A/N: Another One Shot story :) Sana magustuhan niyo.
Siya yung babaeng palaban pero takot sa clown at sa ipis. Siya rin yung tipo ng babaeng lalaki kung kumilos, boyish kumbaga.
Siya rin yung tipo ng babaeng hindi ka kakausapin pag may kasalanan ka hanggang hindi ka nagsosorry. At higit sa lahat siya yung babaeng hindi mahirap mahalin kasi sobrang lambing.
Ako nga pala si Ford Domingo, 18 years old. Kasama ko sa varsity ng school. Well, ako yung captain. I have girls hovering over me pero iisa lang yung babaeng gustong gusto ko. Si Alexa. Pero dahil galit siya at napakataas ng pride ko para magsorry hinding hindi ako lalapit sa kanya. Pero para malaman niyo pinagsisisihan ko yung araw na'yon. Promise.
That day may game kami kaya nag pa practice kami sa gym. A girl came in tapos naglakad papunta sa gitna. She was wearing our school uniform. Pero hindi siya nakanecktie or ribbon, hindi din siya na kaheels gaya nung iba instead she was wearing a high cut black converse tapos meron siyang suot suot na nerd glasses. Ang baduy grabe.
"Pede makisale?" sabi niya. Hindi ba niya kami kilala? Well, dahil friendly 'tong mga kasama ko, "Sige. Pag nakashoot ka libreng kiss galing kay Ford, gusto mo ba non?" sabi ni Janel. Ang epal talaga netong lalaking 'to eh.
Ayoko nga noh. Ang pangit kaya nung babae, ang kapal ng kilay tapos sabog yung buhok. Nakakadiri. "Sinong Ford? Ayoko. Maglalaro lang naman ako eh. Ganto pustahan nalang 500." sabi niya.
Ano daw? Pustahan?! Teka ang mas nakakagulat hindi niya daw ako kilala?! Kelan ba siya pinanganak kanina?
"Sige, hanap ka ng kakampi mo 3 on 3." sabi naman ni Sam. "Wait pada..eto na pala sila eh. Kuya!" sigaw nung panget na babae. Shit! Si Kristof Matthews tsaka si Leo. Yung dalawang Matthews. Yung mga Legends ng St. James. Teka wag mong sabihing, "Ehh..Kuya mo sila?" tanong ni Janel dun sa babae. She nodded tapos lumapit sa kanya si Kristof,
"Wala ka bang klase bunsoy?" tanong niya dun sa babae. "Wala kuya pustahan daw tayo 500, sige na please para may pambili ako ng bagong album ng Linkin Park. Please." sabi nung babae. "Hoy! Alexa. Oo na tara na." sita ni Leo sa kanya.
We started playing kakaiba yung babaeng yun, ang bilis niya, at alam niyo yung score? 51-49 nanalo sila, pano yung depensa kong si Janel, lamya tinalo pa siya nung babaeng yon. Sayang yung 500 pesos namin. "Thanks. Babye." sabi nung babaeng weird tapos lumabas na siya ng gym, minutes later umalis na din yung mga kuya niya.
Second meeting namin sa cafeteria, well, yung mga kaibigan ko naging tropa na rin niya, ang lupit niya kaya sa basketball. Bakit ko ba siya pinupuri?! Paupo na ko sa table namin non nung biglang *bogsh*
"Punyeta." yun nalang yung nasabi ko. Nagkalat yung inorder ko sa table pati sa damit ko. I immediately took of my polo. Lahat nakatingin samin. "S-Sorry Ford." sabi niya. Punyeta 'tong pangit na to ah. "Clean it up." sabi ko. Tapos biglang may narinig akong nagcomment 'Oh, lumalambot na si Ford?! Sa pangit pa. Haha.' Ewan ko alam kong mali pero nung kukunin niya na yung polo ko
"You stupid b*tch. I'm sick of this. Tumutropa ka sa mga tropa ko para mapalapit sa'kin no?! Ngayon naman binunggo mo ko para mahawakan ako. Ganun ka ba ka desperada ha?!" sigaw ko sa kanya.
