Dear Ken

De Tonyaaa

435 19 15

Short story. Love is a sacrifice. A commitment. It make people change. Unexpected things happen. We can never... Mais

Dear Ken

435 19 15
De Tonyaaa

Dear Ken,

Naaalala mo pa ba nung ika’y nagtapat ka sa akin? Hindi ako kaagad nakasagot noon, dahil sa aking lubos na pagkabigla. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na ako pala ang gusto mo

 

Sinabi ko sayong, hindi pa ako handa, Pero hinawakan mo lang ang kamay ko at sinabing handa kang maghintay. Huwag mong isiping kinikilig ako nung sinabi mo yun. Dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ba kitang paniwalaan.

 

Natakot ako, natakot ako na baka tuluyang mahulog ang loob ko sayo. Alam mo namang bawal pa kong mag boypren, siguradong kakalbuhin ako ng tatay ko kapag nalaman niya ang tungkol sayo.

 

Bakasyon na noon, kaya’t naging madali sa akin ang pag-iwas sayo. Di ko nirereplayan ang mga text mo, hindi na rin ako nagbukas ng kahit anong social networking site, para mawala na angating  komunikasyon. Nagbakasyon ka daw sa Manila,iyon ang sabi ng bespren mo.

 

Nasaktan ka ba noong mga panahong iyon? Pasensya na’t binale wala ko lang ang lahat ng sinabi mo. Inisip kong nagbibiro ka lang at isang araw ay magigising kadin sa katotohanan.

 

Kaya naman nagulat ako ng isang araw ay nakita kita sa tapat ngaming  bahay. Napansin kong lalo kang tumangkad at nagbago narin pati ang ayos ng buhok mo.

 

Nakita mo ako at biglaang yinakap. Nagulat ako kaya naitulak kita papalayo. Hinila kita papalayo sa amin dahil natatakot akong makita ka ngaking  tatay. Napadpad tayo sa may park at doon tayo napaupo.

 

Inabot mo sa akin ang isang box ng toblerone, kaya’t tinanong ko kung para ito’y  saan. Ang sabi mo lang pasalubong iyon. Kinuha ko na at akma ng tatayo nang hinawakan mo ang kamay ko. Tiningnan mo ako sa mata at sinabing namiss mo ako.

 

 

 

Natuwa ako sa sinabi mo at napatunayan kong gusto mo nga ako. Di bat’ yun ang araw na sinabi kong handa na akong tangapin ang pag-ibig mo? Hindi mo na itinanong kung bakit hindi ko sinasagot ang mga tawag at text mo, sa halip. Niyakap mo lang ako ng mahigpit at nagpasalamat ng todo.

 

Natapos na ang bakasyon at nagsimula na tayong pumasok sa kolehiyo. Magkaiba tayo ng pinasukan, pero hinahatid-sundo mo pa rin ako. Sa araw-araw ay ganoon lagi ang takbo, pero doon lang tayo sa kanto nagtatagpo. Hindi pa rin alam sa bahay ang tungkol sayo, pero sinabi mong naiintindihan mo.

 

Di ko napansin, pero nahulog na pala ako sayo. Sino nga ba ang babaeng hindi mahuhulog sa taong katulad mo?

Natapos ang isang sem at sinamahan mo akong kunin ang kard ko. Bumagsak ako sa isang subject, at sobrang nalungkot ako. Unang taon pa lang at unang semester pa lang, pero nabinyagan na ako. Umiyak ako, at nilibre mo lang ako ng meryenda sa Mcdo. Sabi mo ay okay lang yon, at pinalubag pa ang loob ko. Pakiramdam ko ay ang tanga-tanga ko, pero ngumiti ka lang at sinabing

 

“Kaya pala di mo masagot ang tanong ko.”

 

 

Pinunasan ko ang luha ko at tinanong sayo, kung ano ba ang tanong mo.

 

 

 

Ngumiti ka at sinabing, “Kung pwede na bang maging tayo.”

 

Hindi ko alam kung nagbibiro ka, pero napatawa mo ako doon.

