CHAPTER 13
"CARLOS ba't mo ba ako dinala dito?" pareho silang nakaupo sa isang bench habang tanaw ang taal volcano.
Napangiti siya.
Siguro ay ginagawa nila iyon dati. Malakas ang pakiramdam niyang ginagawa nila iyon.
"I don't know, Issa... Walang mang-aabalang press dito. I don't want to drag your name again. Not on tabloids," sinsero ang tono nito ng sabihin iyon. Gusto na talaga niyang maniwalang mabait talaga ito. So he's doing this for old times sake? Probably... Ayaw niyang mag-isip ng masama dahil napakaganda ng sandaling iyon.
"Ginagawa rin ba natin ito dati?" aniyang hindi na mapigilang itanong.
"Nararamdaman mo bang ginawa natin ito noon, ha Issa?" Napatingin ito sa kanya. Ang mga mata'y may kung anong pait.
Tumango siya. Tila naman nakikisabay ang puso niya sa mga sandaling iyon dahil unti-unti iyong tumibok ng mabilis, pagkuway unti-unting nanikip.
Bakit ba ganito nalang lagi ang nararamdaman niya tuwing tinititigan si Carlos? Naikuyom niya ang mga kamay. Nagpigil siyang mahaplos ang mukha ni Carlos, o mahawakan ang mga kamay nito. Baka sakaling may kung anong ala-ala siyang matandaan pag ginawa niya iyon.
"We used to sit at the grass, Issa. Sabay nating pinapanood ang paglabas o minsan ay paglubog ng araw, habang nagkakantahan," mahina lang ang pagkakasabi nito niyon.
Napatitig siya sa payapang lawa saka muling napatitig dito. Bahagya itong napangiti.
Hindi na niya napigilang kunin ang isang kamay ni Carlos. Ginagap niya iyon. Bakit gusto niyang maiyak? Napakaganda ng mga ala-alang iyon pero bakit wala siyang matandaan?
Hinaplos haplos niya ang palad nito baka sakaling may matandaan siya. Hinayaan lang siya nitong gawin iyon. Nagsimulang nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Bakit wala talaga siyang maalala?
"You used to play the guitar, habang kinakantahan mo ako. Didn't you remember that, Issa? "
Napailing siya. Bakit hindi ko maalala?
"If we got nothing else to do, we'd go at the stable. Magpapaligo o magpapakain ng kabayo..."
Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga sa pagkakataong iyon.
"Then we'd talk about anything. You would share about your dreams and your family, same as I to you. Didn't you remember that, Issa?"
Nakagat niya ang pang-ibabang labi sa pagpipigil na mapaluha. Bakit sa lahat ng mga ala-ala ay iyon pa ang kanyang nakalimutan?
"I'm sorry, Carlos..." aniya sa nanginginig na boses. "Wa-la talaga akong maalala..."
Itinaas nito ang kanyang mukha. " It's okay, Issa. It's okay. Hindi mo kailangang maalala sapat na sa'king maramdaman mo ang mga ala ala," Bakit parang namamasa rin ang mga mata nito?
Ganoon pala sila nito ka close pero bakit wala talaga siyang matandaan?
"Halika."
Sabay silang naglakad at pumasok sa isang clubhouse. Doon ay tumambad sa kanya ang isang napakagandang music room. Napapikit siya. This was another thing that was so familiar to her. Nai-imagine na niya ang ginawa nila nito doon.
"Marunong karing tumugtog." Hindi iyon tanong. Pinisil niya ang kamay ni Carlos at binitawan iyon. Hinaplos niya ang isang gitarang nakasabit doon.
" Matagal na akong hindi nakabalik dito, Issa. Simula noong huli tayong tumugtog."
Kung gayun ay madalas sila roon at nagkakantahan? Kinuha niya ang isang gitara at aniabot iyon dito. "Pwede mo ba akong kantahan?" gusto niyang sakaling may magandang maalala sa sandaling marinig niya itong kumanta.
