Expat Huntress Series 2: Kinō...

By Juris_Angela

15.7K 477 25

"The moment I felt my heart is beating crazy while I looked at you that day. Alam ko, ikaw na ang gusto kong... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FOUR
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER TEN

CHAPTER NINE

949 38 0
By Juris_Angela

"MAMA, wala bang nai-kuwento sa'yo si Lolo tungkol kay Satomi Yamada?" tanong ni Andie sa ina habang kausap niya ito sa telepono.

"Satomi Yamada? Teka, parang narinig ko na 'yang pangalan na 'yan," sabi nito.

Saglit itong natahimik sa kabilang linya.

"Ano Ma? Naalala mo na?"

Narinig niyang pumalatak ito.

"Hindi pa rin eh. Pero teka, sino ba 'yan sinasabi mong Satomi?"

Kinuwento ni Andie sa ina ang nalaman mula sa nakaraan ng Lolo niya. Maging ito ay nagulat at hindi makapaniwala.

"Hayaan mo, subukan ko siyang usisain."

"Ma, galit pa rin ho ba si Lolo hanggang ngayon?"

Narinig niyang bumuntong-hininga ang ina.

"Ewan ko, pero nitong mga huling araw, matamlay siya. Kita mo sa mata niya na malungkot siya. Kapag ino-open ko ang topic tungkol sa'yo, umiiwas siya. Dinamdam yata ng Lolo mo ang ginawa natin pagtatago sa kanya. Ni ayaw nga kumain eh, ilang araw na. Kung kakain man, konting-konti lang, kaya ayun, laging nakahiga sa kuwarto at nanghihina," sagot nito.

Umahon ang pag-aalala sa kanyang puso para sa Lolo niya. Nang mga sandaling iyon, parang gusto na niyang umuwi. Pero bigla naman naalala ni Andie si Reiji. Simula ng maging opisyal ang relasyon nila, marami na silang plano na gawin habang naroon siya sa Japan. Kung uuwi siya, tiyak na madidismaya ito.

Isang araw na simula ng makabalik silang dalawa ni Reiji sa Tokyo mula sa Kyoto. Tiningnan niya ang larawan ng kanyang Lolo na binigay sa kanya ni Satomi. Umaasa ito na tutuparin niya ang pangako na mahahanap niya ito. Umalis siya ng Kyoto na hindi sinasabi sa Lola ni Reiji na siya ang apo ng taong hinahanap nito. Kahit si Reiji ay wala pa rin alam, naisip ni Andie na gusto muna niyang makausap ang kanyang Lolo bago ipaalam sa mga ito ang totoo.

"Anak,"

"Ma?"

"Hindi ka ba puwedeng umuwi ng mas maaga? Tatapatin na kita, nag-aalala na ako sa Lolo mo. Kaya kung magagawa mong umuwi ng maaga, please, gawin mo."

Napaisip siya. Nagtalo ang kanyang isip at puso. She wants to stay and be with Reiji pero usapan pamilya niya ito. Ayaw dumating ang oras na magkasakit ng tuluyan ang Lolo niya dahil sa sama ng loob sa kanya bago siya kumilos at may gawin.

"Sige po, magpapaalam na ako kay Imee at Reiji."




MATAPOS magpaalam sa pinsan, minabuti ni Andie na kausapin din ng araw na iyon si Reiji. Gustuhin man niyang manatili doon sa Japan ng mas matagal pa pero hindi na puwede. Kailangan siya ng Lolo niya, at iyon ang importante sa ngayon. Sinuksok niyang muli ang dalawang kamay sa bulsa ng suot niyang coat matapos sumulyap sa suot niyang wrist watch. Mag-a-alas onse na ng gabi. Siguradong wala ng customers sa restaurant ni Reiji kaya makakapag-usap sila ng maayos.

Malapit na siya sa restaurant ng mapahinto sa paglalakad matapos makita si Aiko na pumasok doon. Parang may sumipa sa dibdib niya kasunod ng malakas na kabang bumalot sa kanya. Bigla ay natakot siyang ihakbang ang mga paa. Mabilis bumalik sa isip niya ang naging pag-uusap nilang dalawa ni Aiko.

Pumikit si Andie at huminga ng malalim.

"Kailangan mo siyang makausap ngayon. Wala ka ng ibang oras para magpaalam sa kanya," sabi pa niya.

Nang makondisyon ang sarili ay saka pinagpatuloy ni Andie ang paglalakad. Nasa pinto na siya ng restaurant ng muli siyang mapahinto. Mula doon sa kinatatayuan ay nakatalikod sa kanya si Reiji. Nakita niya na umiiyak si Aiko.

"I still love you, Reiji. I never stop loving you."

