Fearing The Unknown

By iWonderLiah

728 203 58

Complex. Chaotic. Convoluted. Three words to describe what a group of childhood friends went through. "Hindi... More

FEARING THE UNKNOWN
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 2

48 11 3
By iWonderLiah




NOT A DREAM
July 15, Sunday
12:01 am


IZELE


"If this is a dream, I wish my mom would wake me up." Sambit ni Zach.


Mabagal na binabagtas ni Alec ang daan dito sa masikip at madugong eskinita at sa ngayon ay pati siya ay hindi na alam kung saan kami pupunta.


"Geez. What is really happening to this place?" Tanong ni Marga na kanina pa umiiyak habang pinagmamasdan niya ang sinapit ng Santa Luna.


Parang naninibago ako. Ito ang lugar kung saan ako lumaki at nagdalaga kaya ang sakit sa pakiramdam na makita ang sinapit ng lugar na kinalakihan ko.


Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganito ang lahat. Ayaw kong maniwala sa mga nakikita ko ngayon. Parang napaka-imposible. Parang napaka-imposibleng mangyari!

"Zombie apocalypse is too cliche so i'm considering this as a dream. I don't believe in this kind of nonsensical shits." Rinig kong sabi ni Alec na kanina pa inuuntog ang ulo sa manibela.


Napa-isip ako. Posible nga bang totoo ito? O nananaginip lang ako? "Normal pa sa lahat kanina bago tayo manood. Imposibleng mangyari ang lahat ng ito sa dalawang oras lang.." Sabi ko.

"That's also my point. Plus, kung nagkaganito man ay dapat pinasok na tayong mga nanonood sa sinehan. It's just too— too weird!" Napasapak si Alec sa manibela niya.

"Oh my god!" Napatili si Xzannie nang may sumalpok na katawan mula sa labas. Too bad, nasa gilid pa si Xzannie kaya kitang-kita niya ang hindi kanais-nais na hitsura. "Putangina ka!"


Napuno kami ng tilian sa loob kaya maski ako ay nababaliw na din dahil sa takot. Ang ginawa naman ni Alec na nagpapanic, binilisan niya ang pagtakbo ng sasakyan at dahil sa lakas at pwersa ay hindi na nakakapit ang isang zombie.

"Freaking cunts!" Nandidiring sigaw ni Xzannie.

"You call them cunts?!" Gulantang sigaw ko.

"They deserve a nasty name! Plus, they look like a bloody vagina afterall." Singhal pa niya. Napatango ako at nag-thumbs up.

"Wait— are they zombies?" Tanong ni Aliah.

"Base sa nakikita mo, Aliah, mukha pa ba silang tao?" Sarkastikong tanong ni Marga. Napa-irap nalang si Aliah.

"Police station.. Police station.. Where is the freaking police station?!" Nagpapanic na sigaw ni Alec. Kanina pa siya nagpapanic at nag-aalala na ako. He seems so nervous and worried.

"What would you freaking do to a police sta—" Pinutol ni Alec ang sinasabi ni Miranda.

"Armas! Armas, Miranda! Guns!"

"Okay, Alec. Chill! Peace!" Bato ni Miranda kay Alec. "I know the way, don't worry. What street are we on?"

Naghanap ako ng mga pangalan kung anong street ito mula sa bintana pero masyadong madilim. Buti nalang may nakita akong isang sign mula sa labas na nasisinagan ng ilaw ng isang neon light.

"L-Libarko Street!" Sabi ko pero hindi sigurado.

"Okay, you mean, Ligardo Street." Paninigurado ni Miranda.

"Yeah whatever." Walang pake kong sabi habang fino-focus ang tingin ko sa isang busy na zombie na may kinakaing laman-loob ng isang tao. Damn. Who knew seeing these kind of things can be so disgusting.

Huminga ng malalim si Miranda na nasa tabi ni Marga sa likod. "Dyan sa bandang yan, lumiko ka sa kanan at sa highway tayo mapupunta."