She took of her glasses, she was teary eyed ang ganda pala ng mata niya kapag- Ford! Concentrate galit ka sa kanya. "Una sa lahat, sila yung lumapit sakin hindi ako! Pangalawa, hindi kita gusto kasi saksakan ka ng hangin! Feeling mo ang gwapo mo! G*go!" sigaw niya sabay walk out.
Lahat ng tao nakatingin sa kanya hanggang paglabas niya. "Ok guys kumain na kayo ulit! Back to business people."sigaw ni Arvin kasama ko din siya sa team. "Ikaw naman Ford, attention lang pala namin hanap mo, dapat sinabi mo nalang, kesa sinigawan mo pa si Alexa." pang aasar ni Ralph, kasama ko din sa team.
"Magsorry ka dun ha?" sabi ni Sam sakin. "Ayaw."sabi ko sabay walk out sa cafeteria.
The next day hindi namin siya nakita, baka magtatransfer na. Buti nga. Yung mga kuya niya nga seniors na pero hindi na sila pwedeng maglaro eh, nagbabalak magtransfer pero ayaw ng school kasi masyadong magagaling ayaw pakawalan, siya nalang sana yung magtransfer total wala naman siyang pakinabang.
Asa cafeteria kami non nung marinig ko yung mga bulong bulungan 'Nakita niyo yung babae kanina? Ang ganda no?' 'Oo tol. Sexy. Transferee ba yon?' 'Ata ngayon ko lamg nakita yun eh.' 'Ingat kayo tol. Chick ata nung mga Matthews yun eh'
Chicks ni Kristoff, hindi siya nagdedate alam ko eh. Kung si Leo naman pwede pa. Then the Matthews entered the cafeteria may babae silang kasama, maganda siya tapos kulot yung end ng buhok niya, she was wearing a short skirt tapos black stilettos.
"Hoy Domingo, inano mo daw yung kapatid ko?!" sigaw ni Kristof sakin. "Inano ko ba siya eh, pinahiya niya kaya ako." sabi ko. "Inano ka niya Alex."sabi ni Leo dun sa babaeng maganda, everyone kept looking at her. Ang ganda niya kaya.
"He called me a stupid b*tch. Everyone heard it. Di ba Sam?" sabi nung babae. Teka, "Alexa?!" sigaw nila sinabayan ko din sila siyempre "Panget?!"
"Pogi mo ha!" sigaw niya in a jologs manner. Tapos biglang may sumulpot na clown sa pinto ng cafeteria. 'Happy Birthday to you!' sabi nung clown sa isang babaeng nasa table malapit samin. Si Panget naman ayun nag tatakbo palayo, anong problema niya? "Takot siya sa clown." pag e-explain ni Leo.
Grabe ang tanda niya na takot pa rin siya sa clown, tapos pag balik niya humahangos siya tapos umiiyak, "Wag kang umiyak! Nakacontacts ka baliw." paninita sa kanya ni Kristof. "Bakit ba Alex?" tanong ni Leo with matching pakamot kamot pa sa kilay niya. "Uwi*sobs*na*sobs*tayo. May ipis!" sabi niya habang umiiyak pa din. Pati sa ipis?
"Takot ka sa ipis?" bigla kong tanong pero hindi niya ko pinansin. Tablado ako dun ha. Wag kayong magalit sakin. Isa lang ang dahilan ko kung bakit ang rude ko sa mga babae, well, nung bata kasi ako may childhood friend ako, she was cute tapos malambing, we used to play together pero kinailangan naming mag migrate sa States.
So, ayun naiwan ko siya, her name is Sandra. And from that day on, I promised myself na pagbumalik ako siya ang una kong hahanapin at pagnahanap ko siya hinding hindi ko na siya papakawalan pa. Pero until now hindi ko pa siya nahahanap.
