Dear Crush (Update)

By CheckYesImJuliet

19.2K 387 164

Katulad sa ibang cliché na istorya, palihim na humahanga ang ating bida sa pinaka-gwapong nilalang sa campus... More

PROLOGUE
KABANATA I
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
Author's Note
EPILOGUE

KABANATA 7

1K 22 20
By CheckYesImJuliet

"Okay guys. Bawat team ay may 10 minutes lang para maitayo ang mga tents. Ang team na makakatapos ay may 10 points kaagad. Hindi 'to paunahan. Ang goal ay makatapos on time. So, galingan niyo. Teamwork ang pinakamahalaga dito" paliwanag ni ate Laine.

Sa kabutihang palad, kagrupo ko si Bambam. Sa kasamaang palad, hindi ko kagrupo si Bryan.

"Hawakan mo naman ng maayos" sigaw na naman ni Bambam sa akin. Mabait naman siya dun sa ibang kagrupo namin. Bakit ako lang ang sinusungitan nito?

Kung hindi ko lang talaga crush 'tong si Bambam, kanina ko pa sinakal sa kanya 'yung lubid na hawak niya. "Itaas mo ng konti." Kanina ko pa rin sana sinaklob sa mukha niya 'tong tent, nang hindi siya nakahinga.

"GUYS... 3 MINUTES LEFT!!!"

"TAPOS NA KAMI" sigaw nung grupo nila Bryan. Mas lalo tuloy kaming napressure.

"Dito ang tingin, Cassandra. Dito sa ginagawa natin" sabi ni Bambam na nagpatigil sa mundo ko.

Ulit? Ang tagal nung huling beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. Ngayon na lang ulit niya ako tinawag sa pangalang siya lang ang tumatawag sa akin.

"Ahhhhhh!" napasigaw ako nung may malaking bato ang tumama sa paa ko.

"Oh my gosh, I'm sorry" nagpapanic na sabi ni Shane, isa sa mga kagrupo namin. "Hindi ko nakita yung paa mo! Oh my gosh, it's bleeding!!!"

Agad na nagsilapitan yung mga ate at kuya, mga members. May mga kumuha na ng first aid kit. Nakasuporta na si kuya Bryan sa akin. Pati si Bambam. Yung professor namin ang pinaka-umasikaso sa'min.

Dumudugo 'yung paa ko, pero hindi ko maramdaman 'yung sakit.

"Ano ba kasing iniisip mo, at nakatulala ka..." iritadong sermon ni Bambam.

DEAR CRUSH,
IKAW. IKAW ANG INIISIP KO.
IKAW LANG NAMAN ANG DAHILAN
KUNG BAKIT NATUTULALA AKO.

Hindi naman malala 'yung nangyari sa paa ko. Wala namang nadurog na kung anong buto. Hindi ko lang mailakad dahil masakit yung sugat. Kaya ito, kailangang may isang aakay sa akin palagi. Kadalasan si Bryan, pero dahil kasali siya sa obstacle course... Si crush ang umaalalay sa akin ngayon papunta sa lababo. @Kahit man lang sa pagsasaing ng kanin namin para sa hapunan, makatulong ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mahihiya. Para kasing pabigat pa ako. Nakakahiya talaga sa buong club. Pinagalala ko pa sila. Buti na lang mababait silang lahat.

"Wag ka ngang pabebe humawak. Nahihirapan lang tayo pareho" sabi bigla ni Bambam habang naglalakad kami.

Kasi naman naiilang akong kumapit sa leeg niya. Para rin akong nakikiliti sa kamay niya na nakahawak sa bewang ko.

"Hindi ka ba puwede kumapit sakin katulad ng pagkapit mo kay Bryan."

Paano ko naman magagawa 'yon, eh hindi nga ako humihinga dahil baka makapa niya yung bilbil ko?!

"Pag hindi ka kumapit ng maayos, bubuhatin kita at ihahagis sa lababo" matigas niyang sabi.

Kaya wala na akong choice kundi mas ilapit ang sarili ko sa kanya at higpitan ang kapit sa leeg niya.

"Huminga ka... Hindi naman kita sasaktan, eh..."

Ay juicekoday! Anong kabutihan ba ang ginawa ko para mabigyan nang ganitong klaseng moment sa buhay ko. Rinig na rinig at damang dama ko yung care sa boses niya. Parang sa ilang segundo lang ay bumalik yung dating ugali niya.

Pinanood lang ako ni Bambam habang nagsasaing. Tinatanong niya minsan kung kailangan ko ng tulong niya, pero palagi ko rin siyang tinatanggihan. Bukod sa palitan ng mga ganung linyahan, wala na kaming napag usapan. Wala akong lakas ng loob na magsimula ng usapan. Asa naman akong gagawa siya ng mapag-uusapan.

