Muling sumulyap sa huling pagkakataon sa salamin si Charlie. Suot nya ang gray hoodie na pinartneran ng skinny jeans and high cut sneakers. Syempre di mawawala ang famous red cap nya na may print na NO FEAR. Halos ipaligo na nya sa katawan ang pabangong inorder kay Aling Chona, yung dealer ng Boardwalk na kapitbahay nila.
Ilang linggo din nya itong pinaghandaan. Matagal silang naging magkaibigan ni Lorraine. Kaya ngayon ito na siguro ang tamang panahon para dalhin ang friendship nila sa ibang level. Ano kaya ang magiging reaksyon nito?
Excited nyang kinuha ang 3 tangkay ng pulang rosas na pansamantala nyang ibinabad sa pitsel na may tubig. Binili pa nya ito sa palengke 50 isa. Isasama talaga dapat nya ang kaibigang si Eman kaya lang busy daw ito. Busy sa pambababae.
Lokong yon, kung kaylan kailangan tsaka naman wala ang naisaisip nya.
"Alis na ko ma!" narinig nyang pababa ng hagdan ang inang si Aling Mercedes kaya dali dali syang umalis bago pa ito makapagreact at ratratin nanaman sya ng sermon.
"Lorraine, there's something I need to tell you, I still love you"
"Ang corny. Pano kaya kung 'Lorraine, will you be my girl?' "
"Ahh!! Masyadong agresibo. Baka ireject nanaman nya ko gaya ng dati" naguguluhang wika ni Ethan habang kausap ang sarili sa salamin matapos makailang beses na magpapalit-palit ng damit.
Matagal na nyang pinagpapraktisan kung ano ang sasabihin kay Lorraine. Isa itong espesyal na araw para sa kanya dahil ngayon nya napagdesisyunang ligawan ang dalaga. Masyado syang nagpadalos dalos noon ng alukin nya ito ng kasal. Pero ngayon sisiguraduhin nya na magiging perfect ang lahat.
"Hi Ms. Popular"
"Ethan!"
"Did I wake you up?"
"Nope. I just finished reading some scripts"
"Just checkin if the workaholic freak is still awake"
"Excuse me Im not a freak!"
"It's past two in the morning and you should really be sleeping by now"
"Look who's talking" natatawang sabi ni Lorraine.
"I missed you" sincere na sabi nya.
"Same here"
Sandaling katahimikan.
"Ethan"
"Huh?"
"Are you still mad at me?"
"I will never be mad at you"
"I don't know. I feel guilty"
"Nagkakamali ka kung iniisip mong ikaw ang dahilan kung bat ako umalis, sarili kong desisyon yon. I just want to unwind, that's it."
Katahimikan ulit.
"I'll be staying in our townhouse next weekend. Punta ka."
"Sure!" napabulong sya ng YES!
"Good. Marami kang dapat ikwento sakin"
"Sounds like I'd be on a HOTSEAT"
"Yes, so you better be prepared"
"It's now or never Ethan" lakas loob na sabi nya bago ayusin ang kwelyo ng damit at umalis.
Sakay ng isang lumang scooter bumaba si Charlie sa tapat ng bahay ni Lorraine.
Sa isang condo unit sa Makati talaga nakatira si Lorraine pero kapag weekends madalas ito maglagi sa ancestral house nila sa Quezon City. Isang beses palang syang nakapunta dito. At dahil sa celebrity si Lorraine natural 3-storey ang bahay nito na may pagka-minimalistic ang tema.
Magdodoorbell na sana sya ng biglang isang black Audi A3 Sedan ang tumigil sa tapat nya. Mayamaya'y bumaba ang isang lalaking naka semi formal suit.
Tinitigang mabuti ni Charlie ang lalaki. Nakasunglass man ang binata ay bakas parin ang kagwapuhan sa mukha at kisig sa suot nito.
Shit! Ang gwapo! ani Charlie na ang tinutukoy ay ang kotse. Matagal na nyang pangarap makabili ng ganong klaseng sasakyan. Walang binatbat ang karagkarag na second hand scooter nya sa kotse nito.
Biglang lumipat ang tingin nya sa napakalaking bouquet ng ibat-ibang kulay ng rosas na hawak nito. Napatingin sya sa dala nyang tatlong tangkay na rosas.
"Dapat pala limang tangkay nalang ang binili ko" napakamot sa ulo ang dalaga.
Tila nagulat din ang lalaki ng makita sya. Pagkalapit ay inalis nito ang salamin.
"Who are you?"
Napataas kilay ang dalaga sa tono ng pananalita nito.
"Fan ka ba ni Lorraine? O baka naman paparazzi ka. Hanggang dito ba naman sinusundan nyo sya. Give her a break!"
Nagpalinga-linga si Charlie sa kanyang likuran para siguraduhin kung sya ba talaga ang kinakausap ng binata.
"I'm talking to you dude" seryosong sabi ni Ethan.
Ang angas neto ah.
