ZOMBREAK

By hara_angelica

246K 12.6K 949

Vessels of Martiri #1 Do you know how to defend yourself? Perhaps, to kill? How 'bout being independent? Sel... More

ZOMBREAK
Simula
1st Break: Day One
2nd Break: What?
3rd Break: Zombies
4th Break: Can't Sleep
5th Break: Hospital
6th Break: Saved by Her
7th Break: Lock
8th Break: Walkie-talkie
9th Break: Emotion
10th Break: VM
11th Break: Kiss
13th Break: Heat
14th Break: Friends
15th Break: New Members?
16th Break: Crush
17th Break: Playmate
18th Break: Die
19th Break: Zombie Tsunami
20th Break: Shot
21st Break: Monday Flashback
22nd Break: Awake
23rd Break: Crush
24th Break: Catch
25th Break: Alesia #2006
26th Break: Kill
27th Break: Shock
28th Break: Tired
29th Break: Tuesday Flashback
30th Break: Red
31st Break: Fear
32nd Break: Family
33rd Break: Mad
34th Break: Wednesday Flashback
35th Break: Wish
36th Break: Thurday and Friday Flasbacks
37th Break: Rope
38th Break: Loss
39th Break: Plans
40th Break: Enjoy
41st Break: Stress
42nd Break: Traitor
43rd Break: Hurt
44th Break: Past
45th Break: Answers
46th Break: Continuation
47th Break: Shock
48th Break: Decision
49th Break: Plan and Shits
50th Break: Sudden
Epilogue
πŸ’‰πŸ’€πŸ’‰
Special Chapter (1)
Furion
Special Chapter (2)
Special Chapter (3)
Special Chapter (4)
(LAST) Special Chapter (5)
CIEATH
THE VESSELS

12th Break: Shaun

5K 303 42
By hara_angelica

12th Break
Shaun

ALESIA

WHY did I have to do that? I sighed and slightly pinched Shaun's cheek. "So cute, baby, so cute."

He giggled and caressed my cheek. Lumambot ang puso ko at parang gusto ko biglang umiyak sa inosenteng tawa na iyon. Tipid na lamang akong ngumiti at marahang hinalikan ang noo niya.

"Narito ka lang pala."

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Sho. Tumikhim ako para itago ang hiyang nararamdaman sa ginawa. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?

"Hmm-mm. Bakit? May kailangan ka?" tanong ko at iwinakli na sa isipan ang halik na nangyari kanina. Medyo lumayo rin ako dahil kinikilabutan ako kapag nagdidikit ang braso namin. Para akong aatakehin sa puso sa lakas ng sparks na nararamdaman ko ngayon!

"Nakuha mo na ba ang lahat ng kailangan mo?" Inagaw niya sa akin ang push cart na tulak-tulak ko.

Na-a-amuse akong tumingin sa kanya ngunit diretso lamang ang kanyang tingin. Nagbawi ako ng tingin at pilit na sinupil ang ngiti. Nasa mall kami ngayon para kumuha ng mga pangangailangan namin. Marami pa naman kaming stocks pero kailangan pa rin naming kumuha nang kumuha para hindi kami maubusan at para na rin makapagbigay kami sa mga survivors na nasa ospital.

Gaya ng ospital, kataka-taka rin na walang zombie rito. Kanina pa kami naglalakad ngunit katahimikan lamang ang bumabalot sa amin. Puro bakas lamang ng dugo at mga kagamitang wala sa ayos ang nasa paligid namin.

"Yeah." sagot ko at nakita sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa mga laman ng cart.

At dahil wala namang tao ay libre na ang lahat ng 'to. Napatawa ako sa isiping libre na ang lahat ng bagay at pagkain dito. The only good thing that happened in this apocalypse... Tsk.

"You do know how to take care of babies?"

"And what do you mean by that?" Nakataas ang kilay na nilingon ko siya. Paanong hindi ko tatarayan eh parang nagdududa siya sa baby sitting skills ko? Naku, Sho, umayos ka!

