niya habang tinititigan ito. “Slipper keychain na may nakasulat na pangalan ko in reversed.”

Tumangu-tango ako na para bang nagsasabing ‘ah, okay’. “I can see that. Saan galing?”

Nagkibit-balikat siya, “Hindi ko din alam, e. Paggising ko isang araw, hawak-hawak ko na ‘to.”

Natahimik na lang akong muli dahil hindi ko na din naman alam ang sasabihin ko.

Ibinalik ko ang keychain na iyon sa kanya noong nasa hospital pa siya. Iyon din ang araw na huli ko siyang dinalaw. Ang araw kung kailan ako nag-desisyon na lumayo mula sa kanya. Iniwan ko iyon sa mga palad niya habang natutulog siya. Bahagi na ng buhay naming dalawa ang keychain na iyon. And as long as it’s with her… never will I consider to stop chasing her.

“Pero tingin ko, malaki ang role nitong keychain na ‘to sa buhay ko. Feeling ko nga, kapag hawak ko ‘to, malapit na akong ma-kumpleto, e,” paliwanag niya. Maya-maya pa’y tumingin siya sa akin at ngumiti. Wait, hindi ngiti iyon. Parang natatawa siya. “Hindi mo ako naiintindihan, ‘no? Sorry ha, ang weird ko.”

“Yeah, weird nga,” wari’y pagsang-ayon ko.

“Ikaw naman, bipolar,” natatawang pahayag niya.

“I know.”

“Siguro, malungkot ang buhay mo, ‘no? Wala kang mga kaibigan kaya ganyan ka makitungo.” Bigla naman siyang napatakip sa bibig niya nang tignan ko siya. Seryoso lang naman ang expression ng mukha ko at hindi galit. Pero parang tingin niya ay nainis ako kaya agad din naman siyang nagsabi ng, “Oopsie! Sorry, joke lang!” habang naka-peace sign pa.

Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa aminin ko man o hindi, ang cute niya sa ginawa niyang iyon at lalo kong napatunayan sa sarili ko na sobra ang pagka-miss ko sa kanya. Gustung-gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero sobrang pinipigilan ko rin ang sarili ko na gawin iyon. Bibigyan ko lang siya ng dahilan para magtaka sa kinikilos ko. Worse, baka isipin pa niyang maniac ako at nag-tetake advantage sa kanya.

“Marunong na ka naman palang ngumiti, e!” masayang pahayag niya. “Dapat gawin mo ‘yan palagi. Hindi ‘yong akala mo ay araw-araw kang may regla. Daig mo pa ako, e. Ang saya-saya kaya ng buhay!”

Bilib ako sa kanya dahil nakakaya niyang sabihin iyon sa kabila ng mga sakit at paghihirap na naranasan at nararanasan niya pa rin hanggang ngayon.

“I’m sorry,” mahinang saad ko.

Ang akala ko ay hindi niya iyon narinig dahil panandalian siyang natahimik at hindi man lang ako kinibo. Maya-maya’y biglang nag-stiff ang buo kong katawan nang maramdaman kong nakapatong ang isang kamay niya sa kanang balikat ko. (Nasa right side ko rin siya nakatayo.)

“About what?”

“A-about earlier,” utal na tugon ko.

She patted my shoulder for three times. “It’s fine,” sabi niya at saka ibinalik ang kamay niya sa grills. “I got offended at first. But then I realized, hindi nga interesting ang kinu-kwento ko. It’s weird. Useless. And very complicated. I can’t blame you for that.”

Instead of telling her she was wrong – that what she was telling me was never weird because I know why she feels incomplete. That it was never useless because being left without memories was beyond unacceptable. And yes, it had always been complicated because it was complicated. – I decided to keep still and muted.

“And I’m sorry, too.” Tinignan ko siya at hinintay na mag-patuloy. “For… you know… Uhm. For being so madaldal. Nahihirapan lang kasi ako kapag tahimik ang paligid ko.”

“B-bakit?”

“I don’t know. Pero siguro kasi pakiramdam ko, nag-iisa lang ako kapag wala akong naririnig na ingay.”

I nodded.

Tumingala siya sa langit at saka pumikit. “Katulad ngayon, ang tahimik ng paligid. It makes me feel perilous. Hmm. You know what? Sometimes, being surrounded by wild noise is a little bit more consoling than staying somewhere enclosed by devious silence.”

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...