A/N:
Ito na po ang UD sa DOY. Ano kayang mangyayari sa date nila ni Leonard?!? Will it be a success or disaster?!? ALAMIN ^______^. Dedicated to ghost_girl10 eto na yung pinangako ko sayo nuon ^_^. Pasensya nga po pala sa buhol buhol na plot sa DOY at TOGATPP kasi I never had a chance to re-read my stories from the beginning dahil busing busy pero I’m doing my best po na masunod siya ayun sa plot. If may nakita po kayong inconsistency pakisabi po sa akin para ma edit ko po.
Read before Vommenting.
-PV-
Chapter 12
History of Master Shiomai
CRYS’S POV:
Date?!? Date?!? Ano raaaw?!? Nababaliw na ba ang computer geek na to?!? -_____-. Pe - - pero sabi niya ito lang daw ang pabor na hihingin niya kaya naman pagbigyan na natin >__<. Para na rin mapatawad niya ako.
*** RING RING ****
Calling : Comp Geek
“Hello?!?”
-Hmm ano itutuloy pa ba natin to diyosa?!?
“Yes matutuloy po Computer Geek. “
-Sige magkita na lang tayo sa mall.
“Okay. “
Tapos pumunta na ako sa mall kung saan kami magkikita ni Leonard. Siyempre!!! Hindi ako nagpaganda. Aanhin ko yun?!? Eh isang geek ang kasama ko. MARK MY WORD: Hindi ito magiging DATE. It’s more of a HANG-OUT. Maya maya pa dumating na siya.
As expected.
Yung mukha niya GEEK talaga.
“So saan tayo pupunta ngayon GEEK?!? “ Mataray kong sabi sa kanya.
“Gusto mo foodtrip tayo?!?”
“SIge ba. Hmm, total kakakain ko lang ng pizza kanina, tara mag shiomai tayo!!!” ^______^.
“Sige. “ sabi niya naman at kumain na kami.
“NGa pala Diyosa bakit kayo nahilig sa pagkain na to?!? Sabi kasi ni Felicity nuon may dahilan raw kung bakit kayo nahilig rito eh. Sa birthday raw yun ng isang kaibigan niyo.”
“Hmm yes. Pero grabe tuwing naalala ko ang pinagdaanan naming nuon natatawa talaga ako sa mga pinag gagawa namin. Hahahaha!! Hindi ko talaga makakalimutan yun. “
“Okay lang ba kung ikwento mo kung ano ang nangyari?!?”
“Sige ba. Hmm saan ba ako magsisimula?!? Ah!”
<flashback>
Sinabihan kami ni ate Catherine na tikman yung Japanese shiomai sa birthday niya. Tapos nung tinikman naming eh nasarapan kami. Then one day tumawag si Felicity sa akin.
“Bessy. Samahan mo ako punta tayo sa province ni Mama. Dun tayo mag summer camp.”
“Sige ba Bessy.”
AFTER 2 DAYS
Nagpunta na kami sa probinsya kung saan lumaki ang mommy ni Fel. May rest house naman raw sila dun kaya hindi problema ang bahay. Sumasakay na kami sa bus kasi ayaw naming mag service, mas gusto naming na mag adventure : ). Tapos nakita ko sa phone ko na tumawag si Jean sa akin.
“Oy Crys, balita ko magbabakasyon raw kayo ni Fel ah?!? Saan naman kayo pupunta ngayon?!?”
“Pupunta kami sa rest house nina Fel ditto sa Tagaytay Ate.”
“Oh I see. Wheeeh!!! We would love to go there kaso mag a out of the country kami eh sa susunod na lang siguro. “
“Sige ate hang out rin tayo minsan. By the way anong ginagawa mo ngayon ate?!?”
“Eto kumakain ng shiomai. Gusto niyo?!? “ ^_______^.
“Ate naman!!! Pinapagutom mo kami eh. “ -______-
“yum . . .Yum . . . Yum . . . Yum.. Ang saraaaaaaaappppp!!!!! “ ^_______^. Tapos binaba na niya ang cellphone niya. Ang ending tuloy nagutom kami >__<.
Kaya naman pagbaba naming sa sinasakyan naming eh naghanap na kami ng master shiomai.
Nagpunta kami kung saan saan, una naming pinuntahan is yung mall na kalapit sa bus station. Nag ikot-ikot kami ngunit wala kaming nakitang stall ng master shiomai. Tapos naisipan naming pumunta sa food court. Sadly wala pa rin. Sinubukan naming pumunta sa kabilang mall, pero wala pa rin kaming mahanap hanggang sa napagod na kami.
