Obey Him

By JFstories

26.8M 1M 351K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 29

420K 15.8K 4K
By JFstories

Classes – All levels. Public and private in Quezon City are suspended today due to inclement weather.


Lumabi ako habang nakatingin sa glass window ng study room ni Jackson. Mabuti at natuluyan ang pag-ulan kung hindi ay parang tanga lang siya na nagsuspende ng klase kahit wala namang ulan. Tsk. Hindi rin talaga siya umalis ng bahay maghapon para lang magpaturo sa akin gumamit ng social media.


Bumukas ang pinto ng banyo at lumabas doon si Jackson. Wiwi break lang ang nagpa-stop sa session namin. Kung hindi pa siya naihi ay hindi niya pa ako tatantanan.


Naupo siya ulit at humalukipkip. "Where are we?" seryosong tanong niya na akala mo naman e isang napakabuluhang bagay ang pinagkakaabalahan namin.


"Facebook pa rin." Iniscroll ko ang newfeed niya. "Kailangan mong mag-add ng friends para hindi boring ang FB life mo." At para hindi kami lang ni Valentina ang nasa friendlist mo dahil nakakainis ang ganun!


"All right. Add Minda."


"Si Mrs. Cruz add ko rin?" biro ko. Wala naman kasing FB si Mrs. Cruz. Sinearch ko na pero wala talaga. CP nga nun e Nokia 3310 pa. Ewan ko bakit ganun iyon e may pambili naman ng mas magandang phone kung gugustuhin. Malaki pa ang sahod niya ng dalawang beses kaysa kay Ate Minda kasi mayordoma siya sa mansion.


"She has an FB?" Gulat naman si Jackson.


"Wala. Joke lang. Patola ka."


"Patola?" Nanlaki ang mga mata niya.


Napakamot ako ng pisngi. Ang hirap kapag masyadong seryoso ang kausap mo, hindi makasakay sa mga simpleng joke.


Need ko pa tuloy i-explain. "Patola, ibig sabihin, mapagpatol."


Wala siyang kibo. Namumula ang pisngi at dulo ng kanyang ilong. Galit ba siya?


"Galit ka ba? Joke lang naman iyon... Hindi naman kita kinukumpara sa patola. It's just a word na ginagamit kapag—"


"Don't use that word again." Nag-iwas siya ng tingin.


"It's a millennial word."


"Whatever. Where are we again?" Ibinalik niya ang paningin sa phone.


Nanulis ang nguso ko sa kasungitan niya. "Sa pag-a-add po ng friends, Mayor."


Nakasimangot na siya at hindi na nawala iyon. Hay, sa haba ba naman ng pag-stay ko sa DEMU, at pakikipahgkwentuhan kay Ate Minda, ang dami ko ng na-adopt na millenial words. Iyong mga nauuso. Pati ng beki language at mga pamimiloso, ang dami kong learnings. Nakalimutan ko na ang kaharap ko pala ay isang seryosong tao na parang hindi dumaan sa childhood.


Nasa swivel chair siya at ako ay sa isang upuan na nakaharap sa kanya.


"Ito naman, ganito ang dapat mong gawin." Kandangawit ako sa pagpapakita sa kanya ng dapat niyang makita.


"Hindi ko makita."


"Lalapit pa ba ako? Ito o."


Para kaming mga timang. Kanina ko pa hindi maipaliwanag nang maayos sa kanya dahil magkaharap kami. Kailangan ko pang magpatayo-tayo para ipakita sa kanya at mapaliwanag nang maayos kung paano ginagamit ang Facebook.


Mukhang nainis na rin siya. Bigla siyang tumayo at hinuli ang pulso ko. "Doon tayo sa sofa para mas malawak at makakilos tayo nang maayos."


Nang makalipat kami sa sofa ay mas lalo naman akong hindi makakilos dahil sa magkadikit na magkadikit kaming dalawa. Kulang na nga lang ay mag-akbayan kami. Desidido talaga siya kaya nakakaawa namang hindi pagbigyan.


"Gusto mo bang private account ito or open sa public? Pwede naman nating iset ang setting na friends mo lang ang makakakita ng ibang posts mo na sa tingin mo ay hindi mo gustong i-share sa iba." Clinick ko ang setting ng account niya.


