Forbidden Love [EDITING]

By Eloixxxe

125K 3.3K 522

DALAS #1 A love story of two women but are forbidden by society. Will they fight for their love? Or do the ri... More

Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Epilogue
Forever
DALAS

Thirty Six

1.9K 51 22
By Eloixxxe


Chapter Thirty Six
DALAS Forever

ALEXEIN


Halos madaling araw na nung knock out na si Dane at Selena and since Aly has the highest alcohol tolerance sa amin siya lang yung hindi pa nalalasing.

Hindi ako masyadong uminom kaya hindi pa ako lasing, Si Lexi naman tahimik lang sa gilid hindi rin siya masyadong uminom pero ramdam mong may tama na siya, namumula na yung mukha niya eh.

"My goodness! Iinom inom pero hindi rin naman pala kayang makipagsabayan." napakapamewang sabi niya sa dalawa na tumba na kaya tumawa na lang ako.

Nilagay niya sa balikat niya yung kamay ni Selena at kamay naman niya sa bewang ni Sel. "Ipunta ko lang sa guestroom." I was about to help her by moving Dane pero tinapik niya kamay ko. Nakita ko naman na pumunta si Lexi sa gilid ng pool at
umupo habang yung paa nasa tubig.

"Aw! What was that for?" hiyaw ko sakanya. Tinitigan naman niya ako ng masama. Problema ba neto?

"Go and talk to her! You stupid. Kaya ko nga nilasing tong dalawang to at konti lang pinainom ko sainyo eh. Don't ruin my effort. Just go and talk to her." diing bulong niya sa akin kaya napatingin ako kay Lexi na magisang nakaupo sa pool.

Tinulungan ko paring itaas si Dane at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape namin dahil malamig na rin sa labas.

Lumapit ako sakanya. "Coffee?" nagulat siya sa boses ko, hindi niya yata inaasahang kakausapin ko siya. Napatitig lang siya ng matagal sa akin.

"Uhh, ayaw mo ba?" nagaalinlangang tanong. "No---I mean yes-- ano, oo gusto ko." kinakabahang sabi niya saka kinuha yung coffee.

I smiled when she took the coffee from my hand. It was a little gesture but I felt her touch. I miss it.

Umalis ako sa tabi niya at mukhang sinundan niya ako ng tingin. Kinuha ko yung towel at pinalibot sa katawan niya. We're both wearing a bathrobe
pero malamig parin kasi.

"Thanks." sabi niya at nginitian ko lang siya saka umupo sa tabi niya. Ginaya ko yung position niya na nakababad yung paa ko sa tubig. Kahit madilim parin mas maliwanag dito sa may pool area kasi may ilaw sa pool mismo kaya kitang kita mo ang kulay blue na tubig.

I tool a sip of my coffee. Damn, I should be drinking beer right now para kapalan ang pagmumukha ko.

Ano ba dapat itanong ko?

How are you? Eh para kang nang gagago, pagkapos mo saktan tatanungin mo kung kamusta na?

Ano na? Tangina nawawalan ako ng salita dito. Parang baby na hindi marunong magsalita.

Napansin niya yatang natataranta ako kaya napatingin siya sa akin at binigyan ko lang ng ngiti.

"Kumusta ka na?" ayun! Siya din nagtanong. Ituloy tuloy na natin. Sana naman maging maganda ang usapan namin.

But...

How am I supposed to answer that?

Hindi ako okay magmula nung nagbreak tayo pero kasalanan ko rin naman yun eh!

Ugh. Fuck.

What now?

Think, Axein! Think.

Napansin ulit niyang hindi ako nagsasalita kaya napatingin siya sa akin. Ako naman pressured na pressured. Kailangan niya ng sagot! Sagot. Sagot sa simpleng tanong niya. Gosh!

Nakatingin talaga siya sa akin. Literal. "Uhmm." paano ako makakaisip ng magandang sagot pag nakatingin siya sa akin ng ganun?

"I--uhm, I-- I'm uhh.. fine?" Lame. Lame answer. Napatingin din ako sakanya kung paano siya magrereact pero nginitian lang ako. What was that? Was my answer good? Or... Nah?