Lumipas ang dalawang buwan at ang tanging nagbago ay lalo akong napamahal sayo. Tumawag ka sa akin noong bisperas ng pasko  at tinanong kung dumating na ba ang pinadala mong regalo. Di ko lubos maisip kung bakit kailang mo pa yong ipa-LBC gayong pwede mo naman iabot na lang sa akin. Tumawa ka lang at inimbita ako sa inyo. Gusto ko mang umo-oo ay tumanggi ako, sinabi kong magtataka sila tatay kung aalis ako sa mismong araw ng pasko. Sinabi mong naiintindihan mo, pero ramdam ko sa boses mo na ikaw ay nagtatampo.

Hanggang kailan ba kita pag hihintayin? Alam kong yan ang tanong mo, kahit di lumabas sa bibig mo noong dinala mo ko sa isang resto sa ika isang taon ng pag-amin mo.

Alam kong naiinip ka na ngunit wala akong magawa. Hindi pa ko handang masubunutan ni tatay at baka ilayo lang nila ako.

Dumating ang debut ko, pero hindi ako nagpaparty. Kahit kalian naman talaga ay hindi ako nahilig sa mga ganoon, kaya’t ikinagulat ko talaga ang pagpunta  mo sa school ko. May dala kang bulaklak at nagharana pa kasama ang barkada mo. Sinabi mong gusto mo sanang sa bahay gawin yun, ngunit alam mo namang hindi pwede. Ganun pa man, kinilig talaga ako. Yun din ang unang beses na tumugon ako sa pag a-I love you mo. Napasigaw ka pa nga sa tuwa at hinalikan ako sa noo.

 

Pero Ken, bakit isang umaga nagising na lang ako na parang gumuho ang mundo ko?

 

Hindi mo na ako sinusundo at napapadalang ang pag text mo. Tinanong kita at sinabi mong nagging busy ka lang sa pag-aaral mo. Naintindihan ko kaya’t hindi na lang kita inistorbo. Lumipas ang tatlong lingo at di ko Makita maging ang anino mo. Hindi ko na natiis kaya’t tumawag ako sa cellphone mo. Sinagot mo at napapigil ako sa paghinga ng marinig ko ang boses mo. Doon ko nasigurado na sobra na ang pagka-missed sayo. Inaya kitang magmeryenda at pumayag ka naman.

 

Hinintay mo ako sa labas ng gate at nagulat ako sa laki ng pinayat mo. Humaba na rin ang buhok mo. Biniro kita at tinanong kung kailan ka pa naging emo. Tumawa ka lang at hinawakan ang kamay ko.

 

Nagkwentuhan tayo tungkol sa pinag kaka-abalahan ng bawat isa. Kinuwento ko na ako ang nakakuha ng pinaka mataas na score sa isa sa mga exam ko, pinuri mo ako, pero hindi ko nakita sa mata mo na masaya ka talaga para sa nakamit ko. Nagprisinta kang ihatid ako, ngunit sinabi kong kailangan ko pang bumalik sa school dahil may meeting pa ako sa org. Inaasahan kong sabihin mong hihintayin mo ako, ngunit pumayag ka na at umalis na sa paningin ko.

 

Lumipas ang ilang buwan ngunit tuluyan ka ng nagbago. Pinapadaanan mo na lang ako ng GM, at di na nagrereplay sa mga text ko. Hindi ako mahilig mag Facebook, pero gabi-gabi kong hinihintay ang reply mo sa mga message ko sayo. Pero wala, wala na talaga.

 

Aaminin kong nagalit talaga ako sayo, at gusto ko nang puntahan ka at magreklamo. Pero, bigla akong napa isip at naalalang ni minsa’y hindi ako nakarinig ng panunumbat sayo. Inintindi ko na lang at kinumbinse ang aking sarili na malamang ay busy ka lang talaga.

 

Narinig ko na lang sa kaklase natin noong high-school na nakita ka niyang kasama ang mya miyembro ng isang fraternity. Nagulat ako at nakaramdam ng galit. Yoon ba ang sinasabi mong pinag kaka abalahan mo? Ang pagpasok sa isang fraternity? Tinawagan kita pero cannot be reached. Nagpasya akong punthan ka na lang sa inyo at alamin ang tunay na kalagayan mo.