"I told you to stop saying that! Kung talagang mahal mo ako, bakit mo ako iniwan noon?! Kaya pakiusap, huwag mo na kaming guluhin ni Andie!" pakiusap ng binata.

"Gusto mo talagang malaman ang totoo?"

Mula sa loob ng bag ni Aiko ay nilabas nito ang ilang papel at larawan. Agad nakilala ni Andie ang binigay nito sa binata. Iyon ang medical records at pictures ng babae. Nakita niyang tiningnan ni Reiji ang mga iyon.

"What are these?"

"I left because I was sick. I had Breast Cancer. Napilitan akong talikuran ka dahil sa sakit ko. Pero maniwala ka, I've always wanted to marry you. I'm sorry if I hurt you. I am so sorry if I left you. We can start over again, Reiji. Hindi na kita iiwan."

Mayamaya ay narinig ni Andie na umiyak ang binata. Pagkatapos ay hinawakan nito sa balikat si Aiko.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Why do you have to suffer alone?"

"I'm sorry."

Parang dinurog ang puso ni Andie ng makitang si Reiji mismo ang yumakap sa dating nobya.

"I'm sorry kung wala ako sa tabi mo," narinig niyang sabi nito.

Mabilis umagos ang luha mula sa kanyang mga mata. Parang kahapon lang halos ipagsigawan niya sa buong Japan na sa kanya lang si Reiji, maging ang puso nito. Pero mukhang kailangan na niyang gumising mula sa panaginip. Parang ang bakasyon niyang iyon doon sa Japan. Dumating na ang panahon na kailangan niyang bumalik sa tunay niyang mundo, sa realidad. Kung saan walang Reiji na nag-e-exist. Because all these time, his heart never belongs to her.

Pakiramdam ni Andie ay tuluyan siyang sinaksak sa dibdib ng halikan ito ni Aiko at hindi man lang nilayo ito ng binata. Noon kumawala ang kanina pa niya iniimpit na pag-iyak. Dahilan para makuha niya ang atensiyon ng dalawa. Kitang-kita ni Andie kung paano bumakas ang gulat mula sa mga mata ni Reiji.

"Andie."

Tumalikod na siya bago pa magsalita ang binata. Binilisan niya ang paglalakad para mabilis na makalayo sa lugar. Nagulat pa siya ng biglang may humablot sa braso niya sabay pihit sa kanya paharap. Natigilan si Andie ng bumungad sa harap niya si Reiji.

"Let me explain, please..."

Napahagulgol siya saka sunod-sunod na umiling.

"I should've known better. Na kahit kailan hindi ka magiging akin," sabi niya.

"Iyong mga nakita mo... dala lang iyon ng..."

"Dala ng ano? Pagkabigla? Alin doon? Iyong kusa kang yumakap sa kanya? Iyong wala kang ginawa noong hinalikan ka niya?"

"Andie, aayusin ko 'to!" giit ni Reiji saka hinawakan ang kamay niya.

Malungkot siyang napangiti saka marahan umiling ulit.

"Siguro hanggang dito lang talaga tayo, Reiji. Kahit kailan hindi ko magagawang hawakan ang puso mo, dahil all these years, si Aiko pa rin ang nandiyan."

"Reiji-san!"

Napalingon sila matapos marinig ang malakas na sigaw ng isa sa tauhan ng binata. Mayamaya ay humahangos na lumabas ito at parang natataranta. May sinabi ito sa wikang Japanese at tanging naintindihan lang niya ay ang pangalan ni Aiko. Hahakbang sana ito pero tila nag-alangan pa at muling napalingon sa kanya.

"Sinabi sa akin ni Aiko, noong mag-usap kami na ikaw ang naging dahilan niya para labanan ang sakit niya. Alam ko ng wala akong laban sa kanya. Ayaw kitang pakawalan. Gusto kitang hilahin palayo sa kanya. I want to be selfish and keep you, pero kailangan ka niya. Wala ka noong naghihirap siya, this is your chance now."

"Don't push me away," sabi nito.

"Hindi kita tinutulak palayo. Ginagawa ko lang ang tama," aniya.

"Reiji-san!" tawag ulit ng tauhan nito.

"Sige na, puntahan mo na siya," pagtataboy ni Andie.

Bago ito tuluyan umalis ay muli niyang tinawag ang binata.

"Pakisabi mo pala sa Lola mo. Nakita ko na ang kaibigan niya na si Julio. He is my grandfather."