"I--ikaw?" lakas loob kong tanong sakanya habang nakatingin sa kanya. Tumingin naman na siya sa may tubig. "I've never been fine since the day you left me." Saaaaaaaame! Kathryn same! Tangina. I should be mad at myself but damn I can't help but be happy of what she said.

"I'm sorry." that was the only words came out on my mouth.

Awkward.

"You remember what I told you two years ago?" malungkot niyang tanong. Ofcourse who wouldn't remember the day we broke up? That day became my nightmare. Araw araw yan yung nagpplay sa utak ko.

Yung tingin mo. Kung anong itsura mo. Everyday that was my nightmare. Tulog o gising man. That's why I always keep myself busy para i-alis ka sa utak ko. Pero tangina! Naging sirang plaka na yan sa utak ko.

"I told myself that I will never let you enter in my life again but that two years, instead of hating you... my heart still silently prayed and hope you'll be back again and wrap your warm arms around my body." kitang kita ko na namumuo na ng luha ang mga mata niya.

Pinapaiyak mo na naman!

Hindi mo alam kung gaano ako nagpigil para puntahan ka araw araw na ikaw yung nasa utak ko. Hindi mo alam kung gaano ako naging mukhang magnanakaw sa labas ng bahay niyo makita lang kita.

"Na-depress ako nung time na yun." tumawa siya pero ramdam ko ang lungkot at sakit sa pagtawa at mga mata niya, ako naman tumahimik na lang na nakikinig sakanya.

"Hindi ko alam ang gagawin eh." uminom siya ng kape. She's trying to look okay. "I even tried to commit suicide hoping..." tumingin siya sa akin, kitang kita ko ang pamumula ng mga mata niya.

"Hoping that the pain I'm feeling will stop." huminga siya ng malamin, pinipigilan niya rin ang pagtulo ng luha niya.

"I tried drinking lots of pills and even cutting myself kasi manhid na manhid na ako eh--" saka siya napiyok.

And I am trying so hard to swallow my saliva or even bite my lips just to stop my tears from falling down.

"Baka kapag masasaktan ko sarili ko, yung physical pain nalang mararamdaman ko not the emotional pain but damn ang lakas ng tama ko sayo eh! Na kahit siguro mamatay na ako sa daming sugat sa sarili ko yung emotional pain parin ang mas nararamdaman ko." umiiyak na siya at hindi ko rin mapigilan ang luhang pumapatak sa mga mata sa bawat salita.

I thought I was doing what's best for us? Mali na naman ba ako? Sa ginawa ko kila Ryan, Dane at Tin--- that I thought I was doing what's best for everyone? I felt pathetic.

"Pero malas nga lang, nakita ako nila Selena." pagpupunas niya sa luha niya. "My relationship with my Mom became worst. After I broke up with you, I never talk to her again. Napalayo din ako sa family ko." hindi ko na siya matignan ngayon. Nakayuko akong nakatingin sa kapeng hawak ng kamay ko.

"After I was kicked out as the Director of our company, nagkulong na ako sa kwarto ko and my suicide attempt shocked the three of them kaya lagi nila akong binabantayan. Even your Ate Alexis and Kuya Xander came to see me. Binigyan nila ako ng flowers at gifts. Pinakain din nila ako at kinausap. Nag inuman pa kaming tatlo. It was weird at first pero naging kompurtable rin ako sakanila. They really made sure that I am really okay bago sila umalis." pagkwento niya na ikinatingin ko sakanya.

They... they did all of that? Kuya and Ate? Now I felt bad after treating them like shit whenever they'd come and visit me.

"Meron pa nga yung isang araw nagising ako ng may magandang amoy pagpunta ko ng kusina, I saw your Mom cooking a lot of foods. So, how am I supposed to hate you when the people around you showed their care, support and love to me. They told me what was happening to you." malungkot na sabi niya na mas ikinagulat ko hindi ko aakalain na ginawa ni Mommy yun.

"They told me you were also a mess but our coping mechanism was different I was totally destroying myself by not caring about me or anything around me. I was lifeless. Walang pangarap at walang patutunguhan. And you were destroying your self by also not caring about yourself----duty, aral, duty, aral ni hindi ka na nga kumakain until you were knocked out." saka siya tumingin sa akin.

