Stuck Forever with You (Stuck...

By NerdyIrel

16.3M 184K 62.6K

Meet Kathryn Bernado. Contented na siya sa buhay niya dahil for her, everything's more than perfect na. She's... More

Stuck in the Moment (book 1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Epilogue
Author's Note

Chapter 9

327K 3.4K 526
By NerdyIrel

Yung abangan sa #PrincessandI sobrang kakilig. Dance ng MiGi!! Shems! amoy na amoy ko talaga ang endgame sila! =)

------------------------------------------------------------------------


Chapter 9



Daniel’s POV

“DJ, yung totoo. Napapagod ka na bang maging girlfriend ako? Napapagod ka na bang maging Taken? Napapagod ka na bang sabihin lahat sakin?”

Medyo nagulat pa ko kasi ang calm nung pagkakatanong.

Kahit rinig ko yung inis at bwisit sakin, alam ko rin na pilit niyang pinipigilan yung sarili niyang magalit ng todo sakin.

“Kath, hindi. Alam mo yan. Kung napapagod ako, eh di sana hindi na tayo tumagal ng ganito. Kaya nga suot mo yang promise ring. It’s a symbol to remind you of what I’ve said. Diba nga nag-promise ako sayo? Na hindi ako magsasawa.”

Nakatitig lang siya sakin but I can see in her eyes na naniwala naman siya.

But still, there is something pa rin kaya hindi pa siya nangiti.

“Sige, sabihin na nating hindi ka nagsasawa. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo magawa-gawang masabi sakin yung mga maliliit na bagay katulad dun sa bum contract mo. Bakit? Sa tingin mo, pipigilan kita kapag sinabi mo sakin? Gosh, DJ. Ayokong magalit sayo but you’re giving me reason to. Now, explain to me kung bakit hindi mo nasabi? Bakit mo nilihim? At kung hindi pa ko nagayus nun, wala kang balak sabihin sakin”

I sighed.

Ang shunga ko kasi eh!

Sana ni-lock ko yun sa vault ko. (-_-)

“Baby, hindi ko yun nililihim sayo. Okay, erase that. Oo, nilihim ko pero may balak naman akong sabihin sayo eh”

“Are you trying to make fun of me? Ang gulo mo! Daniel, kung ang facebook, tumblr at youtube nga may SHARE, bakit ikaw wala? Bakit sayo hindi uso yun? Ano ba DJ! Don’t test my patience! Kelan mo sasabihin yung tungkol sa contract? Kapag maputi na buhok ko??”

Tsk.

Nasira mga plano ko eh!

Pero kung hindi ko sasabihin kay Kathryn lahat ng yun, siya ang mawawala sakin.

“Tss. Okay fine! Ginusto mong malaman ito….Kath, hindi ko sinabi dahil may plano akong surpresahin ka. Balak kong magphotoshoot without telling you. Tapos kapag may billboard na ko, which is for sure magkakaroon, ipapakita ko sayo yun….Kaso nakita mo yung contact papers. Naging dahilan pa yun para mainis ka sakin. Kaya sorry. Yaan mo, hindi na kita isu-surprise ulit”

Iba na yung titig sakin ni Kathryn ngayon.

Halatang nagulat siya at speechless.

I just sighed tapos lumapit na ko sa kanya at niyakap siya.

“Babe, wag ka na magtampo. I’m really sorry. Bakit ba sa tuwing nagkakaroon tayo ng time sa isa’t-isa, yun pa yung mga oras na nagaaway tayo? Ayoko nito, itigil na natin please Kath. Parehas lang natin sinasaktan yung isa’t-isa. At dahil yun sa kulang tayo sa tiwala. Promise ko sayo, I’ll try to stop na maging sobrang seloso. I’ll talk to you first before accusing you”

“Daniel, I’m so sorry din. Tsk, ang shunga ko! Nagalit din ako sayo kaagad. At ang worst pa, na-cancelled tuloy yung surprise mo sakin. And I also promise na I’ll do the same. I’ll have trust on you. Promise”

Hinawakan ko yung mukha niya sabay hinalikan ko yung noo niya.

“This would be our last fight, okay?”

Tumungo siya then she hugged me back. “I promise”

Tinitigan ko muna siya before sighing.