Nang makatapos kami sa basic ay hinayaan ko na siyang mag scroll sa feed niya. Naglike ako ng mga pages na tingin ko ay ok sa kanya. Mostly about politics, news page and pages about sports.


"Mag-ingat ka sa mga link na ikiclick mo, madalas kasi mga spam iyon. Makikita mo naman if the source is legit or not."


Tatango-tango siya habang nakatutok din naman ang mata sa screen.


"Also, hindi lahat ng mga nasa Facebook ay totoo. Some are using fake dummy accounts to troll. Hindi malabong hindi ka makaka-encounter niyan dahil public figure ka. Sa page mo, marami ang ganun. But don't worry dahil mas marami namang nagmamahal sa 'yo—" Natigilan ako sa pagsasalita dahil sa akin na siya nakatingin.


Hindi na sa gadget nakatutok ang pansin niya kundi sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal nang ganoon.


Sa tagal na magkatitigan lang kami ay hindi ko na nacontrol ang sarili ko na tingnan ang mga labi niya na kasing pula ng mansanas. Oo ganoon kapula ang labi ng lalaking 'to. Ganoon kapula ang mga labing umangkin sa labi ko noong birthday ko...


Hindi ko pa rin iyon nakakalimutan...


Mahina siyang nagsalita. "Fran..."


Napaangat ako ng tingin sa mga mata niyang kasing dilim ng gabi ngayon. "T-tapos na kitang turuan..."


"Right." Tumaas ang gilid ng bibig niya.


Tumayo na ako. "Ay, may gagawin pala akong project. S-sige, punta na ako sa kwarto ko. Bahala ka na diyan, kaya mo na 'yan." Sinikap kong ngitian siya. "G-good luck, ah!"


Tumalikod na ako at mabilis na naglakad papunta sa pintuan. Nabibingi ako ngayon dahil may mga bagay na hindi ko dapat naririnig pero heto at naririnig ko ngayon—katulad ng malakas na tibok ng puso ko.


"Fran."


Tumigil ang mga paa ko sa paghakbang. Parang bigla ay hindi ko na pagmamay ari ang mga ito dahil kusa at bigla ang pagtigil ng aking mga paa dahil lang sa tinawag niya ako.


Matamlay ko siyang nilingon. Seryoso pa rin ang reaksyon niya kaya lalo akong nanamlay. Parang hindi siya ok e. May nagawa ba ako? Pangit ba ang pagtuturo ko? Hindi ba siya natuto?


"May kailangan ka pa ba sa akin?"


Hindi niya ako sinagot. Umiwas siya sa akin ng tingin saka nagsalita. "Thank you for teaching me. I've learned a lot today." Pagkatapos ay pinaikot patalikod sa akin ang inuupuan swivel chair.


Hindi ko alam kung bakit tinalikuran niya na ako ay nakuha ko pang ngumiti. Ngumiti nang matamis.


...


ANO KAYANG GINAGAWA NI MAYOR NGAYON?


The next day sa DEMU. Hala palagi ko na lang siyang naiisip kahit nandito ako sa school. Baka makagat niya na ang labi niya niyan. Di ba ganun daw iyon?


Speaking of kagat. Okay nang labi niya ang makagat niya, 'wag lang labi ng iba.


Binatukan ko ang aking sarili dahil sa pinag-iiisip ko. Hindi ko lang talaga maiwasan lalo na't may bad record na sa memory ko si Jackson. Hindi ko pa limot iyong kahalayan nila noon ni Valentina sa studyroom niya. Na-trauma ako noon. Pero napatawad ko naman na rin sila.


Sana lang talaga e hindi na naulit at hindi na maulit iyon. Hindi ko na sila mapapatawad 'pag ganun.


"Hi, Fran!" Lumapit sa akin sina Elvy, Hilda at Bea. Si Bea ang kumakausap sa akin. "May gagawin ka pa? Last class mo na rin, di ba?"


Ha? Tapos na pala ang klase? Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na talaga namalayan ang mga nangyayari. Maaga ang uwian ngayon dahil dalawang prof ang wala sa course namin.