He grinned. "Baka pagsisihan mo kung marinig mo akong kumanta."
Napangiti siya, napailing. "Nararamdaman kong maganda ang boses mo."
Pinisil nito ang kanyang baba. "Ikaw ang gusto kong kumanta. Hindi ako," anito pero nakuhang ring abutin ang gitarang hawak niya. "Kakantahan kita, but only a few lines, Issa."
Puwesto ito sa isang stool at nagsimulang mag strum...Pumaibabaw ang napaka pamilyar na kanta. In fact it was her favorite song. Unti-unting bumagal ang pintig ng kanyang puso nang magsimula itong umawit.
Please don't see, just a boy caught up in dreams and fantasies
Please see me reaching out for someone I can't see
Take my hand let's see where we wake up tomorrow
Best laid plans sometimes are just a one night stand
I'd be damned Cupid's demanding back his arrow
So let's get drunk on our tears and
God, tell us the reason youth is wasted on the young
It's hunting season and the lambs are on the run
Searching for meaning
But are we all lost stars, trying to light up the dark...
Napatingin siya sa ngayon ay pamilyar ng mga mata ni Carlos. Bigla na naman nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Bakit hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman dito ngayon?
Naiiyak siya dahil sa hindi niya maalala ang lahat-lahat.
Sa pagkakataong iyon ay tumigil na si Carlos sa pagkanta. Nagtama ang kanilang mga mata. " Are you okay, Issa?"
Kumurap-kurap siya pilit ikinubli ang kanyang mga luha saka tumango. " Paborito kong kanta ang kinanta mo," she bit her lip.
Ibinalik nito ang gitara at inabot ang kanyang mga kamay pagkuway hinaplos nito ang kanyang mukha. "Nararamdaman mo bang ginagawa rin natin ito noon?"
Tumango siya, ang nangingilid na luha ay tuluyan na nalaglag. Muli ay naninikip ang dibdib niya na hindi niya maintindihan. "Hin-di ko alam... Bakit hindi ko matandaan...?"
"Hindi mo kailangang matandaan, Issa," pinunasan nito ang kanyang mga luha, saka nito hinaplos ang kanyang ulo at basta ay bigla siyang kinabig at niyakap ng mahigpit. Bakit parang miss na miss niya ang lalaking ito? "God, I've missed you, Issa. Sobra."
Ako rin, napaka wirdo kung iisipin. Pero hindi niya nakuhang sabihin. Isiniksik niya ang mukha sa malapad na dibdib ni Carlos. Hindi niya maipaliwag pero may kung anong damdaming lumatay sa kanyang puso para dito na sa tingin niya'y hindi lang pagtinging kaibigan ang naging pagtingin niya rito noon.
Ayaw niyang isipin ang mabigat na paratang ni Carlos sa kanya sa ASC. Ayaw na niyang mag tanong. Ang importante ay alam niyang naging totoong naging magkaibigan sila nito. Gusto niyang isipang tuluyan lang naputol ang komunikasyon nila noon. Na, nabigla lang ito ng hindi niya ito nakilala nang muli silang magkita kaya nito nasabing nanulot siya ng ibang lalaki. That was safe and good to think of. Iyon ang gusto niyang isipin.
Nagpapasalamat siyang dinala siya nito doon.
"I guess we have to go now, Issa. Baka masyado tayong gabihin sa daan," maya-maya ay basag ni Carlos. "Mamaya mo na ulit ako yakapin."
Natatawang humiwalay siya rito, medyo maluwang na ang kanyang dibdib. "I really thought worst about you nang una kitang makita sa ASC alam mo ba?"
"Alam ko. And I'm sorry about what I did there, Issa, really. Medyo masakit lang talaga iyong sampal mo."
Napahagikhik na napatitig siya dito. " Halika na, may rehearsal pa ako bukas ng umaga."