Ito na naman kami, maghihiwalay.

Ang pinakamasaklap na oras ng buhay namin.

May pasok pa nga pala kasi siya…

Holding hands while walking na lang muna…Hehehe.

“Kath, anong oras ka uuwi?”


“Hmm? Di ko alam”


“May time ka ba mamaya?”


“Bakit mo naman naitanong DJ?”



“Tara, pakasal tayo”

Bigla siyang parang nabulunan tapos tumawa.

“Lakas ng trip mo sa buhay ngayon ah! hahahaha”

Natawa rin ako tapos napangiti.

Nakakatuwa lang malaman na may impact pa rin sa kanya yung mga banat ko.

I mean, atleast di pa rin expired ang pagpapakilig ko sa kanya.

^_^

“So ano nga? Busy ka bave?” Tanong ko. SERYOSONG usapan na ito! Promise!



“ Until 1 ang pasok ko tapos kakausapin pa daw ako ni Dean saglit. And may sched ako sa library. Super kailangan kong pumunta dun so medyo busy. Mga four na siguro ako makakauwi. Oops, nakalimutan ko pang may training kami ng 3-5 sa volleyball. Alam mo na, malapit na ang ball games. Kailangan na yun….Hay. Sakit sa katawan nito promise. Eh ikaw? Anong sched mo?”

>=/

Nakaka-BV naman oh! Wala na naman kaming time ni kath!

Hay…ang hirap maging estudyante!

Pag ako talaga naging president nitong school na ito,

“Until 3 ang klase ko then diretso pangchi-chicks”

Bigla siyang tumigil sa paglalakad at tinignan ako ng masama. “Ano yung narinig ko? Ulitin mo nga?”


“Linis linis din kasi ng tenga ng makarinig ng maayos”



“Pasalamat ka kakapromise ko lang na magtitiwala na ko sayo, kundi naupakan na naman kita”


“Haha amazona ka talaga strawberrybunch. Hehe. I’m just joking around”


“So ano nga?” Tanong niya ulit nung naglalakad na kami. Maaga pa kasi kami ng ten minutes.

“Practice sa banda ng school from 3:30-5. Then basketball practice ng 5-7”


“Hmmph. Gagabihin ka yata. Baka magkasakit ka niyan, hindi ba pwedeng until 5 na lang tapos bukas na yung sa basketball mo?”


“Kathryn baby ko, kaya ko naman sarili ko. Ikaw ang dapat hindi sunod-sunod ang sched”


“Kailangan eh. After foundation week, tapos na rin naman lahat”


“Ganun din naman ako” Sabi ko.



Nagkasabay pa kaming mag-sigh ni Kathryn.

Eh kung kausapin ko kaya si coach para hindi sila mag-practice?

Pati yung akin?

Kaso I’m sure, maiinis sakin si Kathryn.

Ayaw niyang ginagawa ko yun.

Masasanay na naman daw kasi ako.

(-_-)

“Hi Daniel!”

“You’re so pogi talaga!”

“Pa-kiss naman please!”

“I LOVE YOU!!”

“Huy magsitigil nga kayo, nandiyan si Kathryn oh”

“Tama, mahiya naman kayo”

“Hi Kathryn! Akin na lang si Daniel saglit!”

Natawa lang si Kath tapos naglakad na ulit kami.

Tignan mo ito, sanay na sanay na talaga sa mga FANS ko.

Hindi man lang nagselos, pero hindi ko naman kasi in-entertain yung mga babae kaya walang reason para magselos siya.

HAHAHA. Natatawa ako sa sarili ko.

Bakit ba parang gusto kong magselos si kath? Haha. Baliw lang!

Syempre ayoko nun! Ayoko ng may pinagaawayan kami.

Pagdating sa labas ng room niya, nag-stop na kami tapos humarap na siya sakin para magsalita pero inunahan ko siya.

“Mamayang lunch sabay tayo ha”

She slightly frowned. “Paano mo nalaman na maglalunch ako dito?”


“Office” Sabay ngumiti ako dun.

Pag sinabi kasing office, yun yung dating gawain ko.

Remember nung magkaaway pa kami?