Liniko ni Alec ang sasakyan at mula sa hindi kalayuan ay nasisilayan ko na ang National Highway.

"Highways.." Nanginginig na sambit ni Xzannie. I think natatakot siya dahil sa movie na pinanood namin kanina ay namatay ang karamihan ng mga casts mismo sa highway.


"Idiresto mo lang. Malapit na dito 'yon." Sinunod naman ni Alec ang sinabi ni Miranda.

Mga ilang minuto sa pagdr-drive ni Alec, tahimik lang kaming lahat hanggang sa nakarating kami sa isang Station. Police station. Ito na yata ang pinupuntirya ni Alec.

Hininto ni Alec ang sasakyan sa tapat. Base sa nakikita ko sa labas, napakadilim at kitang-kita ko pa rin ang bahid ng karahasan pero wala akong makitang zombie. Or should I say, cunts?

"Everybody must stay right here. It's not safe outside." Tugon ni Alec habang tinatanggal ang seatbelt.

"Sige. Pero mag-iingat ka. Zach and Ian, samahan niyo si Alec." Sambit ni Joudee. Tumango si Ian at Zach.

"I'll go with you." Seryoso kong tugon dahilan para matahimik silang lahat.

Ilang segundo na ang nakalipas pero walang nagsasalita sa kanila hanggang sa narinig kong nagsalita si Marga. "Are you nuts?"

Napabuntong-hininga ako. "Shut up, Marga. I'll go with them. Kung mapahamak man ako then so be it!"

Napatingin ako kay Alec na nakatingin din sa akin. Nagpaalam ako sa kanya sa pamamagitan ng pagtingin. Ngumiti nalang siya ng tipid at may kinuhang kung ano sa bulsa niya.

Ang inilabas niya pala ay isang baril. Inabot niya ito sa akin at tumango. Ngumiti nalang ako pero nagtataka pa rin ako khng bakit siya may baril. Parang ang imposible lang kasi na nakapasok siya sa mall na may dalang baril.

Nang buksan ni Alec ang pintuan niya ay lumabas na din ako. Sumunod naman sila Ian at Zach sa akin.

Tumayo lahat ng balahibo ko sa lamig ng paligid. Muntikan na akong masuka nang naamoy ko ang malansang amoy ng dugo na nanggagaling dito.

"Shhh.." Linagay ni Alec ang hintuturo niya sa labi niya.

Si Ian ay tahimik at nakikiramdam sa paligid. Si Zach naman ay laging lumilingon sa paligid at siya ang look-out kapag may parating.

"Shit. The gate's locked." Nagpapanic kong sabi nang madatnan na may kandado ang gate.

"Oh, hold still. May pinahawak sa akin si Aliah na hair pin niya." Bulong ni Ian.

Napakadilim ng kalangitan at wala akong makita ni isang bituin. Sobrang lamig din ngayon at idagdag mo pa ang malakas na hangin.

"There you go." Natutuwang sambit ni Alec nang mabuksan na namin ang gate.

Pumasok kaming apat dito at agad namang isinara ni Alec ang gate.

"Zach and Izele, kayo ang magbantay dito. Kami ni Ian ang papasok sa loob at kukuha ng sapat na armas. Remember, save yourselves, okay?" Tumango kami sa bilin ni Alec.

"Sumigaw lang kayo pag kailangan niyo ng tulong." Tumingin sa akin ni Alec at ngumiti.

"Here's the silencer." Inabot niya sa akin ang silencer ng baril. Tumango nalang ako.

Bago makatalikod si Alec ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang isang zombie na walang isang paa ang gumagapang patungo sa amin. Puno ito ng dugo at nangingitim na rin ang mga sugat nito.

"CUNT!!"

Napalingon sila Alec dito at agad naman itong nabaril ni Alec ng dalawang beses kaya nakahinga kami ng maluwag. Pero syempre ay hindi pa ako kampante dahil posible pang mabuhay ulit ito.

