Ang Paraiso ni Irano (BXB FAN...

By Ai_Tenshi

207K 1.4K 193

Ang kwentong ito ay ang ikalimang "Super Hero" na aking nilikha mula sa iisang direksyon. Ang "Ang Paraiso ni... More

TOP COMMENTS AND REVIEWS
NOTE:
APNI Part 1: Irano
APNI Part 2: Ang Kulay ng Karagatan
APNI Part 4: Titig
APNI Part 5: Hiwaga ng Tubig
ANNOUNCEMENT!

APNI Part 3: Ang Hari ng Isla

4.3K 217 18
By Ai_Tenshi

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Ang Paraiso ni Irano

AiTenshi

June 25, 2019

Part 3: Ang Hari ng Isla

"Kumain ka ng kumain para manumbalik ang katinuan ng utak mo, saka infairness ha bagay na bagay sayo iyang tshirt ni Cyan." ang wika ni Tibur naman pinanood niya ako sa pag kain ng almusal.

"Matino naman pag iisip ko, hindi ko lang talaga maalala yung mga nangyari sa akin. Pero ang lahat ay nakikita ko sa panaginip ko, kung paano ako lamunin ng malalaking alon sa karagatan, yung hagupit ng bagyo ay naririnig ko pa rin hanggang ngayon, ang akala ko ay doon na ako mamamatay."

"Pero swerte ka pa rin dahil buhay ka, kung sa bagay ay nauunawaan kita. Kung sa akin nangyari iyan ay baka maloka loka na ko." ang wika niya sabay lagay ng kanin sa aking plato.

Habang nasa ganoong posisyon kami noong biglang sumulpot si Cyan sa harap ng lamesa, naka hubad ito ay brief lamang ang suot. Umupo siya sa aking tabi at saka dumakot ng kanin at ulam. Wala siyang paki alam, ni hindi man lang kami binati o parang wala itong nakita. Malaking subo ang kanyang ginagawa, magulo ang pag kain sa kanyang plato at barakong barako kung kumilos. "Ehem" ang pag papa pansin ni Tibur.

Tumingin sa kanya ang binata, napahinto ito sa pag nguya, nakabukol ang pag kain sa pisngi. "Ikuha mo nga ako ng kape." ang utos nito saka humarap sa akin at ngumiti. "Ikaw pala yung bagong boarder ni papa. Balita ko matagal ka daw palutang lutang doon sa gitna ng karagatan at medyo naalog nga daw ang utak mo. Kawawa ka naman." ang wika niya.

"Dito muna siya titira sa atin, iyon ang sabi ng papa mo." ang wika ni Tibur habang nag titipla ng kape

"Hindi ka naman siguro masamang tao diba? Wala ka namang sigurong dalang kamalasan sa isla namin."

"W-wala lang ako maalala ngunit tiyak kong hindi naman ako masamang tao." sagot ko.

"Mainam na yung malinaw. Tangina tagal naman ng kape ko." ang utos pa niya sabay tayo at siya na mismo ang kumuha ng kape niya na tinitimpla ni Tibur. "Bagal mo e."

Napatingin ako sa katawan niya, putok ang dibdib, makinis ang balat, bilugan ang braso, walang kataba taba ang tiyan, may abs at makapal na buhok sa ilalim ng kanyang pusod pababa sa kanyang pag kalalaki. "Aba may mapabuhok si kuya." ang wika ni Tibur noong makita ito.

"Huwag kang mag alala dahil mas makapal ang bulbol niyang si ermitanyo kaysa sa akin. Sa haba ng bigote, balbas at buhok niya sa ulo e baka pwede nang itirintas yung bulbol niya sa burat." ang wika nito sabay higop sa kape at umalis sa aming harapan. Natatawa ito na hindi mo mawari.

Maya maya ay nag suot siya ng short at t shirt na inalisan ng manggas saka lumabas sa bahay. "Hi papa Cyan, ang gwapo mo naman ngayon!" ang bati ng isang beki sa natarangkahan na halatang kanina pa siya hinihintay.

"Matagal na kong gwapo, gago. Sana ikaw rin!" ang sagot niya kaya naman napanguso nalang si beki at saka nag inarte. "Gwapo nga mayabang naman." pag mamaktol niya.

"Halika Irano, tingnan mo ito. Ganito kasikat si Cyan dito sa isla." ang pag yaya ni Tibur sa labas upang pag masdan ang pag lalakad ni Cyan.