 

Malayo pa lang ay natanaw ko na ang mga lalakeng nag-iinman sa inyo, di ko na ikinagulat na Makita ka sa ganoong ayos. Babalik na lang sana ako sa ibang araw, pero huli na’t nakita mo na ako. Binuksan mo ang gate at pinapasok ako.

 

Tinukso ka ng bago mong mga barkada, ngunit sinabi mong kaibigan mo lang ako. Kaibigan nga lang pala ako. Pinapasok mo ako sa loob ninyo para makapag-usap tayo. Nakita kong sinindihan mo ang isang sigarilyo, kaya’t tinanong kita kung kalian ka pa nagsimulang magkabisyo. Tinanggi mo at sinabing nakikisama ka lang. Gusto kong magalit sayo at pagsabihan ka, pero napansin kong wala ka sa tamang wisyo. Nagpaalam na ako sa iyo, at hindi mo man lang ako nakuhang ihatid sa labas ng gate ninyo.

 

Ayaw kong maging bastos kaya, ngumiti ako at nagpaalam sa barkada mo. Kahit na galit na galit na ako, sila ba ang nag impluwensya sayo? Bakit kaba nagkakaganyan? Ang dami kong gustong itanong sayo, pero paulit-ulit kong naririnig sa tenga ko, na kaibigan  mo lang ako. Totoo naman yun, pero nasasaktan pa rin ako.

 

Hindi na ako bumalik pa sa inyo. Finals na namin sa school kaya pinilit kong alisin ka muna sa sistema ko. Natapos na ang exam, pati ang buong sem, pero wala akong narinig mula sa iyo.

Ginusto ko munang magbakasyon pero kailangan ko pang pumasok ng summer. Nag advance ako ng subjects dahil alam kong mahihirapan ako kapag nagkasabay sabay na ang mga major ko.

 

Pagkatapos ng isang klase, nagkayayaan ang barkada na magmeryenda muna sa Mcdo. Nakita kitang may kasamang ibang babae, at biglang nanikip ang dibdib ko. Gusto ko kayong puntahan at tanungin kung sino siya, pero pinigilan ko dahil alam kong babagsak lang ang luha ko.

 

Alam kong may mas malapit na Mcdo sa school mo, kaya nagtataka ako kung bakit dito pa kita makikita. Sinasadya mo ba talaga ito? Gusto mo bang ipamuka sa akin, na nakalimutan mo na ako? Umiwas ako ng direksyon pero nakita mong nakita kita kaya’t bigla kang napatayo.

 

Naguguilty ka ba? Para saan? E hindi ba’t magkaibigan lang naman tayo? Lumapit ako sa inyo at  pinilit ngumiti. Alam mo ba kung ganu kahirap yun? Kung gaano kasakit?

 

Pinakilala mo sa akin si Ashley at sinabing kapatid siya ng barkada mo. Sinabi mong nagpasama lang si Ashley sayo na hintayin ang kuya niya. Hindi ko naman hinihingi ang eksplanasyon pero salamat na din at kahit papano’y nabawasan ang paghihinala ko. Inunahan na kita at ako na ang nagpakilala sa kanya at sinabing kaibigan  mo ako. Nagpaalam na ako at pinuntahan ang mga kaklase ko, dahil baka naiistorbo ko na kayo.

 

Umiyak ako noong gabi. Halos hindi na nga ako natutulog ng isang buong linggo, kakaisip sa iyo. Tumawag sa akin si Sophia at pina alala na may get together daw ang batch natin. Hindi na dapat ako sasama, pero naisip kong maganda na ding pagkakataon yun para makausap kita.

 

At ganun nga ang nangyari, humingi ka ng tawad dahil hindi mo ako naka-usap noong nagpunta ako sa inyo, sabi mo gusto mo akong tawagan pero nawala ang cellphone mo, natatawa ako sa palusot mo pero pinili ko na lang paniwalaan.

 

Naglakas loob akong tanungin ang tungkol kay Ashley. Sinabi kong naikwento sa akin ng mga dati nating classmate na nakita nila kayo na magkadate sa mall. Hindi mo itinanggi at sinabi mo pang siya lang talaga ang may gusto sayo at nahihiya ka lang tumanggi.