Natulala ako nang bigla siyang tumawa. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero heto siya at ipinapakita sa hampaslupang gaya ko kung paano matuwa ang dyos na gaya niya. Para siyang hari na tinatawanan ang kanyang alipin.

Kung ganyang mukha lang din naman ang masisilayan ko araw-araw eh mag-a-apply na akong personal clown niya. Napalunok ako at agad na pinigilan ang kalandiang saglit na-activate. Get a grip to yourself, Alesia Montes!

"Hindi halata sa personality mo." He smiled that made me mentally held the garter of my underwear.

Oy, baka malaglag. Ipinilig ko ang ulo at tumikhim. Huwag kang lumandi, Alesia.

"Maraming namamatay sa maling akala. Yes, I may be harsh and all but I'm still a human who have a softie heart for babies." kalmadong sagot ko. "They're cute and innocent."

Laking pasasalamat ko nang hindi na siya nagsalita pa. Natatakot pa naman ako na baka magtanong siya ng mga bagay na kahit ako mismo ay hindi alam ang isasagot. Alam kong may mga napapansin siya at posibleng naghahanap lang siya ng tiyempo na masinsinang kausapin ako ngunit hinding-hindi ko siya pagbibigyan.

Tahimik kaming nakarating sa bilihan ng mga damit. Kaming pito lamang ang pumunta rito dahil iniwan namin sa ospital ang babaeng nurse at yung lalaking estudyante para samahan ang mga baby. As for Shaun, sadyang hindi ko siya iniwan doon kahit babalik din naman kami. Kaya ko naman siyang dalhin kaya bakit ko pa iiwan? Wala rin naman ako masyadong dapat ipag-alala sa mga naiwan sa ospital dahil iniwanan naman namin sila ng supply bago umalis. Halos lahat ng supply na nakuha namin sa canteen ng ospital ay ibinigay na namin sa kanila.

Magpasalamat sila dahil may mga baby silang kasama. Kung wala, asa silang ibigay ko sa kanila ang supplies namin.

"We need a bus." saad ko habang pinagmamasdan ang mga pushcart na puno ng laman. Kahit anong ayos pa marahil ang gawin namin ay hinding-hindi kami magkakasaya sa van kasama ang mga ito.

"We'll find one but before that, change your clothes first." saad ni Sho na pinasadahan pa kami ng tingin.

May punto naman siya kaya hindi na ako umangal at ibinigay sa kanya si Shaun, hudyat na ako ang unang maliligo sa aming dalawa. Nilapit ko ang pushcart ko at naghalungkat doon ng maisusuot. Dahil sa pagbanggit niyang pagbihis ay ngayon ko lang din naramdaman ang panglalagkit ng katawan ko. Amoy malansa pa ako dahil sa mga natuyong dugo sa balat at damit ko.

"Alesia, pwede ba tayong maligo?" tanong ni Mich nang makalapit siya sa akin. May pag-aalinlangan sa mga mata niya na agad ko namang naintindihan kung para saan. Naisip niya marahil na baka hindi ito ang tamang oras para isipin pa ang personal hygiene namin.

Naiintindihan ko naman siya pero ayos lang din naman na i-grab namin ang chance na ito dahil wala namang zombies sa paligid at habang may tubig pa na nage-exist. Tiyak na mahihirapan na kaming maghanap ng tubig, inumin man o hindi, sa hinaharap dahil wala ng nag-aasikaso ng mga planta. Lahat ay malamang na uunahin ang buhay nila kaysa sa trabaho nila.

"Oo naman kaya pakihila na si Dana para sabay-sabay na tayong pumunta sa banyo." kalmadong saad ko na agad naman niyang sinunod.

"Oh, good to hear that. Ilang araw na rin akong nanlalagkit." saad ni Dana na ikinailing ko na lang.

