Fearing The Unknown

By iWonderLiah

728 203 58

Complex. Chaotic. Convoluted. Three words to describe what a group of childhood friends went through. "Hindi... More

FEARING THE UNKNOWN
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 1

74 13 5
By iWonderLiah


FAMILIARITY
July 14, Saturday

IZELE


"FRANCINE!!" Gulantang sigaw ni Marga at napatakbo sa kaibigan niya.

Si Francine- Nakapatong sa kanya ang isang duguan na tao at may mangitim-ngitim na balat at tila bang uhaw na uhaw ito. Hindi ako makagalaw sa gulat at dahil sa Takot ay wala akong nagawa kundi tumili.

Ilang saglit pa lamang ay umalingawngaw ang isa-dalawa- at tatlong putok ng baril na tumama diretso sa ulo ng sumugod kay Francine.


Napalingon ako kung sinong gumawa nito at nakita ko si Alec, may hawak siyang baril!

Bakit- Paano- Anong nangyayari?!

"Everyone! Move in!" Sigaw ni Alec sa amin kaya salang nagawa sila Xzannie at ang iba kundi pumasok sa loob na takot na takot. Hinila na din nila ang nagwawalang si Marga papasok.

Tumakbo ako papunta kay Alec. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ang sumugod kay Francine. Duguan, inaagnas na ang balat at gutay-gutay na ito. Mistulang hindi na nagmukhang tao!

Si Francine naman ay walang malay. Napansin ko din ang sugat sa collarbones niya. At mas lalo akong naguluhan nang mapansin na parang kagat ito. Kagat ng isang tao..

"Alec.. Why do you have a gun?" Wala sa sarili kong tanong. Hindi ako sinagot ni Alec.

"Alec why do you have a gun?!"

"SHUT UP!!" Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw kaya napatahimik nalang ako. Tumingin ako sa baril na nasa lupa at napatitig rito.

Hinawakan ni Alec ang pulso ni Francine. Ilang segundo pa lang ang nakalipas na katahimikan ay bigla akong nagulat nang biglang namulat ang mga mata ni Francine; nakakatakot at tila bang iba.

Hindi ko mawari— Hindi ko maintindihan kung paano nangyari! Hindi ko mawari kung ano ang mga nasa mata ni Francine! Parang galit ito ngunit parang natatakot. Para siyang takot na takot!

"Shit!" Napadaing si Alec sa sakit dahil sa higpit ng hawak ni Francine sa kamay nito. Hindi Pa rin inaalis ni Francine ang tingin niya kay Alec at habang tumatagal ay nasasaktan na niya si Alec.

Oh my God! Anong nangyari?! Bakit biglang naging ganon ang itsura ni Francine?! Nakakatakot at nakakakilabot!

Dahil sa nginig at takot ko ay kinuha ko ang baril sa lupa at hindi na ako nag-atubli pang ibinaril ito diretso sa ulo ni Francine.

shit.

"Oh my god..." Bigla kong nabitawan ang baril at bumagsak ako sa lupa nang wala sa sarili.

"You bitch!" Pumantig ang tainga ko nang narinig ko si Marga na mukhang susugurin nga ako. Biglang humabol ang sigaw nila Aliah sa loob ng sasakyan.

Napigilan nila Alec at Ian si Marga sa pagsugod sa akin. Oh my god, what have I done?

"GUYS!!" Tumili si Xzannie at nang mapalingon kami sa malayo ay may nakita kaming grupo na mabangis maglakad, at parang nakangisi ang mga ito. I can even hear their creepy and shitty groans!

Hindi ako makagalaw sa takot at sa gulat. Malapit na sila sa amin. Nagulat nalang ako nang bigla akong hinila ni Alec pataas at namalayan ko nalang na tumatakbo na kami papunta sa sasakyan.

"WATCH OUT!!" Tili ni Xzannie nang muntikan na kaming naabutan ng mga hindi ko maipaliwanag na nilalang. Buti nalang at naisara na ang pintuan ng sasakyan.

"What the hell was that?!" Gulantang na sigaw ni Aliah. "Bakit- Bakit ganon?!"

"We don't know either!" Sigaw ni Ian pabalik.

Pinaharurot na ni Alex ang sasakyan niya. Mukhang balisa siya samantalang kami at takot na takot. Ang iba ay naiiyak na din tulad ni Miranda, Xzannie, Joudee at Aliah.

