The Prince's Fiancee

By HopelessPen

112K 4.8K 856

(Watty's2019 Awardee for Historical Fiction) Michelle Santiago was killed by a man in a dark suit. But instea... More

Foreword
1
2
3
4
5
6
7
8
9
11
12
13
14
15

10

4.4K 236 30
By HopelessPen

10

Apranya



"Ipinatawag ninyo ako, Ama?" bati ko sa hari. Mabilis akong yumuko habang ang aking ama ay abala sa pagbabasa ng mga ulat mula sa iba't ibang rehiyon ng Setrelle.

"Kilala mo ba ang binibini ng mga Kleona, Amreit?"

Natigilan ako ng marinig ang sinabi ng aking ama. Hindi ko naiwasan ang bahagyang pagkabahala ng marinig ang ngalan ng binibini ni Elric. Ngunit pinanatili ko ang aking disposisyon. Hindi ko maaring ipakita sa aking ama ang aking pag aalala dahil maaring makasama pa ito kay Elric at Amelia.

"Hindi personal, ama. Kahit na pareho ng angkang kinabibilangan ang aking ina at ang binibini ay hindi kami talagang magkakilala," sagot ko. Sinubukan kong magtaas ng tingin para lamang salubungin ang malamig na titig ng hari sa akin.

Hindi na ako nagulat ng magtama ang parehong berdeng mata namin ng aking amang hari at nabanaag ko ang kalamigan roon. Noon pa man ay hindi niya ako sinulyapan ng may pagmamahal. Nauunawaan ko naman iyon dahil anak ako ng babaeng kanyang kinamumuhian at ang iniibig naman talaga niya ay ang Vidruming ina ng aking kapatid.

"Nakikinig ka pa rin ba sa akin, Amreit?" matapang nitong untag sa akin. Mabilis akong tumango at mas ibinaba ang aking pag yuko.

"Patawad ama. Pinipilit ko lamang isipin kung mayroon akong nalalaman tungkol sa binibini."

Huminga ng malalim ang aking ama bago itinaas ang isang papel. Ibinato niya iyon sa kanyang mesa at agad ko iyong kinuha.

"Nalaman ko mula sa ulat ng aking mga espiya sa palasyo ng reyna ang balak nitong pagpatay kay Elric gamit ang babaeng iyan," panimula ng aking ama. Binasa ko ang mga nakasulat sa papel habang pinapakinggan rin ang aking ama.

"Sa mismong gabi ng kanilang kasal? Sigurado ba kayong tama ang ulat na ito, ama?"

Nagtagis ang bagang ng aking ama at marahas na inagaw ang papel mula sa akin. Nilampasan niya ako at dumiretsyo sa alak na naroon sa hapag.

"May nalalaman ka ba sa planong ito, Amreit? Pinagtatakpan mo ba ang iyong ina?" mapanganib niyang tanong. Naging madilim ang kanyang berdeng mata habang nakatunghay sa akin.

"Alam mong nasa iyo ang aking katapatan, ama. Mas tinatanggap ko ang dugong Vaurian na dumadaloy sa akin at itinatatwa ang pagiging Klintar, alam mo iyan. Ngunit hindi lamang ako sigurado na balak nga ng binibini na kitilin ang buhay ng aking kapatid. Maaring mali ang ulat na ito, kamahalan. Hindi tayo maaring magpadalos dalos dahil buhay ng isang inosenteng----"

"----Klintar ang mawawala? Wala akong pakialam, Amreit. Mas matutuwa pa ako kung malalagasan ang angkan ng iyong ina."

Hindi ako agad nakasagot sa tinuran ng aking ama. Inisang lagok niya ang alak na hawak bago muling nagbuhos sa kanyang baso.

"Hindi ko nga kilala ang binibini ngunit nakasisiguro ako sa isang bagay, ama. Iniibig ni Elric si Amelia at masasaktan ang aking kapatid kung sakali mang may gawin tayong masama sa binibini," subok kong magpaliwanag. Mas lalong tumigas ang mukha ng aking ama bago pabalyang ibinagsak ang baso.

"Pag-ibig? Anong alam mo tungkol sa salitang iyan, Amreit?"

"Ama!"

"Nawala sa akin si Selina dahil sa pagiging sakim ng iyong ina! At hindi ko hahayaang mawala rin sa akin ang kaisa isang alaala ko sa kanya dahil lang sa pag ibig na iyan!" sigaw nito sa akin. Tinikom ko ang aking bibig at hindi na sumagot sa kanya.

"Wala akong kahit na anong pakialam kung masawi ang puso ni Elric sakali mang patayin ko si Amelia. Ang mahalaga ay manatili siyang buhay at makita ko ang pagputong ng korona sa kanyang ulo. Siya lang ang nais kong pasahan ng Setrelle, Amreit. Hindi ikaw," matalim niyang sabi. Nagtagis ang aking bagang para pigilan ang aking sarili sa pagsagot.

