The Conqueror Of Alkhora [Und...

By MISTERGOODGUY

91.5K 6.1K 563

Chaos reigns again in the land of Alkhora. Evil forces have emerged from darkness once again to overthrow the... More

⚠ Desclaimer⚠
PROLOGUE
TCOA 1
TCOA 2
TCOA 3
TCOA 4
TCOA 5
TCOA 6
TCOA 7
TCOA 8
TCOA 9
TCOA 10
TCOA 12
TCOA 13
TCOA 14
TCOA 15
TCOA 16
TCOA 17
TCOA 18
TCOA 19
TCOA 20
TCOA 21
TCOA 22
TCOA 23
TCOA 24
TCOA 25
TCOA 26
TCOA 27
TCOA 28
TCOA 29
TCOA 30
TCOA 31
TCOA 32
TCOA 33
TCOA 34
TCOA 35
TCOA 36
Season 2
TCOA 37
TCOA 38
TCOA 39
TCOA 40
TCOA 41
TCOA 42
TCOA 43
TCOA 44
TCOA 45
TCOA 46
TCOA 47
TCOA 48
TCOA 49
TCOA 50
TCOA 51
TCOA 52
TCOA 53

TCOA 11

1.8K 124 12
By MISTERGOODGUY

Maaga akong nagising ngayon dahil sa sobrang pagka excite. Palinga linga ako sa labas ng bintana sa sinasakyan kong karwahe, masaya kasi ako dahil ngayon na ang araw na magiging isang adventurer na ako. Nasa tamang edad naman na ako kahit hindi naman talaga labing walo ang edad ko pero okay na rin at least mas malalasap ko pa ang pagkabata ko ng mas matagal.

Habang bumabaybay ako patungong Kingdom Hall ay hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano ano. Nag-eexpect kasi ako na magiging masaya ang araw na ito para sa akin. Hindi kasi ako mapirming tao kahit na noong nabubuhay pa ako sa mundo namin, yun nga palagi ang dahilan kung bakit ako pinapagilatan ni Mama dahil puro lakwatsa lang daw ako at hindi mapermi sa bahay.  Kaya nga halos hindi nga ako payagan ni Mama ng naisipan kong mag boarding house na lang dahil baka daw maglakwatsa lang ako at mapabayaan ko ang pag-aaral ko. Nainis pa nga ako kay Mama nun dahil parang wala siyang tiwala sakin buti na lang to the resbak si Papa kaya wala ng nagawa si Mama kundi pumayag na lang. Aminado naman ako na lakwatsero ako pero hindi ako kagaya ng ibang kabataan na puro barkada lang, ako kasi ay mas prefer kong mamasyal ng mag-isa, gusto ko kasi tahimik lang kaya walang bad influence sa akin.

Malapit lapit na kami sa Kingdom Hall, nakikita ko na kasi sa malayuan ang isang struktura na naiiba sa lahat buti na lang nakasakay ako sa isang  karwahe kaya mas napadali ang pagpunta ko baka kasi mahuli ako sa pagsusulit. Akala ko dati ay hindi ginagawang behikulo ang mga karwahe dito, kung hindi pa sinabi sa akin ni Felix ay hindi ko pa malalaman. Mainam na rin itong sakyan dahil bukod sa mas mapadali ang pagpunta ko sa Kingdom Hall ay hindi ko alam ang daan patungo roon kaya mas mabuti na rin upang maihatid ako at wala ng hassle pa.

Gaya ng dati ay manghang mangha pa rin ako habang nakatingin sa labas ng bintana, kahit kasi ilang araw na ang inilagi ko rito ay hindi ko pa rin mapigilang mamangha sa mga bagay na bago sa akin.

"Nandito na tayo Ginoo" natigil ako sa pagmumuni muni ng mapagtantong tumigil na ang karwaheng sinasakyan ko

Bago ako sumakay kanina ay nagbayad na ako kaya naman bumaba na lamang kaagad ako sa karwaheng sinasakyan ko matapos kong magpasalamat sa kutsero.