Kailan kaya mawawala ang kaartehan ng isang 'to? Hindi ko na siya masyadong pinapatulan ngayon dahil kaya ko na siyang i-tolerate, hindi gaya noong una naming pagkikita na gusto ko siyang isubsob sa lupa.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Angelo sa min.

"Of course, we're going to take a bath before changing our clothes. Ang useless naman kung magbibihis lang tayo at hindi maliligo diba? Hygiene, Gelo, hygiene." sagot ni Dana na may kasama pang pag-ikot ng mata.

"Pero kasama kami. Sa labas lang naman kami maghihintay para mabantayan pa rin namin kayo. Kailangan lang din kasi nating mag-ingat." wika ni Andrei.

Tumango ako tanda ng pagpayag. Pabor sa akin 'yon dahil masisigiro kong mas ligtas si Shaun kung nandyan lang siya sa malapit at nakikita ko. Pumayag na rin ang dalawa kaya sinundan kami ng mga lalaki hanggang sa labas ng comfort room. Napangiti ako dahil pinapairal nila ang pagiging gentledog nila.

Unlike to other malls, Seven Mall has two shower rooms where the customers can take a bath whenever they want. Halimbawa na lang kapag natapunan ka ng juice o ng kung ano man, pwede kang magpalit at maligo rito. And since there's only two shower rooms here, sila na ang pinauna kong maligo. Kaya ko pa namang maghintay. Napasandal ako sa lababo at napaisip.

Bakit hindi agad ako kinuha ng doktor na 'yon noong unang punta ko pa lang sa NICU? Bakit kailangang sa harapan pa ng mga 'yonn? Ano 'yon? Para may witness na tinangay nga niya ako? Napailing ako. Ano bang kailangan niya sa akin?

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang kumulo ang tiyan ko. Gutom na 'ko.

Hinarap ko na lang ang gripo at naghilamos. Humalo sa tubig ang mga natuyong dugo sa balat ko. Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin lalo na sa mga mata ko. Nagsimulang sumakit ang ulo ko kasabay ng pagbabago ng kulay ng mga mata ko.

"Anong kailangan n'yo?" bulong ko habang pilit na nilalabanan ang sakit na dulot nito sa ulo ko

"Alam mo kung ano ang kailangan namin, Alesia. Sa ayaw at sa gusto mo ay babalik ka rito."

"Stop bullshitting me!" Gigil na sinuntok ko ang salamin kaya nabasag ito. Kahit ganoon ay nakita kong kulay abo pa rin ang mga mata ko na kapag tinitigan ay makikita ang tila program sa loob nito. "Hindi ako babalik... Hindi ako magpapahuli."

"Hala, anong nangyari sa iyo, Alesia?!"

Sa isang kurap ko ay bumalik na sa dating kulay ang mga mata ko. Nakita ko na lang din si Mich na hawak ang kamay kong dumudugo dahil sa ginawang pagsuntok.

"I'm fine." Hinila ko ang kamay sa kanya at pumasok na sa isang shower room dala ang mga napiling damit. Mabuti na lang at kumuha ang dalawang iyon ng shampoo, sabon at towel kaya may nagamit ako.

They're still after me. Hinayaan ko ang sarili sa ilalim ng shower. Napakuyom ako. I won't let them capture me again.

Isinuot ko ang isang itim na short at puting sando. Lumabas ako habang nakabalot ng tuwalya ang buhok at nasa kamay ang isang itim na leather jacket.

"Nagdudugo pa rin ang kamay mo." puna ni Mich.

"Okay lang yan. Malayo naman sa bituka." Inalis ko ang tuwalya sa buhok at ipinatong sa may lababo.