"Si Francine!! Guys paano si Francine?!" Iyak ni Marga na nasa pinakalikod. Nang magtama ang tingin naming dalawa ay sinamaan niya ako ng tingin. napalunok nalang ako at umiwas.

"We all saw it. Izele, you killed Francine!!" Sigaw sa akin ni Marga. Susugudin niya ulit sana ako pero napigilan siya ni Miranda.

"Guys nasa bingit na tayo ng kamatayan! Pwede ba, wag muna kayong mag-away?!" Suway sa amin ni Joudee. "Ngayon pa ba kayo magpapatayan?!"

"I killed her because she was trying to kill Alec!!" Ganti ko at hindi pinansin ang suway ni Joudee. Napakatindi na ng galit niya sa akin. Can't blame her, tho.


"Whatever you say! Mga rason mong pang bata! Ano 'to, zombie apocalypse?!" Sarcastic na tanong niya.

"Hindi mo pa ba nakita kung anong nangyari doon?!" Linakasan ko ang sigaw ko. "Those dead-like people are chasing after us!! I don't believe in supernatural things pero posible bang mabuhay ang isang taong gutay-gutay?! Marga mag-isip ka!!"

Hindi siya naka-imik. Si Alec naman ay tahimik lang at patuloy sa pagdr-drive.

Lilingon sana ako sa bintana pero tinakpan ni Ian ang mata ko. "What the-"

"Don't look." Mahinang sabi niya. Mistula bang naiiyak at nanginginig ang boses nito kaya mas tinamaan ako ng matinding takot.

"What? Why?" Tinanggal ko ang kamay niya sa mukha ko at nagulat ako nang napansin kong umiiyak na rin siya.

"Ian bakit-"

Parang biglang tumigil ang ikot ng mundo ko nang makita ko kung anong nangyayari sa labas. Dahil sa mga streetlights ay nakita ko kung anong kaguluhan ang nangyari. Napakadaming bahid ng dugo ang nakikita ko sa bawat sulok. Parang biglang bumaliktad ang sikmura ko nang may makita akong isang ulo na walang katawan. May mga nasusunog na ring mga plastics at mga ibang parte ng bahay na gawa sa kahoy. Ang mga ilaw at neon lights ang gumagabay para makita ko kung anong sinapit ng lugar na ito.

Parang hindi ko na mai-describe kung anong sinapit ng Santa Luna..

"This all happened in two hours?" Mahinang tanong ni Aliah na humihikbi na. Pinainom siya ng kapatid niyang si Ian ng tubig.

Naramdaman ko nalang ang isang patak ng luha na rumagasa sa pisngi ko. Tumingin ako sa salamin sa harap ng sasakyan at nahuli kong nakatingin sa akin si Alec; tila bang natatakot ito at nalilito.

"Alec?" Mahinang sambit ko.

Bumuntong hininga siya at tinutok niya nalang ang sarili niya sa pagdr-drive.

"I.." Umpisa ni Alec. Napatahimik kaming lahat. "I don't want to be a dreamy person but I think that the movie we have watched is somehow related to us.."

Napalunok ako sa kaba.

"The movie ended when Krisa and her friends watched a movie at pagkalabas nila ng mall, doon sila nasugod ng mga zombies.. Ang pinagkaiba lang ay si Francine lang ang nakagat.." Patuloy niya pa. "Plus, Krisa's characteristics is same with Izele. I just find it weird."

"Tell me this is just a dream.. Tell me this is just a dream.." Paulit-ulit na iyak ni Xzannie.

"Your point is useless, Alec." Prangka na sambit ni Marga. "Tss, daming alam. Let's just get out of this place."

Galit na napalingon si Alec kay Marga. "You know what?! If you don't have something nice to say then better shut up! Sumosobra ka na!"

"I was just telling the truth!!" Bulyaw ni Marga pabalik. Dahil sa irita ay napapikit na lamang ako.

Dahil sa inis ni Alec ay binilisan niya ang pagtakbo sa sasakyan.

Ilang saglit pa lamang ay naramdaman ko ang napakalakas na pwersa na para bang nabunggo ang sasakyan. Nadatnan ko na lamang na nagsisisigaw na kaming lahat at nagwawala dito sa loob dahil may higit tatlong gutay-gutay na tao ang kumapit sa sasakyan.

"Alec you fucktard!!" Sigaw ko kay Alec.