Dun sa records sa office ko nakuha yung WHOLE name niya, address, CELLPHONE NUMBER pati schedule. So ganun ulit yung ginawa ko ^_^

Nalaman kong until 12 lang siya Monday, Tuesday, Wednesday and Friday.

Every Thursday at Saturday lang ang until 1 ang uwian niya. Friday kasi ngayon eh…

“Baliw ka talaga DJ. Oh sige, sige. Kita na lang tayo sa canteen”


“Ayaw mong kumain sa labas?”


“Ayoko. Ayoko nang lumayo”


“Fine, sige na. Pasok ka na sa room mo. Baka ma-late ka pa”


“Okay sige, bye. Love you”

“Love you too Kath” Ngumiti na lang ako sa kanya and kissed her cheek goodbye.

Kathryn’s POV

*Lunch*

I’m on my way to canteen  nung biglang may sumabunot sakin.

“A-aray!!” Pilit kong tinatanggal yung kamay nung babae dahil matatanggal na yung anit ko sa sobrang pagsabunot niya.

Di ko makita yung mukha niya dahil natatakpan na ng magulong mukha ko.

TT_TT

ANG SAKIT!! ANG PUTEK!!!

“Takte! Bitawan mo nga ako!! Ang sakit na!!!” Sigaw ko.

Ano bang mundo ito?

Wala man lang bang ibang students dito na pipigil sa kanya?

Wala man lang bang guards? Teachers?

Nasaan na ang lahat?

“I HATE YOU SO MUCH!!!” Sigaw niya sakin.

Alam kong familiar yung boses niya pero I still can’t identify kung sino man yun.

At kung sino man siya, lamunin na sana siya ng lupa!

Mukha naman siguro siyang lupa eh! MAGSAMA sila dun!

Naiyak na ko sa sakit ng pagkakasabunot niya.

ASDFGHJKL!

Malaman ko lang talaga kung sino siya, papatayin ko ito!

“KATH? Ay! pu-----Bitawan mo nga girlfriend ko!!!” Rinig kong  sabi ni Daniel.

Maya-maya, nahila niya na rin ako palayo dun sa babaeng mahaderang yun.

Niyakap ako ni DJ tapos ako naman, iyak ng iyak.

Nagulat kasi ako.

May hindi nga ako naka-ganti dahil sobrang nagulat ako.

“Okay ka lang?” Tanong sakin ni Daniel.

Hindi na lang ako sumagot.

Binaon ko na lang yung mukha ko sa neck niya.

>_<

Ang sakit ng ulo ko!

Inayos ko yung buhok ko tapos tinignan ko yung babae.

Halatang galit na galit siya…..TEKA LANG!

O_O

B-bianca?

Bakit?

Anong ginawa ko sa kanya?

Bea: “Letse ka!”


Julia: “How dare you!”


Zharm: “Bitch please”


Jake: “Sira ulo ka rin noh?”


Diego: “Suntukan na lang sana”


Albie: “Baka mas natuwa pa kami”

Nagulat ako dahil for the first time since 3 months ago, nabuo ulit ang barkada.

Magkakasama ulit kami.

Ang masaklap, dahil sa nangyare pa sakin kaya kami nabuo ulit.

“Bianca, lumayas ka nga sa harapan ko. Onti na lang, uumbagin na talaga kita” Tinitigan ko bigla si Daniel. Mukha siyang galit na galit.

I understand him.

Lalake kasi siya.

Never pa siyang nanakit ng babae.

Hanggang salita lang siya pero the way he looks right now, mukhang pinipigilan lang niya sarili niya.

Niyakap ko na lang ng mahigpit si DJ para maisip niya na ako na lang unahin niya bago siya magalit dun.

Ngayon ko lang din napansin na ang daming tao dito ngayon.

>=/

Mga walang hiya ito!

Hindi man lang tumulong!

Ano sila?

Nganga Mode habang nakikita nila akong nahihirapan?

“Bakit ako aalis dito Daniel? Napaka-unfair niyo! LAHAT KAYO!” Sigaw ni Bianca.

“Ano bang sinasabi mo? Ano bang ginawa namin sayo?” Tanong ko.

Sobrang nababaliw na ko!

Gusto ko ng pumunta sa Mental Hospital!

Litong-lito na ko!!

Sinabunutan niya ko bigla tapos sinabihan pa kong unfair!

