Serendipity [ Eli and Pen ]

By sourirejea

54K 1.3K 187

Sullivan Series #1 He's Elias Sullivan, a famous model and an outstanding law student. While she's Penelope A... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
EPILOGUE - Revised
Author's Note
Serendipity Sequel

Chapter 7

1.1K 27 2
By sourirejea

Pen's POV

"Paano kung akin 'yun?" Tanong ko.

Kunot noo siyang nakatingin sa'kin habang seryoso naman akong nakatingin sakanya.

"Joke lang! Syempre boses niya 'yun! Alangan namang mag-lipsync siya diba?" Sambit ko. Binalik niya ang tingin sa laptop niya.

"Saka sintunado kaya ako!" Dugtong ko pa at saka kumanta na kunwaring sintunado.

"Stop, you're ruining my eardrums." Sambit niya, tumayo na siya.

"Hey, the movie is almost over, maybe I can go back to my room?" Tanong niya kay baby Eldrich, tumango naman ito. Hinalikan niya muna ito sa ulo bago umakyat.

Pagkatapos namin manood, pinakain ko na si baby Eldrich.

"Baby, can I ask you something?" Tanong ko. Tumango siya.

"Do you know ate Abi?" Tanong ko ulit.

"Ate Abi?" Nagtatakang tanong niya.

Ano ba 'yan, that was five years ago, three years old palang si baby Eldrich. Impossible na kilala niya.

"Ah! Ate Abi! I know her!" Sigaw niya.

"Who is she?"

"Kuya's pet." Sagot niya. Kumunot ang noo ko.

"But she died..." Malungkot niya pang sabi.

"Pet? A cat? A dog?" Tanong ko.

"Yes, a dog!"

So pinangalanan niyang Abi 'yung aso niya, malaking parte nga ng buhay niya si Abi.

_____

Kasalukuyan akong nasa school, nakikipagkwentuhan kasama ang mga new-found friends ko.

"Ang cute kapag dino-doble yung first syllable ng names diba? Pwedeng maging nicknames. Gaya nung kay Lea, pag dinoble magiging Lele, tapos sa'kin Mimi." Sambit ni Michelle.

"Eh paano naman kay Audrey, edi Au-aud?" Pagbibiro ni Lele. Natawa kaming lahat.

"Sa'kin naman Jojo! Odiba cool pa rin!" Singit ni Jonathan.

"Eh sa akin?" Tanong ko, napatingin silang lahat at saka sabay sabay na tumawa.

"Tama na tama na, wag na pala kawawa naman ni Pen eh." Sambit ni Aud. Natawa ulit sila.

"Eh! Gusto ko rin!" Pagpupumilit ko.

Tumayo na sila at dumeretso sa room, napa-pout nalang ako. Ano bang mali sa pangalan ko?

Pagkatapos ng madugong Statistics ay nag-break time na.

"Hoy, Pen!" Tawag ni Aud sa'kin.

"Galing ako sa labas at di ka maniniwala sa nakita ko!" Hinihingal na sambit niya.

"Ha? Bakit? Ano 'yun?" Tanong ko. Hinila niya ako palabas ng room at dinala sa fourth floor.

Kumpulan ng mga estudyante ang naabutan namin. Tinry namin sumingit para makita kung anong pinagkakaguluhan nila. Nang makita ko 'yun, parang may kumurot sa puso ko.

Si Eli, kasama si ate Ritz. Nakaupo silang dalawa sa bench, nagu-usap.

Una, inistalk niya sa facebook, tapos ngayon kasama niya. Pero, sabi niya boses lang ni ate Ritz ang gusto niya!

"Niloko niya ko..." Bulong ko.

"Ha? Anong niloko? Nino?" Nagtatakang tanong ni Aud, nagising ako sa realidad.

"Wala, teka may pupuntahan lang ako." Pamamaalam ko, tumakbo ako papunta sa kabilang building para tignan si baby Eldrich.

"Ate Pen!" Tawag niya sa'kin, lumapit ako sakanya.

"Nakakainis!" Sigaw ko.

"Nakakainis? Who's nakakainis?" Tanong niya, napatingin ako sakanya.

"Your kuya! Nakakainis yung kuya mo!" Yamot na sabi ko. Napatingin ulit ako sakanya at saka pinalitan ng ngiti yung simangot ko.

"Kumain ka na?" Tanong ko. Tumango siya.

"I ate a lot!" Sagot niya, napangiti ako.

Pagkatapos ko puntahan si baby Eldrich ay bumalik na ko sa room.

"Hoy Pen!" Tawag ni Aud sa'kin.

"Bakit?"

"Ako dapat nagtatanong nyan. Bakit? Bakit lagi kang pumupunta sa kabilang building? Sinong binibisita mo doon?" Nagtatakang tanong niya.

"Ha? Wala!" Palusot ko. Lumapit siya sa mukha ko.

"Sinundan kaya kita kanina, may pinuntahan ka doon."

Nag-isip ako ng palusot.

"Ah, yung kapatid ko si ano...si John oo si John, binilinan kasi ako ni mama na bantayan ko 'yun."

Napa-tango naman siya na para bang na-convince na sa sagot ko, napa-hinga ako ng maluwag.

Pagkauwi ko sa mansion ay wala pa sila baby Eldrich at Eli. Maya-maya, bumukas na 'yung gate, senyales na andito na sila.

