GENERAL'S PROVERBS
KINABUKASAN
Maaga silang nagising lahat pagkatapos nilang mag-agahan ay napag-usapan ni Haring Otis at Reyna Keva na mauna na sila kaharian ng Lahar kasama ang kanilang anak nang saganon ay mapagsabihan nila ang mga tagapagsilbi na maghanda para sa piging na magaganap.
KEVA :Mauna na kami at maraming salamat sa pagpapatuloy sa amin sa inyong tahanan! 😊
ALENA:Walang anuman hanggang sa muli nating pagkikita.
OTIS:Huwag niyo kakalimutan ang piging mamayang gabi.
LIRA:Huwag po kayong mag-alala pupunta kami lahat! 😊
VANESSA:Nay, Tay mauna na po kami.
HAYDIE:Sige mag-ingat kayo doon!
VANESSA:Opa nay! 😊
BONG:Pakasaya ka doon!
VANESSA:Siyempre naman po! 😊
VANESSA:Avisala meiste sa inyong lahat!
ALL:Avisala meiste!
Saka nag-ivictus ang mag-anak doon sa bakanteng lote kung saan naroon ang lagusan patungong Elementia.
EMMANUEL:Mauna na rin po kami ni Argo baka hinahanap na kami sa amin.
ALENA:Sige mag-ingat kayo.
ARGO:Sige po, magkita nalang tayo sa piging mamaya at thankyou!
ALENA:Sige!
SA BAKANTENG LOTE
OTIS:Sa pamamagitan ng gintong susi buksan ang lagusan patungo sa aking pinanggalian!
Nagbukas ang lagusan at pumasok na sila pagdating nila sa kanilang kaharian ay pinakilala na agad si Vanessa sa kanilang mga kawal at mga Tagapagsilbi.
SA MUNDO NG ELEMENTIA KAHARIAN NG LAHAR
OTIS:Una sa lahat ay nais kong magpasalamat sa inyong oras, pinatawag namin kayo upang ipakilala sa inyo ang aking anak sa si Vanessa alam kong nagtataka kayo kung bakit ngayon niyo lang siya nakita pagkat matagal na panahon siyang nawalay sa amin.
KEVA:Batid niyo naman ang digmaan na naganap mahabang panahon na ang nakalipas noong panahong iyon ay pinagtangkaan ni Lucio ang buhay ng aming anak kaya itinakas namin siya at dinala sa mundo ng mga tao, ngunit huwag na nating pag-usapan ang nakaraan ang importante kasama na natin siya.
OTIS:Kaya ngayong gabi ay magkakaroon ng piging para sa pagbabalik ng aking anak at inimbitahan ko ang mga pinuno ng apat na kaharian ng Encantadia kaya makikilala niyo sila mamaya.
KAWAL LAHARIAN1:Mga bagong kaalyado po ba sila Mahal na Hari?
OTIS:Oo, kaya maghanda na tayo para si piging mamaya kaya maari na kayong bumalik sa inyong mga gawain, at salamat ulit sa inyong oras!
KAWAL LAHARIAN 2:Masusunod mahal na Hari!
Nagsibalikan na sa kanilang mga gawain ang kanilang mga kawal at mga tagapagsilbi pagkatapos ay inihatid siya ng kanyang mga magulang sa kanyang silid
VANESSA:Wow sobrang ganda at ang laki ng silid na ito Ama, Ina!
KEVA:Nararapat lang sa iyo iyan pagkat ikaw ay isang Prinsesa! 😊
OTIS:At ngayong gabi hihirangin ka na bilang ganap na Prinsesa! 😊
VANESSA:Talaga po, pero karapatdapat po ba ako?
KEVA:Oo, bakit naman hindi?
VANESSA:Kasi po wala pa akong masyadong alam tungkol dito, nais ko munang matutunan ang mga bagay tungkol dito.
OTIS:Kung iyan ang iyong nais anak, ngunit ngayon ay ipakilala ka namin sa mga mamamayan dito at sa mga pinuno ng bawat kaharian.
VANESSA:Salamat po sa inyong pag-unawa.
