Team Alpha

De SinisterSnow

543K 17.6K 9.5K

[Complete] Team Alpha Trilogy Finale "Team Alpha! Ahu! Ahu!" It's the last draw. It's the last card. And it's... Mais

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Epilogue
Triple Treat
Special Scenarios
Author's Note

Chapter 66

5.9K 224 99
De SinisterSnow

'To Jealousy and Beyond'


"Why haven't you visited her since she came back?" Naguguluhang tanong ni Vernon kina Apollo hbang nakatingin lang ito sa kanila. Zeus already did them a favour to speak exclusively since he ordered all the other gods to leave the throne room. "Son, we are gods—"


"Don't hit me with that same reason every time I ask you that question. I know you have something else."
Napatikom nalang ang bibig ni Apollo dahil sa sinabi ni Vernon sa kanya. Vernon seldom cuts him off and when he does, Apollo knows that it's a desperate call. Well, it's about Xin. Everything would be a desperate call.

Tumingin nalang si Apollo kay Zeus at ganun rin ang ginawa ni Hades.


"Ask the idiot."
Pasimpleng sabi ni Hades at umupo sa upuan na katabi ni Zeus. Hades didn't even care if it was some god's throne and made himself comfortable on it. Napabuga nalang ng hangin si Zeus habang nakatingin siya kina Seth na naghihintay lang na magsalita siya. But before Zeus could say something, Hades interrupted him.


"He banned us from seeing Xin."
Agad na sabi ni Hades dahilan para maningkit ang mga mata nina Seth.


"Why would you do that?"
Hindi na napigilan ni Joshua na tumahimik dahil sa narinig niya. Zeus just hummed a certain tune and then tapped his fingers on the throne's arm rest. "Because the more we engage with her, the lesser her chances will be." Mas lalong kumunot ang mga noo nila dahil sa sinabi ni Zeus.


"Do you think the universe would like it if we kept interrupting with her affairs? Do you think Time liked it? Or worse, do you think The Creator would give Xin another chance?"
Saglit na naningkit ang mga mata nila dahil sa mga tanong ni Zeus hanggang sa malaman na nila ang ibig sabihin nito. Of course, Zeus would not interfere with the affairs of Xin. Of course, Zeus would know about Time. Of course, Zeus would know about The Creator and Zeus knows the reason why they're here.


"Do you know where The Creator is?"
Tanong ni Jun at nabigla pa si Hades dahil nagsalita siya. Knowing Jun, he rarely talks in front of others. Napabuga nalang ng hangin si Hades dahil nagawa lang namang magtanong ni Jun dahil tungkol na ito kay Xin. Of course, it will be all about Xin.


"Of course. We're gods."
Hades answered cockily. Zeus just rolled his eyes out of frustration at tiningnan na si Seth.


"We could tell you where The Creator is, but the question is that.. are you sure that he's going to help you?"
Tanong ni Zeus sa kanila. 'He, the creator is a guy.' Vernon noted habang nakatingin lang ng diretso kay Zeus. Nagkatinginan ng saglit 'yung team at tsaka seryosong humarap kay Zeus.


"We're not certain. But I think this is our last option."
Sambit ni Seth pero natawa lang si Hades kaya kunot-noo nila itong tiningnan. Luce just shut off his ear dahil sa lakas ng tawa ni Hades. Umayos ito saglit ng upo at tsaka tumingin sa team. "Last option? Are you trying to make me laugh?" Natatawa niyang tanong at hinawakan pa ang tiyan niya.


"Ah, Xin doesn't really deserve to be under your care, huh?"
Nagtiim-bagang kaagad sina Jun at Matthew dahil sa tanong ni Hades. Zeus just shot gazes at him pero hindi man lang siya natinag at tsaka nag-iba ng anyo para pantayan sina Seth. Pasimple siyang naglakad sa gitna nina Seth at Jun at sabay silang inakbayan.