Nakakabanas na!

“You seriously don’t know? Oh come on! Don’t pretend as if you’re so innocent. For all I know, inutusan mo si DJ na patanggal ako sa School News Paper Organization para ikaw na yung maging president dun! Putek! Ma-karma ka sana Kathryn! Napakasama mo! Daig mo pa demonyo!”

I looked at Daniel with questions in my eyes.

Ang sakit nung mga sinabi sakin ni Bianca!

At ang mas masakit, sinabihan niya ko ng mga ganun kahit wala akong kaalam-alam.

“Ano bang sinasabi niya?” Bulong ko kay DJ.

Tumingin lang siya sakin tapos kumunot na yung noo niya kay Bianca.

“Bianca, lumayas ka na sabi. Please lang”


“Talaga! AALIS NA KO SA WALANG KWENTANG SCHOOL NA ITO! DUN AKO SA AMU! Atleast dun, lahat FAIR!”

Tongek! Anong fair?

Parang PU rin kaya yun!

Ang mga sikat, prioridad.

Ang mga nerds, di pinapansin.

Ang mga panget, nilalait ng mean girls.

Hell kaya life ko dun!

Nag-walk out si Bianca tapos ako, hindi ko pa rin inaalis tingin ko kay DJ.

Bea: “Lakas ng loob makasigaw”


Zharm: “Dinaig pa palengkera sa palengke”


Julia: “Eh di dun siya sa AMU! Bagay sila, parehas patapon. Hehehe joke”


Jake:  “Ano bang ginawa niyo dun at nagalit yun?”


Albie: “Kaya nga. Ano DJ? Gusto mo resbakan na namin yun?”


Diego: “Abangan sa tapat ng bahay nila? Sabihin mo lang ang go signal”

Napangiti lang si DJ pero sumeryoso rin.

“Wala” Sagot niya. “Tara guys, kain na tayo. Kath, okay ka na ba? Ha?”

Hinimay niya ulo ko at lahat sila, hinihintay sagot ko.

Diego: “Huy kathryn! Bilis! Sagot na! Mamamatay na ko sa gutom oh!! Ahh-----”

Tapos bigla siyang umacting as if namamatay na nga siya.

(-_-)

Wala pa rin kakupas-kupas kabaliwan nitong lokong ito.

“Oo, okay na ko” Sagot ko kahit alam kong hindi pa rin talaga ako okay.

I’m really confused and irritated.

And worst, masakit talaga yung ulo ko.

Tsss…

Kaya siguro ako kakausapin ni Dean mamaya, wala na kasi si Bianca.

May something talaga na alam ni DJ na hindi ko alam.

And I’m not giving up until sabihin niya sakin yun.

Hindi ako papayag na maglilihim na ulit siya.

Abay, kakapromise niya lang sakin ah!

Diego: “Yun naman pala eh! Tara na!! Whooh! Libre daw ni Albie! May allowance eh!”


Natawa na lang ako dahil napaka-kulit talaga ni Diegs ngayon.

Lakas ng tama!

Umupo kami dun sa usual seat namin everytime nagkakasabay kaming lahat mag-lunch.

Julia: “Guys, bili lang kami. Ano sa inyo?”


Zharm: “Sama na ko. Mamimili na lang ako dun”


Bea: “Ako din”


Diego: “Alam niyo? Lahat tayo pumunta na lang dun?”


Jake: “Paano yung upuan natin?”


Albie: “Baka may kumuha”

Sabay-sabay silang tumingin saming dalawa ni DJ.

(-_-)

I get it.

Gusto nilang kami maiwan dito.

Well, gusto ko rin naman.

“Ah sige, bilhan mo na lang ako sis ng adobong manok. I’m sure meron yan diyan. Ikaw Daniel?” Tanong ko.

“Ganun na rin. Iced tea lang drinks namin”

Bubunot na sana si DJ ng pera pero pinigilan agad siya ni Albie.

“Dre, buong buhay mo, naging obligasyon mong ilibre kami. It’s my time to shine naman! Ako na manlilibre!” Sabay nagtaas-angat yung kilay ni Albie. First time yan ah!

“Sabi mo eh, bahala ka. Hahaha sige pare, thanks” Sabi ni DJ tapos lahat sila tumakbo na.