KEVA:Walang anuman, iyon anak maiwan ka na namin dito nang saganon ay makapagbihis ka na pagkatapos ay tatawagin ka nalang ng isa sa mga tagapagsilbi kapag handa na ang pagkain! 😊
VANESSA:Sige po!
FAST FORWARD
KINAGABIHAN
SA MUNDO NG MGA TAO
Naghahanda na silang lahat para sa piging na kanilang dadaluhan buti nalang na wala ang karamihan sa mga kasambahay pagkat ang damit na gagamitin nila ang ay kanilang bagong kasuotan nila sa Encantadia pagkat damit pangtao lang ang meron nila Haydie at Bong gumamit ng mahika si Lira upang mapalitan ang kanilang damit.
HAYDIE:Ang ganda naman ng kasuotan na ito, Anak!
BONG:Oo nga eh..ang lakas makayaman at napakaganda mo sa iyong kasuotan!
LIRA:Thank you po, mauna na tayo sa baba hintayin nalang natin sila! 😊
HAYDIE:Sige..
Ang unang bumaba ay si Mira kasama si Alana pagkatapos ay sumunod naman sila Cassandra, Dasha,at Adamus. Ilang sandali lang ay bumaba na ang kanilang mga magulang gagamitin na sana nila ang Ivictus para magtungo sa bakanteng lote ngunit dumating si Evelyn at Raquel
EVELYN:Wow napakaganda at napakapogi niyo naman mam sir saan po kayo pupunta?
MIRA:Thankyou ate, pupunta kami sa party ng isang malapit na kaibigan! 😊
RAQUEL:Ball po ba ang party na iyan?
PAOPAO:Oo kaya mauna na po kami!
EVELYN:Gusto niyo ba na ipahanda namin ang mga kotse?
PIRENA:Salamat, ngunit hindi na kailangan pagkat susunduin kami..
EVELYN:Sige kayo po ang bahala mauna na kami!
PIRENA:Sige!(Sabay bitaw ng isang maliit na ngiti)
AMIHAN:Muntik na tayo doon!
PIRENA:Oo nga eh.. kaya kailangan na natin umalis.
Tumango naman ang lahat bilang pag-sangayon saka sila nag-ivictus patungo sa bakanteng lote pagdating nila doon ay agad silang pinagbuksan ng lagusan at sinalubong ng mga kawal upang ihatid sa kaharian ng Lahar.
Tamang-tama pagdating nila doon ay nagsidatingan na rin ang mga bisita mula sa iba't-ibang kaharian.
KAWAL LAHARIAN:Mahal na Hari Mahal na Reyna andiyan na po inyong mga panauhin mula Encantadia at mundo ng mga tao !
OTIS:Sige papasukin mo sila!
Pagpasok nila na walang ano-ano'y sinalubong agad sila ng Hari at Reyna pati na rin ni Vanessa.
KEVA:Natutuwa ako na dumating kayo!
ALENA:Natutuwa din kaming makarating dito! 😊
VANESSA:Nay, Tay salamat sa pagpunta niyo dito!
BONG:Makakalimutan ba namin ang piging para sa iyo! 😊
OTIS:Maupo muna kayo dahil sa ilang sandali lang magsisimula na ang ating kasihayan! 😊
At umupo na silang lahat maliban nila Adamus, Dasha, Alana,at Cassandra
VANESSA:Ama, Ina maari po ba akong umupo kung saan naroon ang upuan nila Adam?
OTIS:Oo naman!
VANESSA:Salamat po!
ALANA:Nais mo bang umupo doon para makasama kami nila Cassandra o tabihan si Adam? 😊
ADAMUS:Sheda Alana!, gusto lang niya tayong makasama ano ka ba! (Saway niya sa pinsan)
CASSANDRA:Ayyiiee... knight in shining armor talaga tong si Adam..
DASHA:Tumigil nga kayo diyan!, paumanhin po Tito, Tita sa inasal ng aking mga pinsan at Hadia.
KEVA:Ayos lang iyon Dasha, sa katunayan ay nakakatawa nga!