NAKAPAMULSANG nakatayo si Carlos sa poolside ng kanilang mansion habang nakatanaw sa banayad na tubig. Kahahatid lang niya kay Issa sa tinutuluyan nito.
Isang tingin lang sa mga nagniningning na mga mata ni Issa, at nakalimutan na niya ang lahat. Kahit na ang pagdala niya dito sa resthouse nila sa Batangas ay hindi niya maintindihan. Gusto niyang matandaan nito kung paano sila naging masaya at kung paanong pareho nilang naging hingahan ang isat-isa noon. Iyon ang gusto niyang maaalala nito, at hindi ang kahayupang ginawa niya noon dito.
At hindi na niya maikakailang sobra niya itong na-miss. Nami-miss niya ang mga ngiti nito, ang boses nito, ang mga titig nitong nanunuot sa kanyang kaluluwa. Even if she had hurt him so in the past, ay hindi parin niyon naitatanggi ang nararamdaman niya dito.
Mahal na mahal parin niya ito.
Nag-iinit ang mga matang napatingin siya sa itaas. God, what have I done? Paano pag naalala na ni Issa ang lahat at kamuhian siya nito? Gusto sana niya iyong sabihin pero naunahan siya ng takot.
"Carlos, anak?" naramdaman niya ang banayad na pagpisil ng kanyang ina sa kanyang braso. " Mukhang malalim yata ang ini-isip mo, hijo? Babae ba iyan?"
Napalingon siya sa kanyang ina saka masuyo itong inakbayan. "What makes you think that it's a woman, mom?"
"Sino pa ba ang lubhang nakakakilala sayo hijo, kundi ako na ina mo? So tell me, siguro naman ngayon ay may ipapakilala ka ng babae sakin. I'm not getting any younger. Gusto ko naring magkaapo sayo. Halos lahat ng mga kaibigan mo ay may kanya-kanya ng pamilya, ikaw nalang yata ang wala."
Pinisil niya ang balikat ng ina at hinalikan ang noo nito. Ayaw niyang magkomento sa sinabi nito.
" May problema ka ba, anak?"
" Nothing ma, let's get inside."
Nagpasalamat siyang hindi na ito nangulit pa.
PINIKIT ni Issa ang mga mata at nagsimulang mag pluck sa gitarang nakapatong sa kanyang mga hita. Kasalukuyang nasa isang elite resto bar siya ngayon bilang guest, ka-duet niya ang sikat na ballader ng bansa na si Jhon Senyo na siyang nakaupo katabi niya at tumutugtog ng piano. Pumaibabaw ang palakpakan ng mga parokyanong naroon nang magsimula nilang kantahin ang kantang "Somewhere Somehow" na pinasikat ni Michael Smith at Amy Grant.
Standing in our silence
I hear my heart beating
And if only I could choose
I'd stay here with you
But hold me till the train is leaving...
Nang magmulat ng mata si Issa ay ang mga mata ni Carlos ang sinalubong niya. Napangiti siya rito. Tipid rin siya nitong nginitian.
Let me dream of you
But it's true
And wake me up when this is over
Love will be there when this is over...
Ilang gabi ba niyang inaalisa ang nararamdaman niya sa lalaki simula noong dalhin siya nito sa Batangas? Ang napakawirdong damdaming nadiskubre niya—na sobra-sobra niya itong namiss kahit na hindi niya ito matandaan. Na ang pakiramdam na iyon ay nagawa na niyang mapangalanan ngayon? Did such feeling really exist sa kabila ng mga nawala niyang alala? At sino nga ba naman ang hindi ma-i-inlove kay Carlos? He was every woman's dream man. Hindi rin niya masisi ang mga babaeng mahumaling dito, at ngayon ay isa narin siya sa naging biktima nito.