Mga gutom na yata…^_^

Pinapanuod ko lang magkulitan yung mga yun nung naramdaman kong pinaglalaruan ni DJ yung kamay ko.

Tumingin ako sa kanya at naalala kong may dapat akong sabihin sa kanya.

“Daniel anong ginawa mo?”


“Hmmm? Anong ginawa?”


“Wag mo ngang sagutin ang tanong sa isa pang tanong. Alam mo kung ano ang pinaguusapan natin”


“Alam ko?”

(-_-)

“DJ, ayokong magaway tayo at kakapromise lang natin sa isa’t-isa na walang lihiman. Sana naman may isang salita ka. Ngayon, tatanungin kita ng isa pang beses. Anong ginawa mo kay Bianca? Bakit siya nagalit sakin?”

 


Nakayuko pa rin siya then I heard him sigh. He looked up to meet my eyes.

“Pinatanggal ko siya as the president of SNPO” 

(In case you don’t know what SNPO means, it stands for Student News Paper Org)

“What? At bakit? DJ naman! Sino na president namin ngayon? Ugh”


“Kath, I’m sorry. Nabwi-bwisit kasi talaga ako sa kanya. I mean, kung di dahil sa kanya, eh di sana nakalabas ka ng maaga. Sana hindi tayo nagaway”


“DJ, mali pa rin ang ginawa mo! Wag mong isisi ang nangyare satin sa iba. Tsk”


“Kaya nga sorry eh. Ibabalik ko naman sana siya kaso sinabunutan ka na niya”

Hay nakow.

Kaya dumadami kaaway ko eh.

“Eh kay dom? Anong ginawa mo?”


“Dom?”


“Yung totoo Daniel? Pinagti-tripan mo ba ko?”


“Sino bang Dom? Yung lalakeng pinayungan ka at binugbog ko?”


“Oo. Yun nga”


“Isu-suspend ko sana siya kaso….”

ANO BA YAN! Tumigil pa siya sa pagsasalita!

Grrr! Ano ito? Para may Thrill?

Daig niya pa yung cliffhanger.

 



“Kaso?”


“Kaso nalaman kong nag-migrate na yung family niya sa America”

I stared at him for a moment.

Bakit ba halos lahat ng mga kilala ko pumupunta sa US?

Yung totoo? Anong meron dun at sa lahat ng lugar, dun talaga?

I felt bad for Dom.

Grabe, hindi man lang ako nakapagsorry.

Hay…

“You looked sad Kath” DJ murmured.

“Wala lang ako sa mood. Sakit pa kasi nung pagkakasabunot ni Bianca sakin”

Okay, that was half-lie.

Syempre ayokong sabihin kay Daniel na si Dom yung naisip ko.

For sure, todo selos na naman yan.

Oo, walang lihiman but there are some things that are better to stay hidden.

“Ito na ang food!!!” Sigaw nung mga loko.

Ngumiti na ko dahil sobrang na-miss ko sila.

It felt like damn not hanging out with your friends.

*After thirty minutes*

Maya-maya, pupunta na ko kay Dean.

May pasok na rin yung iba samin.

Sila Diegs, Albie at Jake kasama rin ni DJ sa banda at basketball practice.

Si Zharm naman may klase pa.

Si Julia ganun din.

i Bea, shopping with her mom daw.

Kaya ito kami ngayon, sinusulit na ang kwentuhan.

Para nga kaming palengke na sabay-sabay nagsasalita pero ang nakakatuwa, naiintindihan naming lahat ang isa’t-isa.

It’s called Talent.

Barkada lang yata namin nakakagawa nun. ^_^

Zharm: “Tsupe!”


Julia: “Dun muna kayo!”


Bea: “Maya-maya na kayo balik. After 15 minutes”

Tapos tinutulak nila yung mga boys.

Sila Diego naman tawanan ng tawanan.

0_o

Ano meron?

Si DJ, kahit tinutulak, hindi pa rin binitawan kamay ko.

Zharm: “Ang kontrabida mo talaga!”


Julia: “Wag kang KJ DJ! Haha”


Bea: “Ibabalik naman namin sayo si kath, dun ka muna”

Natawa ako dun tapos tumango na ko kay Daniel.