"Hey before I forgot, Ford sama ka sakin saglit." sabi ni Leo sakin. "Wag mo namang pagtripan yung kapatid ko. Wag kang mag alala never naman yang magkakagusto sayo eh." sabi niya. "Bakit tibo ba siya?" tanong ko. "Tanga. Hindi. Well ewan. Pero kasi may hang over pa yan sa first love niya. Hanggang ngayon hinihintay niya pa rin yung gagong yon. Nako baka tumandang dalaga yung kapatid ko." sabi niya.
Nakakarelate ako sa kanya, siya naghihintay ako naghahanap. Parang pareho lang yun diba? "Balik na tayo dun." sabi niya. Pagbalik namin sa table, nag ring yung phone ni Alexa. Ni loudspeaker pa para marinig daw nung mga kuya niya.
'Sandra! Hija, were going back na sa Korea, and Hija, I forgot to tell you kanina I bumped into Leigh's mom kanina, coincidence schoolmate pala-' "Mama sure ka?! Schoolmates kami?! Talaga. Mama thank you makikita ko na din siya." sigaw ni Alexa.
Shit hindi kaya siya si Sandra?! 'Oo nak. Sige pala macucut na yung pang call ko. Bantayan mo yang mga kuya mo. I love you anak.' sabi nung mom niya. "Kuya! Hanapin ko muna si Leigh. Maya nalang." sigaw niya sabay labas sa cafeteria.
"When are you planning on telling her?" tanong sakin ni Kristof. 'I dunno.' sagot ko. "Bakit tol? Ikaw ba si Leig- Oo ikaw yun first name mo yun di ba?! Siya ba yung Sandra na tinutukoy mo?!" sigaw ni Janel sa tenga ko. "Aray ko! Oo nga. Paulit ulit?!" sabi ko.
The next day, pumasok ako sa cafeteria, lahat ready na
Balloons (/)
Confettis (/)
Flowers (/)
Guest (/)
The Matthews (/)
Me (/)
Self-Confidence(/)
Background music(/)
Mga tropa (/)
Alexa (X)
Wait for it..
Alexa (/)
Andito na siya, nag putukan lahat ng confettis nagulat siya, halata naman sa mukha niya eh. Yung balloons sabay sabay nag liparan papunta sa kisame. Yung background music tumugtog na, 'Hey there Delilah' si Janel pinapili ko ng tutog eh.
Lumapit ako ng dahan dahan sa kanya.
'Hi.'
ang tagal niya bago sumagot,
'F *ck you!'
sigaw niya what the hell di ba?!
'Bakit?'
'Anong bakit? Ikaw si Leigh!'
'Eh ikaw si Sandra.'
'Ano naman? You called me a stupid b*tch'
'Pwede bang bawiin ko? Sorry na.'
'Mukha mong bawiin.'
'I said I'm sorry. Binabawi ko na you're not stupid, you're not a bitch either, you're the most perfect girl I've ever seen in my life.'
'But-'
'I'm sorry for that. Here.'
Inabot ko sa kanya yung bouquet ng roses.
'You're saying sorry?! Anong nakain mo?'
pang iinsulto niya.
'Hey. I'm lowering my pride here. Ang daming tao o.'
'Nahihiya ka?'
'Oo-este hindi ah.'
'Sus. Lakasan mo nga. Tsaka pwede ba yung mas sincere?'
'Sandra, I'm sorry okay?! I'm sorry for calling you that. I really like you. Will you please go out with me?'
'Ok, but-'
hindi ko na siya pinatapos nakakahiya kaya 'tong mag sosorry ka in public! Pasalamat siya mahal ko siya. So, I kissed her sa lips, paglingon ko sa mga kuya niya nanlilisik yung mga mata, same with the girls na nangangarap magustuhan ko sila. Si Sandra naman ayun, namumula.
Alam kong marami pa akong kakaining bigas bago ako makabawi sa kanya, pero gano man yon karami, I'm willing to eat it all kahit mag ka diabetes pa ko.
A/N: Ang corny alam ko. Pagbigyan niyo lang :) Author's out. Peace Yow <3