Umalerto agad sina Jayden nung makita nilang saglit na nag-iba ng kulay ang mga mata ni Hades. Luce even got out of his seat para lapitan sila.


Hades' eyes rarely changed colour, and when he does, he's irritated as hell.


"Xin never thought that everything was her last option when she was trying to save all your dumb asses."
Saglit na nanindig ang mga balahibo nina Jayden dahil sa tono ng pananalita ni Hades. Seth and Jun just kept their grounds at nanatili lang sa kinatatayuan nila.


"She cried a river of tears for you, but she never gave up. And now you're telling me that this is your last option?"
Lumapit na si Zeus kay Hades at hinila siya palayo sabay tapik sa balikat nito. Ginulo nalang ni Hades ang buhok niya at tumingin sa iba na nakatingin lang din sa kanya. "But Time showed herself to us. She told us—" Hindi na natapos ni Joshua ang sasabihin niya dahil bigla nalang may pumasok sa throne room at kumunot ang noo nila nung pumasok si Walter na kasama si Hoshi na nakangiti lang.

They bowed to the gods at tsaka ngumiti sa kanila.


"Bakit ang tagal niyo? Gising na si Xin." Napaawang nalang ang bibig ng iba dahil sa kalmadong tono ni Hoshi at nakangiti pa. Naglakad lang si Walter palapit kay Matthew habang hila-hila si Hoshi. Pasimple lang humarap si Hoshi kay Zeus at naglakad narin palapit dito.


"Can we have the map now? Nagbibilang na kasi ng araw si Hammie. Kailangan na naming magmadali."
Nakangiting sabi ni Hoshi kaya hindi nila alam kung seseryosohin ba nila ito o hindi. The corner of Hades' lips twitched just by watching Hoshi. "This one is crazier than me." Sambit ni Hades sa sarili habang nakatingin lang ng diretso si Hoshi kay Zeus na napabuga lang ng hangin dahil dito.


"You are aware that not everyone can meet The Creator, right?"
Tanong ni Zeus sa kanya pero ngumiti lang si Hoshi at tumango pa. Hinila nalang siya ni Walter papunta sa tabi nito at tiningnan ito ng maayos dahil baka nasubrahan na naman ito sa caffeine. "Are you going to help us or not?" Tanong ni Seth sa kanila kaya nagpakawala na malalim na hininga si Hades.


"You know, Xin didn't ask help from us back then."
Tuluyan nang sinuntok ni Zeus si Hades dahilan para tumilapon ito sa pader pero pasimple lang itong tumayo at nagpagpag pa at tsaka pasimpleng bumalik sa upuan niya. "That's because The Creator is their last option. This is a matter of life and death." Sumbat ni Zeus sa kanya habang inaayos pa ni Hades ang balikat niya at hindi man lang nakinig sa mga pinagsasabi ni Zeus.


"Of course, we're going to help you. Telling you were The Creator is, is the only thing we could do. We can't pass the boundary this time."
Sabi ni Apollo at tumango lang sila bilang pagsang-ayon.


"The Creator doesn't show himself to just anyone. Except if you have these."
Pinakita ni Zeus sa kanila ang isang pouch at pasimple itong tinapon kay Jun. Jun caught it immediately at tiningnan kung anong meron sa loob. Coins. Golden coins. Kumunot lang ang noo ni Hoshi habang nakatingin siya dito. "Mukhang pera naman pala 'yung creator." Agad na siniko ni Walter si Hoshi na nakanguso lang.

Tiningnan lang ni Seth ng maigi ang coins at nakita niya ang seal ni Zeus dito. Tumango lang sila at niligpit na ni Seth ang pouch at tsaka humarap kay Zeus.


"Also, you can't use any portal, or anything that involves your abilities to get to him. You must travel there by foot. Here's the map."
Dire-diretsong sabi ni Zeus. Zeus then snapped his fingers and a scroll appeared on Seth's hand. Agad niya itong binuksan at kumunot ang noo niya nung wala naman siyang nakita dun sa map dahilan para tumingala siya kay Zeus na alam na ang iniisip siya.