Kahit parang ayaw ni DJ, binitawan niya na rin kamay ko sabay tumawa.

Hinila na nung mga lalake si baby ko then naiwan kaming apat dito.

Zharm: “Okay, so here’s the deal. Super tagal na nating hindi naguusap-usap and gusto ko na talagang malaman lahat!! Hehehe”


Bea: “Ano ba gusto mo malaman?”


Zharm: “Seriously? Ano ng relationship stage niyo with your boyfriend right now?”

She looks really excited.

But wait, ano daw? Relationship ano?

Stage? May stages pala yun?

Bakit hindi ko alam yun.

Julia: “Stage 3 pero nagkakabati rin naman kami kaagad”


Bea: “Stage 4”


Julia and Zharm: “WOW! Galing niyo Bea! Grabe!”

OP na OP na ko dito!

>_<

“Uhmmm can someone tell me kung anong stages yan? Sorry na ah! Galing bundok ako eh”

Natawa yung tatlo tapos nagseryoso din bigla.

Zharm: “Okay ganito kasi yan Kathryn. May stages ang relationships. Lahat tayo naka-one year na with our boyfriends”


Me: “So ano nga yung mga stages?”


Bea: “Stage 1, ito yung stage na flirting kayo. Ligawan stage. Obviously hindi kayo ganyan ni DJ”


Me: “Stage 2?”


Julia: “Yan yung stage na getting-to-know-each-other stage. Kayo na at kinikilala niyo pa sarili niyo. Syempre hindi kami maniniwala na ganyan kayo. Aba! Naka one year na kayo noh! Hindi pwedeng hindi niyo pa kilala isa’t-isa”


Me: “Tama ka sis. So Stage 3?”



Zharm: “The hardest stage in a relationship. More fights, more tampuhan. Yung tipong laging trending sa inyo ang misunderstandings. Minsan daw nagkakasawaan na kapag ganun. Minsan naman, sadyang nagtatalo lang dahil sa things like lihiman….Kapag nalagpasan niyo yan, yun yung Stage 4. Yung tipong enjoy na kayo sa isa’t-isa at hindi na kayo nagaaway. Kung nagaaway man, once a month  na lang. Yan kasi yung pinakamagandang stage aside from stage 1. Kasi yung last stage, alam niyo na na kayo na forever. Compatible and comfortable with each other”

“Uhmmm…I guess we’re stage 3 right now”

They all looked surprised sa sinabi ko.

Julia: “Bakit?”


Bea: “Sa ating lahat, we’re not expecting that”


Zharm: “Tama! Kasi simula nung nangyare yung accident, grabe na kayong dalawa. Hindi mapaghiwalay”

“Nag-college na tayo eh. Madaming nagbago. Less time….less communication. Sobrang nagaaway na kami dahil sa onting bagay, tampo agad kami. Selos agad. Muntik na nga kaming magbreak kahapon. Nagaway pa kami kaninang umaga”

Julia: “Ano ba yan sis!”


Bea: “Hoy Kath, ayaw namin kayong magbreak ah!”


Zharm: “Together Forever nga motto ng barkada! Always remember that! Sa future, lahat tayo magpapakasal sa mga boyfriends nating ngayon. That’s a promise diba?”

“Oo nga kaya nga nagusap na kami ni DJ kaninang umaga. Tiwala kasi nawawala eh”

Julia: “Well, we’re glad to know. Anyway, ikaw zharm? Stage??”


Zharm: “4. Super fit in na talaga kami ni Diego. Nakakatawa nga eh. Minsan kami pa naghahanap ng pagaawayan namin kaso tinatawanan lang namin yung mga dapat pagawayan”

Wow….

Nakakainggit naman sila.

I hope ganyan na kami ni Daniel.

Bea: “Well, anong stage niyo na when it comes to kissing?”

Tapos parang kinilig pa siya, kaming tatlo lang naman nila Zharm at Julia natawa.

Bea: “Bakit? Anong nakakatawa?”

Zharm: “Is there such a thing as kissing stages?”


Julia: “Ha-ha. That’s really funny. It’s our first time to hear that kind of thing”


Me: “Kaya nga. Bakit ba parang ikaw lang may alam niyan?”