Palabas ko sa karwahe ay tuloyang bumungad sa akin ang magandang istraktura ng Kingdom Hall. Kakaiba ang estilo ng pagkakagawa gayun din ang desinyo at maging ang lawak at laki nito. Talagang hindi pa ako sanay sa mundong ito. Talagang kamangha mangha.

May mangilan ngilang mga tao ang naririto na halos mga kaedad ko lamang, sa tingin ko ay ngayon din ang araw ng kanilang pagrehistro bilang isang adventurer. Inayos ko muna ang suot suot kong itim na balabal bago ako naglakad sa ilang baitang ng hagdan patungo sa Kingdom Hall.

May mangilan ngilan akong nakikitang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero isa lang ang nasa isip ko, mukhang bagong mukha ako para sa kanila. Hindi ko sila masisi dahil bago nga naman talaga ako sa mundong ito. Marahil ay nagtataka ang mga ito kung sino ako. Sa kabila ng mga tingin ng mga ito ay pinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad ko at hindi na lamang pinansin ang mga mapanuring tingin ng mga nakapaligid sa akin. Ang iba kasi sa mga ito ay nakatayo lamang at nakaupo sa ilang baitang ng hagdan at nag-uusap.

Muli ay pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa bukana ng kingdom hall. Gaya ng inaasahan ay talagang napakaganda ng istruktura na ito kahit na sa malayuan. Tingin pa lamang ay masasabi mong matibay ang pundasyon nito at ng pagkakagawa.

Muli kong nilibot ng tingin ang kabuuan ng Kingdom Hall, narinig ko na meeting place ang lugar na ito gaya ng kapitolyo pero ang pinagkaiba lamang ay may partisipasiyon dito ang hari hindi gaya sa kapitolyo na tanging mga Familia Head, Konseho at ang Capital Head lamang ang nagdadaos ng pagpupulong.

Mukhang hinihintay ng lahat ang pagbukas ng pintuan upang magsimula ang pagsusulit para sa aming mga gustong magsimula bilang isang adventurer. Gaya ng dati ay may nakita na naman akong dalawang gwardiya sa malaking pintuan ng Kingdom Hall na nakasuot ng nagniningning sa ganda na gintong balute.

Nanatili muna akong nakatayo sa isang tabi at napatingin sa aking gilid ng maramdaman kong para bang may ilang pares ng mga mata ang nakatingin sa akin at ng mapatingin ako sa gawing iyon ay tama nga ako dahil nakita kong may grupo na mayroong dalawang babae at tatlong kalalakihan ang nakatingin sa akin ngunit kaagad ding umiwas ng tingin ang mga ito ng dumako ako ng tingin sa kanila.

Halos mataranta ang mga ito ng mapatingin ako, mukhang hindi nila inaasahan na dadako ako ng tingin sa kanila. Mukhang kanina pa nila ako tinitingnan dahil napansin ko na parang ako ang pinag-uusapan ng mga ito. Nagkibit balikat lamang ako at nakuntento na lamang sa paghintay sa kinatatayuan ko, matagal naman na akong sanay na nag-iisa, si Kylie nga iniwan ak-— haysss.

Napailing tuloy ako ng bahagya sa naiisip ko at natawa na rin, nakakatawa kasi na kahit nasa ibang mundo na ako na sa katunayan nga ay hindi ko naman talaga ineexpect pero heto nakatayo ako ngayon at buhay na buhay ay si Kylie pa din ang iniisip ko. Oo masaya ako na nabuhay akong muli pero sa kabila ng lahat ng yun ay naririto pa rin ang kirot at sakit sa puso ko. Masakit kasing isipin na hindi na ako mabubuhay pang muli sa totoong mundong pinagmulan ko. Wala na si Mama at Papa na papagalitan ako pero lalambingin din pagkatapos, wala na rin ang kapatid ko na sobrang kulit at lambing at wala na rin si Kylie—

Si Kylie na sinaktan ako.

Si Kylie na iniwan ako.