Itinapat ko ang ulo sa hand dryer at dahil nga pangkamay lang iyon ay itinapat ko rin ang basa pang kamay doon. Hindi ako mase-sense ng detector kung itatapat ko lang ang ulo ko. Kailangan ko ang kamay ko para gumana iyon at para buhaghagin ang buhok ko. May isang minuto naman ako bago tumigil ang hand dryer at hindi ko na rin kailangan pang basain ulit ang kamay ko. Kailangan ko lang itong itapat doon sa sensor sa tuwing namamatay ang hand dryer. Limang minuto lang at umayos na ako ng tayo. Nakakangawit din. Hindi naman literal na natuyo ang buhok ko dahil mamasa-masa pa rin iyon pero sapat na para hindi mabasa ang damit ko. Sunod kong tinuyo ang mga paa at binti ko bago isuot ang itim na combat shoes. Pagkatapos ay ang leather jacket naman ang isinuot ko. Napatitig ulit ako sa salamin lalo na sa repleksyon ng mga mata ko. Napabuntong-hininga ako.

"A-ano 'yon?" kinakabahang saad ni Mich nang makarinig kami ng kalabog sa labas.

Agad kong kinuha ang baril na nakuha ko sa doktor kanina. Nakakabit ito sa hita ko sa pamamagitan ng holster na nakuha ko rin dito sa mall. Binuksan ko ang pinto na handang-handa ng sumabak sa giyera para lang makita silang mga natataranta sa pag-iyak ni Sho. Lihim akong natawa dahil hindi nila alam kung paano patatahimikin ang bata. Ibinalik ko sa holster ang baril.

"Shaun." Agad na lumingon sa akin ang bata at pahikbi-hikbi na lamang kung umiyak. Hindi ko pinansin ang tingin nila at kinuha si Shaun kay Sho. "Hey there, baby. Anong problema mo, ha?"

Pinunasan ko ang luha nito at napatawa nang habulin ng bibig niya ang daliri ko. "Aww. Gutom ka na, Shaun?"

Parang nakakaintinding humikbi siya na ikinangiti ko. Nilingon ko lang sila na may mga hindi maipaliwanag na ekspresyon sa mukha.

"Pumasok na kayo. D'yan na kayong mga lalaki maligo." Tinaasan ko sila ng kilay nang makita ang pagtutol sa mukha nila. "Aangal pa kayo? Banyo rin naman iyan at kami lang ang babae rito. Bilisan niyo na. Maghihintay kami."

At dahil dala-dala rin nila ang mga push cart na naglalaman ng aming supplies, tinulak ko iyon palayo sa comfort room. Tumulong din naman sa akin ang dalawa. Tumigil din ako agad nang makalabas kami sa hallway papasok sa mga banyo. Pumasok kami sa malapit na kainan. Kumuha ako ng tatlong feeding bottles, isang electric kettle, isang kahon ng gatas, isang maliit na electric stove at isang kaserola bago nilingon si Mich.

"Mich, pakilagyan nga ng mineral water 'yong kettle pati 'yong dalawang kaserola." utos ko na agad naman niyang sinunod

Nakakita naman kami ng socket dito kaya doon niya isinaksak ang kettle samantalang ang electric stove naman dito ay para sa kaserola. Naghintay pa kami ng ilang minuto bago kumulo ang mga 'yon. Inilagay ko sa kaserola ang mga kinalas-kalas kong feeding bottles. Tatlong bote 'yon para naman may mainom ang bata sa loob ng isang araw.

"Can I help?"

Napakurap-kurap ako kay Dana. "Buti naman at naisipan mo. Pakitapon ang laman no'ng kettle tapos magpakulo ka ulit ng bago." wika ko. Ganoon din ang sinabi ko kay Mich na nakabantay sa tapat ng kaserola.

Nilaro ko naman si Shaun para malibang siya habang hinihintay namin ang pagkain niya. Ako naman ang nainip kaya naisipan kong dagdagan pa ang damit na para sa bata. Marami ulit akong kinuha dahil libre naman.

Paano ako magbabayad kung wala namang pagbabayaran?