"Everytime naririnig ko yung kwento kung anong nangyayari sayo nawawala yung galit ko sayo. I even asked your Mom that time Ginagawa mo ba ito para mawala yung galit ko sa anak mo? but she just gave me her sweetest smile and said.. I'm doing this for you anak, not for my daughter. How I wish I have a mother like your Mom." ngumiti siya ng mapait.

"Halos pabalik balik ka nga rin ng hospital eh at nalaman ko rin that you got into an accident when you heard the news I tried to commit suicide." she looked at me and then she tried to hold my hand.

"You see, Kiera this is what happened to both of us because of your decision. I'm not blaming you here--- but look, what happened to us? We were a mess. Hindi lang tayo yung nasaktan pero lahat ng taong nakapaligid sa atin. Kung sana naging matapang ka nung araw na yun, kung sana dalawa tayong nagdesisyon at hindi lang ikaw. We were in a relationship pero mas pinili mong magdesisyon mag isa." seryosong sabi niya na mas ikinatulo ng mga luha ko.

Nagdesisyon ako ng mag isa.

Mali ang desisyon ko.

"Hindi lahat ng tama magiging maayos din. Yes, you made the decision right, you chose to play on the safe side. Yung hindi ka magmumukhang katawa tawa sa harap ng tao because you're always scared of they will think of you that's why in the end you didn't decide for what is right that you were trying to fight for. You decide for what you is best for yourself. You became selfish." diretsong sabi niya.

Napatunganga ako sa mga sinabi niya.

Am I really doing it for myself?

Was my decision... really selfish?

I thought I was doing it for her. I thought it was for her sake--- to have a normal life and to have someone who's not afraid to show her love for her.

Halos hindi na ako makasagot sa sinabi niya. I guess I was wrong.

Kitang kita ko ang pagsilip ng araw. Mag uumaga na pala.

"Maybe Selena was right." ramdam kong tumingin siya sa akin. "Puro ako 'I don't know'.... because I wasn't seeking enough for the answers I needed." mapait kong sabi at inubos ang kape ko.

Nagising ako ng may naramdaman kong may sumusundot sa pisngi ko.

"Hoy magigising yan!" rinig kong sigaw ni Aly pero may sumusundot parin sa pisngi ko habang tumatawa.

Ang bigat ng mata ko, pagkatapos kasi ng panood namin kung paano magpakita ng sunrise natulog na din kami eh kaya sa sobrang bigat ng mga mata ko kahit gusto kong buksan ito parang hindi kaya ng lakas ko isama mo pa yung pag iyak ko kanina.

Ang kulit ng sumusundot sa akin, maya maya dumagan siya sa likod ko, naka prone position kasi ako natulog. Eh sa sofa lang naman kami natulog sa sobrang tamad tumaas sa mga guest room. Dalawa kasi ang malaking couch dito, sa left side couch ako at dun naman si Lexi sa right side couch.

Inipon ko ang buong lakas ko at sinilip ko ang taong nasa likod ko. "Ugh! Dane. Get off of me." Inis kong sabi at nakita ko ring kinukulit ni Selena si Lexi sa isang couch. Minsan talaga nagugulat ako sa pagbabago ni Dane. She became cheerful, wala na yung serious and strict side niya.

Sa kakadikit yan ni Selena sa kanya eh! Bwisit sila.

"Wakey! Wakey bebe girl!" pangungulit sa akin ni Dane. "Dane, mamaya na. Please I'm really tired and sleepy." napa oh my naman si Selena.

"Uyy kayo ha! Anong ginawa niyo at naging tired and sleeply si Axein." pangungulit naman niya kay Lexi. I just rolled my eyes at bumangon na rin.

Umupo ako at sumandal ako sa couch. "Bakit ba nambubulabog kayo sa amin?" masamang tinignan ko si Dane at hinagisan ko ng unan si Selena at biglang bumangon si Lexi kaya sakanya tumama yung unan.

"Shit. Sorry!" mabilis akong tumayo at lumapit sakanya pero sinamaan lang din ako ng tingin. Nakita ko naman na tumatawa na si Selena at Dane. Bwisit!

Umupo na ako sa gilid ng couch kung saan siya nakatulog, tumabi rin si Dane sa amin na natatawang umakbay sa amin ni Lexi, nasa gitna namin siya ni Lexi.

