Wanted: Mr. Perfect (Publishe...

By xMissYGrayx

3.5M 89.4K 8K

Payapa naman ang buhay ni Ashley Esqueza noong hindi niya pa pinapakialaman ang laptop ng hello ABS bodyguard... More

Wanted: Mr. Perfect
Perfect 1: Agent X
Perfect 2: Price tag
Perfect 3: Epic Fail
Perfect 4: Babe or Babae?
Perfect 6: Jealousy is the ugliest trait
Perfect 7: Garreth
Perfect 8: Walang Iba
Perfect 9: When Curiosity Strikes
Perfect 10: Kumain Ka Ng Suman
Perfect 11: Bakit pa-fall?
Perfect 12: Torn In Between
Perfect 13: #PrayForAshleyEsqueza
Perfect 14: Pinoy Style
Perfect 15: Harana nga ba na maitatawag?
Perfect 16: Pusang gala naman, oh.
Perfect 17: How to learn to kiss?
Perfect 18: No Rules
Perfect 19: Confused dahil sa selos?
Perfect 20: Galleon Ship
Perfect 21: Horror House
Perfect 22: Describe mo nga!
Perfect 23: Hugot pa, Ashlita.
Perfect 24: Hugot Part Two
Perfect 25: Ikaw Lang
Perfect 26: Thank you, sagad.
Perfect 27: Possessive Garreth?
Perfect 28: Pushing and Pulling Me Down To You
Perfect 29: Tanga Na Kung Tanga
Perfect 30: Bugbugin Kita Dyan!
Perfect 31: Giling Mo Lang
Perfect 32: May The Best Man Win
Perfect 33: Today Was A Fairytale
Perfect 34: Nasa Huli Ang Pagsisisi
Perfect 35: I Choose You
Perfect 36: Trouble
Perfect 37: Another Mishap
Perfect 38: She Will Survive
Perfect 39
Perfect 40
Perfect 41
Perfect 42
Perfect 43
Perfect 44
Perfect 45
Perfect 46
Perfect 47
Perfect 48
Perfect 49
Perfect 50
Perfect Epilogue

Perfect 5: What's your fantasy?

87.2K 2.1K 152
By xMissYGrayx

Nagising ako ng may maramdaman akong sumisipa sa bandang paanan ko. Aray naman! Makasipa naman parang hindi ako amo. Sinubukan kong indahin dahil inaantok pa talaga ako tapos ang sakit pa ng katawan ko mula kagabe.

"Babae, gising." May sumipa nanaman. Shiat, bakit ang sakit ng katawan ko? Hindi ko magalaw yung leeg ko? It's supposed to be Sunday, 'di ba pag Sunday it means rest day? Like duh? Okay lang naman kahit tanghali magising pag ganitong araw.

"Ano ba natutulog ako." I mumbled sabay talikod sa sumisipa sa akin.

"Babae, gumising ka dyan." Teka naririnig ko ba yung boses ni Hunter? What the fact! Bakit naririnig ko yung boses ni Hunter?  "Babae, pag hindi ka gumising dyan  bubuhusan kita ng malamig na tubig."

Agad napadilat ang magaganda kong mata at iginiya papunta kay Hunter. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya. Okay, nanlaki ang mata ko hindi dahil sa gwapo siya kundi naaalala ko yung nangyari kagabi. Yung sa date ko, yung pagtalon ko, yung, yung, yung!

"Fact!" I said.

"Bunganga mo Ashley Esqueza!"

"I said fact not fuck? Its fact with the T like duh? Hunter? Mag-aral ka nga ng basic----"

Isinuklay nito ang kamay sa buhok. "Ang aga aga nag-uumpisa ka nanaman. Hindi padin tumitigil bibig mo pati sa umaga." Sabi nito sabay labas ng pinto.