 

Gusto kong tanungin kung kamusta na tayo. Pero wala nga palang tayo. Naluluha na ako, pero kinapalan ko na ang muka ko para tanungin kung totoo bang ang pakilala mo kay Ashley sa barkada natin ay girlfriend mo.

 

Sumikip lalo ang dibdib ko nang umo-oo ka. Di ko na napigilan ang luha ko, kayat’ tumalikod na ako. Pero hinila mo ako at niyakap ng mahigpit. Sinabi mong ako pa rin ang mahal mo at ayaw mo lang saktan si Ashley kaya pinatulan mo.

 

Ganun ba? Kaya ba mas pinili mong ako ang masaktan? Kinalimutan ko ang lahat ng sakit at yinakap ka na lang din pabalik. Miss na miss kita, kay tagal ko ng gusto kang yakapin ulit ng ganito.

 

Naniwala akong ako pa rin ang mahal mo, nangako kang makikipag-break na din sa kanya. Ayaw mo kong mawala at ganoon din naman ako. Pinilit nating ibalik ang lahat sa dati. Tinetex at tinatawagan mo na ulit ako, lumalabas na din tayo paminsan-minsan, pero hindi na kasing dalas noong dati.

 

Alam kong pinipigilan mo lang mag sinde ng sigarilyo kapag magkasama tayo, kaya hindi ka mapakali. Ibinubulsa mo na lagi ang cellphone mo. Hind na talaga tulad ng dati. Tuwing kinakamusta ko si Ashley ay iniiba mo ang usapan, kayo pa rin pala.

 

Alam mo ba kung gaano kahirap at kasakit ito para sa akin? Inisip ko na lang na dapat ako na ang gumawa ng effort, dahil alam kong napagod ka na. Ako ang laging unang nagtetex at nagyayayang lumabas tayo. Pinilit kong magbago, mas nagging expressive at sweet ako sayo. Pero sa kabila ng lahat, alam kong hindi parin pwedeng maging tayo.

 

Kagaya ng lagi mong sinasabi, naiintindihan mo ako. Kaya naman, iniintinde din kita tuwing nawrowrong sent ka ng text mo para kay Ashley. Tuwing hindi mo ako pwedeng ihatid o samahan sa mga lakad dahil may iba kayong lakad. Di mo man sabihin, alam kong siya ang kasama mo.

 

Nilunok ko ang pride ko at nagkunwaring walang alam. Malaki ang pagkukulang ko sayo, at di kita masisisi dahil alam kong nabibigay ni Ashley lahat ng pangangailangan mo. Alam ko yon’ kaya pinipilit kong intindihin. Sapat ng alam kong mahal mo pa rin ako, kaya nagagawa kong magtiis ng ganito.

 

Nauna ako sa kanya, pero lumalabas na ako ang singit sa relasyon nyong dalawa. Siyempre, siya ang legal at ako ang tago. Siya ang kilala ng barkada mo at kasama sa lahat ng gimik mo. Hindi kasi ako pwede, at naiintindihan mo yon, kaya iniintinde ko din kayo. Kahit ang sakit-sakit na.

 

Nagbago na daw talaga ako, sabi ng mga kaibigan ko. Lagi na kasi akong naglalaan ng oras para sayo, gusto ko kasi talagang bumawi. Kahit sa totoo lang ay hindi ko na kilala ang sarili ko, di ko alam kung hanggang saan pa ang kaya kong ibigay.

 

Dumating ang birthday mo, at nagpasya na akong suwayin ang bilin ng pamilya ko. Wala na akong paki-alam kung makalbo ako ng tatay ko, ang alam ko lang ay mahal na mahal kita at hindi ko kaya kung mawawala ka.

 

Pagkatapos ng klase ko ay dumaan ako sa cakeshop at bumili ng paborito mong flavor ng cake. Tinex kita pero hindi ka nagreply. Alam ko ang schedule mo, kayat’t umaasa akong nasa bahay ka lang.