“Bessy ano ba naman tong lugar na to walang master shiomai na stall?!? Eh pagod na pagod na ako eh. “ -____-.
“OO nga bessy eh. Hinihingal na ako tsaka masakit na yung paa ko kakahanap ng stall.” >__<.
Nang biglang may nakita kaming isang stall ng shiomai.
“Besssy!!!” Sigaw ni Felicity.
“OO Bessy alam ko na yaan!!!” ^______________^.
Agad kaming tumakbo at nilapitan yung stall ng shiomai.
Pero,
Hindi siya MASTER SHIOMAI >______<.
Sumuko na lang kami ng mga panahong yun. Halos one week kaming nag stay dun sa Tagaytay at nag e enjoy sa bakasyon naming. Pero hanggang sa kahuli-hulihang pagkakataon ay hindi nagpakita ang master shiomai sa amin. Kaya naman sumuko na kami.
Pero .
Nung nasa bus station kami sa tapat ng mall na yun .. nung pumunta kami dulo .. may tinuro yung kasabay q .. edi tiningnan q .. natulala aq tapos natawa .. MASTER SIOMAI .. hehe .. kung saan-saang lupalop pa kami napadpad .. eh nasa labas lang pala yung stall nila nun.
EPIC FAIL!!!!
Kung saang lupalop kami naghanap ng stall ng master shiomai tapos katabi lang pala siya sa terminal nasa dulo >__<.
<end of flashback>
LEO’S POV:
Hahahaha!! Grabe ang tawa ko nung marinig ko ang flashback na sinabi ni Crystal. Kung andun siguro ako malamang hindi na ako makahinga sa kakatawa. Nakita ko naman na namumula na si diyosa dahil sa inis kaya naman tumigil na ako sa pagtatawa.
Actually, niyaya ko talaga si diyosa ngayon kasi gusto kong makasama siya. Kasi magiging busy na ako dahil sa client namin na malaki at mahirap ang pinapagawang projects. Hindi ko naman pwedeng iasa ang lahat kay Nica kasi kahit na magaling rin siya sa computers, still ako pa rin ang lalake at dapat may malaking parte sa gagawin namin. Also, may contest ako na sasalihan internationally kaya kailangan kong mag focus. Baka aabutin ng ilang buwan bago ko siya muling Makita.
At regarding sa ayos ko?!? Well, kahit na alam kong DATE RAW namin ito ay hindi ako nag-ayos. Gusto ko kasing tumatak sa isipan niya kung sino ako nung una niya akong makilala. Tsaka dahil busying busy sa trabaho ko at pati na rin sa pag-aaral wala na talaga akong panahon para mag-ayos sa sarili ko ni social life ko wala na. I don’t really care either : ).
“Sorry na Diyosa. Pero kahit ganun pa man, nagpapasalamat ako at pumayag ka sa kondisyon ko diyosa. Sorry rin pala if na istorbo kita sa dapat mong gagawin ngayon. “
“Ganyan ka ba talaga ka galit sa akin kaya hindi mo ako mapatawad at nagdududa ka pa talagang hindi ko tatanggapin ang alok mo?!? Sorry na nga talaga dun sa nangyari Geek hindi ko sinasadya yun, nagulat lang ako kaya ko nasabi ang mga bagay nay un.”
Ngumiti naman ako sa kanya.
“OO na diyosa. Pinapatawad na kita. “ Tapos nakita ko naman siya na ngumiti at iniabot niya ang kamay niya sa akin.
“So Friends?!? “
I then shaked her hand.
“Yes diyosa. Friends. “ bigla namang nag ring ang phone ko.
“Hello?!?”
“Leeeeeoooooohhhh help!!!! May isang part akong hindi makuha ditto sa programming >__< Eeeeh!!! Kahapon pa ako magdamag sa computer kaya ayun tuloy nagiging slow na ang utak ko hindi gumagana >__<. “ Ang cute ng boses ng bestfriend ko.
“Sige wag kang mag-alala makukuha rin natin yan. Tsaka magpahinga ka muna Nica ako na ang bahala jan.”
“YAaaay!!! Thanks Leo!!! Galing mo talaga!!!” ^_____^.
“Walang anuman Nica. You’re welcome. “ Then she ended the call.
“Sino yun?!?”