Nagpanic naman agad ang katawan ko. "Hoy, saan ka pupunta? Iiwan mo 'ko? Hunter! Hunter!" Pinanood ng mga mata ko ang pag-ikot niya sa sasakyan kung saan side ako nakaupo. Shiat! Di ko magalaw yung leeg ko. Huhu!

Narinig ko ang pagbukas ni Hunter ng pinto. "Labas. Andito na tayo kung saan ka magtatago." Pilit ko ginagalaw ang buong katawan ko para lang makaharap sa kanya. "Ano ba ginagawa mo? Lumingon ka nga sa 'kin."

"Hindi ko magalaw!" Reklamo ko.

"Ano?"

"Hindi ko magalaw yung leeg ko Hunter! Bakit hindi ko magalaw!" Naiiyak na sigaw ko.

"Anak ng----" Hinawakan ni Hunter yung leeg ko at pinwersang ipanaharap sa kanya ng mabilisan.

"FUCK!" Bulyaw ko. 

Bigla naman tinakpan ni Hunter yung bibig ko. "I said Ashley Esqueza no cussing. Isa pa talaga tatalian ko 'yang bibig mo." Banta nito sa 'kin serysong seryoso si Hunter. Like what the fact?

"Ang sakit kaya!" Sabi ko nang tinalikuran na 'ko nito at kinuha yung mga gamit sa likod. "Para ka din tanga eh. Bigla bigla nangbe-break ng neck like what the----"

Sa isang iglap nasa harap ko na si Hunter hawak hawak ang ibabang baba ko. "May sasabihin ka?"

Shiat! Ano ba naman tong si Hunter! Umagang umaga ang bango lang ng hininga niya. Tapos ako hindi pa pala ako nagtotoothbrush! Yung buhok niya kahit wala pang ligo ligo simula kagabi ang ganda pa din. Gusto ko siya hawakan at hilahin palapit sa 'kin kaso duh? We all have bad breath in the morning naman.

"Ashley?"

Yumuko ako sabay takip sa bibig ko. "Wala!" 

"Bakit mo tinatakpan bibig mo?" Natatawang tanong nito.

Tinulak ko siya ng malakas. "Edi ikaw na Hunter ang walang bad breath sa umaga!"

"Paamoy nga babae---"

"Ano ba!"

Tatawang tawa naman na dumeretso na si Hunter sa likod ng sasakyan at ibinaba ang mga gamit namin. Actually, gamit ko lang talaga. Napayakap ako sa katawan ko ng bigla akong lamigin. Lumingon ako sa paligid. Teka, asan ba talaga kami?

Puro puno ang nakikita ko may mga bundok din ako na naaninag.Lumingon ako sa likod ko may mga kubo infairness up and down. Mukang wala pang mga gising sa oras na 'to tanging pagtilaok lang ng mga manok ang naririnig ko na ingay.

"Asan tayo?" I asked.

"Hulaan mo." Sagot ni Hunter sabay sara ng pintuan sa back car. 

Tinaasan ko siya ng kiilay "Ano ba wala ako sa mood makipag pinoy henyo sa'yo, okay?"

Hinawakan ako nito sa braso at hinila palakad palayo habang bitbit ang mga gamit namin. May ngiting sumisilay sa labi ni Hunter. Takte, ano ba 'to? Dito ba siya pinanganak? Kaya mukang excited yung pagmumuka niya?

Nalagpasan na namin yung mga ibang bahay kubo at dumeretso pa. Ilang hakbang lang nakita ko na yung mga tao na nagkukumpulan sa harap ng kubo na up and down. Sosyal 'di ba? Parang bang may fiesta ngayon dito dahil may mahabang lamesa silang sineset-up.

Bago pa 'ko makapagtanong ulit naglingunan na yung mga tao ng maramdaman nila ang presensya namin ni Hunter. Isa isang nagsilakihan ang mga mata nila napayakap naman ako sa sarili ko ng bitawan ako ni Hunter.

"Hunter! Ala eh! Hindi mo man lang sinabi na paparito ka ngayon sa iyong kinagisnan!" Excited na sambit nung matandang lalaki at tumakbo papunta kay Hunter at niyakap ito.