 

Pumunta ako sa inyo, tumawag pero walang sumagot, mukang walang tao pero nakabukas ang pintuan kaya’t pumasok na ako. Hindi naman siguro ako pagkakamalang magnanakaw dahil napapadalas na din ako dito sa inyo, at kilala naman ako ng pamilya mo.

 

Narinig ko ang TV sa kwarto mo, kaya’t alam kong nasa loob ka lang. Binaba ko muna ang cake sa lamesa at hinanda ang sarili ko para batiin ka ng maligayang kaarawan. Dahan-dahan akong nagpunta sa kwarto mo, dahil gusto kong masupresa ka. Binuksan ko ang pinto pero iba ang nakita ko. Alam kong ginagawa nyo ang mga ganoong bagay pero di ko napaghandaan na makita kayo ng ganun. Nanghina ang buong katawan ko, pero sinarado ko na lang ulit ang pinto ng kwarto mo.

 

Nagmamadali akong lumabas, at pumara ng tricycle. Nanlalambot ang tuhod ko at halos hindi na ko makapag lakad. Pumikit ako pinunasan ang luha ko, pinilit kong burahin sa memorya ko lahat ng nakita ko. Magkukunwari na lang ako na parang wala akong nakita. Ipag papatuloy ko na lang ang pagbubulag-bulagan ko. Dahil hindi ko kaya na tuluyan kang mawala sa buhay ko.

 

Huli na nang maalala ko ang tungkol sa cake. Masyado ng malayo kung babalik ako. Sigurado akong malalaman mong nagpunta ako. Buti na lang at walang dedication ang cake na binili ko. Happy birthday lang ang nakalagay, at wala ang pangalan mo o pangalan ko.

 

Simula noon ay hindi kita kinontak. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo. Paano na lang kung iwan mo na talaga ako. Hindi ko kaya. Ken, hindi ko pa kaya.

 

Pero, umabot na ako sa dulo. Wala na akong kayang ibigay pa. Bakit ba kasi hindi pa kita sinagot noong maayos pa ang lahat? Bakit kasi natatakot ako? Bakit kasi tinake-for-granted kita?

 

 

 Akala ko kasi ay lagi ka lang nasa tabi ko, akala ko makakapaghintay ka, gaya ng lagi mong sinasabi. Akala ko ba naiintindihan mo ako?  Kung naging tayo na noon pa, siguro ay nabantayan kita, nang hindi ka sumali sa fraternity, sana ay hindi mo nakilala si Ashley, sana hanggang ngayon ay wala ka pa ring bisyo. Sana ay ganun pa rin tayo sa dati. Sana ay kaya kong bumalik sa mga panahong ako pa lang mundo mo.

 

Nagagalit ako sayo, bakit mo ba kasi kailangang magbago? Pero, alam mo bang mahal na mahal parin kita? Gusto ko na ngang isumpa ang sarili ko dahil alam kong ako ang may kasalanan.

 

Lumipas ang mga buwan at hindi na tayo nagpansinan. Mahal pa rin kita, pero pinairal ko na naman ang takot ko. Natatakot ako na lumagpas na ako sa limitasyon ko at ibigay ko na ang lahat ng meron ako para lang hindi ka tuluyang mawala. Ayaw ko, dahil baka wala na talagang matira sa akin.

 

February 13. Tinawagan kita.  Nagdahilan ako na naging busy ako masyado kaya hindi na kita nabibigyan ng panahon. Sabi mo okay lang. naiintindihan mo. Pero sa tono ng boses mo, parang wala ka naman na talagang paki alam. Inaya kitang lumabas, total valentines day naman. Sabi mo after lunch. Pumayag ako kahit may klase pa ako ng ganoong oras. Siguro may date kayo sa gabi, kaya tanghali mo piniling makipagkita sa akin.

 

Nagbihis ako ng maganda at sinuot ko pa ang bracelet na binigay mo sa akin noong graduation.

Nagkita tayo sa mall. Nanood ng sine at kumain. Parang normal lang tayong magkadate. Parang walang nangyari, nagkwekwento ako at nagkwekwento ka, pero pinipilit nating huwag pag-usapan ang tayo. Siguro dahil wala naman nun, ang meron lang ay yung kayo.