Nagkanda-ugaga na kami dito sa loob at hindi na namin napigilan pang sumigaw lalo na nang may marinig kaming tunog na para bang nagka-crack na salamin.

Hindi ko na sinayang ang oras ko at tinignan kong mabuti kung sino ba ang mga baliw at mga taong mukhang hindi na tao. Kinilabutan ako nang makita ko kung ano ang sinapit nila.

Ngayon malinaw na sa akin ang lahat.

They're all zombies. They're like unknown corpses; either dead or alive. They're already coated with black and red blood. Their eyes are popping, their nose are bleeding and their mouth.. It's like they've eaten human fleshes..

"Call the police!! Call the police!!" Sigaw ng nagwawalang si Zach sa likod.

"Isa ka pa!! Malamang they are all zombies na din!! Tanga! Bobo!" Bulyaw ni Nicole.

"It's eye is freaking gone!" Garagal na sigaw ni Xzannie na pinakamalakas ang palahaw.

"Saan na tayo pupunta?!"

Naghalo-halo na ang sigaw nilang lahat at wala na akong maintindihan kung ano ang mga pinagsasasabi nila. Nararamdaman ko na rin ang pag-uga ng sasakyan dahil sa kapit ng mga zombies at isama mo na ang gulo namin dito.

"Izele!! Izele!!" Naguguluhang tawag sa akin ni Alec.

"W-What's the problem?!" Nagpapanic na tanong ko at nagfocus nalang sa kanya kahit patuloy pa din na nagwawala ang iba.

"G-Get the gun. Shoot them all. NOW!!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What?! Ako?!

"Alec-"

"I SAID NOW!!" Dahil sa takot ko kay Alec ay dali-dali kong kinuha ang baril na ginamit ko kanina. Hinablot ko agad ito mula sa kamay niya.

Nanginginig ang kamay ko nang hinawakan ko ito. Napatingin ako sa mga 'di ko maipaliwanag na nilalang na naka-kapit sa sasakyan at para bang sinusubsob nila ang mukha nila sa bintana kaya nabalot na ang bintana ng dugo.

Nanginginig kong pinindot ang button para maibaba ang bintana at nang mabuksan ko ito ng unti ay napatili ako nang pumasok at naaagnas nilang mga daliri.

Hindi na ako nagdalawang isip pa kaya ipinutok ko ang baril diretso sa ulo ng isa sa mga baliw na nilalang. And as expected, bumulwak ang napakaraming dugonat tumalsik ito sa mukha at kamay ko.

Narealize ko nalang din na hindi lang ako ang bumabaril. May dala pang isang baril si Alec at bumabaril din siya. Parang unti-unting naging magaan ang sasakyan. Ang kaninang pagsisisigaw namin ay nauwi sa iyakan dahil sa takot.

Wala nang nakakapit sa sasakyan. Ngayon ko lang napansin na nakalayo na kami at nasa isang masukal at madilim na kaming eskinita na walang katao-tao pero may bahid ng karahasan.

Narinig ko ang hikbi ni Aliah. "This isn't a dream, guys.. Kanina ko pa sinasapak ang mukha ko and I am sure that this isn't a dream anymore." Mas lalo pang lumakas ang iyak niya.

"What is happening.. Bakit nagkaganito ang lahat?" Mahinang sambit ko sa sarili.

"There must be an explanation to this.. Hindi nalang basta-bastang mangyayari lahat ng 'to.." Mahinang sabi ni Alec.

"It's weird.. So once you get bitten, you become one of them.. Just like Francine.." Mahinang sambit ni Alec at dahil sa sinabi niya ay mas lalong napa-iyak si Marga sa likod.

"Guys..." Napatigil si Aliah sa pag-iyak. Napatingin ako sa kanya.

"Guys ang mga pamilya natin!!" At doon ay mas lalo pang naiyak si Aliah.

Bigla akong binalot ng lamig nang maalala ko ang pamilya ko. Ang mga kapatid ko! Iniwan ko sila sa bahay! Wala sila mommy at daddy!

"Fuck.." Napamura kaming lahat.



END OF CHAPTER 1

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 87.9K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
330 61 23
A fanfic of Anda Anunta and Lookkaew Kamollak
655K 21.3K 28
This is a work of fiction. Names, characters, business, songs, places, events, and incidents are either product of author's imagination or used in a...
332K 21.7K 63
An Epistolary Horror ✉ | When her best friend starts seeing an old lady outside her window every two in the morning, Marla takes it upon herself to s...