VANESSA:Mabuti pang maupo na tayo okay,mauna na po kami Ama, Ina!
SAMANTALA....
HAYDIE:Ang sosyal-sosyal naman ng lugar na ito mahal!
BONG:Oo nga, eh..tingnan mo itong mga kubyertos gawa sa ginto!
HAYDIE:Nako baka masanay tayo nito!
DANAYA:Dapat na masanay na kayo dahil mukhang mapapadalas ang pagpunta niyo sa mga ganito! 😊
YBRAHIM:Tama si Danaya pagkat sa tuwing may kasiyahan sa aming kaharian o kahit saang kaharian sa Encantadia ay imbitado na kayo! 😊
Ilang sandali lang ay dumating na sina Emmanuel at Argo kasama ang kanilang mga magulang ngayong kumpleto ka ang mga pinuno ay sinimulan na ang pagpapakilala kay Vanessa sa buong mamamayan ng Elementia at ang mga pinuno nito.
KEVA:Magandang gabi sa inyo, una sa lahat ay nais kong magpasalamat sa pagpunta niyo sa piging para sa pagbabalik ng aming anak ni Otis ngayon ang nais namin siyang ipakilala sa inyo, Vanessa anak maari ka bang pumunta sa harapan nang saganon ay makikita ka nila.
Tumayo naman ang Prinsesa at pumunta sa harapan.
OTIS:Siya si Vanessa ang aming anak na nawalay sa amin ng mahabang panahon pagkat kailangan namin siya itakas dahil sa pagtatangka ni Lucio sa kanyang buhay, ang iba sa inyo ay nakakakilala na sa kanya gaya ng sabi ko sa aking mga kawal at tagapagsilbi ang importante kasama na natin siya! 😊
KEVA:May nais ka bang sabihin sa kanila anak?
VANESSA:Una nais kong magpasalamat sa aking mga magulang sa pagligtas nila sa akin kung hindi dahil sa kanila ay wala ako ngayon sa harapan niyo, pangalawa salamat kay Nanay Haydie at Tatay bong sa pagmamahal at pagkupkop nila sa akin, pangatlo ay salamat ng marami sa aking mga Tito, Tita, Ate, Kuya, at mga kaibigan mula Encantadia dahil sa kanila ay nakilala ko ang aking sarili at salamat sa pagtuturo niyo sa akin kung paano makipaglaban at kung paano gamitin ang aking kapangyarihan tanawin ko po itong malaking utang na loob sa inyo, sa huli ay salamat sa pagpunta niyo dito iyon lang po at maraming salamat!
OTIS:Ang susunod naming ipakilala ay ang mga Rama ang ibig sabihin ay Hari, mga Hara na ang ibig sabihin ay Reyna, mga Rehav ang ibig sabihin ay Prinsipe, mga Diwani ang ibig sabihin ay Prinsesa, Hara Durye ang ibig Sabihin ay Dating Reyna, Mashna na ang ibig sabihin ay Heneral, at isa sa mga tagapangalaga ng brilyante maari ba kayong pumunta sa harap?
Tumayo naman sila sa kanilang kinauupuan.
KEVA:Ang una kong ipakilala ay si Hara Pirena, Rama Azulan, Diwani Mira, at Diwani Alana mula sa kaharian ng Hathoria.
PIRENA:Hindi pa man natin kilala ang isa't-isa ay pinapangako ko na na handang tumulong ay Hathoria kung ano mang laban ang maganap sa inyong kaharian at handang kumalinga sa inyong mamamayan.
AZULAN:Kagaya ng pinag-usapan namin ng inyong Hari at Reyna ay handa kaming mamigay ng mga matitibay na sandata sa panahon na kailangan niyo handa rin kami magbigay ng yaman kung kinakailangan.
MIRA:Kagaya ng pinangako ng aking mga magulang ay handa akong tumulong sa kahit anong laban upang ipagtanggol ang ating bayan.
ALANA:Bata pa man ako sa inyong paningin ay handa na akong ipagtanggol ang ating bayan at gagawin ang lahat para sa kapayapaan.