Maya maya may nagflush na camera nung phone ni Aly. "Check your notifications, Sweetie." kindat niya sa amin na tumatawa.

"Hey don't you dare to upload that one! Baka iwan ako ng fans ko." reklamo ni Sel. I'm about to check my phone sa damit ko ng makapa kong nakabathrobe pa pala kami ni Lexi.

"There's your phone. Stupid!" mapang asar ni Dane. Nakakarami na to ah! Kinuha ko yung phone ko sa table. Pagtingin ko ng lockscreen itsura ko yung andun. Kelan pa ako nagpalit ng lockscreen?

Nilagay ko yung password pero ayaw mabuksan. "Ayaw?" tanong ng katabi ko, malamang si Dane. Nakangisi pa!

I tried unlocking my phone again pero incorrect password. "Baka hindi yan yung phone mo? Pfft." natatawang sabi niya saka humarap siya kay Lexi. Ako naman naguguluhan.

"Ayaw din sayo?" rinig kong tanong niya kay Lexi ng may marealize ako.

Shit!

"Tsk tsk. Pati ba naman kasi phone, couple talaga? Pati rin lockscreen. Eh pag talaga ako yan, maguguluhan din ako." pagpaparinig ni Dane. Si Lexi rin kasi lockscreen ko.

Nagkakahiyaang nagpalit naman kami ng phone habang tawang tawa si Dane. Nakakarami na talaga to! Buti nalang busy si Selena sa pagbasa ng comment kaya si Dane lang nang aasar.

Pagtingin ko ng picture namin. Apat kaming nagsiksikan sa couch na nakupo.

Bale si Selena-Lexi-Dane-Ako. Tumatawa si Dane at Selena, Nakaakbay si Dane sa amin ni Lexi. Nakacross arms naman na nakatunganga si Lexi, hindi pa yata gising ng maigi at nakabusangot naman yung mukha ko sa kakaasar nila Dane at Selena. Ang cute naming apat talagang stolen shot kasi walang nakatingin sa amin sa camera.

May pa-caption pa si Aly. "Just like this, forever."

PS: Namiss ko kayo! Walang magbabago ha! #DALASforever

Yung title ng photobook namin na ginawa ni Alyana.

Nakita kong nagcomment naman si Selena.

IamSelena: Hoy iiwanan ako ng fans ko! Hindi pa ako nakapag ayos dyan! OMG!

AlyssaM: Okay lang, para mabawasan naman ng onti yang kayabangan mo. Nandito naman kami eh! HAHAHAHA mga number one hater mo!

JohnsonDane: Sa mga fans ni Selena. Wag kayo matakot sa itsura niya. Halimaw talaga yan pag walang make up! Pfft.

AlyssaM: Oo nga. Sa amin na lang kayong fans niya HAHAHAHA

Ang dami naman naglike at nagcomment sa mga asaran nung tatlo.

KathrynTorres: Corny mo talaga Mendoza! #WalangForever

JohnsonDane: Bitter spotted here! Hahahahaha. Pakainin niyo nga yan ng lalake ng mawala naman ng kabitter-an!

"IamSelena tagged you in a comment."

IamSelena: Ohhh!!! Hahahaha may sweets naman ako dito eh. @ AxeinSandoval.

Bwisit!

JohnsonDane: Ay pwede na yan! Hahahahaha

AlyssaM: Wag kayo! Baka malamgam tayo dito.

AlexeinSandoval: Whatever happens, DALAS forever.

Pagiiba ko ng topic. Bwisit sila!

IamSelena: Whatever happens KK forever #LeXein HAHAHAHA

In-off ko na lang phone ko. Leche! Sa sobrang inis ko kinurot ko si Dane pero tinawanan lang ako.




Continue Reading

You'll Also Like

144K 1.6K 10
Eianne Del Rio, isang Hotel Tycoon Heiress. She's been single for years but when she came home, she never expected na mainlove agad. But the thing is...
10.5K 489 25
I'm not really a fan of love, but if it's you, then I'm willing to fall for you over and over again... Ares Dein Fenrich a drop dead gorgeous woman...
146K 1K 5
Half sister of genius Hyanth Winter Snow Giudevaun, Frances Kiefer hated Scarlet Howard dahil isa itong dakilang manyakis na manliligaw. Scarlet's a...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...