Malungkot na ngumiti sa kanya ang binata at marahan tumango. Nang bitiwan

ni Reiji ang kamay niya at tumakbo pabalik ay parang tuluyan nabasag ang kanyang puso. She was supposed to walk away, pero nanatili pa rin siyang nakatayo doon ng matagal na sandali. Umaasa na muling lalabas si Reiji para balikan siya. Nagbabaka-sakali pa rin siya hanggang sa huli ay ma-realize nito na kailangan din niya ang binata. Ang pagmamahal nito na nabigay ng bagong kulay sa kanyang mundo.

Sa wakas ay lumabas na si Reiji, ngunit kasama si Aiko at naka-akbay at tila inaalalayan ang babae. Sa huling sandali, Reiji and her eyes met, she smiled at him. A smile full of pain and misery. Pagkatapos ay saka niya nagawang tumalikod at naglakad palayo. At sa bawat hakbang niyang palayo kay Reiji, pakiramdam niya ay parang pinapatay siya unti-unti ng sakit. Ni hindi na niya nagawang sabihin ang tunay na pakay ng pagpunta niya. Pero para saan pa na magpaalam siya? Kung natapos na rin ang lahat sa pagitan nila.




"MA, SI LOLO?" tanong niya npagdating sa bahay nila.

"Nandoon sa likod bahay, ate," sagot ni Makoy.

"Alam ba niyang ngayon ang uwi ko?"

"Sinabi ko kanina, hindi naman nag-react eh. Pero pagkatapos kong sabihin na uuwi ka, mayamaya bumangon na siya at lumabas ng kuwarto," sagot ulit ng kapatid.

Huminga siya ng malalim saka pinakawalan iyon. Inipon ni Andie ang lakas ng loob ang kanyang dibdib. Pagkababa ng bag ay dumiretso siya sa likod-bahay nila. Naabutan niya ang kanyang Lolo na nakaupo sa mahabang kahoy na upuan, sa ilalim ng puno ng chico. Nilapitan niya ito at agad nagmano.

Ngumiti si Andie ng tingnan siya nito. Pinormalan siya ng mukha ng kanyang Lolo, saka agad bumawi ng tingin. Halata na masama pa rin ang loob nito.

"Galit ka pa rin sa akin?"

"Bakit ka umuwi? Hindi ba mas gusto mo doon sa Japan?" nagtatampong tanong nito.

"Lolo, sorry na po," garalgal ang tinig na sabi ni Andie, saka tumabi dito at hinawakan ang kamay ng matanda.

"Simula ng bata ka pa, Andrea. Palagi mo akong sinusunod, alam na alam mo na ayoko ng kahit na anong may kinalaman sa mga Hapon na 'yan. Ang lalong kinasasama ng loob ko, nakuha mong magsinungaling sa akin para lang makapunta ka sa Japan."

"Sorry po," sabi ulit niya saka tuluyan napaiyak.

"Lolo, kailangan kong gawin 'yon eh. Ayoko man, pero napilitan akong gawin, dahil alam ko po na hindi ka papayag na pumunta ako sa Japan. Pumunta ako doon dahil sa trabaho ko. Opportunity ko na 'yon, Lolo. At masaya ako dahil isa ako sa pinagkatiwalaan ng boss ko para sa ganoon kalaking project. Sana po maintindihan n'yo, na hindi ko ginustong magsinungaling sa inyo."

Hindi nakakibo ang Lolo niya. Alam ni Andie na naiintindihan siya nito, pero nauunahan lang ng galit nito sa personal na galit sa mga Japanese. Matapos ng kanyang mga nalaman, gusto niyang makumpirma mismo mula sa abuelo kung tama ba ang hinala niya, na dahil kay Satomi kaya ito galit sa mga Hapon at hindi dahil sa gyera noon.

Mula sa bulsa ng jacket ay nilabas niya ang larawan na binigay sa kanya ng Lola ni Reiji.

"Lolo, natatandaan mo pa po ba ito?" tanong niya saka pinakita iyon sa matanda.

Nakita ni Andie kung paano bumakas ang gulat sa mga mata nito, nanginginig ang mga kamay na kinuha nito ang larawan, pagkatapos ay halos hindi kumurap na tinitigan nito iyon.

"Satomi," bulong nito.

Mayamaya ay tumingin sa kanya ang Lolo niya.

"Paano napunta ito sa iyo?"

Nang marinig ang tanong na iyon, muling bumalik sa kanyang isipan si Reiji. Muli niyang naramdaman ang masakit na pinagdaraanan sa mga sandaling iyon. Ngunit sa kabila ng lahat, nakuha pa rin pabilisin ng imahe ng binata sa isipan ang kanyang puso.

"May kaibigan po ako sa Japan, dinala niya ako sa Kyoto, doon sa hometown niya. Nakilala ko po ang Mama niya, maging ang Lola niya. Nang malaman ng Lola niya na Filipino ako, nakiusap siya sa akin na hanapin ko ang lalaki sa larawan. Sinabi niya sa akin na may pangako daw siya sa taong iyan na babalik para magkasamang muli. Pero hindi na niya nagawang tuparin ang pangako na iyon," kuwento niya.