"Ask lang namin baka gusto mong sumabay sa library?" yaya nila.


Alanganin ang mga ngiti nila sa akin. Siguro iniisip nila na baka tumanggi ako. I gave them a big smile. "Sure."


Sabay-sabay na nagliwanag ang mukha ng tatlo. Ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng kasama dito sa school. Masayang kasama sila Elvy, Hilda at Bea. Sa totoo lang, ramdam ko agad na genuine ang kabaitan nila. Hindi ako bihasa sa pagkilatis ng tao, pero iba lang talaga ang vibes sa kanilang tatlo. Wala silang arte. Wala silang ere. At itinuturing nila akong kapantay nila.


"Okay pala itong si Fran e, akala ko talaga snob."


"Hindi, ah." Nginitian ko si Hilda. "Nahihiya lang rin akong makipaglapit."


"Sorry, Fran, if naiisip naming snob ka. Usually kasi sa mga pretty girls dito sa campus ay snob. Lalo sa aming mga nerdy type."


"Hindi naman kayo nerd, ah!"


"Binansagan na kaming ganoon kaya ayun, nakasanayan na rin namin na ang tawag sa amin ay Nerdy Trio."


"Nerd na kasi ngayon ang palaging mataas ang grades mo, active ka sa mga school participations, acad clubs at madalas na paglalagi sa library. Hay, judgemental society talaga!" Naiiling-iling pa si Bea. Medyo chubby ito, morena at cute ang mga matang chinita, palaging may yakap na libro at napakaconservative manamit. Parang palaging sasamba.


"Bahala sila. Hindi naman nila tayo pinapalamon para intindihin natin mga kuda nila sa life." Si Hilda naman ay slim, nakaglasses nang makapal at ipon na ipon ang lahat ng hibla ng buhok sa mahigpit nitong pagkaka-pigtail.


"Hayaan na natin sila. Basta alam natin ang totoo, at hindi rin naman masama maging nerd kung ikinakabuti mo naman ito sa iyong pag-aaral." Si Elvy naman ay kulot na kulot ang napakaiksing buhok at may glasses din pero hindi kasing kapal at labo ng kay Hilda. Makulay ang damit nito.


"Tama," sang ayon ko. "Tara sa canteen muna. Merienda muna tayo before maglib. My treat."


Ngumiwi si Hilda. "Naku wag na. KKB na lang tayo, nakakahiya baka mamihasa kami."


Napangiti ako, at nagtawanan naman ang tatlo.


Sa totoo lang, gumaan ang buhay ko sa DEMU sa iilang araw na nakakasama ko sila. Natuloy pa rin kami sa canteen pero natuloy rin ang KKB kahit na nagpumilit ako na ilibre sila. After naming magmerienda ay nagyaya na si Hilda sa library at doon namin inubos ang natitira pa naming oras bago mag five pm. Saktong alas-sinco na kami lumabas.


"Nangibang landas ka na pala, Fran."


Napalingon ako sa nagsalita sa tabi ng dinadaanan namin nina Hilda. Nakatambay sina Jaeda ay Hyra sa gilid ng hagdan papunta sa second floor ng Engineering building. May iba pa silang kasama, karamihan ay mga boys na ang pang-ibaba lang ang suot na uniform pero nakacivilian sa pang-itaas.


"Nauubusan ka na ba ng kakaibiganin at pati iyang mga small people na 'yan e tina-tiyaga mo na?" Nilapitan ako ni Jaeda. "We're still here you know? You're welcome to our club."


Napatingin ako kina Hilda, Bea at Elvy na mga nakayuko sa gilid ko.


"Hindi kami small people!" mahinang alma ni Hilda na pigil ang gigil. Sa maiksing panahon ay nakilala ko na ang ugali nito. Mainitin ang ulo kapag nasasaling pero matindi naman ang pisi ng pasensiya para umiwas sa gulo.


"Small people!" Si Hyra na ngising-ngisi na lumapit sa amin. "Mga nakapasok lang dito because of the scholarship. Nakakainis lang dahil eyesore sila sa campus. Hindi na nga sana sila kapansin-pansin ang kaso dinikitan mo naman sila, Fran. Binuhay mo lang ang inis ng mga tao rito sa tatlong 'yan."