Alam ko ang katotohanang iyon, ama. Kung maari mo lamang akong ipapatay ngayon para makoronahan si Elric ay gagawin mo. Ngunit sana'y maisip mo ring wala akong intensyon na palitan ka. Mas nanaisin ko pang maging alipin mo at kilalaning iyong anak kaysa maging isang hari pero tatratuhin mo namang kalaban.

"Nakalimutan kong sabihin sa iyo, ngunit nag ulat ang mga Vidrumi na nakatalaga sa ospital ng Apranya. May Rornos si Klintar Amelia," walang emosyong sabi ng aking ama. Nahigit ko ang aking hininga at hindi agad nakapagsalita.

Kaya ba nagmamadaling umalis si Elric kagabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakababalik? Kung ganoon, nasa puder ba siya ni Amelia?

"Ama, umalis si Elric kagabi patungong Apranya. Hanggang ngayon ay hindi pa siya nagbabalik sa palasyo." Anas ko. Nawalan ng kulay ang mukha ng hari habang tinititigan ako.

"Pinuntahan niya ang binibini?"

Yumuko ako sabay ng pagtango.

Walang lakas na napaupong muli ang hari. Markado ang bawat linya ng kanyang mukha ng pag aalala para sa aking kapatid.

Ilang sandali lamang ay gumalaw ang aking ama. Kinuha niya ang opisyal na pangtatak ng hari at agad na nagsulat ng proklamasyon. Noong matapos siya ay nilagdaan niya iyon at agad na ipinasa sa akin.

"Vaurian Amreit, makinig ka. Magtungo ka sa Apranya sampu ng hukbo ng pinakamagagaling nating mga sundalo. Ipasara ninyo ang buong lupain ng mga Kleona at patayin ang lahat ng naroon, Destal man o Klintar. Wala kayong ititirang buhay," panukala niya. Binuksan ko ang kanyang kasulatan at nabasa roon ang kautusan ng aking amang hari.

"Ama, naroon si Elric---"

"At ibabalik mo siya rito ng buhay, malayo sa binibining lumalason sa kanyang isipan. Ikaw lamang ang may kakayahang makatalo sa iyong kapatid. SIgurado akong ipagtatanggol niya ang mga Klintar kaya ikaw lamang ang makakalaban sa kanya. Wala akong tiwala sa kahit na sinong Klintar, Amreit. At mas lalo akong walang tiwala sa isang Vaurian na umiibig."

Inalis ng aking ama ang kanyang salamin sa mata bago malungkot na tumitig sa kawalan. Napako roon ang kanyang tingin at bumuntong hininga.

"Pinaniniwalaan ng marami na kaya ang angkan natin ang namumuno sa Setrelle dahil wala tayong kahinaan. Hindi tayo sakim tulad ng mga Klintar, mayabang katulad ng mga Arransar, duwag tulad ng mga Telmar o di naman ay arogante na para bang mga Vidrumi. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay mayroong kahinaan ang ating angkan, Amreit."

Kumuyom ang aking palad at hinintay ang sunod na sasambitin ng aking ama.

"Puso ang tanging kahinaan ng mga Vaurian. Kapag natutong magmahal ang isang Vaurian ay itinataya niya ang lahat ng mayroon siya, maging ang kanyang buhay. Natatakot ako dahil baka ito ang ikabagsak ni Elric. Hindi dahil sa binibining iyon kaya hindi siya magiging hari, hindi ako makapapayag."

"Magtiwala kayo ama, gagawin ko ang lahat para masigurong maibabalik ko si Elric ng ligtas rito sa palasyo," pangako ko sa aking ama. Naging mapayapa ang kanyang mukha kahit papaano sa tinuran ko.

Natumba si Elric habang sapo ang duguan niyang dibdib. May dugo na ring dumadaloy sa puno ng kanyang kaliwang kilay habang nakatitig ng mariin si akin. Tahimik lamang ako at hinihintay ang kanyang pag atake. Ginamit niya ang kanyang espada para alalayan ang sariling makatayo.

Dahan dahan ang aking hakbang habang iniikutan siya. Dumura ng dugo ang aking kapatid at muli akong hinarap.

"Tama na. Bumalik na tayo sa Briaria, Elric," pagsusumamo ko. Pinahid ni Elric ang dugo mula sa kanyang labi at pagak na tumawa. Isang malakas na sigaw ang narinig ko bago siya muling umatake. Mabilis akong nakakilos at napigilan ang talim ng kanyang sandata.

Itinaas ko ang aking siko at pinatama iyon sa kanyang panga. Napahakbang patalikod si Elric dala ng aking atake. Duguan na ang aking kapatid ngunit hindi pa rin ito sumusuko.

"Elric nakikiusap ako," anas ko. Iniumang niya agad ang kanyang sandata sa aking direksyon. Tumama ang patalim sa aking kaliwang braso na agad namang nagdugo. Humakbang ako palayo para makaiwas ngunit agad na umatake si Elric.

Yumuko ako at inikutan siya. Pinatama ko ang hawakan ng aking espada sa sugat sa kanyang dibdib. Humiyaw ang aking kapatid sa sakit at mas lalong nagdugo ang kanyang sugat sa aking ginawa. Bumagsak siya sa lupa habang hirap na hirap ng huminga.