Ngayon lang niya lubos naunawaan ang kakaibang damdaming naramdaman niya nung una niya itong nakita, na gustong-gusto niya tuwing hinahawakan siya nito kahit na ngaba lubos iyong itinatanggi ng utak niya noong nasa ASC sila, na naninikip ang dibdib niya tuwing napagmamasdan niya ang mga mata nito. Sigurado na siya sa nararamdaman niya kay Carlos ngayon, kahit sa napakaiksing panahong nakilala niya ito. Ano nga ba naman ang sukatan ng iksi at haba ng panahon kung ang puso mo naman ang siyang nagdidikta?
This is really weird pero nararamdaman ko sa puso kong mahal ko si Carlos, noon at...
Hindi niya gustong bigyang kahulugan ang masuyong titig ni Carlos sa kanya pero gusto niyang isiping minsang nagkapuwang rin siya sa puso nito.
Natapos ang kanyang kanta. Pumailanlang naman ang mga palakpakan.
Sandali siyang nagsalita sa entablado at nagpasalamat bago nagpaalam sa ilang guest doon at bumaba.
"You still sing the same way before, Issa," ani Carlos nang makababa na siya ng stage. Nagpresenta ito kaninang ihatid siya roon. Hindi niya inakalang mananatili ito roon at hihintayin siyang matapos kumanta. " Ang sarap parin pakinggan ng boses mo."
Pakiramdam niya ay pinamulahan siya sa sinabi nito. "Salamat."
"Tutugtog kapa ba?"
"Hindi na, pauwi na ako."
"Good, ako na ang maghahatid sayo."
Tumikhim siya. " Sigurado ka? Baka may date ka ngayon?"
Pinisil nito ang baba niya. " Ihahatid ba kita rito kung meron?"
Pinilit niyang ngumiti, kahit gusto na niyang maiyak. "Siguraduhin mo lang na walang mangsasabunot sakin."
He chuckled. " Walang mangsasabunot sayo."
"CARLOS? Bakit ka narito?" palabas na sana si Issa sa Crimson Recording nang maabutan niya si Carlos sa lobby. "Anong ginagawa mo rito?"aniyang napalingon sa ilang mga staff na nakatayo sa lobby. Nahiling niya na sana hindi lumabas si Rey sa opisina nito. Hindi pa sila tuluyang nagkaka-ayos nito. Ibinalik niya ang tingin kay Carlos
Nakakalokong ngumiti ito. " Natatakot kaba na magkita kami ng boss mo, Issa?"
Pinaikot niya ang mga mata. " Bakit ka ba nagpunta dito?"
"Nami-miss na kasi kita at yayain sana kitang kumain," inabot nito ang kanyang isang kamay. " Halika na at gutom na ako, kanina pa kita hinihintay."
Napalunok siya sa sinabi nito. Hindi napigilang kiligin.
"May rehearsal pa ako after an hour," aniyang nagpahila naman rito palabas ng gusali. Hindi narin niya inabalang pansinin ang ilang mga matang nakatutok sa kanila.
Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. " Huwag kang mag-alala, Issa. Ihahatid kita rito on time."
Wala na siyang nagawa kundi pumasok sa kotse at sumabay narin dito. Ilang sandali lang ay nakarating na sila sa isang pribadong restaurant at maganang kumain.
"Na mi-miss ko na ang luto mo, Issa," maya-maya ay wika ni Carlos.
Muntik na siyang mabilaukan sa kanyang kinain. "Ano bang gusto mong ulam?" aniya ng makabawi.
"Mahuhulaan mo ba?"
Kunyaring nag-isip siya. " Sa tingin ko mahilig ka sa kung anong ginataan."
Napahalakhak ito habang ngumunguya. Ang sarap tuloy nitong pagmasdan. "Ang galing mong manghula. Gusto kong maniwalang hindi ka talaga nagka-amnesia."
Napahagikhik narin siya. "Sira!"
Hula lang naman niya iyon. Pagnagkataon ay ipagluluto niya ito.