"The map only shows itself at night."
Pasimple nitong sagot at tinago narin ni Seth ang mapa.


"That's as much as we could do. If we interfere more, she might not get another chance to live. The rest is on you now."
Sabi ni Zeus kaya tumingin na si Hades sa kanila. The team already know what Hades was telling them just by his gaze. "I have a question!" Napapikit agad si Jun dahil sa lakas ng sigaw ni Hoshi na nakatapat pa ang labi nito sa tenga niya. Itinaas pa ni Hoshi ang kamay niya at humarap kina Zeus.


"Can you see the future? Will we succeed in this?"
Tanong ni Hoshi sa kanila kaya napasapo nalang sina Seth sa mukha nito. Apollo just smiled at him at mahinang lumingo-lingo kaya napanguso nalang si Hoshi at nagkibit-balikat nalang.


"Never mind. Matutuloy pa naman siguro 'yung panaginip ko na kinasal sina Jun at Xin."
Napaubo kaagad si Hades na kumakain ng grapes dun sa trono. Umayos agad siya ng upo at tumingin kay Hoshi.


"Can you save my daughter first before you talk about a wedding?!"
Inis niyang tanong pero ngumiti lang si Hoshi at humarap kay Hades. He was not even fazed that the devil was mad at hell at nagawa niya pa itong asarin. "Did you know that Xin and Jun are already engaged? Hello, Father-in-law!" Napapikit nalang si Hades at hindi na pinakinggan si Hoshi. Hinila nalang ni Matthew si Hoshi palayo at tumingin sa kanila.


"Engaged?! You didn't even ask for our permission!"
Sigaw ni Hades kay Jun pero ngumiti lang si Jun at pinakita ang isang singsing sa kanila.


"Can I marry your daughter, sir?"
Tanong ni Jun sa kanila kaya muntik nang mag-alburuto si Hades. Tinapik nalang ni Zeus ang balikat nito at binigay na kay Hades ang isang bowl ng grapes.


"Let it be. At least we have one percent of possibility that they'll succeed. You may go now. You can start your travel tonight."
Tumango at yumuko lang 'yung team kay Zeus habang yumakap naman si Vernon kay Apollo bago ito lumapit sa team. Sinalpak nalang ni Hades sa bibig niya ang isang bowl ng grapes dahil sa inis.


"That's Athena's grapes by the way."
Apollo commented kaya agad na natigilan si Hades dahil dito.

"And that's Artemis' throne." Dagdag ni Zeus kaya agad na napatingin si Hades sa pana na muntik nang tumama sa ulo niya kaya tumingin siya kaagad kay Artemis na inaasinta na naman siya ng pana. "Get off my throne, you old goat!" Galit na sigaw ni Artemis sa kanya at ngumiti lang si Zeus kay Hades at kumaway pa. Athena also chased the hell out of Hades for eating her grapes at tumingin naman si Zeus kina Seth na naglalakad na palabas.


"Seth Morgan!"
Agad na napahinto si Seth at tsaka tumingin kay Zeus na nakatingin lang sa kanya.


"Take care of your sister."



✥✥

Kakabalik lang nina Seth sa Elenor at papasok na sana sila nang hinawakan ni Walter ang balikat ni Jun kaya lumingon agad ito sa kanya at nakita ni Jun na nakatingin pala silang lahat sa kanya lalo na si Seth na naglalakad na palapit sa kanya. Tumaas lang ang kilay ni Jun dahil dito.


"So, inaya mo si Xin na magpakasal pero wala man lang kaming alam?"
Tanong ni Seth at lumapit narin si Jayden sa kanila.