"Ano bang kasalanan nila sa inyo?" napipikong tanong ko. Kaibigan ko na ang tatlo kaya nasasaktan ako sa klase ng pananalita nina Jaeda.


"'Yang payatot na 'yan," tukoy ni Hyra kay Hilda. "'Yan ang umagaw ng pagiging valedictorian ng kapatid ko noong high school. Akalain mo iyon? Iyan pang pipitsuging 'yan na nakakapag-aral lang naman dahil sa scholarship ang tatalo sa kapatid ko na ang tutor pa ay from England? Obviously dinaya niya ang kapatid ko!"


Nang tingnan ko si Hilda ay pulang-pula ang mukha nito.


"At dito pa talaga nila sa DEMU naisipang pumasok ng college. Ayan, hindi tuloy dito nag-enroll ng college ang sis ko dahil natatakot siyang madaya na naman niyang payatot na 'yan."


"Hindi naman yata maganda na magbintang ka," saway ko kay Hyra.


"Bintang? Excuse me, Fran, huh!" Namewang si Hyra sa harapan ko. "Paanong magiging valedictorian ang isang busabos na kagaya niyan e samantalang wala nga 'yang own computer sa house nila. Ikumpara mo naman sa sis ko na complete sa lahat. Pati tutor non, from abroad. Obviously dinaya ng babaeng 'yan ang kapatid ko. Balita ko pa nga favorite ng mga teachers yan noong high school dahil sipsip at paawa yang babaeng 'yan!"


"Enough!" mariing awat ko kay Hyra. "Wala naman dito ang sister mo sa DEMU kaya pabayaan mo na si Hilda. Hindi ka naman siguro nagbabalak maging cum laude para mainis ka sa kanya, di ba?"


Namula ang buong mukha ng babae. Nagtawanan naman ang mga kaibigan nito sa likod.


"Hyra cum laude? When the hell freezes over!" anang lalaki na may hikaw sa itaas ng labi. Naghalakhakan ang mga ito including Jaeda mismo.


"Shut up!" bulyaw naman ni Hyra sa mga so called "friends" nito.


Hinila ko na paalis sina Hilda, Bea at Elvy. "Don't mind them, girls," ani ko sa kanila.


"Sanay na kami," nakangusong sagot ni Elvy.


"'You okay?" tanong ko sa tahimik na si Hilda.


"Oo... Salamat, Fran." Yumuko ito. "Hindi ko alam kung paano ko sila tatakasan, kahit saan na lang ipinapahiya ako ng mga iyon."


"Hindi na nila iyon magagawa ngayon." Hindi ko alam kung saan galing iyong lakas ng loob ko para sabihin ito kay Hilda. Parang bigla ay naging matapang ako.


Gusto kong tumayo para sa kanila. Ayoko na ulit mangyari ang nangyari sa akin noon. Iyong pinagtulungan ako nang walang kalaban-laban, at ang inaasahan kong kakampi na akala ko'y tutulungan ako, tinalikuran lang ako sa gitna ng aking pangangailangan.


...


Inihatid ako nila Elvy hanggang sa gate ng DEMU. Nauna nang umuwi si Elvy dahil sinundo siya ng daddy niya samantalang sina Hilda at Bea ay sabay na magko-commute. Isang way lang kasi ang inuuwian nila. Hinihintay lang nila akong masundo rin bago sila umalis.


Panay ang tingin ko sa suot kong wrist watch dahil kadalasan naman ay maaga si Kuya Tarek, ngayon lang siya nahuli ng ilang minuto.


Isang color black Scrambler Ducati ang dumating. Nakahood na kulay black, faded jeans and black boots ang lalaking sakay. Black din ang kulay ng suot niyang helmet na inalis niya nang huminto siya sa tapat namin.


Pwedeng may iba akong isipin ng makita ko palang ang big bike motor pero hindi ko sumagi iyon sa isip ko dahil kahit nakahelmet siya ay kilala ko na siya.


"Ang guwapo..." bulong ni Bea na dinig na dinig ko.


