Obey Him

By JFstories

26.8M 1M 351K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 28

394K 16.3K 8.6K
By JFstories

"WHAT'S WITH THAT LOOK?"


Napangiwi ako nang simangutan niya ako. Mukhang naasar siya sa aking reaksyon.


"Just accept my request and move on." Tumalikod na siya.


Sungit ni Mayor!


"Oy may LQ kayo?" Nang makaakyat na sa second floor si Jackson ay siyang dating naman ni Ate Minda.


"Ate!" saway ko sa kanya. "Baka may makarinig!"


"Ay, secret nga pala." Tinutop niya ang kanyang bibig.


Napailing na lang ako. Hindi ko na talaga mabago ang iniisip niya about sa amin ni Jackson. Siguro saka ko na lang ipapaunawa sa kanya ang totoo. Ang totoo na wala naman talaga kaming relasyon ng sumpungin na iyon.


"Nakasimangot ka, Ganda. So LQ nga?"


Nakatingin pa pala siya sa mukha ko.


"Hay... Hindi ko mapigilang hindi kiligin." Ngumuso siya. "Hindi pa talaga ako makaget over na may something kayo ni Sir. Dati-rati'y baby ka pa, ngayong bebe ka na niya."


"Ate!" Natatawang tinakpan ko ang bibig niya. "Kung ano-anong sinasabi mo diyan!"


"Sus! Kilig ka naman!"


"Huy di ah!"


"E bat namumula ka!"


"Hindi!"


"Anong ikinakaligaya niyo diyan?" Sabay kaming napalingon kay Mrs. Cruz na nakatayo sa gilid namin. Bigla na lang talaga itong sumusulpot.


"Wala po." Sabay pa halos kaming sumagot ni Ate Minda.


"Wala pala e." Tiningnan ako ni Mrs. Cruz. "Sinabi ko na sa 'yong umiwas ka rito kay Minda dahil malandi ito."


"Hala siya! Ni hindi man lang ako hinintay na umalis muna!" Pabulong pero rinig namang sabi ni Ate Minda. "Grabe talaga si Thunders."


"May sinasabi ka, Minda?" Matalim ang mga mata ni Mrs. Cruz na bumaling sa kanya.


Kandailing naman ang babae habang nakabungisngis. "Naku wala, Mrs. Cruz. Di ko po ugaling magparinig promise. Ayoko kasing nakakasakit ng feelings."


Umismid lang ang babae. "Bumalik ka na sa kusina at tumulong ka maghanda ng hapunan!"


Bago umalis si Ate Minda ay pasimple siyang kumindat sa akin. Naiwan kami ni Mrs. Cruz sa sala. Hindi ko alam kung aalis na rin ba ako o mag-i-stay pa kasi hindi niya ako tinatantanan ng tingin. Ano ba kasing problema niya? May times na mabait siya, may times na ganito, parang gusto niyang lununin ako nang buo.


Tumikhim siya. "Anong gusto mong ulam?" malumanay niyang tanong.


"K-kahit ano po..." Nakakailang talaga siya kapag ganitong marahan siyang magsalita. Hindi pa rin ako masanay.


Tumango siya. "Sige. Ipapatawag na lang kita kapag handa na ang hapunan. Magpahinga ka na muna."


"Salamat po."


Nang hapunan na ay hindi na ako bumaba dahil hinatiran na ako ni Ate Minda ng pagkain sa aking kuwarto. Tinamad na rin akong bumaba kasi hindi naghapunan si Jackson. Nawalan na tuloy ako ng gana na maghapunan sa dining table dahil alam ko na mag-isa na naman ako ron. Marami raw kasi itong gagawin, busy, kaya hindi makakababa. Kung anong pinagkaka-busyhan niya, hindi ko alam. Baka trabaho.


Pagkakain ay naligo ako at naupo sa gilid ng kama. Since hindi pa ako gaanong inaantok ay nagselfie ako matapos kong magsuklay ng buhok. Ang background ko ay headboard ng kama. Ipinost ko agad ang picture ko with the caption na : goodnight, world!


Ilang minuto lang ay may anim na akong hearts. Puro hearts talaga. Nangunguna si Ate Minda, sumunod si Hilda, si Bea, si Elvy, at dalawang boys na taga DEMU na di ko alam kung bakit nasa friendlist ko, pero hindi ko naman na pinagkaabalahang i-unfriend. Mayamaya ay may humabol pa na isang nagheart sa photo ko—si Olly.


Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung ano na ang pinagagagawa ni Olly sa buhay niya ngayon pero active taga-heart ko pa rin siya. Minsan din ay nagko-comment pa rin siya at pinupuri ang mga photos ko. Madalas na kasi akong magselfie ngayon, nagaya na ako kay Ate Minda.


Ilang sandali pa ay may mga bagong hearts ulit. Karamihan from boys na taga DEMU, na tulad noong naunang dalawa ay hindi ko rin alam kung paano ko naging FB friends. Siguro nagkaroon ng auto-accept noon just like what Olly explained to me when she made this account.


Patulog na sana ako nang magbeep ulit ang notif ko. May naglike ng picture ko. Like lang. Nakakapanibago kasi usually ay hearts at wow reaction ang nakukuha ko tuwing nagpopost ako ng aking selfie. Mukhang hindi ko yata naplease ang isang ito kaya like lang ang ibinigay niya sa akin. Curious na ichineck ko kung sino


Jackson Cole reacted to your photo


Napakurap ako at agad na iclinick ang profile niya. May profile pic na ang account niya, may cover photo na rin! He's really doing FB now!


Sa profile pic niya ay nakasideview siya. Pixelated. Cropted mula sa mas malaking picture. Kinuha niya lang siguro sa page na nagpost ng photo niya. Sa cover photo naman ay picture ng carpet sa sahig ng study room niya. Napangiwi ako. Mukhang wala siyang magawa kaya kung anu-ano na lang ang isiniset niyang photo sa kanyang account.


Iniscroll ko ang timeline niya. May ilang photos, kagaya ng picture ng hagdan ng mansiyon, picture ng pinto, picture ng tasa ng kape at picture ng ballpen niya na nakapatong sa kanyang mesa. Mukhang nag-e-experiment pa sa pagkuha ng picture ang mayor niyo. Cute!


Nagtipa ako at nagcomment sa bago niyang post na picture. Kuha naman iyon ng kanyang kamay. Mahahaba at perpektong mga daliri, malilinis na kuko at bahagyang balbong kamay. Nagcomment ako doon ng "Wow! Bakit hindi face? This is Facebook you know. 🤪"


Sa huli ay nahiya ako sa comment ko dahil baka maoffend siya. Buburahin ko na sana iyon ng magreply siya.


"Ok. I'll delete it now."


Nanlaki ang mga mata ko. Hala minasama niya?!


Magco-comment back sana ako na nagjo-joke lang naman ako pero wala na iyong photo. Deleted na. Bumagsak ang mga balikat ko. Mukhang naoffend nga talaga si Mayor!


I was about to send him a private message nang maisip ko kung para saan? Hindi ba ako magmumukhang engot kung ipi-PM ko pa siya e nasa iisang bubong lang naman kaming dalawa? Hindi naman 'to textserye e.


Sa huli ay hindi ko na itinuloy ang balak ko na magmessage. Eleven PM nang magbeep ang notif ko. Someone sent me a video. Jackson sent me a video. Nang buksan ko ay ganoon na lang ang gulat ko. The video was a porn! A virus!


Mukhang may naclick na spam si Mayor nang hindi niya nalalaman!


...


"You've sent me a spam."


Napaangat ang mukha niya mula sa cell phone na hawak-hawak. Nakakapanibago talaga siya. Dati-rati'y hindi mo siya makikitang nakatutok sa cell phone, pero ngayon, halos wala na siyang ginawa kundi ang mag cell phone nang magcell phone. Nakakapagwork pa kaya siya nang maayos niyan?


"What?" Nagsalubong ang kilay niya.


Napangiwi ako. Paano ko ba ie-explain?


"What spam?" tanong niya na medyo may pagpa-panic.


Dapat lang naman talaga siyang magpanic. Paano kung pati ibang politiko na nasa friendlist niya ay nasendan niya non? O what if in public niya mismo napost iyon? Baka trending na naman siya. Baka isipin pa ng mga tao na maniac siya.


Tumayo siya at lumapit sa akin. "Show me what kind of spam I've sent you." Seryosong-seryoso siya.


"Uhm, basta spam. Nabura ko na e," pagsisinungaling ko dahil ang awkward naman na ipakita ko pa iyon sa kanya. Ang laswa non at baka kung ano pang isipin niya—


"Show me."


"Nabura ko na nga—" Naagaw niya sa akin ang phone ko.


Tiningnan niya agad iyon. Madali lang niyang makikita ang message niya na nasa inbox ko kaya nakita niya agad ang spam message na galing sa kanya. Kitang-kita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata.


"Did I really send you this?!" Pati ilong niya ay pulang-pula nang tingnan ako.


