Rewrite The Stars

By PlayfulEros

2.7K 1.5K 2

[SMUG Series #2] Theodore King is the only child of a multi-billionaire businessman and is expected to be the... More

Prologue
1st Star
3rd Star
4th Star
5th Star
6th Star
7th Star
8th Star
9th Star
10th Star
11th Star
12th Star
13th Star
14th Star
15th Star

2nd Star

218 148 0
By PlayfulEros

SECOND

Napasilip ulit si Rai sa cellphone niya nang hindi pa rin lumalabas si Levi sa gate.

Bumili pa siya ng isang balut at binasag ang tuktok nito para mahigop niya ang sabaw.


Napakrus na lang ng braso si Rai nang mainip na talaga.


Ano ba naman kasi ‘yung lalaking ‘yun, napakatagal maligo!


“Venus Frias!”


Napalingon si Rai sa tumawag ng pangalan niya at nakita ang kamag-aral na lalaki sa isang subject. Anong subject ko nga ba siya classmate?


“Akala mo papalagpasin kita dahil babae ka, ha?!” Galit na hagis ng lalaki ng isang puting envelope kay Rai kaya nagulat ang dalaga. Kinuha ni Rai ang sobre at binuksan. Suspension letter pala ito.


“Ano namang kinalaman ko sa suspension mo?” tanong ni Rai at inabot ang sobre pabalik sa lalaki.


“Anong kinalaman mo? Huh! Ngayon, hindi mo alam kung anong ginawa mo?” marahas na hablot ng lalaki ng sobre mula sa kamay ni Rai.

“Hindi ba ikaw ang nagsumbong na nangopya ako nung test sa Hydraulics?” mayabang na sabi pa niya kaya napataas ang kilay ni Rai sa narinig.


Anong nagsumbong ang pinagsasabi nito? Eh, wala pa nga yatang isang segundo kung dumapo ang tingin ko sa kaniya at saka siya na nga ‘tong nangopya tapos parang siya pa ‘tong akala mo naagrabyado?!


“Hoy! Kung sino ka mang Pontio Pilato ka, hindi ako ‘yung nagsumbong sayo. Hindi porque kasama ako sa disciplinary squad, ako na ‘yung nagsumbong sayo. At saka ikaw na nga ‘tong nangopya, ikaw pa ‘tong galit? Hindi ka man lang ba nahihiya?” sagot ni Rai sa binata na mas ikinagalit ito kaya susugod na sana ito sa kaniya pero bigla ring natigilan.


Nakita ng lalaki si Levi na biglang sumulpot mula sa likod ni Rai. Hindi na niya napigilan ang sariling lumapit kay Rai nang susugod na sana siya rito kaya buti ay agad na nahawakan ni Levi ang braso niya.


“Ako ang nag-report sayo,” tipid na saad ni Levi at hinarap sa kaniya ang lalaki. Mukhang nagulat ang lalaki nang makita siya at tinanggal na niya ang pagkakahawak sa braso nito bago ito lumayo nang kaunti.


“Mayabang ka porque Del Fierro ka, eh anak ka lang naman sa labas!” dura ng lalaki sa lapag at nilagpasan na si Levi.


Nagulat si Rai sa narinig kaya napalingon siya kay Levi na nakatingin lang nang diretso sa lalaki. Tila hindi ito apektado sa ibinatong paratang sa kaniya.


Anak sa labas? Anak sa labas si Levi?


“Violation ang pagdura sa public spaces within the school premises. Dumiretso ka sa office kung ayaw mong madagdagan ang penalty mo.”


Inis nang naglakad palayo ang lalaki. Humarap naman si Levi kay Rai at kinuha ang mga balut na inubos lang ng dalaga ‘yung sabaw.


“Bili ka nang bili ng balut, hindi mo naman kinakain ‘yung sisiw,” sabi ni Levi at sinubo ang sisiw ng isa sa mga balut na hawak niya.


Hindi naman nakasagot kaagad si Rai dahil nagpo-proseso pa rin sa utak niya ang sinabi ng lalaki na anak sa labas si Levi. Totoo ba iyon? Hindi kasi madaldal si Levi at hindi ito nag-oopen up hangga’t hindi nagtatanong si Rai. Alam ng dalagang wala namang balak si Levi na itago iyon sa kaniya, talagang si Levi lang iyong tipo ng tao na hindi magfi-first move at nag-oopen ng topic.


Nagsimula nang maglakad si Levi habang kumakain ng balut kaya sumunod na rin si Rai. Tahimik silang naglakad papunta sa sasakyan ng binata at tinapon muna ni Levi sa basurahan ang mga shells na nasa plastic saka nag-alcohol ng kamay bago pumasok sa kotse.