"Pero mahal na mahal mo" sabi ng puso ko


Sa kabila ng mapait na nangyari sa akin ay inaamin ko na mahal na mahal ko pa rin siya, hindi naman kasi madaling makalimot at maka move on hindi ba? pero nangyari na ang nangyari kaya walang dapat na sisihin. Mukhang hindi naman kasi talaga kami ang itinadhana, baka lesson siya sa akin na dapat ay magtira din ako sa sarili ko hindi yung ibibigay ko lahat ng pagmamahal ko ng buong buo pero kahit na ganun nagpapasalamat pa rin ako na nakilala ko siya kasi I somehow felt how to love and how to be loved. Sapat na sa akin ang mga masasayang panahon na pinagsaluhan namin.



Hayss tama na ang drama, hindi ito ang tamang oras para magdrama ako, kailangan ko pang makapasa sa pagsusulit para maging isang tunay na adventurer na ako at makakuha ng sarili kong lesensiya sa pagiging isang adventurer.

Napatingin kaagad ako sa malaking pintuan ng Kingdom Hall ng maririnig at mapansin ko iyong bumukas. Bumungad kaagad sa amin ang pigura ng isang lalaki. Malinis ang itsura nito at kapansin pansin na galing ito sa isang prominenteng pamilya. Nakasuot din ito ng salamin sa mata na mas lalong nagpa-istrikto sa itsura nito na bumagay din naman sa kaniya.



Mabilis pa sa alas kwatro ang mga kabataang gaya ko ang nagtipon sa harap nito. Hindi lang pala ako ang excited masiyado.

"Lahat ng mga gustong kumuha ng pagsusulit ay magtipon, gusto ko na pagpasok niyo sa loob ay maging seryoso kayo dahil hindi lang basta bastang pagsusulit ang kukunin ninyo. Maliwanag ba?" Tanong nito gamit ang malakas na boses upang marinig ng ibang mga nasa likod ang sinasabi nito

"Sa mga hindi nakakakilala sa akin, ako si Ginoong Caro, isa sa mga konseho at ating kaharian. Naatasan akong mangasiwa sa mangayayari ngayong pagsusulit kasama si Binibining Yuna kaya nais kong maging handa ang lahat, ayaw naman siguro ninyong bumagsak sa pagsusulit tama ba?" Napatango naman kaagad kami

Nakita ko ang papalapit na pigura ng isang babae. Kilala ko ito si Binibining Yuna. Nagkita na kami ng nakaraan at gaya ng dati ay wala itong pinagbago, hinarap kami nito ng may matamis na ngiti sa mga labi.

"Magandang umaga sa inyong lahat, handa na ba kayo?"


"Handa na!" Malakas na sigaw naman ng iba medyo natawa ako sa loob loob ko, pano ba naman at naalala ko si Korina Sanchez sa programa nito

Napailing na lamang tuloy ako sa naiisip.



"Mabuti naman kung ganun, sige pumasok na tayo" wika nito

Kaagad na naunang naglakad si Ginoong Caro at Binibining Yuna habang kami naman ay nakasunod lamang. Sa tansya ko ay aabot hanggang sinkwenta at higit pa kaming mga narito para kumuha ng pagsusulit. Halos magulat ako kanina ng magtipon tipon na kami, hindi ko kasi inaasahan na may dadating pa pala hindi kasi ako nag-abalang tumingin sa ibang mga kukuha din ng exam dahil nga parang wala ako sa wisyo kanina.

Nang tuloyan kaming makapasok ay namangha kami sa ganda ng loob ng Kingdom Hall. This time hindi na ako nag-iisa, marami kami ang namangha. Sa linis at ganda ba naman ng loob ay iisipin mo na nasa isang magarang hotel ka.

Natapos ang aming pagkamangha ng narinig naming tumikhim si Ginoong Caro. Bago kami gumayak sa silid kung saan idadaos ang pagsusulit ay ilang minuto muna kaming inorient patungkol sa mga bagay bagay na aming gagawin sa pagsusulit. May written test, combat, physical at Ärm Mastery examinations. Madami dami din, hindi ko sila masisisi kung bakit mataas ang standard nila. Mukhang sinisigurado lang nila na nasa tamang oras na kami para maging isang adventurer. Nabanggit na sa akin ito ni Ruby pero hindi ko pa rin mapigilang kabahan.