Kaya ito, magkaharap lang kaming nakaupo habang hinihintay na maluto yung kanin. Nakapatong lang yung dalawang siko ko sa lamesa. Habang nakahalukipkip naman siyang nakatingin sa kawalan.

"Ano bang tini-tingin tingin mo diyan ha?" sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Ito na yung pagkakataon ko. Nagsimula na siya ng usapan. Pwede ko nang dugtungan 'yon...

"Pasensya ka na pala, nitong mga nakaraan..."
Bubuka pa lang sana ang bibig ko, pero naunahan niya na akong magsalita.

"Ha?" na lang tuloy ang nasabi ko, na dahilan para makita kong muli yung ngiti niyang ang tagal ko nang hindi nakikita.

"Nasaktan lang talaga ako sa nangyari. Pero na-realize ko, mabagal kasi ako masyado kaya naunahan ako. Sorry kung naging ganun ang pakikitungo ko sa'yo. Sana maging magkaibigan pa rin tayo."

DEAR CRUSH,
'DI KO ALAM
KUNG MATUTUWA BA AKO
DAHIL MAY RELASYON NA TAYO...
O MALULUNGKOT
DAHIL HANGGANG DUN LANG BA TAYO...
HANGGANG KAIBIGAN LANG BA,
ANG PUWEDE KONG I-AUDITION
SA PUSO MO.

"Grabeee!!! Makakarami ata ako ng kanin ngayon, ah. Bakit ba ang sarap-sarap ng kanin" parang batang sabi ni Bryan habang kumakain kami ng hapunan.

"Naku, binobola ka lang niyan Cassy. 'Wag kang nagpapabola diyan kay Bryan. Alam ko na mga galawan niyan" pangbabara naman ni Jane kay Bryan.

Totoo kaya 'yung tsismis na sinabi sakin nung kambal na bakla, tungkol kina Jane at Bryan?

"Totoo po bang mag-ex kayong dalawa?"

At para bang may dumaang anghel nang magsitahimik ang lahat habang salu-salo kaming kumakain. Ang sumunod na nangyari ay ang sabay-sabay na pagkabilaok ni Jane at Bryan. Agad naman kaming nag-abot ng tubig sa kanila.

Bakit sila nabilaukan? Nakakakilig naman 'to!!!

"Anong nangyari, ate Jane? Bakit kayo nagbreak-" Hindi ko na natapos yung itatanong ko, nung bigla akong sinubuan ni Bryan ng pagkain.

"Kumain ka na nga lang" sabi niya, at saka nagpatuloy sa pagkain.

Tumatawa naman sina Jane, "Eh bakit kayo? Ano nang estado niyong dalawa."

This time, kami naman ni Bryan ang nabilaukan. At walang katapusang tawanan ang umalingawngaw sa buong paligid. Lahat tumatawa, maliban sa isa... Si Bambam...

Naku! Baka kung anong iniisip niya?! Hala, baka isipin niyang may namamagitan sa amin ni Bryan! Naku. Kailangan kong linawin sa kanya- Teka. Ano namang pakeelam niya?

Ano ba, Cassy! Nagsisimula ka na namang magfeeling. Kakasabi lang sa'yo kanina, kaibigan. Pagkakaibigan ang inaalok. Hanggang dun na lang 'yon. Wag ka masyadong umasa.
Dahil sa ganung usapan, nagsimula ang tuksuhan habang kumakain kami. Nagkabukingan ng mga crush sa members, ng mga dating nagkagustuhan. Hanggang sa mapunta sa mga nagkaagawan. Pero ang pinaka-bottom line, magkakapamilya na ang lahat sa theater club ngayon.

Matapos kumain, nagkaroon pa kami ng kasiyahan sa bonfire. Nagkaroon ng mini-talent show, kung saan nagkaroon ng reverse positions. Pinasayaw nila ang mga hindi sumasayaw, at pinakanta ang mga hindi kumakanta. Pinapaarte nila kaming mga writers, pero syempre exempted ako... Thank you sa paa ko.

"Oy Bryan! Ikaw na, umarte ka. Dalian mo. Impromptu bahala ka sa buhay mo!" utos ni Jane kay Bryan.

Asus. Itong dalawang 'to.

"Eh, hindi ko alam gagawin ko..."

"Kahit mag-monologue ka na lang."

"Eh, ayoko!"

"Ate Laine oh!!!" sumbong ng lahat sa presidente.