"Hi, baby Edrich!" Bati ko, niyakap niya ko.

Dumaan sa harap si Eli pero di ko siya binati. Hah! Akala niya ah!

Umupo silang dalawa sa sofa para mag-tanggal ng sapatos at medyas.

"Ate Pen, why did you call kuya nakakainis?" Tanong ni baby Eldrich. Nanlaki ang mata ko.

"I did not said that, baby!"

Napatingin ako kay Eli, diretso pa rin ang tingin niya sa sapatos niya.

"No, I heard that!" Sambit pa ni baby Eldrich bago siya dalhin ni ate Bianca sa cr para linisan.

Naiwan kaming dalawa ni Eli sa sala.

"Nakakainis naman talaga..." Bulong ko sabay tingin kay Eli na kasalukuyang nakahiga sa sofa at nagpapahinga.

"Sabi mo boses niya lang gusto mo tapos ngayon, magkasama kayo? Sana tinawagan mo nalang kung boses lang pala gusto mo o di kaya nagpa-send ka nalang ng voice message.." Bulong ko ulit.

"Stop whisphering loudly, I can hear you." Biglang sambit niya, nanlaki ang mata ko.

Padabog kong linagay 'yung sapatos ni baby Eldrich sa shoe rack at saka umakyat na sa room ko. Pagpasok ko doon ay binagsak ko ang katawan ko sa kama. Bakit ako naiinis? Hindi ko naman boyfriend si Eli! Amo ko siya for Pete's sake! Wala akong karapatan! Argh, nakakainis!

Nagpahinga lang ako saglit tapos nagpalit ng uniform, pagkatapos ay bumaba na ako para alagaan si baby Eldrich. Nagulat ako nang makitang nandun pa rin si Eli, natutulog.

Sinamahan ko ulit manood ng movies si baby Eldrich. Maya-maya, nagising si Eli at umakyat, pero agad siyang bumaba dala-dala ang laptop niya. Sa halip tuloy na sa movie nakatuon ang atensyon ko ay napunta sakanya, paano'y naka-v neck t-shirt siya tapos shorts. Ang gwapo, grabe.

"You're supposed to watch the movie, not me." Sambit niya, napa-iwas ako ng tingin.

Bakit ba? Mas maganda siyang panoorin kesa sa kahit anong movie eh!

"Sir Eli..." Tawag ko sakanya. Di siya sumagot.

"You like ate Ritz?" Tanong ko.

"What do you think?"

"Oo, I think you like her. Pero bakit? Akala ko boses niya lang ang gusto mo?" Tanong ko ulit.

"What do you think?"

Nangaasar na yata 'to eh.

"Eh paano si ate Abi?"

Napatigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa'kin. Napalunok ako.

"Joke lang, baka mag-tagalog ka nanaman dyan eh. Nakakatakot!" Sambit ko.

Medyo napangiti siya. Shet, did Eli just smiled?!

Magsasalita nanaman sana ako nang humilik ng malakas si baby Eldrich, nakatulog na pala siya. Binuhat ko na siya at dinala sa room niya. Pagkatapos nun, bumalik na ulit ako sa sala.

"Sir, manonood pa po ba kayo ng tv?" Tanong ko.

"What do you think?" Tanong niya ulit. Grr, nangaasar na talaga siya!

Pinatay ko na 'yung tv kasi mukhang di naman talaga nanonood si Eli. Umakyat na ulit ako para maglaba ng uniform ko para bukas. May washing machine dito pero di ako marunong kaya pumunta nalang ako sa lababo para mag-mano mano na laba. Dahil sa pagiging clumsy ko, natapunan tuloy ang damit ko ng tubig kaya napilitan akong mag-sando nalang.

Sinalpak ko 'yung earphone sa tenga ko para makinig ng music at dahil tulog na rin naman ang lahat, naisipan kong kumanta ng mahina. Mas ginaganahan ako mag-laba kapag kumakanta.

"Mahal na mahal
'Yan ang damdamin na sa 'yo'y nararamdaman kung 'di mo alam?
Puso'y 'di mapalagay 'pag 'di ka namamasdan o, bakit ganyan?
At maging sa 'king pagtulog laging alaala ka
Nais makapiling; nais makayakap sa t'wina..."

Di ko namalayan na sumasayaw na pala ako at napalakas na pala ang pagkanta ko.

"Nang dahil sa 'yo
Ang puso kong ito ay natutong magmahalsadya bang ganyan?
Sana, pag-ibig na nadarama'y pakaingatan(o) wag paglaruan
Dahil minsan lang umibig ang napili ay ikaw
Huwag sanang sasaktan
Ang puso na sa 'yo'y nagmahal---"

Napatigil ako nang may makitang anino sa likod ko. Paglingon ko..... si Eli!

"Sir, sorry po! Kanina pa po kayo nandyan?" Tanong ko.

Tinignan niya ko mula paa hanggang ulo. Napatakip tuloy ako sa katawan ko.

"Aria?"

Kumunot ang noo ko.

________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 66.1K 61
Jared Lyndon Montenegro. Ang lalaking walang ibang alam kundi ang makipagbasag-ulo sa labas. Simula nang mawala ang ex niya, naging gawain na niya an...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
51.7K 829 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished:
1.2K 268 47
A girl who believes in fairytale who will fall in love with a guy with a dark past that causes him to doubt the word love. Will her love be returned...