Pagkatapos naming iorient ay grinupo kaming mga  magsusulit, lima katao bawat grupo. Batch batch din siya at tatawagin lamang pag natapos na ang naunang grupo pero sa written test examination ay sabay kaming lahat, kinabahan pa ako noong una dahil baka ang history ng mundo ito ang lalabas sa exam yun pala mga bagay lang na talagang angkop gawin sa madaling salita ang purpose lang nung exam ay upang masukat ang kabutihang loob namin.



Pangatlong batch pa ako kaya naman naupo muna ako sa sahig, ramdam ko kaagad ang lamig nito. Hindi ko alam kung malamig nga ba talaga ang sahig o baka naman dahil lamang iyon sa nararamdaman kong kaba kaya ako nakaramdam ng panlalamig. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba dahil hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari sa exam.

"Pangalawang Grupo" pagtawag ng babae sa susunod na grupo kaya naman nagsitayuan naman kaagad ang susunod na grupo at sumunod sa babae.

Nahagip kaagad ng mata ko ang isang babae na parang pamilyar sa akin. Mahaba ang buhok, mapupungay na mata, maganda at matangos na ilong at may mala rosa na labi.

Kylie?



Hindi ako nagkakamali at mas lalong hindi ako namamalikmata. Si Kylie nga ang nakita ko pero paano nangyari yun? Si Kylie nga ba iyon? Anong ginagawa niya dito at paano siya napunta dito?

Imbes tuloy na pakalmahin ko ang sarili ko dahil kami na ang susunod ay gumulo pa ata ang utak ko, hindi ako mapakali at parang gusto kong sumunod pero mukhang hindi ko na ata iyon magagawa dahil pag natapos na ang pagsusulit ng bawat grupo ay pinahihintulotan na ang mga itong umalis.


Gustohin ko mang umalis upang salubongin siya sa  labas ng Kingdom Hall ay hindi ko magagawa dahil wala ng oras at kami na ang susunod, ayaw ko namang biguin sina Ruby at Felix dahil umaasa ang mga ito sa akin na papasa ako though bukas pa naman talaga lalabas ang result.


Napatigil tuloy ako sa aking pag hakbang ng maalala ko ang mga ito lalo na si Ruby na marami ang ipinayo sa akin para dito sa exam. Nanatili ako sa aking kinauupuan at nakuntento na lamang na nakita ko kahit sa itsura man lang si Kylie, gaya ko bumata din eto pero hindi iyon naging dahilan upang hindi ko makilala si Kylie. Sa katunayan ay kabisado ko na ang itsura ni Kylie kaya naman sigurado akong hindi ako namamalikmata lang. Hindi pa malabo ang mga mata ko kaya sigurado ako.

Ilang minuto ang lumipas ay ang grupo ko naman ang tinawag kaya naman tumayo kaagad ako. Tatlo kaming mga lalaki at dalawang babae. Sumunod lamang kami sa babaeng tumawag sa amin hanggang sa pinapasok niya kaming lahat sa isang malawak na silid.

May nagpakilala kaagad sa aming lalaki na siyang magbabantay at magsusuri sa amin sa physical exam. Binigyan kami nito ng instructions tungkol sa mga dapat naming gagawin. May nakita kaming dummy na punching bag sa harap namin at sa ibabaw nun ay makikita ang lumulutang na bagay. Ang bagay na iyon ang sumusukat sa lakas na mailalabas namin. Maari kaming umatake ngunit gamit lamang ang aming lakas, pinahihintulotang sumuntok at sumipa basta't pisikal na lakas lamang ang gagamitin.


Pang lima ako sa aming grupo kaya naman malaya kong nakita ang mga gagawin ng mga kasamahan ko sa aking grupo. Hindi na ako nagulat. Alam kong hindi lang basta basta ang mundong ginagalawan ko, nasa isang misteryoso at puno ng mahika akong mundo kaya naman hindi na bago sa aking ang lakas ng bawat isa, lalo na sa dalawang babae na ka grupo ko. Kung titingnan ay parang ang hinhin ng mga ito pero nasa loob din pala ang kulo, napaka agresibo.