"Sa isang taon na naghintay tayo kay Xin, hindi mo man lang sinabi na 'Yo, guys. Engaged na kami ni Xin.'"
Napabuga nalang ng hangin si Jun dahil sa tanong ni Jayden at tsaka inayos ang singsing sa kamay niya. Tumingin lang si Jun sa kanila at tsaka ngumiti at sasagot na sana siya nung biglang sumumbat si Hoshi.


"Nagmamadali na kasi sila. Mamamatay na kasi si Xin nun."
Nakangiting sabi ni Hoshi kaya hinead-lock na siya ni Walter at hinila na papasok. Hinawakan lang ni Seth ang balikat ni Jun at tiningnan ito. "Pag-uusapan pa natin 'to ah." Aniya at tsaka na inakbayan si Jun at naglakad na sila papasok. The sun was already rising when they got back to Elenor. Dumiretso agad sila sa lab at nakita nila si Xin na nakaupo sa kama niya at hinahaplos ang buhok ni Xy na natutulog sa binti nito.


"Oh, kamusta ang lakad?"
Tanong ni Duke sa kanila at sinalubong 'yung iba.


"We got the map. Pipili ako ng isasama ko sa lakad namin."
Sagot ni Seth at pinaliwanag sa kanila na pito lang ang pwede niyang isama dahil anim lang ang golden coins na binigay ni Zeus. Pinaliwanag niya rin ito sa kanila at tumango-tango naman agad sila. "So, it's going to be me, Jay, Jun, Matt, Wolfie at tsaka si Dino. The rest, you can stay and guard Xin." Wala namang umangal sa sinabi ni Seth at tumango lang sila dito. Tiningnan lang ni Seth ang singsing na nasa kamay ni Xin at tsaka ito tumingin kay Jun.

Ngumiti lang si Jun sa kanya at napairap nalang si Seth. Kung hindi niya lang inaalala ang tungkol sa nangyayari kay Xin, he would've taken care of it.


"But you're going to travel there by foot. Okay lang ba 'yun sa inyo?"
Tanong ni Baxter sa kanila at walang pag-aalinlangan na tumango 'yung iba at tiningnan si Xin na nakatingin lang din sa kanila. "We should start packing. We leave by nightfall." Utos ni Seth at kumilos naman kaagad 'yung iba pero napahinto sila nung nagsalita si Xin.


"Uhh.. Seth?"
Tumingin agad si Seth kay Xin na nakatingin lang sa kanya at tsaka siya lumapit dito at tinanong kung ano ang sasabihin nito. Ngumiti lang si Xin sa kanya at nabigla ito nung hinila siya ni Xin palapit. "It's his parent's day today. Hindi ba kami pwedeng pumunta?" Tanong ni Xin habang hinahaplos ang buhok ni Xy na tulog-mantika sa gilid niya. Napalunok lang si Seth dahil sa tanong niya.


"It's.. uhh.. it's a little dangerous out there, Xin. Hindi ka pwedeng basta-basta lumabas. Some creatures are—"
Hindi na natapos ni Seth ang sasabihin niya dahil nagsalita na si Xin.


"Alam ko. I am already aware of that. I-I just want to go."
Kumunot agad ang noo ni Seth nung maramdaman niya ang mahigpit na hawak ni Xin sa kamay niya at tsaka niya tiningnan 'yung iba na nakikinig lang sa kanila. "Is there something you wanna tell me?" Tanong ni Seth at umupo na sa kama. Xin just bit her lower lip and breathed out.


"It's just that this whole thing is hopeless. What if The Creator doesn't give me another chance? What if you just went there for nothing? If I could spend one more day, I'd spend it out there. I just wanna see the Xy smile before I reach my breaking point."
Napaawang na ang bibig ni Seth dahil sa mga sinabi ni Xin at tsaka siya tumingin kay Duke na nag-iiwas ng tingin sa kanya. Tumayo na si Seth at humarap sa kanila.


"Akala ko ba nag-usap na tayo na 'wag sabihin sa kanya?"
Tanong ni Seth sa kanila pero walang sumagot.