Bea: “You guys are so innocent. We’re 17 now. We should know this kind of stuffs”

Nagkatinginan kaming tatlo.

Kailangan ba talagang malaman yung mga ganun?

Parang hindi naman….

Zharm: “You’re so itchiness! Daming alam! Fine, spill it!”


Julia: “Ano ba yang mga stages na yan?”

Bea: “Stage 1. First kiss stage. Yung first time niyo….”

We all rolled our eyes. Of course, lahat kami hindi stage 1.

Bea: “Stage 2: Learning stage”


Me: “Learning stage?”


Bea: “Yes Kath. Yun yung stage na adventurous kayong dalawa. It’s the sweetest stage. I know you all get my point”

 




Naalala ko tuloy yung first week namin ni Daniel.

>//////////<

Nakakahiyang nakakakilig!

Bea: “Stage 3. The Make Out Stage. Alam niyo naman siguro meaning ng make-out right? Tsaka yan yung nagiging hot and heavy kayo”

Mas lalo akong namula nung naalala ko yung mga pinaggagagawa namin ni DJ.

Eh hari ng make-out yun eh! >_<

Remember last year?

Hindi pa kami pero ginagawa na namin yun!

Lakas maka-PBB Teens eh.

Walang nagsalita sa aming lahat kaya tumawa si Bea.

Bea: “Stage 4, the you-know stage. Hahaha”

We know? Huh?

Nakita siguro ni Bea na confused yung mga faces namin kaya in-explain niya pa lalo.

“Fine! Grabe, sobrang wala kayong alam ah! What I mean with you-know is kung nagawa niyo na yung dapat ginagawa ng mga nagha-honeymoon. Sana naman kahit isa satin wala pa dun!”

*Jaw-drop*

Yun pala yung you-know na sinasabi ni Bea. (-_-)

Me: “Stage 3 na kami. Siguro naman alam niyo na yun….hehehe”


Julia: “Stage 2. I prefer it that way. Sorry, conservative ako eh”


Bea: “Stage 2”


Me, Julia and Zharm: “Weh?”


Bea: “Totoo nga. Nakakainis na nga si Jake eh. Lagi ba namang tumitigil at sinasabing out-of-line na daw kami. Bwisit. Daig pa bakla”

 




We just laughed at that.

Zharm: “Stage 4”

Napatitig kami sa kanya tapos bigla siyang tumawa.

Zharm: “Just joking around. Of course not! Just stage 3. Hindi namin gagawin yun dahil ayokong maging teenage mom! I mean, papanget katawan ko! Tsk Tsk”

Tama!

Magsasalita pa sana kami nung biglang bumalik sila Daniel.

They kept on laughing kaya nagtaka ako.

Ano kayang pinaggagagawa nitong mga ito?

“Ano tara na? Male-late tayong lahat” Yaya ni DJ.

Sumimangot kaming lahat pero nagsitayuan na rin.

I hugged them all tapos naghiwalay-hiwalay na kami ng mga landas.

Kami ni DJ sabay na naglakad.

For sure, ihahatid muna ako nito.

“Ano na namang pinagusapan niyo? Chikahan ng chikahan ha!” Asar sakin ni Daniel. Ngumiti pa ng nakakaloko.

“Wala namang exciting. Just some girls stuffs. Eh kayo?”


“Wala rin”


Alam kong ayaw naming sabihin sa isa’t-isa yung mga pinagusapan namin at parehas naman naming ayaw malaman yun.  Kung ano man yung pinagusapan ng mga lalake, para lang sa kanila yun. For sure.

Pagdating sa labas ng Dean’s Office, niyakap niya lang ako tapos umalis na rin siya.

*After 4 hours*

Kakapalit ko lang ng damit ko kasi kakatapos lang ng volleball practice.

Sobrang sakit ng katawan ko…

Parang penguin na nga ako maglakad eh…

Hehehe.

I texted DJ already kaso hindi sumasagot.

Siguro hindi pa tapos practice nila.

Pumunta na lang ako dun sa may parking lot at umupo dun sa hood ng car niya.

*BEEP BEEP*

Halos mapatalon ako na ewan nung biglang may bumusina dun sa kotse niya.

Napatingin ako at nakita ko si Daniel na nakangiti.

Putek na yan!