Diniinan ko ang sugatan kong braso habang pinapanood ang aking kapatid. Noong masiguro kong hindi na siya makakatayo ay agad kong tinawag ang dalawang sundalo para maaalayan siya.

"Ipasok ang prinsipe sa karwahe. Agad siyang iuwi sa palasyo para magamot," utos ko. Tumango ang dalawa bago lumapit sa akin ang aking heneral.

"Paano ang mga Klintar, kamahalan? At ang binibini? Malinaw ang naging utos ng iyong amang hari," paalala nito. Hindi ako sumagot at agad na lamang binalik ang aking espada sa baina nito.

Noong makaalis ang karwahe ng aking kapatid ay doon na ako naglakad papasok sa kanilang tahanan. Nanatiling bihag ng mga sundalo ang mga Kleona kaya naging malaya ako sa pagpasok.

Narinig ko ang sigawan ng pamilya ng binibini habang papasok ako sa kanilang tahanan. Sumalubong sa akin ang mga nagkalat na telang puno ng dugo. Malamang ay mula iyon sa binibini.

"Mahal na Prinsipe, ipinapaalala ko lamang ang utos ng hari---"

Mabilis akong humarap sa makulit na heneral na nakasunod sa akin. Itinutok ko sa kanyang lalamunan ang dulo ng aking patalim habang pinalilinsikan siya ng aking mata.

"Manahimik ka, heneral..."

"Ngunit kamahalan---"

Humakbang ako palapit rito habang siya ay unti unti ng lumalayo sa akin. Itinaas niya ang kanyang magkabilang kamay tanda ng pagsuko.

"Isang salita pa at magiging huli mo na iyon, Arransar. Hindi kasing lawak ng aking ama ang aking pang unawa. Manahimik ka," gigil kong sabi. Tatlong beses siyang napalunok bago yumuko at humakbang palayo.

Agad ko siyang tinalikuran para makaakyat sa silid ni Amelia. Ilang beses akong nakarinig ng malalalim na ubo mula sa ikatlong silid sa kanan. Mabilis ko iyong tinalunton at noong nabuksan ko ang pintuan ay nakita ko ang binibining nangungunyapit sa sakit.

Sapo nito ang kanyang leeg habang sumusuka na ng dugo. Kulay asul na rin ang kanyang balat mula sa mga sugat na dala ng sakit. Nangingitim na ang ilalim ng kanyang mata at ang mga kuko.

Hinigpitan ko ang hawak sa aking espada. Kilala ko ang sakit na Rornos. Oras na lamang ang hinihintay ng binibini bago siya bawian ng buhay.

Hinihingal siyang bumaling sa akin at napatda ako noong magtama ang tingin namin. Nagsusumamo ang lilang mata niya bago siya nanghina. Bago pa man siya bumagsak sa sahig ay agad na akong gumalaw at inabot siya.

"Amelia! Binibining Kleona, gumising ka," utos ko. Nagdilat siya at tinitigan ako.

"K-Kamahalan?" tawag niya sa akin. Umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang aking pisngi. Sa kaliwang mata niya ay may pumatak na luha mula roon.

"M-maligaya ako at n-narito ka..." bulong niya. Doon ko natantong hindi niya ako nakikilala at inakala niyang ako si Elric. Bumagsak ang kanyang braso sa kanyang gilid at tuluyang nawalan ng malay.

Tinitigan ko siya habang nag aagaw buhay. Maari ko ng gawin ang utos ng aking ama, ngayon na. Hinila ko sa aking gilid ang aking punyal at itinaas iyon. Marapat na ring padaliin ko ang paghihirap ng binibining ito.

Nasuspende sa ere ang aking punyal habang nasa aking bisig ang binibini. Hindi ko alam ngunit bumabalik sa aking alaala ang kanyang lilang mata at kung paano ito nagsumamo sa akin kanina. Sa nanginginig na kamay ay binitiwan ko ang aking punyal at mabilis siyang kinarga.

Lumabas ako ng mansyon at agad sumalubong sa akin ang heneral. Noong makita niya ang duguang binibini sa aking bisig ay napalayo siyang bigla.

"Bantayan ninyo ang mga Kleona. Walang susunod sa amin ng binibini," utos ko. Agad yumuko ang heneral at pinalibutan ang buong angkan ni Amelia. Nakita ko pa ang kanyang ama na nanlalaban ngunit wala na akong pakialam roon.

Isinakay ko ang walang malay na binibini sa aking kabayo at agad na sumampa roon. Noong maiayos ko siya ay agad kong dinama ang kanyang pulso. Halos manlamig ako ng maramdaman ang unti unting paghina nito.

Hinatak ko ang renda ng aking kabayo. Hahabulin ko ang oras. Maari ko pang mailigtas ang binibini.

Sumibad ang aking kabayo at agad naming nilisan ang Apranya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 166K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.3M 79.5K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...
60.8K 3K 59
Dagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wis...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 69.3K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...