"Mas mabuti naman siguro 'yung alam ko na mawawala na ako kesa matulog lang ako dito at walang gawin."
Nakayukong sabi ni Xin kaya napasuntok nalang si Seth sa pader. Xin flinched a little kaya lumapit na si Seth sa kanya at niyakap ito sabay haplos ng buhok niya. Napapikit nalang si Seth at kinalma ang sarili niya. "Fine. You can go." Agad na ngumiti si Xin dahil sa sinabi ni Seth pero naglakad lang si Wolfie palapit sa kanila.


"Seth, it's dangerous if they go alone."
Sabi ni Wolfie at tumaas lang ang kilay ni Seth.


"Sinong nagsabing sila lang ang pupunta?"
Tanong ni Seth kaya agad na kumunot ang noo ni Xin pati na 'yung team na nakatingin lang sa kanya. "We're going too." Nakangiting sabi ni Seth kahit dumudugo na ang kamay dahil sa pagsuntok niya sa pader kanina.


"Dude, it's a 'parent's day'."
Paglilinaw ni Walter sa kanya pero nagkibit-balikat lang si Seth at pasimpleng tinalian ng bandage ang sugat niya.


"We're all Xy's parents. Come on, team. Let's win this parent's day."



✥✥

"Whose idea was it to bring Tito Seth today?" Tanong ni Xy habang nakatingin kay Seth na nagwawarm-up dun sa pinto kahit wala pang inaanounce na laro. "Alam niyo naman pong napaka-competitive niya." Xy said out of concern and worry. He's worried that Seth might take over everything like he usually does. Ngumiti nalang si Xin kay Xy at inayos ang cap nito. Keya did a good job of lending her a hat to hide her crack since Matthew and Dino's spells don't work on it.

Tumingin lang din si Xin sa mga tao na nakatingin lang sa kanila simula nung dumating sila.


"Hi! Are you Xy Allison Wen's.. uhh.. parents?"
Tumingin lang ang team sa homeroom teacher ni Xy na nakatingin sa kanila at naguguluhan pa. Agad na hinila ni Xy sina Xin at Jun tsaka naglakad palapit dun sa homeroom teacher nila. Ngumiti kaagad ito sa kanila. "Ahh, Mr. and Mrs. Wen. Nice to finally meet you." Bati nung teacher sa kanila kaya natigilan agad si Seth at 'yung iba tsaka sila tumingin sa kina Jun. Agad na lumapit si Seth sa kanila pero hinila na siya ni Jayden.

"If you go there and tell the teacher that Xin and Jun aren't married, I'm going to kill you. Sisirain mo ang image ni Xy." Pagbabanta ni Jayden sa kanya kaya tumingin lang si Xy kay Seth at binelatan ito. Hindi nalang ito pinansin ni Seth at bumalik nalang dun sa pakikinig sa event.


"Hey, Xy. It's your girlfriend."
Panunukso ni Walter kay Xy nung nakita niyang naglalakad si Dolly palapit sa kanila. Bumitaw na si Xy kina Jun at Xin at tsaka inayos ang buhok niya at tsaka siya tumingin kay Walter. Walter just raised his eyebrows because Xy was looking at him cockily.


"Didn't you know? She's my wife."
Napaubo kaagad si Milo na umiinom ng juice dahil sa sinabi ni Xy.


"Hoy! Ang harot mong bata ka!"
Sumbat ni Baxter sa kanya pero ngumiti lang si Xy at sasalubungin sana ng yakap si Dolly pero iniwasan lang siya nito at tsaka ito dumiretso sa team para bumati. Xy's lips just twitched at tsaka nilapitan si Dolly. Aakbayan niya sana ito pero hinampas lang ni Dolly ang balikat nito. "Tita oh. Ang landi po ni Xy." Pagsusumbong ni Dolly kaya napakamot nalang si Xin sa batok niya.