Bumuntong hininga ako. "Go. Bilisan niyo na."

Tumango silang dalawa ni Ian at pinasok na nila ang loob.

"Shit. This place is a real shit." Tugon ni Zach nang naka-alis sila Alec at pinagmasdan ang paligid.

Hindi nga pala siya taga-rito. I wonder kung naging ganito na ang buong Pilipinas. Hindi naman sana.

"I know. Ang hirap hanapin ang rason kung bakit naging ganito, kung ano ang pakana at kung paano nagsimula." Tugon ko.

"If this is real, then I should better kill myself rather than being killed by those shitty creatures. Or zombies. Damn!" Pabulong na sigaw niya.

"Xzan calls them cunts."

"Vagina heads." Natawa siya ng bahagya. "Right."

Natawa nalang din ako.

Ilang sandali pa lamang ay naalerto kami ni Zach nang narinig namin ang sigaw ng mga kaibigan namin mula sa loob ng sasakyan. "What the—"

"Tulungan niyo kami!" Mas nangibabaw ang boses ng isang babaeng nagsalita kaysa sa mga sigawan nila Xzannie sa sasakyan.

"Wait— Rizel?! Kiara?!" Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko dalawa kong babaeng kaklase. si Kiara Sagada at Rizel Acuña.

Dahil sa pagsasalita ko ay napalingon ang dalawang babae sa akin. I'm right! Tama nga ang hula ko! Sila nga!

Tumakbo silang dalawa sa akin kaya medyo nagpanic ako.

"Izele?! Zachary?! Please! Let us in!" Tugon ni Kiara. We call her Kira for short. Nagsimula namang umiyak ang kasama niyang si Rizel.

"Shh!!" Suway ko.

"Wait Izele!" Pigil sa akin ni Zach nang bubuksan ko na sana ang gate. Napatingin ako kay Zach na mukhang nagdududa sa dalawa.

"Prove that you're not one of them first!" Galit na tugon ni Zach sa dalawa. Mas lalo naman silang naiyak.

"Hindi kami isa sa kanila! Gusto lang din naming mag-survive! Gusto lang din naming mabuhay! Kaya parang-awa niyo na, tulungan niyo kami!" Naiiyak na sambit ni Kiara.

Pinagmasdan ko muna silang dalawa. Ang puting damit ni Kiara ay nabahiran na ng dugo. Normal pa naman silang dalawa dahil base sa mga napapansin ko sa mga zombies ay wala ito sa tamang pag-iisip.

"Please.." Pagmamaka-awa nilang dalawa.

"Let them in." Nagulat ako nang marinig ang boses ni Alec sa likod ko. Sa ngayon ay may hawak si Alec na dalawang baril sa magkabilaang kamay at may mga nakabitin din sa kanyang katawan na mga baril. Shot guns ata ang tawag doon sa mga iyon. Ganon din si Ian; may hawak na sandamakmak na baril at may hawak din siyang case na naglalaman ng mga bala.

"Alec!" Nanlaki ang mga mata ni Kiara.

"Okay— you know what, tara na sa sasakyan! Kakasya pa tayo wag kayong mag-alala." Nagmamadaling sambit ni Alec kaya nagsimula kaming maglakad papunta sa sasakyan.

Labis naman na nagpasalamat sila Kiara at Rizel sa amin.

"Oh my god!!" Xzannie squeaked and panicked.

"Chill!" Sabi ni Zach.

Nang nakapasok sa kaming lahat ay inayos muna ni Alec ang seatbelt niya. Ganon din ang ginawa ni Zach na nasa tabi niya. Inayos din ni Alec ang mga baril, armas at mga bala na nakuha niya mula sa police station habang kami dito ay tahimik lang.

"Kiara, Rizel, paano nangyari ito? May mga impormasyon ba kayo?!" Nag-aalalang tanong ko. Lahat kami ay napatahimik at napatingin sa kanilang dalawa.