"Tatay Andoy." Masayang bati dito ni Hunter niyakap din ng mahigpit.

"Ala eh, mas lalo kang naging magandang lalaki, iho!" Sabi nung matanda. "Marya! Halika rito! Andito ang anak-anakan natin, aba! Kailangan natin magpakatay ng lechon mamaya!"

"Hunter! Jusko!" May matandang babae naman na patakbo na papalapit kay Hunter. "Anak, bakit hindi ka man lang nagsasabi na paparito ka?"

"Biglaan po kasi, 'nay." Sagot ni Hunter dito na kakamot kamot ng ulo.

Bigla naman napalingon ito sa 'kin at inexamine ang muka ko. Naconscious naman ako agad kaya kahit hindi ko alam ang gagawin ngumiti ako ng pilit. "Goodmorning po."

"Kagandang dilag!" Sabi nanaman nung Tatay Andoy. "Ito na ba ang iyong kasintahan, iho? Napakinis ng balat. Kutis porcelana ala eh, laking maynila!"

"Hindi po 'tay." 

"Opo hindi po. Di ko boyfriend 'yan." Singit ko din. Like duh? Bakit nila aakalain na boyfriend ko si Hunter?

"Eh kaano-ano ka ni Hunter, iha?"

"He's actually my body----"

"Katulong ko, 'tay. Kinuha nila papa para hindi na sila mag-alala sa 'kin."

WHAT. THE. FACT! Anong pinagsasabi ng lokong 'to?! Katulong niya daw ako?! Muka ba kong katulong?! Bwisit na bodyguard 'to! 

"Hoy----" Tinakpan agad ni Hunter yung bibig ko.

"Makisakay ka muna kahit ngayon lang." Bulong nito.

Tumawa yung Tatay Andoy. "Ala eh, parang hindi naman katulong ang isang 'to, mga kabataan talaga ngayon ayaw na ayaw umamin kapag magkasintahan na. Palibhasa ayaw dumaan sa tamang paraan ng pangliligaw eh."

Tumango naman yung Nanay Marya nila na kanina pa nakatitig sa 'kin.

"Poging Hunter!" Nagulat kami sa sigaw na yun.

Paglingon ko sa paligid halos lahat ng tao nakatingin samin halos lahat din sila nakangiti. Para bang pasko ngayon at kami si Santa Claus na regalo para sa kanila.

Tumakbo yung babaeng nakasumbrero at tumalon kay Hunter. "Hoy, gago! Namiss kita! Ngayon ka lang bumisita!"

"Andeng, magtino ka nga wag sa madaming tao." Suway dito ni Hunter. Napataas naman yung kilay ko. Andeng? Sino tong babaeng parang higad kung yumakap kay Hunter?

Tawa padin naman ng tawa yung babae "Bwisit ka! Ilan taon ka na hindi nag papakita samin! Tapos dadating ka ngayon may kasama ka nang----" tumingin ito sakin.

Sabihin mong maganda ako. Kundi, sasampalin kita. 

"Artista."

Ah, parang bumaba ang anghel sa langit sa narinig ko. Todo ngiti naman ako sa babae na nagsabi nun. I know right.

"Hi, I'm Ashley Esqueza." sabi ko at inilahad ang kamay.

Nagtaka naman ito sa inasta ko. "Girlfriend ka ni Hunter?" pag-uusisa nito saken.

"No." sabay namin sagot ni Hunter.

"Ah, matindi. Nag-usap na. Paano na yung kapatid ko na si Josa!"

Mukang hindi naman komportable si Hunter sa sinabi nito kaya pinitik ito sa noo. "Tumahimik ka nga Andeng ang aga aga. Ano ano din pinagsasabi mo."

"Ala e, iha ngayon ka lang kasi nagpakita. Akala namin nag-asawa ka na." sabi ni Tatay Andoy.