"I guess base sa reaksyon mong yan hindi ka taga media or isang fan. Eh ba't nakatayo ka ng parang tuod dyan?!"
Biglang nag init ang tenga ni Charlie pero mas pinili nyang magpakahinahon.
Hindi pwedeng sirain ng damuhong 'to ang napakahalagang araw sa buhay nya.
She smirked.
"Nandito ako para manligaw kay Lorraine. Sino ka ba?" maangas na sabi nya
"Don't answer me with another- What?!!!" napakunot noo si Ethan ng marealize ang unang sinabi ng kausap.
"Seriously. Baka naliligaw ka lang totoy. Mabuti pa umuwi ka na sa inyo baka hinahanap ka na ng nanay mo" anito habang may halong panlalait nitong iniscan ang kabuuan ni Charlie.
"Una sa lahat hindi ako totoy. Isa pa hindi kaya ikaw ang naliligaw? Walang JS Prom dito" sarkastikong bwelta nya. Palagay nya kasi masyadong pormal ang suot nito.
"Are you shittin me?!"
Parang walang narinig na ipinagpatuloy lang ni Charlie ang pagdodoorbell.
"Hindi ka pwedeng pumasok" pigil ni Ethan. Kinukutuban sya sa taong ito.
"Bakit bahay mo ba 'to?!"
"Malay ko kung stalker ka o kaya may balak kang masama kay Lorraine"
"Ako stalker?" naiinis na sabi ng dalaga.
"Siguro member ka ng akyat-bahay gang no? Tatawag ako ng pulis" aniya sabay hawak sa braso nito para siguraduhing hindi ito makakatakbo.
"Ano bang pinagsasasabi mo. Bitawan mo nga ko!" nagpumiglas ang dalaga.
Kadalasan pag ganitong mga pagkakataon madali nyang napapataob ang kalaban pero sadyang malakas ang binata.
"Aba balak mo pang tumakas ah. Hindi pwede" hinigpitan lalo ni Ethan ang hawak sa kanya
"Bitawan mo sabi ko. Sira ulo!"
"Ano ba para kang babae kung makatili ah"
"Ethan? Charlie?" gulat na wika ni Lorraine pagkabukas ng gate.
"What's going on? Bat ganyan ang mga itsura nyo" kunot-noong tanong nito
Nagkatinginan ang dalawa. Doon lang nila napansin na halos magkayakap na pala sila.
Biglang itinulak ni Charlie si Ethan. Inayos naman ng ikalawa ang nagusot nyang damit.
"Magkakilala na pala kayo?" natatawang sabi ng dalaga.
"Of course not!"
"Hindi noh!"
Ang magkasabay na tanggi ng dalawa.
"Sya yung sinasabi ko sayong kababata ko from States, si Ethan" paliwanag ni Lorraine kay Charlie.
Kasalukuyan silang nasa living room ng dalaga.
"Pano mo ba nakilala 'tong totoy na 'to"
Bago pa makapagreact si Charlie ay isang lalaki ang nagsalita.
"Who's there honey?"
Awtomatikong napalingon si Lorraine. Sabay namang nanlaki ang mga mata nina Ethan at Charlie sa nakita.
"It's Ethan and Charlie honey" malambing na sagot ni Lorraine sabay yakap sa nagsalita.
"Gab?!" sabay nanamang napasigaw ang dalawa.
Ngumiti si Gab.
"Kumusta. You're just in time, we're actually celebrating" anito
"Why? what's amidst?" pormal na tanong ni Ethan. Hindi na nya gusto ang mga nangyayari.
"Well, guess what-"
"We're married!" excited at sobrang sayang sabi ni Lorraine bago ipakita ang suot na sngsing.
Tulad ng inaasahan sabay nanamang napanganga sina Ethan at Charlie.
"I'll get us some wine" paalam ni Gab bago siilin ng mapusok na halik ang kabiyak.
Napaubo si Charlie. Nag-iwas ng tingin si Ethan.
"P-pano nangyari yon. Nung isang linggo lang humihingi ka pa ng payo sakin kung anong magandang gawin. Ang bilis naman ata." ani Charlie pagkaalis ni Gab.
"I know. Ganito kasi yon." muling sinariwa ni Lorraine ang mga nakakakilig na pangyayari.
Tila hindi na ata matatagalan ng dalawa ang mga nangyayari. Kasabay ng pagkalanta ng kanilang mga dalang bulaklak ay sya ring pagguho ng kanilang pag-asa sa babaeng pareho nilang itinatangi. Ang inakala nilang abot kamay na, ngayo'y mananatiling isang pangarap na lamang. Sila na nga ang malaking depinisyon ng EPIC FAIL.
(author: wahahaha!!!
Ethan and Charlie:*masamang tingin*
author: oopsss..sorry)
A/N
Guys favor naman oh. Magcomment naman kayo or vote. I'd highly appreciate kung lalaitin nyo ang story ko. Para laitin ko rin ang sa inyo. Wahaha. Seriously, please do comment on what you think about my story.