Nung nagsimula na ang event at tumingin na sila sa harap. Team Alpha got the privilege of occupying some chairs. And as events, may mga introduction speech pang nangyayari habang hindi na makapaghintay si Seth na maglaro sa games kahit sina Jun at Xin naman dapat ang maglalaro. Habang may nags-speech sa harap ay tumatambay naman sina Hoshi, Duke at Baxter dun sa snack area.

May bata pa sanang kukuha ng pudding pero inagaw lang ito ni Hoshi sa kanya kaya tiningnan lang siya nung bata.


"Aren't you too old to be eating pudding?"
Naguguluhang tanong nung bata sa kanya.


"Aren't you too young to be eating pudding?"
Sumbat ni Hoshi sa kanya kaya hinila na siya ni Joshua palayo doon at pinaupo na sa tabi ni Xin. The program progressed at nung tumawag na 'yung teacher sa mga maglalaro, mas mabilis pa sa alas kwatro na tumayo si Seth at pumunta dun sa harap. The teachers didn't question him anymore at hinayaan nalang siyang maglaro.

At habang naglalaro si Seth at Xy ay panay cheer naman ang Team Alpha sa kanila. Xin was laughing with them too nung natumba sina Seth at pinapapalo na siya ni Xy dahil sa inis pero nawala ang ngiti ni Xin nung makita niya may babaeng naglalakad palapit kay Jun na nagbabasa lang ng libro dun sa likod.


"Uhh.. hi."
Nakangiting bati nung babae at saglit naman siyang tiningnan ni Jun. Napayuko kaagad 'yung babae at ngumiti muli.


"Uhm, you're really cute. Can I.. Can I have your number?"
Tanong nung babae at naglabas pa ng cellphone niya at tsaka mas lalong lumapit kay Jun. Hindi sumagot si Jun sa kanya pero hindi parin umaalis 'yung babae sa gilid niya. "O-Or maybe we can have coffee?" Tanong muli nung babae. Napansin na ng team kung anong nangyayari dun sa likod at lalapit na sana si Baxter sa kanila pero pinigilan siya ni Walter at nakangiti nitong tinuro si Xin.


"We've never seen her being jealous before. I think now's the chance."
Nakangising sabi ni Walter habang nakatingin lang kay Xin.

Habang kinukulit nung babae si Jun ay bigla nalang tumilapon ang cellphone nito sa kung saan-saan. Sinubukan niya itong pulutin pero mas lalong lumayo 'yung cellphone hanggang sa mabunggo siya dun sa isang props kaya napdaing siya sa sakit. Umirap lang si Xin at inalis na ang tingin sa babae at saktong natapos na ang laro nila Xy.


"Hindi ko tuloy nakita."
Inis na sabi ni Xin at umupo na. The whole event, Xin was in a sour mood and she couldn't explain why. It might be because of that girl or the fact that she was not the only girl who asked Jun's number today. Hanggang sa matapos ang event at nakangiti na si Seth habang hawak-hawak ang trophy nila ni Xy pero tahimik lang si Xin.


"I should be enjoying this day. Huh."
Hindi makapaniwalang sabi ni Xin at tsaka na tumayo nung nalaman niyang pwede nang umuwi.


"Xinny, you okay?"
Tanong ni Jun sa kanya pero hindi siya sumagot at pumasok lang sa kotse habang naguguluhan pang nakatingin si Jun sa kanya. Nakangiti namang lumapit sina Walter kay Jun at inakbayan ito.


"W-Was she jealous of the girls that approached me?"
Naguguluhang tanong ni Jun dahil nasanay na kasi siya na hindi pinapansin ni Xin noon kahit ilang babae pa ang lumapit sa kanya. Tumango lang si Walter at hindi makapaniwalang tumingin si Jun sa kotse na pinasukan ni Xin.

Umakbay narin si Matthew kay Jun at namulsa.