Mayabang siyang mag lakad, ang lahat ay napapalingon sa kanya. Mapa babae, lalaki, bakla o tomboy pa ay walang kawala. Yung iba naman ay nang hihina ang tuhod at napapa salampak nalang sa buhanginan. May ilan naman na nawala sa konsentrasyon at panandaliang nakalimutan ang kanilang mga ginagawa."Shit, nag cucum akooo!" ang sigaw ng isang babae na naka hawak sa kanyang palda. At iba naman ay literal na nalalaglag ang panty.

"Tingnan mo nga, tingin palang niya ay nilalabasan na yung mga babae dito." ang wika ni Tibur.

"I autograph mo naman itong pic mo papa Cyan." ang wika ng isang batang beki na humarang sa kanya.

Kinuha ni Cyan ang ballpen at larawan niya at pinirmahan, saka ito itinapon sa kanyang likuran. "Kabata mo namang bakla? Marunong ka na ba chumupa?" tanong nito

"Nag papractice palang po, gusto chupain kita kuya?" ang tanong nito.

"Pag na chupa mo yung sarili mo, papayag akong machupa mo." ang wika nito sabay tawa ng malakas.

Napailing nalang kami ni Tibur. "Wala e, siya ang pinaka gwapo dito sa isla." ang wika niya sabay tingin sa akin.

"Bakit?" ang tanong ko.

Ngumisi siya at inuga uga ang ulo. "May epelepsi ka ba?" tanong ko

"Wala no, may naisip lang ako." ang naka ngisi niyang sagot.

"Ano naman iyon?"

"Kiss mo muna ko, bago ko sabihin sa iyo." malandi niyang sagot.

Napangiwi ako at lumayo sa kanya. "Di bale nalang." tugon ko

"Nga pala papa Irano, gusto ni Kap na mag work ka bilang assistant niya. Yung mga trabahong hindi kering gawin ng batugan at mahangin niyang anak ay ikaw nalang ang gagawa."

"Oo ba, gusto ko ring makatulong kay Kap, ayoko naman na nandito lang ako sa bahay na walang ginagawa. Kailan ako mag sisimula?"

"Matagal pa naman. Bukas." sagot niya sabay flying kiss sa akin.

Alas 2 ng hapon, pag katapos kong maligo ay agad akong ang punas ng aking katawan, isinuot ko rin yung 2nd hand na brief ni Cyan saka ako nag pasyang lumabas ng banyo. Pag bukas ko palang ng pintuan ay bumulaga na sa akin si Tibur, naka pose pa ito at nakamumunggay ang mga mata. "Bakit?" ang tanong ko

Hindi siya sumagot, hinila niya ako at pilit itulak pabalik sa loob ng banyo. Dahil mas malaki ang katawan niya ay hindi ako maka laban ng husto. "Ano bang ginagawa mo?! Bitiwan mo kooo!" ang sigaw ko habang iniaalis ang aking braso sa pag kakahawak niya sa akin. "Kagabi pa ko atat na atat gawin ito! Huwag kana lumaban dahil sasamain ka lang sa akin!" ang wika niya sabay dukot ng matalim na bagay sa kanyang bulsa.

"Anong gagawin mo?! Bitiwan mo kooo!"

"Huwag kana pumalag! Mabilis lang ito! Ako ang mga bahala sa iyo." ang sagot niya sabay takit ng tuwalya sa aking mukha.

"Huwaggg! Tamaaa naaaa! Hindeeee!" ang sigaw ko na narinig sa buong kabahayan.

Makalipas ang isang oras..

"Tadaaaa! Hindi mo akalaing magagawa ko sa iyo to diba?" ang wika niya habang naka ngiti. Pinagpag niya ang aking balikat at minasahe pa ako.

Dito ay nakita kong nag bago na ang aking anyo. Ang aking buhok ay umigsi na, makinis na rin ang aking mukha. Magaling palang mag gupit si Tibur at halos bumalik na ako sa aking batang itsura, ang ibig kong sabihin ay hindi na ako mukhang ermitanyo "Ehem.. pwedeng mag mura? PUTANG INA! ANG GWAPO MO! HAYOP! PAK SHET!" ang wika niya habang nakatitig sa akin.

Ngumiti ako "salamat, akala ko talaga gagahasain mo ako e." ang biro ko.

"Pwede rin, gusto mo ba? Joke lang. Oh heto, pwede pa tong pang ahit sa bulbol mo. Medyo matalim pa to." ang wika niya sabay abot sa akin ang garalgal na shaver dahilan para matawa ako. "Salamat."

Alas 4 ng hapon, nag pasya ako lumabas ng tarangkahan upang maglakad lakad sa tabi ng dalampasigan. Pag sara ko palang sa gate ay napansin na agad ako ng mga taong nakatambay sa di kalayuan, lahat sila ay lumapit sa akin para maki usisa.

