Latecomer

De Mylazylady

21.1K 281 13

Patricia, ang babaeng mahirap unawain, intindihin, at kausapin. Piling tao lamang ang kaniyang binibigyang ha... Mai multe

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue
Author

Chapter 14

714 12 0
De Mylazylady

Patricia

Everything will be fine.

Iyan ang naalala kong sanabi niya bago ako nawalan ng malay.

But when does it happen? Hanggan kailan ako maghihintay na magiging maayos ang lahat? Mapakla akong ngumiti. Siguro mangyayari lang iyan kapag umulan na ng snow dito sa Pilipinas.

Mariin akong napapikit nang maalala ang sinabi sa akin ni Erick.

Pinatay nila ang mga magulang namin.

Pinatay nila ang mga magulang namin!

Kung kailan gusto ko ng makalimut sa trahedyang iyon, saka ko pa 'to nalaman. Kaunti nalang, e. Matatanggap ko na sana, e. Bakit?

Hindi pa tuluyang naghilom ang sugat sa puso ko, may panibago nanamang sugat akong natamo.

Gusto kong maghiganti. Gusto kong ipaghiganti ang mga magulang namin. Gusto kong maranasan din nila ang nararanasan namin ni Patrick ngayon. Kung gaano kasakit, kung gaano kahirap.

Gustong-gusto kong manakit. Gusto kong matikman nila ang pait na bumubuhay sa amin ni Patrick.

Parang hindi matahimik ang isip ko kung hindi ko maiparanas sa kanila ang pighati naming dalawa ni Patrick, pero umiiyak na ang puso ko. Pagod na pagod na ito. Sa sobrang pagod, kahit anong sakit ang ang ibinabato sa kaniya, wala na itong nararamdaman.

Sana ako nalang ang nagkasakit at hindi na si Patrick. Parang mas gugustuhin ko nalang ang malalang sakit na iyon nang sa gano'n makapagpahinga na ako... Habambuhay.

Nakakapagod ng mapagod.

Bahagyan akong nagulat nang biglang may mga kamay ang pumunas sa mga luha na hindi ko man lang namalayang tumutulo na pala.

“Magpahinga ka pa. Alam kong sobrang pagod na ng katawan mo ngayon. Sige na, matulog ka na,” bahagyan itong napangiti.

Doon ko lang namalayan na nasa hospital bed pala ako ni Patrick. Kaagad akong napatayo kaya medyo umiikot ang paningon ko.

“Susko naman, Trish. Bakit bigla kang tumayo? Ayan tuloy. Magpahinga ka na muna riyan. Huwag kang mag-alala ayos lang naman ako, sige na.”

Napailing ako. Bakit ba kasi rito ako dinala ni Erick noong mawalan ako ng malay?

“Ilang oras akong nakahiga riyan?” tanong ko.

“Hmm, mga limang oras 'ata? Bakit?”

Umiling ulit ako. “Magpahinga ka na, Patrick. Aalis muna ako.”

“Teka, saan ka naman pupunta? Wala ka pang sapat na lakas. Baka mabinat ka!”

“Don't worry about me, Patrick. Ayos na ako. Sige na. Saglit lang 'to, babalik ako.”

Nginitian ko siya para makasiguradong ayos na talaga ako. Wala na itong nagawa nang lumabas na ako.

Habang naglalakad, tinawagan ko si Erick at nang makompirma ang gusto kong makompirma, kaagad akong sumakay ng taxi.

“Ma'am, nandito na po tayo,” dinig kong sabi ni manong. Sa sobrang lalim ng inisip ko, hindi ko man lang namalayan ang oras. Baka nga kung siraulo lang itong si manong, dinala na ako kung saan. Panigurado, hindi ko man lang 'yon mapapansin.

“Ito po bayad.”

Nang makalabas ako ng taxi, nanginginig na naman ang buo kong katawan.

Hindi puwede. Kailangan kong magmukhang malakas sa harapan nila.

Kinalma ko muna ang sarili bago naglakad sa harapan ng kanilang bahay. Hindi ko pa man napindot ang doorbell, kaagad bumukas ang gate at iniluwa nito si Erick.