Nang ako na kaagad akong tumayo at humarap sa punching bag at mabilis itong sinuntok ng pagkalakas lakas, nakita kong nanlaki ang mata sa gulat ang mga kasama ko. Umabot lang naman kasi sa pitong daang puntos ang nakuha ko. Maski ako ay nagulat din, hindi ko alam kong paano nangyari iyon pero natutuwa ako at satisfied na rin sa puntos na nakuha ko. Pakiramdam ko tuloy ay mas malakas pa ang kamao ko kay pacquiao.


Nakita kong parang nafreeze sa gulat ang mga kasama ko ganun din si Ginoong Feng na nangangasiwa sa amin, kung hindi pa ako tumikhim ay hindi pa ang mga ito magbabalik sa wisyo.


"Ma—aari na kayong dumeritso sa susunod na silid" utal utal na saad ni ginoong feng na siyang nangangasiwa sa amin


Saktong namang pumasok sa silid namin ang babaeng nagtawag sa amin kanina at gaya ng dati ay sumunod uli kami dito hanggang sa nakapasok kami sa susunod na silid na pagdadausan namin ng exam.

Sunod na exam na kinuha namin ay ang Combat examination. This time ay si Binibining Yuna na ang nangasiwa sa amin. Sa Combat examination ay pinahintulotan kaming gumamit ng isang kahit na anong Ärm na gusto naming gamitin at ipakita ang galing namin sa sa pag-atake. Gaya ng unang exam ay may dummy na naman na kung saan ay siyang gagamitin naming target sa pag-atake. Madali lang naman iyon kaya naman sinunod kaagad naming kinuha ang pinakahuling examination.


Ärm Mastery Examination ang huling exam na kinuha namin at ang mangangasiwa sa amin ay ang konseho ng kaharian na si Ginoong Caro. Gaya ng unang impresyon ko dito ay talagang strikto ito kung titingnan. Pagpasok pa lang namin ay bumungad na kaagad sa amin ang iba't ibang uri ng mga Ärms na nasa iba't ibang istante.


"Sa pagkakataong ito ay dito malalaman kong gaano kayo kamaalam pagdating sa paggamay o pag gamit ng mga Ärms, kung gaano niyo kabilis na mabago ang anyo nito" pauna nitong sinabi sa amin


"Naiintindihan niyo ba ako?"


"Opo" sabay naming wika


"Maari na kayong magsimula" ani nito




Isa isa kaming sinuri hanggang sa ako na ang susunod. Medyo nakaramdam ako ng kaba pero isinawalang bahala ko na lamang iyon kahit na parang nangangatog na ang mga tuhod ko sa kaba. Una kong hinawakan ang singsing na nasa isang estante na nasa loob pa ng maliit na kahon na angkop lamang sa laki nito at mabilis na nilapatan ito ng enerhiya.

Success ako sa unang Ärm, dumeritso kaagad ako sa susunod na estante at bumungad naman kaagad sa akin ang isang kumikinang sa ganda na kwintas, ng lapatan ko ito ng enerhiya ay nagbago kaagad ang anyo nito at naging pana. Success na naman.

Sunod sunod na success, medyo nawala ang kaba ko kahit papano hanggang sa nasa ika pitong estante na ako na siyang pinaka huling estante. Napabuntong hininga pa ako bago ko ito kunin sa isang estante. This time ay isa na naman muling kwentas. Nang lapatan ko ito ng enerhiya ay nagulat na lamang ako ng maging isang malaking lobo ito gayun din ang iba ko pang mga kasamahan.


Isang Guardian Ärm?




Hindi ako nagkakamali, sigurado akong isa itong Guardian Ärm. Sa lahat ng mga kagrupo ko ay ako lamang ang umabot sa ikapito na siyang huling estante ng Ärm kaya naman ganun na lamang ang pagkagulat ng mga ito.






—————————————————————
Vote. Comment. Share.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 59.8K 61
Reincarnated as the Seventh Princess Book 1 (Trilogy) Despite the clichè title, a breath-taking story is yet to unfold, waiting to be told. Not ever...
73.7K 3.9K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
24.6K 1.1K 37
| COMPLETED | | UNEDITED | Ally Cole, an ordinary person, was engrossed in reading an online novel while walking down the street when she was suddenl...