Huminga muna ng malalim si Kiara. "Look, if you're all thinking that this is a dream, then you're wrong. What you all see is real even if it's unbelievable. It's like—Legitimately unrealistic!" Naiiyak na tugon niya.

Nasapo ko ang noo ko sa dismaya at gulat. Nagsimula naman nang umiyak sila Marga, Xzan, Joudee, Nicole at Aliah. Maski ako ay hindi ako makapaniwala na totoo nga itong mga nangyayari.

"Hindi ko nga akalain na buhay pa pala kayo kahit dalawang araw na ang nakalipas nang nagsimulaang gulong 'to." Sabi ni Rizel na ikinagulat ko. Dalawang araw?

Zach sniffed. "Haha.. Mga siraulo pala 'tong mga 'to eh."

Dalawang araw na? Pero kanina pa lang ito nangyari! I swear, this all started a while ago. What do they mean by that?!

"Ha?" Pati si Kiara ay naguguluhan na din. "Oo, dalawang araw."

"Haha!" Tumawa ng sarkastiko si Zach. "Dalawang araw?! Eh tangina kanina nga lang aliw na aliw kami ni Alec sa claw machine sa Gamezone! Nakakuha pa nga ako ng isang stuffed toy na isda eh! Normal pa kanina!" Sambit ni Zach at ipinapakita pa ang stuffed toy na napanalunan.

Mas lalo akong naguluhan. "Kiara, what do you mean?!"

"Ano?! I should be the one to ask that! Anong normal pa kanina? Everything was so messed up since July 13th! Friday!"

Natahimik kaming lahat. "Is this some sort of a joke." Seryoso kong tugon.

Nainis si Kiara. "Kung kanina lang nag-umpisa ang lahat ng ito ay hindi pa ganito kagulo! Ugh! Para lang akong nakikipaglaro sa inyo!"

"Wait, Kiara. Relax." Pagpapatahan ni Rizel kay Kiara. Kumunot nalang ang noo ko at napa-irap.

"Look, guys. Paano niyo nasabi na okay pa ang lahat kanina?" Kalmadong tanong ni Rizel.

Sasagot sana ako kaso naunahan ako ni Marga.

"At paano niyo naman nasabi na noong isang araw pa nangyari ito?" Sarkastiko niyang tanong.

"Marga, stop!" Suway ko at umirap nalang siya. Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Rizel.

"Kanina ay normal pa ang lahat. I swear. At katatapos lang din naming manood ng movie—" Pinutol ni Rizel ang sasabihin ko.

"Ha? Movie? What movie?" Naguguluhan niyang tanong. Seriously, kailangan pa bang tanungin? Wag niyang sabihing interesado pa siya despite sa nangyayari ngayon.

"Blood Lust. The movie's title is Blood Lust." Kaswal na sagot ni Alec na kanina pa balisa.

"Blood Lust? Not familiar with it but whatever." Sabi ni Kiara pero pinabayaan ko nalang.

"Okay you know what? Tama na yan." Suway sa amin ni Alec. Liningon niya kaming lahat dito sa likod at tumingin ng seryoso sa amin.

"Remember this. Our goal is to survive whatever this thing is. I promise, gagawin ko ang lahat para mailigtas tayo mula sa kapahamakan but remember, first save yourself before you save others. Walang magpapakabayani pero walang magpapabaya sa pagkakaibigan natin. Lahat tayo, we should face this apocalypse together." Seryoso niyang sambit.

Napangisi si Alec at may linabas siyang isang set ng iba't-ibang klaseng bomba. Bigla akong napangisi.

"I never thought zombie apocalypse can be fun too!" Nakangisi kong sabi kaya nakatanggap agad ako ng batok mula kay Aliah.

"Fucktard."

END OF CHAPTER 2

Continue Reading

You'll Also Like

13.8K 448 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
2.2M 74.1K 22
"If you think you are safe... think again." Mysterious things happened after Cristina had an accident. She often saw a scary woman who was defiled a...
2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
655K 21.3K 28
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...