Natural na malinis sa lahat si Levi at ayaw nitong nangangamoy ng kung anu-anong pagkain ang loob ng kotse o bahay niya.


“Seatbelt,” ani Levi kaya naalala ni Rai na isuot ang seatbelt nito.


Nakasanayan na rin ni Levi ipaalala kay Rai na magsuot ng seatbelt dahil lagi nga itong nakakalimutan ng dalaga. Nang naka-seatbelt na silang pareho ay nagsimula nang magmaneho si Levi.


Hindi mapakali si Rai dahil ang tahimik. Alam niyang para sa kaniya lang wirdo kasi nga natural na tahimik si Levi kaya malamang ay nagpapasalamat pa ito ngayon na hindi niya ito dinadaldal.

Gusto sanang itanong ni Rai ang tungkol sa sinabi ng lalaki kanina pero pakiramdam niya ay sensitibong paksa iyon para kay kay Levi kaya nanatili na lang siyang tahimik. Tumingin na lang siya sa bintana at pinagmasdan ang bawat bagay na nadadaanan nila. Madilim na at pauwi na rin ang mga tao galing sa mga trabaho nila kaya busy ang mga kalsada ngayon.


“5 years old.”


Napalingon si Rai kay Levi nang bigla itong magsalita.


“5 years old?” tanong ni Rai.


“5 years old ako nang mamatay ang nanay ko,” wika ni Levi na hindi lumilingon kay Rai, patuloy lang siya sa pagmamaneho na medyo ikinabigla ng dalaga.


Magku-kuwento ba siya ng buhay niya?


“Simula noon, kung kani-kanino ako napunta. Pinagpasa-pasahan ako ng mga tao hanggang sa maging palaboy na lang ako sa lansangan. Matagal din akong nabuhay mag-isa sa kalsada sa pamamagitan lang ng panlilimos, pangangalakal ng basura, pagnanakaw at kung anu-ano pa saka ako nahanap ng tatay ko. Pinaayusan niya ako, binigyan ng bahay, mga damit, tagapag-alaga, at pinag-aral. Hindi nagtagal, pinakilala rin niya ako sa anak niya. Isa lang ang anak niya at lalaki rin, mabait siya sa akin at mapagbigay.”


“Alam kong wala ako sa posisyon para maawa kay Lucas pero ramdam kong mas nakakaawa pa siya kaysa sa akin,” saad ni Levi at sandaling bumitaw ang isang kamay sa manibela dahil inabutan sila ng stoplight.

“Bakit ka naman naaawa sa kaniya?" tanong ni Rai, out of curiosity.

“Wala kasi siyang magawa kung ‘di tanggapin ako,” sagot ni Levi na nakapagpahimik kay Rai.


Mahirap nga sa parte ng isang tao na malaman na lang isang araw na may kapatid siya sa labas. Normal na reaksyon ng tao ay aawayin o susungitan ang kapatid niya sa labas, ipaparamdam na hindi niya ito gusto at hindi ito welcome pero sa lagay ni Levi, mukhang iba ang naging reaksyon ng kapatid nito.


“May bumabagabag pa bang tanong tungkol sa akin sa utak mo?” lingon ni Levi kay Rai kaya agad itong umiling-iling.


“A-Ah... wala na.”


Nagulat si Rai nang hindi pa rin lumingon sa harap si Levi kahit nakasagot na siya sa tanong nito. Tinitigan lang siya ni Levi.


“Levi?” tawag ni Rai nang hindi pa rin inalis ni Levi ang tingin nito sa kaniya.


“Ayaw kong naaawa ka sa akin.”


Natigilan si Rai. Normal lang na ganito kaseryoso ang boses at tono ni Levi pero sa pagkakataong ito, parang hindi gusto ni Rai na ganito ito kaseryoso habang nakatingin sa kaniya.


“Hindi ko kailangan ng simpatya ng sinuman. Buong buhay ko puro awa at simpatya ang natatanggap ko mula sa mga tao at hindi naman ‘yon nakatulong sa akin.”


“Kaya huwag kang mailang magtanong kung may gusto kang malaman dahil lang naaawa ka o pakiramdam mo hindi ako komportable pag-usapan ang isang bagay,” diretsong saad ni Levi at nagpatuloy na sa pagmamaneho kaya nakahinga na nang maluwag si Rai.


Napatitig na lang si Rai kay Levi na nagmamaneho dahil bilib pa rin talaga siya sa pagka-straightforward nito. Sinabi ni Levi nang diretso at walang paliguy-ligoy ang gusto niyang sabihin kay Rai.


Napangiti na lang si Rai pagkabalik niya ng tingin sa labas ng bintana.


Iba talaga ang isang Levi Del Fierro.


♤♤♤

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 99K 38
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
200K 7.7K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
29.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
261K 11.2K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.