“Trish...” kinakabahan nitong tawag sa aking pangalan.

“Papasukin mo ako, Erick. Kailangan ko lang maka-usap ang mga taong pumatay sa mga magulang ko.”

Bago pa tuluyang tumulo ang aking luha, kaagad ko na itong napigilan.

“Pero baka anong mangyari sa 'yo! Alam mo naman kung anong klaseng tao ang mga magulang ko. Saka nandiyan din sila tita Estella at tito Ryan. Baka mapano ka pa.”

“Alam ko kung anong klase silang tao, Erick. Mamamatay tao sila. At saka, mabuti na rin kung nandiyan sila Estella at Ryan. Sila naman talagang apat ang sadya ko.”

Nagdadalawang isip pa ito bago ako tuluyang pinapasok.

“Trish, umuwi ka nalang kaya muna. Baka ano pang gawin nila sa 'yo, e,” patuloy pa rin nitong pakiki-usap.

Hinarap ko siya, “Hindi matatahimik ang kaluluwa ko kung hindi ko sila makaharap, kaya paki-usap, kahit ngayon lang, hayaan mo na ako. Huwag kang mag-alala, hindi naman siguro nila ako papatayin dito mismo sa pamamahay ninyo.”

Wala ng nagawa si Erick nang makarating kami sa dining area nila kung saan silang apat masayang kumakain.

Ang saya ah, parang walang pinatay na tao.

“Erick, what are you doing he–” naputol ang sasabihin sana ni Fionna nang makita niya ako. “What the heck are you doing in my house, poor?” galit pero gulat nitong tanong.

Gulat din ang gumuhit sa bawat mukha nilang tatlo. Hindi ko alam naagugulat din pala ang mga mamamatay tao. Sabagay, magugukat din naman ang mga hayop.

“Surprise?” walang emosyon kong tanong sa na lalo naman nilang ikinagagalit.

“Umalis ka na rito bago pa may mangyaring masama sa 'yo,” galit na utos sa akin ni Karlo– ama ni Erick.

“Bakit? Ano bang gagawin n'yo sa akin? Papatayin din katulad ng ginawa n'yo sa mga magulang namin?”

Mas lalo namang nagulat ang mga ito at sabay-sabay na tumingin kay Erick.

“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Ryan.

“Hustisya.”

Nagtinginan silang apat at sabay-sabay na humalakhak.

“Patawa kang bata ka,” maarting sabi ni Estella.

“Bakit... Bakit n'yo nagawa iyon sa mga magulang ko?” malamig kong tanong at tumigil sila kakatawa. “Alam niyo ba ang pakiramdam na mawalan ng mga magulang? Alam niyo ba kung gaano kahirap mabuhay ng wala sila sa giliran upang gumabay sana sa amin?”

“Inagaw nila ang kayamanan na dapat sa amin mapunta!” galit na sigaw ni Fionna.

Mahina akong tumawa. “Nang dahil lang sa pera, nagkaganyan kayo? Bllshit!”

Sasampalin na sana ako ni Fionna nang pigilan ito ng kaniyang asawa na si Karlo.

“Wala kang alam na bata ka kaya huwag mo kaming mapagsalitaan ng ganiyan dahil kaya kitang isunod sa kanila! Palibhasa hindi mo alam ang nararamdaman namin ni Estella!”

“May mararamdaman pa pala ang mga mamamatay tao na katulad n'yo?” tanong ko. Hindi ko naman intensiyon na mang-insulto pero mukhang apektado sila.

Napabaling ang ako ng tingin nang sampalin ako ni Estella. “Wala kang alam! Alam mo, ang sarap mong isunod sa kanila. Katulad na katulad mo ang wala mong kuwentang ina. Bata pa lang kami, inigaw na niya lahat ng meron kami ni ate.  Lahat ng mabubuting bagay, nasa kaniya lahat napunta. Pati atensiyon ng mga magulang namin, nasa kaniya na. Lahat lahat na. Para kaming naging hangin ni ate sa harapan ng aming mga magulang. Hindi pa siya nakuntento, pati kayamanan ni daddy nasa kaniya napunta lahat! Kaya nararapat lang na mamatay siya at ang magaling mong ama! Mga wala kayong kuwenta!”