"Si Mayor!" bulalas ni Hilda kaya agad akong napalingon sa kanya. "Siya sundo mo, Frantiska?"


"Hilda, 'wag kang maingay." Napalingon-lingon ako sa paligid bago ako nanakbo kay Jackson. Inagaw ko agad sa kanya ang hawak niyang helmet.


Salubong ang makakapal na kilay ni Jackson nang agawin ko ang kanyang helmet.


"Ano ka ba?" sawak ko sa kanya sabay balik ng helmet sa kanyang ulo. "Baka may makakilala sa 'yo rito."


Nilingon ko ang dalawa kong bagong kaibigan. "Sorry."


"Ano ka ba? Bat ka nagsosorry?" Nakangiti si Bea sa akin. Ganoon din ang katabing si Hilda.


"Ingat kayo." Nagba-bye sila sa akin.


"Ingat din kayo." Kinuha ko ang extra helmet na dala ni Jackson saka ako sumampa nang patagilid sa likod. "Tara na."


Nang paandarin niya ang motor ay humawak ako sa kanyang bewang, dahil kung hindi ko iyon gagawin ay baka mahulog ako sa bilis niyang magpatakbo. Diyos ko! Dinaig pa niya si Calder sa gigil sa pagmamaneho.


Hindi pa ako nakakaangkas kahit kailan kay Calder pero alam ko na kaskasero iyon. Nabanggit niya ring mahilig ito sa racing. At ito naman ang unang beses na nakita kong nagpatakbo ng motor si Jackson. Bagay rin pala sa kanya. At marunong din pala siya.


"Hold on tight."


"Ok." Hinigpitan ko naman ang kapit ko sa kanya na amoy na amoy ko na ang gamit niyang mamahaling perfume. Sininghot-singhot ko pa iyon dahil napakabango. Lalo iyong bandang nasa leeg niyang amoy.


Siguro iyong pawis niya e humalo na sa pabango niya. Okay naman iyong kinalabasan. Mas mabango.


"Fran." Inis ang tono niya kaya naalarma ako.


"Bakit?" Diniinan ko ang kapit sa bewang niya at bahagya siyang napaigtad.


"Nakikiliti ako."


"Ops." Inayos ko ang hawak pataas pero lalo siyang napaigtad. Gumewang din kami nang kaunti.


"Not like that." Nag one-hand siya at ginamit ang libreng kamay para ayusin ang pagkakahawak ko sa kanya. Mula sa bewang niya at hinila niya ang mga kamay ko papunta sa kanyang matigas na tiyan.


"Tighter."


Napalunok ako at napasubsob na sa kanyang likod. Sige e di higpitan pa lalo.


"Bakit naisipan mo akong sunduin?" Nang nakamotor. Habol ko pero sa isip na lang nasabi.


"I just want to have fun."


Fun? Kailan pa? Napanguso ako. Mukhang may mabigat na dinadala si Mayor ngayon. Okay lang, nandito ako para dumamay. Hindi lang pang FB tutor, kundi sandalan din ng nasasaktan. Napangisi ako bigla sa kalokohan ko. Pero hindi naman siguro masamang mag-assume na ako ang gusto niyang karamay ngayong mukhang badtrip siya sa buhay.


Natutuwa ako. Natutuwa ang puso ko at hindi ko alam kung bakit. Ang dami na namang walang sagot sa isip ko pero hindi ko na pinag-iintindi. Basta natutuwa ako sa sitwasyon na mas malapit na ako ngayon kay Jackson.


"Are you hungry?" tanong niya habang umaandar kami.


"Hindi." Umiling ako. "Kumain kami sa canteen bago maglibrary. Ikaw?"


"I'm fine. Hawak ka lang, malayo ang pupuntahan natin."


Hindi ko alam kung saang malayo pero tumango ako kahit hindi niya nakikita. Hinayaan ko siyang dalhin ako sa kung saan mang malayo na tinutukoy niya. Sabado naman bukas kaya okay lang mapagod at mapuyat.