Nakilala ni Andie ang Lolo niya na matatag ang kalooban. Mabibilang sa limang daliri kung iilang beses lang niya itong nakitang umiyak. Kasama na sa bilang ang sandaling ito. Her heart broke when she saw him shed tears as he looked at the old photo of him and Satomi.

"Lolo, kaya ba kayo galit sa mga Japanese? Dahil kay Satomi Yamada?"

"Maraming Filipino ang naghirap noon gyera dahil sa kanila. Noong mawala ang buong pamilya ko dahil sa kanila, gusto kong patayin lahat ng Hapon na makita ko. Nangako ako noon sa sarili ko, na gagantihan ko sila. Kung paano nila kami pinahirapan noon, ganoon din ang aking gagawin. Pero nakilala ko si Satomi, niligtas niya ang buhay ko. Naging mabait siya sa akin kumpara sa lahat ng Hapon na nakilala ko. Minahal ko siya ng labis, apo. Para sa akin, noon, siya lang ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Nangako siya sa akin na mananatili dito sa Pilipinas para magsama at bumuo ng pamilya."

"Pero kailangan niyang umalis, ang buong akala ko ay babalik siya gaya ng kanyang pangako. Lumipas ang maraming taon, hindi na ako binalikan ni Satomi. Isa iyon sa dahilan kung bakit ako galit sa kanila, dahil umasa ako sa isang pangako. Nagmahal ako ng totoo, pero sa huli, nasaktan lang ako ng labis."

Hiniga ni Andie ang ulo sa balikat ng kanyang Lolo at tahimik na umiyak.

"Gusto ni Satomi na tuparin ang pangako niya sa inyo. Sinabi niya sa akin na hindi siya nakabalik dahil pinakasal siya ng mga magulang sa isang anak ng malapit nitong kaibigan. Lolo, nasaktan din siya sa nangyari."

Bumuntong-hininga si Lolo Julio.

"Nakaraan na iyon. Maraming taon na ang lumipas. Nakilala ko ang Lola mo, at minahal ko rin naman siya. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng mga anak at apo na nagmana sa akin."

Napangiti siya sa kabila ng pagluha.

"Lolo, paano n'yo nagawang malagpasan ang sakit na pinagdaanan n'yo?"

"Hindi ko rin alam, apo. Mahirap makalimot sa sakit na dulot ng minamahal mo, pero hayaan mong maramdaman ang sakit na iyan. Dahil iyon ang magpapatibay sa'yo."

Napatuwid siya ng upo saka tumingin sa matanda. Ngumiti ito.

"Mahal mo ba siya?"

"Alam n'yo po?"

Marahan itong natawa.

"Matanda lang ako, Andrea. Tuhod at balakang lang ang sumasakit sa akin pero malinaw pa ang pandinig at isipan ko. Narinig ko ang Mama at Papa mo na nag-uusap tungkol sa iyo at sa binanggit nilang Reiji Yamada. Kaya nga tinatanong kita, mahal mo ba siya?"

"Opo," pag-amin niya.

"Apo siya ni Satomi?"

Marahan tumango si Andie.

"Kung ganoon, nasaan siya ngayon?"

Hindi siya nakasagot sa halip ay hindi napigilan ni Andie ang mapaiyak.

"Kung siya ang dahilan ng pagluha mo. Mas mabuti pang huwag na siyang magpakita dito. Baka kung anong magawa ko sa kanya. Anong karapatan niyang saktan at paiyakin ang apo ko?" galit na sabi nito. Nagawa pa niyang matawa sa sinabi ng Lolo niya. Pero ng yakapin siya nito ay lalo siyang napaiyak. Wala na siyang narinig mula sa kanyang abuelo. Naramdaman na lang niya ang marahan tapik nito sa kanyang kamay. At sapat na lahat ng iyon para iparamdam nito sa kanya na balang-araw, magiging maayos din ang lahat. Na isang araw, mawawala rin ang sakit at muli siyang makakahanap ng dahilan para ngumiti at umusad sa buhay.


Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 19.2K 41
Dice and Madisson
30.3K 1.3K 54
(PHR Novel of the Year 2018) "She was a song, a beautiful song that I never wanted to end. And I wanted to become her melody, so I could be a part of...
16.2K 416 21
A best friends turns lovers story. <UNEDITED>
42.2K 913 11
Naghiwalay sila na may sama ng loob sa isa't-isa. Pagkatapos ng maraming taon ng pagiging estranghero sa isa't-isa ay nagbabalik si Nav sa buhay niya...