Hindi ko mapigilang lumanding ang palad ko sa mukha niya.

“Walang hiya ka–”

“Kasalanan ba ni mommy na hindi kayo marunong makuntento, ha? Kung sana marunong kayong makuntento, edi sana masaya kayo. Ang tatanda niyo na pero para kayong mga bata kung mag-isip.”

Lamapit ako kay Karlo, “Ang tanda mo na po tito Karlo, pero bakit hindi n'yo man lang nagawang mag-isip ng tama at pigilan ang asawa mo? Masakit mawalan ng ama't ina sa murang edad, tito. Sobrang sakit. Parang unti-unti kaming pinapatay sa sakit.”

Marahan kong pinunasan ang mga luha ko at malakas ko siyang sinuntok sa mukha.

Dinig ko ang sigaw ni Fionna at Erick pero hindi ko lang ito pinansin.

Sunod ko namang pinuntahan si Ryan.

“Alam mo po ang pakiramdam na mawalan ng mahal sa buhay ng mawala ang kaisa-isa niyong anak, tito Ryan. Alam mo iyong pakiramdam na unti-unti ng namamanhid ang puso mo sa sobrang sakit, pero ito ka ngayon, ipiniranas mo sa amin ni Patrick. Kahit kaunting awa ba, hindi mo naramdaman nang magdesisyon kang suportahan ang asawa mo sa pagpatay ng mga magulang ko? Naduduwag ka na po ba talaga?”

Sinuntok ko rin siya sa mukha at mabuti naman, hindi siya gumanti.

Si Estella naman ang sunod kong pinuntahan.

“Ilang taon na po ba kayo, tita? Bakit parang sinliit ng munggo ang utak mo? Bakit hindi niyo man lang inisip ang maaring maranasan namin ni Patrick? Noong namatay ang anak niyo ni tito, anong naramdaman mo? Masakit po 'di ba? Masakit pa sa sobrang sakit. Sana nag-isip naman kayo bago magdesisyon. Kapatid mo rin 'yong pinatay niyo. Anong klaseng hayop ka?”

Sa kabilang pisngi ko naman siya sinampal. Aangal pa sana siya pero pinigilan siya ni Ryan.

At huli kong pinuntahan ang tulalang si Fionna. Bago pa ako makapagsalita, sinampal ko na siya ng dalawang beses.

“Masaya na po ba kayo ngayon? Kuntento na po ba kayo sa buhay niyo ngayon? Ayan na oh. Wala na ang kapatid ninyo. Hindi ko alam kung paano mo nagawa ito, tita. Kung tutuusin napakaliit na bagay ang motibasyon ninyo para humantong sa ganito ang lahat. Buhay nila ang kinuha ninyo. Wala kayong karapatan, tita. Wala kayong karapatang gawin iyon. Ang sakit lang malaman na nagawa ito ng sariling kapatid ni mommy. Ang hirap paniwalaan na para na kayong mga hayop. Nawawalan na kayo ng awa.”

Mabuti't hindi naki-alam si Erick. At sa huling pagkakataon, sinampal ko ulit siya. Tulala pa rin ito.

“Hindi sapat ang nakukuha ninyo ngayon sa akin. Hindi mapapalitan ng kahit anong paghihiganti ang sakit na nararamdaman namin ngayon. Pero huwag kayong mag-alala, hindi ko kayo ipapakulong. Hahayaan ko kayong mabuhay ng malaya habang dala-dala ang konsensya sa pagatay ninyo sa mga muglang ko. Sana kahit kaunting konsensya, may natira pa sa inyo.”

Pinunasan ko ang huling luha na tumulo sa aking mata at saka ako naglakad palabas ng kanilang bahay.

Sana naman masaya na sila sa ginawa nila.

Continuă lectura

O să-ți placă și

24K 1.3K 31
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
18.9K 3.4K 41
It was all started when i was 16.... Cover is not mine, credits to the rightful owner. Date Started: May 27, 2020 Date Ended: November 17, 2020 Highe...
2.8M 53.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
77.8K 3.8K 35
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...