Medyo matagal ang biyahe. Kahit mabilis ang pagpapatakbo niya, ramdam ko ang pag-iingat sa tuwing may nakakasabay kami. Gabi na nang makarating kami sa Tanay, Rizal. Sa isang private property kami tumungo. Isang modern rest house na bungalow ang nasa loob ng garaheng pinasukan namin. Pagkababa ay kinuha niya ang bag ko at dinala sa loob ng bahay. Binalikan niya ako at hinila papunta sa likod ng rest house.


"Anong meron dito?" nagtatakang tanong ko.


Bukod sa maraming pananim na bulaklak, mesmerizing view of over looking metropolis. Napanganga ako sa ganda ng naaabot ng aking paningin.


"Hala! May ganitong lugar kang alam!" bulalas ko. Bakit ngayon ko lang ito nalaman at narating? Ang ganda rito! Romantic! Ang ganda ng lahat at ang lamit at presko ng hangin!


"Dito kami palagi ng mommy ko bago siya namatay," walang emosyong kwento niya.


"Bakit mo ako dinala rito?" Ibinalik ko ang paningin ko sa kanya. At bakit ganoon? Hindi siya nalalayo sa magagandang view na tinitingnan ko kanina.


"I need someone to be with," kaswal niyang tugon.


Okay lang. Okay lang na gawin niyang companion. Ayos lang sa akin. Medyo nakakapanibago lang mapag-isa sa lugar na siya lang ang kasama. Kinakabahan din ako pero alam kong hindi dahil sa takot.


"Naririnig mo rin ba iyon?"


"Ha? Ang alin?" Inilingap ko ang aking paningin sa paligid. Super tahimik naman dito. Wala naman akong ibang naririnig kundi ang tibok ng puso ko—


"Iyon." Napatanga ako kay Jackson dahil titig na titig siya sa akin.


"A-ano ba iyon?" Puso ko lang kasi ang naririnig ko. O baka puso niya rin ang naririnig niya ngayon—


Umiling siya at namulsa. "Nevermind."


"Bakit mo nga ako dinala dito? Papaturo ka ba ulit magFacebook? Malakas ba signal dito kaya dito mo ako dinala?"


Hindi siya nagsasalita kaya nanahimik na ako. Masyado na siyang focus sa pagtingin sa nasa ibabang metropolis. Parang maliliit na ibat-ibang kulang ng bombilya ang nasa ibaba. Parang malalayong Christmas lights na kumukuti-kutitap. Nakakaalis pagmasdan ang lahat mula rito sa itaas kaya namalayan ko na lang ang sarili ko na nalilibang na rin.


"This is my mom's favorite place and we used to go here every weekend. She died here."


Napakurap ako.


"She died of a heart attack."


Nang lingunin ko siya ay may lungkot na sa kanyang mga mata. Sa isang iglap, nakita ko ang vulnerable side ng mayor ng Quezon City.


"We were so close... I love her very much." Ngumiti siya nang mapait. Nasa metropolis pa rin ang kanyang malungkot na paningin.


Nanahimik ako. Hindi ko alam ang kwento tungkol sa mommy ni Jackson, pero alam kong kahit istrikto ito ay mabuti namang ina sa kanya. Hindi ko alam na dito mismo sa lugar na ito namatay si Donya Jaqueline Cole.


I am happy that he opened up with me. Lalo na tungkol sa kanyang mommy niya na napakasensitibong usapin para sa kanya.


"Kung buhay pa siya, hindi ako nasa politika ngayon." Tumingin siya sa akin. "May iba akong gustong gawin."


"Bakit hindi mo ginawa?" Bakit mas pinili mong sundin ang lahat ng utos ng daddy mo? Dugtong ko sa isip.


"I lost the drive. Sa dami ng nangyari, hindi ko na inisip ang tungkol sa gusto at kailangan ko. Ang kailangan na lang ng naiwang pangalan ni Mom ang gusto kong protektahan. Ang reputasyon na lang ng pamilyang iniwan niya ang mahalaga."


"Mas mahalaga kaysa sa 'yo?"


Umiling siya at bahagyang ginulo ng mahahabang daliri ang sariling buhok. "Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nagawa ko na." Mahina siyang tumawa. "Hindi ko na iyon mababago kagaya ng nabago ako dahil sa mga nagawa ko."