OTIS:Ang pangalawa naman ay si Hara Amihan, Rama Ybrahim, Diwani Lira,at Diwani Lira ng Sapiro.
AMIHAN:Bilang Hara ng Sapiro ay handa kaming makipagkaisa sa mga kaharian ng inyong mundo nang saganon ay maari tayong magtulungan kung may digmaan na magaganap kagaya ng Hathoria ay handa kaming magbigay ng yaman kung kinakailangan.
YBRAHIM:Bilang Rama ng Sapiro ay bukas ang aming kaharian para sa inyo handa kaming magbigay ng pagkain at mga pangangailangan sa tuwing may kaguluhan kapag kinakapos kayo.
LIRA:Bilang Diwani handa kaming pangalagaan at protekahan kayo katulad ng ginawa namin sa mamayan ng Encantadia.
CASSANDRA:Bilang Diwani rin handa akong ipagtanggol at pangalagaan kayo.
KEVA:Ang pangatlo ay si Hara Alena ng Lireo, Rehav Memfes ng Adamya, at Rehav Adamus ng Lireo at Adamya.
MEMFES:Natutuwa ako makita at umaasa akong mas makikilala pa natin ang isa't-isa ngunit ganon pa man ay kagaya ng pinangako ng dalawang kaharian handang maging kaalyado ang Adamya sa ano mang laban at tumulong sa apat na kaharian ng inyong mundo.
ADAMUS:Naubos na yata ng aking mga pinsan ang nais ko sanang sabihin sa inyo😁(Nagtawanan naman ang lahat sa tinuran ng Rehav bago siya tuluyang magsalita) ganon pa man ay bilang Rehav ay hindi lang ako tagapagmana ng Ama at Yna handa akong maglingkod at magsilbi sa ating bayan!
ALENA:Bilang Hara ng mga Diwata ay ibinigay namin ang aming katapatan sa inyo handa kaming protekahan kayo kahit na anong mangyari,kagaya Hathoria, Adamya, at Sapiro ay Handa ring magbigay ng yaman ang Lireo kung kinakailangan.
OTIS:Ang pang-apat ay ang Hara Durye Danaya, Mashna Aquil, at Diwani Dasha ng Lireo.
DANAYA:Kahit na hindi na ako ang Hara ng mga Diwata ay handa akong ipagtanggol ang bayan ng dalawang mundo at mga lahi nito handang kumalinga sa inyo ang Lireo kapag kayo ay nangangailangan.
AQUIL:Bilang Mashna ay titiyakin ko ang kaligtasan ng lahat ng lahi sa Elementia o sa Encantadia.
KEVA:Ang susunod ay si Rehav Angelo ng Devas.
ANGELO:Bilang anak ng Bathala at Bathaluman ng Devas titiyakin ko na mapangalaan at maprotektahan ang lahat ng lahi sa Elementia o sa Encantadia kasama ng aking mga magulang.
OTIS:Ang huli naman ay ang tagapangala ng brilyante ng diwa na si Paopao mula sa mundo ng mga tao.
PAOPAO:Bilang isa sa mga tagapangala ng brilyante ay gagawin ko ang aking makakaya upang mapangalaan ang lahat ng lahi.
KEVA:Heto na ang simula ng pagkakaisa ng mga kaharian bilang Reyna ng Lahar ang ibibigay namin ni Tarique ang aming katapatan sa apat na kaharian ng Encantadia..
TARIQUE:Bilang Hari ng Aqua ay ibibigay namin ni Amelia ang aming katapatan sa buong Encantadia.
AVA:Hinangad ng lahat ang pagkakaisa at kapayapaan kaya ibibigay ng Celestia ang katapatan sa bawat kaharian ng Encantadia.
LUCAS:Kagaya ng tatlong kaharian ibibigay ng Narra ang aming katapatan sa Encantadia.
KAWAL LAHARIAN:Mabuhay ang Elementia!
ALL:Mabuhay!
KAWAL CELESTIAN:Mabuhay ang Encantadia!
ALL:Mabuhay!
OTIS:Kung ganon ay simulan na ang ating kasihayan!
TO BE CONTINUED!