Ang kanilang mga mata ay naka titig lang sa aking mukha dahilan para mailangan ako. "Ayos lang po ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Gwapo rin pala itong ampon ni Kap." ang wika ng mga lalaki sabay lapit sa akin at nakipag kamay. "Ruben pare, siya naman si Joey, at Ely. Ganda ng muscles mo pre, pwede ba makita yung abs mo. Wow, ganda oh. Tigas ng katawa mo pare." ang wika ng mga ito habang hinihimas himas ang aking braso at tiyan.

Nasa ganoong posisyon kami noong hilahin ako ni Tibur at ilayo sa kanila "sa sobrang gwapo mo e naakit na rin sa iyo yung mga pamintang iyon. Pare pare pa e mga gelatin naman!" ang dagdag pa niya.

"Saan naman tayo pupunta?" ang tanong ko

"Ididisplay kita." ang wika niya sabay sigaw. "Mga bakla, binabae, thunderbird na bakla, mga pamintang durog at pamintang buo. Nasa inyong harapan ngayon ang susunod na "Hari ng Isla!". ang wika niya na tumawag ng atensiyon ng marami.

Nag takbuhan ang mga batang beki sa aming kinalalagyan. "Ay ang pogi naman niya mama." ang wika ng isa sabay hawak sa aking braso kaya kamay tinampal ni Tibur ang kanyang kamay.

"Aray naman!" reklamo nito.

"Bawal hawakan dahil baka mapanis at mausog. Hanggang tingin lang muna kayo mga bakla." ang wika niya at mayroon nanamang beki na humawak sa aking kamay dahilan para tampalin pa rin niya ang kamay nito. "Huwag nga kayong makulit." suway niya

"Ang damot mo naman ateng, para hihipuin lang eh."

"Mag sanitize muna kayo mga bakla, amoy betlog ang mga kamay niyo. At heto ha, tandaan nyo ang araw na ito dahil mawawala sa kamay ng mayabang na anak ni Kap ang titulo! Agree ba kayo mga ateng?" ang tanong ni Tibur

"Ah e hindi namin alam, ayaw naming maistress. Basta kailangan namin silang matikman!" ang sagot ng mga beki

"Asa much, halika na nga doon Irano, baka mapanis ka dito sa labas. Yung mga baklang tow di man lang nag mouth wash, mga amoy betlog ng shokoy ang mga bibig. Yung iba may natuyong nektar pa sa labi. Nakakaloka talaga!" ang malanding wika ni Tibur sabay hila sa akin papasok sa gate.

"Ang feelingera mo naman ateng, hindi ka naman babaihan!" ang wika ng mga beki sa gate sabay tapat ng isang bagay na animo malaking remote control na may antena kay Tibur. Maya maya ay umilaw ito at tumunog.

Tawanan ang mga beki sa gate..

"Anong nakakatawa? Itapon nyo na ang babaihan radar na iyan dahil hindi naman totoo iyan." kontra ni Tibur

"Nako ateng, hindi mo lang matanggap na 1.23% lang ang babaihan powers mo! Baklang toe! Hindi ka naman maganda!" pang aasar nila.

"Pwes, we have a tie! Saka outdated na iyang radar nyo, noon pang 1990 iyan. Wala bang mas bago? Cant afford mga teh?" ang pang aasar niya sabay rampa papasok sa bahay.

"Bakit kailangan mong makipag away para sa isang simpleng bagay?" tanong ko

"Hindi ako nakikipag away, pinagtatanggol ko lang rights ko bilang isang bakla. Anyway, ngayong alam na ang buong isla na ikaw ang lalaban kay Cyan, kailangan ay mag handa kana."

"Anong laban ba iyon?" ang tanong ko

"Ang labanang iyon ay tinatawag na "Hari ng Isla" isang contest para sa mga kalalakihan, pagandahan ng katawan, pa gwapuhan at pa angasan. Taon taon ay si Cyan ang nanalo dito. Kailangan ay putulin na natin ang sumpa!" ang wika niya sabay bukas ng cabinet at dito nga nag kahulog ang maraming tropeyo sa loob nito.

Itutuloy..

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 183K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
3.7K 514 31
Ang pangalan niya ay Je'ir,isang matapang at malakas na manlalaro sa larangan ng mahika't pisikal na lakas.Bantog ang pangalan niya sa buong lupain n...
1.6M 64.9K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
15.5K 710 33
Itinuturing ng karamihan si Hanson bilang isang perfect ideal man. Guwapo, mabait, matalino at gentleman. Marami na ang babaeng kaniyang napa-ibig. A...