Marahan akong tumango. "Yup. Alam ko naman na hindi mo sinasadya so it's okay—"


"This is a porn!" gigil na hiyaw niya. Nag-echo ang boses niya sa buong sala.


"Huy!" Napalingon ako sa paligid kasi baka may makarinig.


"Did you watch this?!" gigil pa rin si Mayor.


"Of course not! Why should I?!" pati tuloy ako ay nanggigil na. Sabi na kasing wag niyang tingnan e!


"Damn it." Nagtipa siya sa phone ko and obviously, binubura niya ang mahalay na video. Pulang-pula na pati ang kanyang leeg.


"Akina—" Kukunin ko na sana ang phone ko dahil tapos na siya pero ibinulsa niya iyon.


"I'll buy you a new one."


"Ha? Bakit?"


"Hindi mo na 'to dapat gamitin!"


"Huy! Hindi naman navirus buong CP, e. Saka nabura mo naman na. Ganyan kasi talaga sa FB siguro may naclick ka kaya ka nakapagsend ng ganyan."


"No. I'll buy you a new phone tomorrow," mariin at final na sabi niya sabak lampas sa akin.


Hinabol ko siya hanggang sa hagdan. "Sandali! 'Wag ka ngang OA!" Pinigilan ko siya sa braso. "Iyong CP ko please! May mga nakasave sa docs diyan na need sa thesis ko."


"I said no, Frantiska!"


"Akina sabi!" Sa inis ko ay hindi nag-iisip na dinukot ko ang phone sa bulsa niya. Natigilan din ako nang nasa loob na ang kamay ko.


Ang init ng loob ng bulsa ni Mayor!


"What the fuck?!"


Napaangat ang mukha ko sa kanya. Nanlalaki ang mga mata niya at mas doble na ang kanyang pamumula.


Hinugot ko agad ang kamay ko paalis sa kanyang bulsa. "A-ano ba wag mo nga 'tong k-kuning cell phone ko..." kandautal ako.


"Don't do that again," pantay ang tono na wika niya. Sa iba na siya nakatingin.


"A-ang alin?"


"Go."


"Ha?"


"Go. You have a class today, right?" Hindi na siya makatingin sa akin. "Go now. You'll be late kapag hindi ka pa umalis."


"S-sige... Bye..." Patalikod na ako nang tawagin niya ako. "B-bakit?"


Umalon muna ang kanyang Adam's apple bago siya nakapagsalita. "Ako na ang maghahatid sa 'yo sa university."


Bago pa ako makapagsalita ay nauna na siyang lumabas ng pinto. Sinipulan niya si Kuya Tarek at inihagis nito sa kanya ang susi ng Jaguar. Nang lingunin niya ako ay nakataas ang isa niyang kilay. Sumakay ako sa passenger's seat at nanahimik na lang ng sumakay na rin siya sa aking tabi. Awkward ang buong biyahe hanggang makarating kami sa school.


The whole day in school ay wala akong ginawa kundi sulyapan nang sulyapan ang screen ng phone ko. Walang bago from Jackson. Siguro nahiya na siyang magFacebook since nalaman niyang nasendan niya ako ng spam. Siguro dinamdam niya iyon nang husto. Siya pa naman iyong klase ng tao na masyadong perpekto at hindi sanay na nagkakamali.


Hay, ang lalaking iyon talaga. Kakaiba talaga siya, pero ang cute niya kapag —


"What's with the smile, Miss Justimbaste?"


Napaangat ang tingin ko sa prof na nasa unahan ng klase. 


"You're smiling like crazy, don't you know that?" Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin. At pati ang buong klase ay nasa akin na rin ang buong paningin.


Ako ngumingiti?


"Mukhang masayang-masaya ka at hindi ka na nakikinig sa lesson ko."


Nag-init ang aking mukha ng magtawanan ang mga kaklase ko sa subject. Napayuko ako. "Sorry po, Ma'am..."


"In love 'yan!" tukso ng isa sa mga kaklase ko. Lalong umugong ang tawanan sa room.


Yukong-yuko na ako sa hiya. Ngumingiti ba talaga ako? Pero bakit ako nangingiti? Iniisip ko lang naman si Jackson ah. Natigilan ako bigla. 


"Ma'am, blushing si Justimbaste o!"


Aish! Buwisit!


...


Hindi na talaga nag-active ulit si Mayor. Sayang, may bago pa naman akong selfie post. Inaasahan ko pa naman na ila-like niya iyon.