"Pwede bang sumayaw na lang ako?" sabi nito at saka nagsimulang sumayaw.

"Boooooooo!!!!"

"Umupo ka na nga, wala kang kwenta!!!"

"Ang KJ ni kuya Bryan!!!"

Nagsisigawan kami dahil sa pangit ng pinakita ni Bryan. kung ano atang ikinagwapo eh, kinakulang naman ng kanang paa niya. Eh parehas na kaliwa ang paang ipinangsayaw, eh.

"Oh sinong next?"

"Si Bam!!!"

"Oy kuya Bam! Ikaw naman!"

Itinulak ng mga newbies si Bam sa harapan, kaya wala na itong nagawa kundi tumayo dun.

"Sasayaw na 'yan! Sasayaw na 'yan!" sigawan ng lahat.

"Pwede bang maggitara na lang ako?" tanong nito habang nakaturo sa gitarang hawak ni Laine.

"Oh sige. Pero kakanta ka rin dapat" singit ni Jane.

Omaygash. Maririnig ko na siyang kumanta nang malapitan. Dati sa stage ko lang siya napapanood na kumanta. Ngayon, harap-harapan na!!! Once in a lifetime moment 'to!!!

"Ayoko" sagot niya kay Jane. "Ang daya, bakit exempted si Cas- Cassy dito? Siya na lang ang kumanta. Maggigitara ako."

Nagulat ako na dinamay niya ako. Pero mas nagulat ako na tinawag niya akong Cassy, sa unang pagkakataon.

"Oo nga ano!!! Hoy Cassy, narinig mo 'yon?!"

"Hala, akala ko ba exempted ako kasi injured ako?" pagdadahilan ko sa kanila.

"Hindi mo naman kailangan ng paa sa pagkanta, eh."

"Oo nga, oo nga."

Pilit akong tumatanggi. Pero inakay na ako ni Bambam paupo sa upuang nilagay niya sa harapan. Kinuha niya yung gitara, at umupo sa isa pang upuan. Saka siya nagsimulang nag-stram.

"Alam mo 'to..." sabi niya pa.

Oo naman, Bambam. Alam ko 'yung kantang Kundiman.

Siya ang nagsimula nung kanta. "Para kang asukal, sintamis mong magmahal Para kang pintura, buhay ko ikaw ang nagpinta..."

Sinubukan ko namang kantahin ang sumunod na linya. "Para kang unan, pinapainit mo ang aking tiyan... Para kang kumot, na yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot..."

Hindi ako sigurado kung nadadala lang ako nung kanta, o talagang nag-uusap lang kami ni Bambam sa kantang 'to? Bakit pakiramdam ko, may sinasabi siya sa akin?

"Kaya't huwag magtataka, kung bakit ayaw kitang mawala..."

Hinayaan ko na lang yung nararamdaman ko, at kumanta kasabay niya. Bakit ba tumatagos sa akin si Bambam? Bakit ba pakiramdam ko, bawat linya nagiging dialogue? Kinukuha niya yung mga linyang gusto kong isiping sinasabi niya sa akin. Masyado na ba akong nagpi-feeling?

"Kung hindi man tayo hanggang dulo huwag mong kalimutang nandito lang ako, laging umaalalay. Hindi ako lalayo... Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw."

Bahala na, susulitin ko na lang yung mga oras na 'to. Pagkatapos nito, bahala na kung ano ang ano. Bahala na.

"Bahala na. Ayoko muna magsalita. Hayaan na muna natin Ang daloy ng tadhana..."

DEAR CRUSH,
'DI NAMAN AKO GANITO NUN
'DI AKO MAPAGHANGAD
MASAYA NA AKONG MAKITA KA...
PERO NGAYONG INALOK MO
AKO NA MAKIPAGKAIBIGAN,
BAKIT HINDI AKO MASAYA...
DAPAT NGANG IKATUWA 'YON.
KASI KAHIT PAPAANO
MAY KONEKSYON NA TAYO.

PERO KUNG 'DI TALAGA AKO
'YUNG BABAENG PARA SA'YO...
TATANGGAPIN KO NA LANG.
BASTA, DITO LANG AKO.
MASASAKTAN AKO,
PERO 'DI AKO LALAYO.
BAHALA NA LANG,
KUNG ANO MAN ANG
MAGING DALOY NG TADHANA.

KUNG HANGGANG DITO LANG 'TO,
MAGIGING KUNTENTO NA AKO.
KASI CRUSH KITA.

P.S. HINDI NAMAN BAWAL
MAGKA-CRUSH SA FRIEND, 'DI BA?

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
20.5M 506K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
1.3M 52.1K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.