Nagulat ako nang bigla niya akong akbayan. 


"Sa loob na tayo, mahamog na." Hinila niya na ako na parang laruan lang. Anga laki-laki niya kasi tapos ang liit at ang nipis ko.


Nang pumasok kami sa loob ng bungalow ay napahanga na naman ako. Minimalist ang arrangement. Cozy. Modern. Home.


"Dito ba tayo matutulog?" baling ko kay Jackson na nakalimutan ng alisin ang braso niya sa balikat ko. Pero okay lang naman, medyo nakakailang lang, pero mabango.


"Yes. Uuwi sa mansion si Dad kaya dito tayo hanggang sa makaalis siya."


Lumabi ako. Mabuti. Ayoko ring makita si Vice. Habang tumatagal kasi ay mas lumalala ang trato sa akin ng daddy ni Jackson. Kapag wala siya ay pinaparinggan ako nito. Palaging pinapaalala sa akin ang lugar ko, ang mga utang na loob ko sa kanilang mag-ama. May times din na isinusumbat nito sa akin ang panlalalaki ni Mama kahit wala naman akong kinalaman doon.


"Can you order something for dinner?" Alanganin ang tingin niya. Parang nananantiya. "You can use the Internet for that. There are apps for food ordering, right?"


"May Grab ako," presinta ko. "Grab food na lang tayo."


Doon na siya tipid na ngumiti. Parang medyo nahihiya pa. Sa totoo lang ang cute niya. Gustong-gusto ko siya ngayong nandito kami. Mula kaninang nakita ko kung ano pa ang ibang side na meron siya ay pakiramdam ko, mas napalapit ako sa kanya. Parang tuluyang nabasag ang pader sa pagitan naming dalawa.


"I'll order now!" Nginitian ko nang matamis si Jackson. "What do you like?"


"Anything." Inalis niya na ang pagkakaakbay niya sa akin...na parang gusto kong biglang habulin.


"Okay. Pizza? Okay lang ba iyon? Minsan lang naman—"


"Okay."


Namilog ang mga mata ko. "And sodas!"


"So unhealthy." Pero hindi naman siya nakasimangot.


"Minsan lang, Mayor."


Nagulat ako ng ngumiti siya. "You know what?"


"What?" nagniningning ang mga matang tanong ko.


"Sa 'yo ko lang na-e-enjoy na marinig ang pagtawag nang ganyan sa akin."


"What? Iyong mayor?" Napangisi ako. "You like it? Akala ko naaasar ka nga."


"No. I like it."


"Then from now on, hindi na uncle, hindi na Jackson... kundi Mayor na." Kinindatan ko siya. "Ayos ba?" Agad ding napalis ang ngiti ko kasi hindi siya gumanti ng ngiti sa akin.


Hala! Bakit? Nasobrahan ba ako sa pagkapalagay? Nacornihan ba siya? Ang tahimik niya na naman kasi habang nakatingin lang sa akin.


"Teka, oorder na ako," pagbabago ko ng topic para makaiwas sa nakakapaso niyang titig. "I'll order pizza and sodas, 'no? So baka Shakeys na lang or ano kaya—"


"Fran, let's start anew," bigla niyang sabi na nagpatigil sa akin.


Sa ganoon lang, nangusap ang aming mga paningin. Naiintindihan ko siya kahit ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Pagkaorder ko ng pizza ay nagtabi lang kami sa sofa. Tahimik. Nagpapakiramdaman. Magkadikit ang mga balikat habang inuubos ang gabi.


Bago ako makatulog sa balikat ni Jackson ay naramdaman ko pang hinawakan niya ang aking kamay. "Goodnight, Fran. Thank you for coming into my life."


At nang magising ako kinabukasan, nasa loob na ako ng bisig niya habang nakasubsob ako sa kanyang mabangong leeg. Imbes na bumangon ay mas lalo ko pang ibinaon ang aking sarili sa kanya. Isa ang maliwanag sa akin at natitiyak ko, at iyon ay ang gusto ko ang mga pagbabagong ito.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

8.6M 147K 46
Always the bestfriend but never the girlfriend
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
1M 29.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
111K 7.3K 23
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...