Balak ko sanang lumabas ng bahay para hulihin sina Ate Minda at Kuya Tarek na madalas nang magtagpo sa garden kapag palubog na ang araw, ang kaso ay maambon sa labas. Pero hindi naman mukhang uulan nang malakas dahil wala namang balita na magkakabagyo. Nahiga na lang ako sa kama at ichineck ang timeline ni Jackson kahit wala namang mga posts na makikita doon.


Huh?! Ang dami niya na agad followers! Nasa 200 na ang nakakaalam na may Facebook na siya. Pero ang friends niya da-dalawa pa rin. Teka? Dalawa? Maliban sa akin, sino pa nga ba ang isa? Hindi ako nagsayang ng sandali at agad iyong ichineck only to find out that it was Valentina Zosia Hynarez.


And when I checked all Jackson past posts, lahat iyon ay may heart from Valentina. Ngayon ko lang napatunayan na totoo pala na pwedeng kumulo ang dugo mo sa loob ng iyong katawan.


...


MAAMBON ulit kinabukasan, pero hindi naman mukhang uulan nang malakas. Tumila ang ambon kagabi at ngayon lang ulit umaga bumalik. Wala namang balita na magkakabagyo kaya hindi na ako magdadala ng payong. Maaga akong bumaba dahil ayokong makita si Jackson ngayon. Hindi ko alam pero naiinis ako sa kanya. Oo alam kong wala akong karapatan na mainis, pero basta naiinis lang talaga ako sa kanya.


Ang galing ni Valentina dahil nalaman nito agad na may FB na si Jackson. At hindi talaga siya nagsayang ng sandali, nagsend agad ng friend reuqest na inaccept naman agad nong isa. Malamang na nasendan niya rin ng spam ang babaeng iyon.


Ano kaya ang reaksyon ni Valentina nang mareceive niya ang sinend ni Jackson na video tungkol sa couple na hataw na nagdu-do sa kotse?


Pumasok din sa isip ko na pwedeng after akong i-add ni Jackson ay sunod niyang in-add si Valentina. Pwede iyon. At mas nakakainis. Okay lang sana kung bukod sa aming dalawa ay may iba pa sa friendlist niya. Ang kaso wala. As in kami lang dalawa. Pinagsabay niya kaming dalawa sa friendlist niya—


"Aga-aga, di maipinta iyang mukha mo? LQ na naman ba?"


Hindi ko man lang napansin si Ate Minda na nasa harapan ko na pala habang may hawak na pamunas.


"Anong LQ ka diyan?" Inirapan ko siya. Walang LQ! Kasi walang L! Bwisit ang mayor na 'yan, hindi naman marunong magFB, nagmamarunong. Kung ano-ano ang isinisend, at kung sino-sino ang ina-add!


Ang tali-talino, pero shunga sa social media. Sana wag na siyang matuto at baka sa susunod, mapabayaan niya na ang trabaho niya dahil adik na siya sa FB. Baka sa susunod, makikita ko na siyang nagsh-share ng memes! Kainis!


"Huy! Lukot na lukot mukha mo, Ganda! Mukhang hindi maganda gising mo, ah!"


Bakit nga ba gigil na gigil ako? Pake ko ba sa Facebook ng mayor ng Quezon City? Ano bang pake ko? Hindi niya naman ako first lady!


"Ganda, okay ka lang ba?" Nag-aalala na ang tono ni Ate Minda.


Pinilit kong kumalma. "Sorry, 'Te. Ang pangit lang kasi ng napanaginipan ko kagabi."


"Tungkol ba saan?"


"Tungkol sa ahas, 'Te."


"Naku, masama 'yan." Tumingin siya sa labas ng bintana ng sala. "Titindi kaya ang ambon?"


"Hindi. Wala namang bagyo. Sige, 'Te, alis na ako."


"O? Aalis ka?" Saka siya napatingin sa suot kong uniform. "Oo nga nakauniform ka! Papasok ka?" Manghang-mangha siya.


Kinunutan ko siya ng noo. "Oo naman, 'Te. May pasok ako, 'Te. Friday palang po."


Kumunot din ang kanyang noo. "Walang pasok all levels ngayong araw."


"Po? Sino may sabi?"


"Inannounce ni Mayor."


"Mayor?" Nanlaki ang mga mata ko.


Nakarinig ako ng tikhim at sa paglingon ko sa hagdan ay nakatayo na ron si Jackson. "Umaambon, baka bumagyo kaya inagahan ko na ang announcement."


Napanganga ako.


"Eat your breakfast at sumunod ka sa studyroom ko pagkatapos. May gagawin tayo."


"A-anong gagawin?"


Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "You will teach me how to use Facebook."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

31.9M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
6.8M 138K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
27.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...