Kumuha na rin ako ng ilan pang gamit na pang-baby para kay Shaun. Kasama na doon ang bagong baby carrier. Lumabas naman ang mga lalaki suot ang mga nakuha rin nilang damit rito sa mall. Sumunod sila sa akin papasok ng kainan.

"Alesia, kumukulo na ang tubig." imporma ni Mich na siyang nagbabantay sa mga pinapakuluan kahit pa naroon si Dana at katulong niya.

"Pwedeng paki-drain 'yong kaserolang may feeding bottles? Tapos 'yong kettle pakidala sa banyo." utos ko at nilingon ang mga lalaki, hudyat na sila ang inuutusan ko.

Si Sho na ang kumuha ng kaserola at inalisan iyon ng tubig. Hinayaan niyang nasa loob ng kaserola ang mga kinalas kong feedng bottles. Pagkatapos ay kinuha niya ang kettle para dalhin sa banyong pinasukan namin kanina.

"What are you going to do?" tanong niya nang mailapag iyon sa lababo.

"Shaun needs a bath, too." sagot ko at ibinigay sa kanya ang bata.

Lumabas ako para kumuha ng tela, baso, planggana, towel, shampoo, liquid bath soap at alcohol na nasa cart. Pagbalik ko ay inilatag ko sa gilid ng lababo ang tela at nilagyan ng malamig na tubig ang planggana at hinaluan iyon ng mainit na tubig para maging maligamgam at saka nilagyan ng alcohol. Inilagay ko muna ang kamay sa tubig para tingnan kung tama na ang ligamgam niyon. Gamit ang baso ay binasa ko ang tela na inilatag kanina at kinuha si Shaun para doon ihiga. Maingat ngunit mabilis ko siyang pinaliguan. Nakakatuwa lang na tahimik siya at nakatingin lamang sa akin sa buong durasyon na pinapaliguan ko siya. Hubad na pinahawak ko siya ulit kay Sho at saka ko tinuyo ang buhok at katawan niya.

Kanina ko pa nararamdaman ang mga titig ni Sho pero ayaw ko naman siyang kausapin. Naaalala ko pa rin kasi ang kabaliwang ginawa ko kanina. Bukod doon ay baka bigla niya akong tanungin ng kung ano na siyang pinakainiiwasan ko.

"Iyan, mabango na ulit ang baby." Binuhat kong muli si Shaun at pinabayaan ang kalat na ginawa ko sa banyo. Paglabas ko ay nakita ko si Andrei at Angelo na nagtitimpla ng gatas.

Buti naman para may maitulong sila.

Kinuha ko ang isang boteng may laman na at nagpatak sa likuran ng aking kamay. Napangiwi ako nang maramdaman ang sobrang init no'n.

"Hindi dapat masyadong mainit." wika ko at inalog ang bote. "Pakilagyan ng malamig na tubig 'yong huling bote. Dapat ay hindi sobrang lamig, hindi rin sobrang init."

"Tss." Lumapit si Sho sa dalawa at inagaw ang nag-iisang bote na walang laman at siya na mismo ang nagtimpla.

Problema na naman ng isang 'to?

~*~

NOTE: Ganyan kasi yung way ng pagpapaligo sa'min ng baby kaya ganyan na rin ang nilagay ko. Pati yung pagtitimpla ng gatas. Thank you for reading. ❤

Continue Reading

You'll Also Like

135K 6.7K 32
Vampire Γ— Fantasy Γ— Mystery/Thriller Highest Rank Achieved: #6 in Mystery #7 in Vampire #81 in Action
447K 39.4K 139
Rogue Wars Online (RWO) is an all-out action-adventure game that invites the top streamers, pro-gamers, and even newbies in their official beta-testi...
49.6K 3.3K 34
"I'll act like a fool to play with them." _ Jafthalia only plans to save her friend from the unexplainable world but she never expected that saving h...
55.6M 1.7M 53
Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shia Sheridan believes. But when she is cau...