Hindi naman mapakali si Hunter sa kinatatayuan at bigla nanaman hinila yung braso ko naglakad palayo sa maraming tao na nakikiusisa nadin sa pagdating namin. I know right? Para kaming artista dito. Infairness, I love it!

"Anak, halika ihahatid ko na kayo sa matutuluyan niyong kwarto." sabi naman ni Nanay Marya at sinundan na lang namin pataas ng kubo. Maganda naman dito habang paakyat kami ang sarap ng hangin. Mukang masasaya yung mga tao sa paligid.

They really look friendly. Nang makaakyat na kami ng tuluyan muka makaluma 'yung mga gamit. Mga sinaunang gamit pa ata ang mga 'to may pinasukan si Nanay Marya na kwarto yung tunog ng pinto nakakatakot lang.

Bakit ganito? Mag no-November pa naman. Naalala ko 'yung mga pinagkekwento sa akin ni Zach nung bata pa kami. Nang makasunod kami nakangiti ito sa amin ni Hunter.

"Dito ang magiging kwarto niyo, iha. Pasensya na kung hindi kalakihan muka ka pa naman anak mayaman." sabi nito habang pinapagpag ang mga unan.

Actually, okay naman siya sakin. Banig yung nakatapal sa kama at may dalawang unan katabi nun may bintana. "Kami pong dalawa ni Hunter sa kwarto na 'to?"

Tumingin ng masama sa akin si Hunter "Wag ka na umangal, babae. Mula ngayon kailangan mo na masanay sa buhay probinsya habang hindi pa tayo nakakasigurado kung ligtas ka."

I rolled my eyes. Sabi ko naman kasi sa kanya sa states na lang kami magtago 'di ba? Paano kung kagatin ako ng mga mosquitos dito? Ugh! Kahit napu-frustrate nginitian ko padin si Nanay Marya ng matamis.

"Okay na ho ito." sabi ko na lang.

"Mabuti naman, iha. O, siya mauna na 'ko at magluluto pa kami para sa kakainin ng lahat."

"Ano po bang meron ngayon?" nagtatakang tanong ko.

"Ah, e. Birthday kase ni Josa." hindi mapakaling sagot nito. "Mauna na 'ko tawagin niyo lang ako pag may kailangan pa kayo."

"Sige po," niyakap muna kami nito ni Hunter bago lumabas.

Sumilip ako sa bintana at nalasap ang masarap na simoy ng hangin. Infairness, ang ganda din ng view dito kitang kita yung mga bundok at puro puno. Ganito ba talaga sa mga probinsya? Parang preserved na preserve nila yung mga nature.

"Hoy, Hunter bakit ang tahimik mo?" puna niya dito.

"Wala." sabi nito sabay lagay ng mga gamit namin sa gilid. "Ashley Esqueza wag na wag kang magkwento sa kanila ng kung ano-ano tungkol sa akin, ha?" banta nito.

"Ano naman kekwento ko tungkol sa'yo?" maang na tanong ko.

"Sabihin mong katulong kita. Hindi mo 'ko bodyguard dito. Naiinitindihan mo?"

"The fact, Hunter?!"

"Bunganga mo sabi!"

"Ugh! Bakit naman kasi ayaw mong malaman na bodyguard kita? Like duh? Hindi naman natin kailangan magsinungaling sa kanila."

"Kailangan ko." seryosong sabi nito at umupo sa kama. Magtatanong pa sana ako ng unahan nanaman ako nito. "Wag ka na magtanong ng kung ano. Basta kailangan ko. Okay? Isa lang mapapangako ko sa'yo. Habang andito ko ligtas ka."

"Okay, okay? Sige titikom ko 'yung bibig ko. Pero may problema ako." 

"Ano?"

"Share tayo sa kama?" taas kilay na tanong ko sa kanya. "Oh my gosh, Hunter! Wag mong sabihin----"

Hinubad nito yung damit niya at hinagis sa akin.