"Savour it, man. It's a once in a lifetime event."
Natatawa nitong sambit at umalis na. Lumapit naman si Xy kay Jun at tumingala dito matapos tingnan si Xin na nakasimangot sa loob ng kotse.


"She's scary."
Sambit ni Xy at natawa nalang si Jun at tsaka na pumasok sa kotse. Umangat nalang ang gilid ng labi niya habang nakatingin siya kay Xin na nakatingin lang sa labas. Agad naman silang nakarating sa Elenor at lumabas agad si Xin sa kotse tsaka naglakad papunta sa garden. Kinalma niya ang sarili niya at huminga ng malalim.

It was almost night time and the fireflies were making their way out and lighting the place.


"Mamamatay na nga ako, panghaharot pa 'yung iniisip ko. Tch."
Wala sa sariling sabi ni Xin at tinanggal ang cap na suot niya at sinipa ang isang bato tsaka siya umupo sa bench na nandun pero nabigla nalang siya nung may yumakap sa kanya mula sa likod ng bench.


"Go on, be jealous."
Napasinghap kaagad si Xin at lumayo kay Jun na nakatingin lang sa kanya. Mahina lang natawa si Jun sa kanya nung makita niya ang pamumula ng pisngi ni Xin. Hindi nalang umimik si Xin at tumingin nalang sa sakura tree na nasa harap nila habang nakaupo na si Jun sa tabi niya.

Her energy was drained even though she did nothing, except to that girl earlier. Tumingin lang si Xin sa paligid na dumidilim na at tsaka huminga ng malalim.


"Malapit na pala kayong umalis."
Aniya kaya tumingin na si Jun sa kanya at tumango.


"Are you sure you want to do this? You can just back out. Maybe my time is really over?"
Hindi rin sigurado si Xin sa mga sinasabi niya kaya tumingin na si Jun sa kanya at tsaka tinuro ang singsing na binigay niya kay Xin. "We made a promise to protect you, and we will." Paninimula ni Jun at tsaka na tiningnan si Xin sa mga mata.


"Also, you're not going to die. Not again. Not while I'm alive."
Nakatingin lang si Jun sa kanya hanggang sa dahan-dahan siya nitong hinila at hinalikan ang noo nito. Napapikit nalang si Xin at tsaka tumingin kay Jun nung lumayo ito sa kanya.


"Hoy! Tama na raw 'yung landian. Aalis na kayo!"
Sigaw ni Baxter dun sa bintana at natawa nalang si Xin dahil dito. Wala namang nagawa si Jun at tsaka na sila umakyat. Pagdating ni Jun ay binigay lang ni Matthew sa kanya ang isang backpack at tumingin na sila kay Seth na handa na rin.


"Nandito na ba lahat?"
Tanong ni Seth at tumango naman si Jayden bilang sagot. Bigla nalang nilagay ni Seth ang palad niya sa gitna kaya tumingin naman 'yung team sa kanya. "Come on. Matagal na nating hindi nagagawa 'to." Aniya kaya pumalapakpak kaagad si Hoshi at dali-daling nilagay ang kamay niya sa gitna. The team gladly joined them habang hinawakan naman ni Jun ang kamay ni Xin at nilagay narin ito sa gitna.

Seth looked at the team with a fond and a fatherly smile.


"Team Alpha!"
Seth yelled.


"Ahu! Ahu!"




❅ Snow ❅

Continue lendo

Você também vai gostar

Paper Memories De Muraw

Ficção Geral

3.3K 822 126
A Filipino- English Novel Note: Chapters are split into three parts Genre: General Fiction. Psychological. Fantasy. Content Warning: Bullying. Harass...
11.3M 506K 74
â—¤ SEMIDEUS SAGA #02 â—¢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
3.5K 725 53
"I am a Dreamcaster." "But you don't have any dreams?" "Does it matter?" He challenged. She glared back. "It does." After his mentor's retirement, tu...
914K 38.4K 54
[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang pag...