Nandun na pala siya sa loob ng koste niya!

“Loko ka ah! Bumaba ka nga diyan at sapakan na lang tayo” Hamon ko ng pabiro.

Nagulat ako nung hindi siya tumawa at lumabas nga ng kotse.

Tapos dire-diretso siyang naglakad papunta sa harap ko, nakakatakot pa yung mukha niya.

“Suntukan? Bakit? Kaya mo na ko ngayon?”


“Blueberrybabe, matagal na kitang kaya. Ang weak mo kaya!” Asar ko.

“Weak? Tsss. Sino kaya satin ang nanghihina kapag hinahalikan ko?”

>///////////////<

“Hoy! Hindi ako nanghihina ah!”


“Ahh….kinikilig lang?”

Napaka-unfair talaga nito! Sarap upakan!

“Kilig mo your face! Heh! Basta weak ka!”


*Belat*




“Babawiin mo yang sinabi mo or paglalakaran talaga kita!”

(-_-)

Huhuhuhu.

Maka-block mail talaga ito eh!

“Oo na, hindi ka na weak? Happy?”


“Hahaha talo! Talo ka!” Asar ni Daniel.

“Kelan ba ko nanalo sayo lalabs ko? Hmmph” Nagkunwari ako na nagtatampo na ko.

Tignan natin ngayon kung anong gagawin mo.

Tignan natin kung sinong talo…

“Uy oh! Nagtampo….Sorry na ha baby ko, lika dito. Hug kita!” Hinila niya ko papalapit sa kanya nung hindi ako gumalawa sabay yakap ng mahigpit.

“Walang talo satin kasi parehas tayong panalo. Parehas nanalo ng lotto nung parehas nating nakita ang isa’t-isa. Okay?”

I just smiled.

He’s so sweet.

That’s a fact.

“I love you princess”  He looked at me straight into my eyes, waiting for my answer.

“I love you too baby”

He leaned down to kiss me but I step backwards.

“Nuh-uh-uh. This is a school, according to school’s rule number 5. No Public Display of Affection. Always remember that” Sabi ko.

“Aray ko naman. Dugo ilong ko dun ah. Bakit hindi ko yan alam? Saan mo nalaman yan kathryn ko?”


“Sa Student’s Guide. Yung binibigay every year”


“Hmpph. Wag kang magalala. Kakausapin ko si Dad. Papatanggal ko yan”

I laughed at that.

Ubod ng kalokohan ito!

“Ihatid mo na kasi ako ng makuha mo ang goodbye kiss mo” I teased him.

Bigla siyang parang na-excite na ewan at pinaupo na ko sa shotgun seat.

^_^

One of a kind talaga siya.

Kaya ko mahal na mahal yan eh.

Remember kath, Goal mo?

Ma-reach your stage 4 ng Relationship Stages.

---------------------------------------------------

NAGBABALIK ANG LONG UPDATES!!! YEAH!! (^_^)V

Bukas na dedication, sobrang inaantok na ko at pagod from practice. Parehas kami ni kath, parang penguin maglakad sa sakit ng hita, braso at bewang! Hay buhay! Tsaka anong oras na? musta naman? 12:35 na ng gabi. Pag nagising si mama, lagot ako! O_O Hahaha.

Hope you all enjoyed! Mhuah! Don't forget to leave some comments! Natutuwa akong basahin lahat yun! Mhuah.

Xoxo, Irel ♥

Continue Reading

You'll Also Like

6.2K 208 13
Hindi lahat ng nagsabing babalik sila, bumabalik at hindi din lahat ng sinabing maghihintay sila ay andiyan pa rin sila kapag bumalik ka. In short, w...
78.4K 2.7K 6
Paano nga ba tayo makaka-move on kung may isang taong nag paramdam sa'yo ng lahat lahat ng hinahanap mo sa isang relasyon, pero biglang... Author's...
35.4K 1.9K 28
I can love him but I can't own him. I hate destiny for doing this to me. I wish that someday I have enough strength to own him not only to see him an...
1.6M 44.6K 23
Totoo nga ba ang Happily Ever After? Nagkakatuluyan ba talaga ang mga mag-soulmates? At mahal pa rin kaya ni Nathan at Alex ang isa't-isa pagkatapo...