“Ah si Nica nagpapatulong dun sa project namin. Part sa programming na hindi niya maintindihan eh.”
CRYS’S POV :
There. HE spoke of her. Naaalala ko naman yung last conversation namin. Ang init init ng dugo sa akin ng babaeng yun. Ewan ko kung bakit pero hindi ko rin siya masisisi. Kasi hindi ko rin siya feel. Maybe because ang attitude namin hindi compatible sa isa’t-isa. Pero hayaan na. Balang araw umaasa pa rin ako na magiging magkaibigan kami.
Pumunta kami sa isang garden na paboritong lugar raw ni Leonard at umupo sa isang bench duon habang nag-uusap.
“Siya nga pala Diyosa, about dun sa project natin naayos na namin ni Nica ang lahat, ang kailangan na lang gawin dun ay konting editing at finalizing na lang. “
“Wow naman ang bilis niyo atang natapos yung project?!?”
“Eh kasi kailangan eh. Kasi yung client namin mahirap ang pinapagawa sa amin ni Nica kaya kailangang mag concentrate. And besides, may sasalihan rin akong contest kaya kailangang mag train na rin ako. “
“Tss. Napaka busy mo pala talaga Geek. Now I know kung bakit ka nagyaya, last day mo na ba to to rest?!?”
“Yeah you’re right. Kaya naman gusto kong I enjoy ang araw na ito.”
“I see. By the way bakit mo nga pala ako dinala ditto?!?”
“Ah. Gusto ko lang ipakita sayo ang garden na ito. Favourite place ko to eh, ditto ako nagpapahinga tuwing napapagod ako. Maganda ba?!?”
“OO maganda siya. Napakaaliwalas ditto at yung hangin napaka presko. Makakapagpahinga ka nga talaga rito. “
Maya-maya pa, hindi ko na namalayan at nakaidlip na pala ako.
Tapos nanaginip ako.
Isang blurred na vision ang nakita ko. Nasa isang garden. May nakita akong dalawang anino, magkatabi. Habang ako nasa punuan lang ako at nakatingin sa dalawang pigura na nakaupo. Tapos may narinig akong taong kumakanta.
Late at night when all the world is sleeping.
I stay up and think of you.
And I wish on a star,
That somewhere you are thinking of me too.
'Cause I'm dreaming of you tonight
'Til tomorrow, I'll be holding you tight
And there's nowhere in the world I'd rather be
Than here in my room dreaming about you and me.
Wonder if you ever see me, and I
Wonder if you know I'm there
If you looked in my eyes,
Would you see what's inside?
Would you even care?
I just want to hold you close
But so far, all I have are dreams of you
So I wait for the day, and the courage to say
How much I love you.
(yes I do)
Corazon, I can't stop dreaming of you,
No puedo dejar de pensar en ti,
I can't stop dreaming,
Como te nesesito,
I can't stop dreamind of you,
Mi amor como teextrano
Late at night when all the world is sleeping
I stay up and think of you
And I still can't believe
That you came up to me and said I love you
I love you too
Dreaming all tonight
Till tomorrow and for all of my life
And there's nowhere in the world I'd rather be
Than here in my room dreaming with you endlessly
Yung boses ng lalake napakaganda. Malamig siya pero nakakagaan sa pakiramdam. Tapos biglang naging magulo ang vision ko hanggang sa tuluyan na akong nagising.
“Diyosa?!? Ok ka lang ba?!?”
“Ah, okay lang ako. Pero nanaginip ako.”
“Anong panaginip naman yun Diyosa?!?”
“May isang lalaking kumanta. Tapos ang ganda ng boses. “
“Ah ganun ba?!? Baka naman may kanta ka lang na na LSS kaya mo napanaginipan.”
“Hindi ah. Hindi ko nga alam yung kantang yun eh. Pero ang ganda talaga. “
“Ang mabuti pa Diyosa umuwi na tayo. Mukhang pagod ka na rin eh. “
Tapos nauna nang umalis si Leonard.
Sino kaya yun?!?
Baka naman bigla kong naalala si Steven?!? Magaling pa namang kumanta yun. >__<. Pero, parang may something -____-.
Nagpatuloy ako sa pag-iisip nang biglang may sinabi si Leonard.
“Oi tara na uwi na tayo. “
Tss.
“Opo!!!”
Curious ako sa lalaking yun. Kung sino man yung kumanta sa panaginip ko, gusto ko siyang makilala.