"Aray!" sigaw ko. 

"Sa lapag ako matutulog masaya ka na?" sabi nito at tumayo para kumuha ng damit sa bag na nasa tabi kong nakalapag ngayon.

Hindi ako makasagot..

Natulala ako..

Nakakita nanaman kasi ako ng kahinaan ko.. Alam mo yung bumibilis 'yung puso ko? At parang bumabagal yung mundo ko. Gusto din gumalaw ng mga kamay ko para hawakan 'yun..

"Hoy, babae bakit tulala ka dyan?"

Nakaawang lang ang bibig ko na nakatingin sa ibabang parte ng katawan ni Hunter. Parang wala nang bagay ang nageexist sa akin pag nakakakita ako niyan. Bakit?

"Babae?" lapit nito sa akin at hinawakan ang noo ko "Okay ka lang?"

Napalunok ako ngayon. Bakit nasa harap ko pa siya? Kitang kita ko ng malapitan ang pantasya ng isip ko. Unti-unti nang tumataas ang kamay ko para hawakan iyon.

Napaatras si Hunter "Hoy, babae. Anong ginagawa mo?"

"H-hunter.." pakiramdam ko tumutulo na laway ko. 

Bakit kasi, Lord. Bakit po sa dami dami ng bagay ayan ang kahinaan ko?

"Ashley Esqueza?" sabi ni Hunter habang sinusuot na ang damit.

Nang tuluyan na ito bumaba sa katawan niya. Para siyang tanga na nagising sa mumunting pantsya niya. WHAT. THE. HECK lang 'di ba?!

Nanlaki ang mata niya. "So pathetic of me!" sigaw niya.

"Ano pinagsasabi mo?" nagtataka padin tanong nito.

"Wala!" napahawak ako sa puso ko na ang bilis bilis ng pagtibok at tinalikuran si Hunter. "Pwede lumabas ka muna gusto ko mapag-isa?"

"May regla ka ba? Bakit bigla kang nagagalit ngayon? Anong ginawa ko babae?" 

Shiat! Hindi ko naman pwede sabihin na yung abs mo! Ang problema ko! Minsan na nga gusto ko na talaga pumunta sa mga psychiatrist feeling ko kasi nababaliw na 'ko. Paano ba naman everytime nakakakita ako ng abs tumitigil talaga ang mundo ko.

"Magpapalit ako ng damit. Iwan mo muna ako." sambit ko padin na parang galit.

"Ge, sa baba lang ako. Bumaba ka na lang pagtapos mo." Hindi na siya nilingon nito at tuluyan lumabas. 

Nang marinig niya na ang pagsara ng nakakatakot na pinto saka lang siya nakahinga ng maluwag. Humiga siya sa kama dahil pakiramdam ko napagod ako bigla sa nakita ko. Aaaah! Bakit naman ganito? Bakit?!

'Di ba lahat naman ng tao may pantasya? Pero 'yung akin, bakit parang hindi normal? Ano ba naman buhay 'to? Dapat ko ba ito ikahiya? Paano na lang kung kidnappin ako ni GD at pinakitaan ako ng abs, edi sasama na lang ako ng kusa, ganun?

Shiat naman! I hate myself for being weak when it comes to abs! I freaking admit, it's my fantasy!

Continue Reading

You'll Also Like

631K 3.2K 5
Highest Rank 1: Possessive - Iniwan sa pangagalaga ni Kiera ang sanggol matapos itong iluwal ng kaniyang kaibigan at namatay. Mahirap pero siya ang...
252K 1.6K 5
Pera o pagmamahal? Pera para kay Marie. Hindi siya kailanman bubuhayin ng lintek na pagmamahal na kinukulit sa kaniya ng lalaking nagngangalang Gall...
15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
6.2M 171K 57
Nasanay si Vaughn na nakukuha ang lahat ng kanyang gusto. Nang makilala niya si Natalia ay naranasan niya ang matanggihan. Ang isang club stripper...