 

5pm na kaya niyaya na kitang umuwi. Baka kasi malate ka pa sa date nyo. Pero inaya mo muna akong magkape. Pumayag naman ako. Okay naman na ang lahat, parang wala naman na talagang nangyari. Pero, nagsalita ka na. inumpisahan mo, at alam kong ako ang tatapos nito.

 

“Salamat pala sa cake noong birthday ko.”

 

Napatigil ako, at tiningnan kita sa mata. Walang silbi kung mag dedeny pa ako, alam kong alam mo.

 

“Nagustuhan mo ba?” pinipilit kong maging mahinahon, kahit na ang lakas nang tibok ng puso ko. Alam ko na kung saan patungo ang usapan na to.

 

“Bakit ka umalis nun? Di man lang kita napasalamatan.” Mukang planado na ang sasabihin mo.

 

“Ken, sabihin mo lang. sabihin mo lang at kakalimutan ko lahat ng nakita ko. Papatawarin kita, sabihin mo lang na ako pa rin. Ako lang. Handa na ako, wala na akong paki alam sa sasabihin ng iba. Iwanan mo lang siya.”

 

 

Eto na yung araw na pianaka tatakutan ko. Eto na dahil nagmamaka awa na ako. Parang nag-iba ang ikot ng mundo. Ako na ngayon ang humahabol sa iyo. Pero wala akong paki-alam, dahil mahal kita at ako ang dapat sisihin dito.

 

“Mahal ko siya,”

 

“Mahal? Ken, kaya kong ibigay lahat ng kaya niya. LAHAT.”

 

Hindi ka nagsalita. Sinapo mo ang muka mo at tinakpan yun ng kamay mo.

 

“Ken. Ako ba? Wala na ba ako sayo? Mas mahal mo na ba siya? Sige, kung hindi mo siya kayang iwan, Okay lang. pero please Ken. Huwag mo naman ipamuka sakin, na wala na talaga ako.”

 

Umiiyak na ako. Pero ayaw mo pa ring ipakita ang muka mo. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Kaya napayuko na din ako.

 

“Sorry. Pero, siya na ang mahal ko.” Tumayo ka at niyakap ako. “Huli na to.” Umalis ka na at simula non’ ay hindi na kita nakita.

 

Ken, bakit? Handa naman na ako. Bakit kailangan mo pang tapusin doon ang lahat? Ken, ang dami kong tanong. Hindi pa man nagsisimula ang lovestory natin, tinapos mo na.

 

Ilang taon na ang lumipas. Mahirap. Masakit. Pero kinaya ko. Kinaya ko,.

 

Dumating ang graduation. Doon dapat kita sasagutin. Noon dapat. Kung hindi lang nangyari ang lahat. Ganun nga siguro, hindi tayo para sa isat’ isa. Doon na nga siguro nagtatapos.

 

Nakakapanghinayang. Pero iyon ang naging desisyon mo, wala akong nagawa kung hindi kalimutan ang nararamdaman ko para sayo. Oo, hindi ikaw. Yung nararamdaman ko lang. Dahil alam ko namang kahit kailan hindi kita makakalimutan.

 

 First Love.

 

 First Heartbreak.

 

Salamat Ken, sa saya at lungkot. Salamat.

 

Ang tanong ko lang, naalala mo pa ba?

 

Sa lahat ng nangyare sa atin, wala akong malimutan. Tandang-tanda ko ang lahat. Naaalala ko lahat nung sakit pero di ko na maramdaman, nangingibabaw lang lahat ng masayang ala-ala. Wala akong pinagsisihan at ganun ka din sana.

 

Natanggap ko ang invitation. Pipilitin kong maka-uwi. Sayang naman kung hindi ko makikitang ikakasal ka. Masaya ako para sayo. Paki sabi na rin kay Ashley, congratulations para sa magiging baby ninyo. I wish you all the best.

 

 

Love, Ara.

 

Dumating ka sa buhay ko sa panahong hindi ko inaasahan. Umalis ka sa pagkakataong tuluyan na kitang hindi mabitawan. May nagsabi sa akin na lahat ng bagay ay may katapusan, pero hindi ko inasahan na kasama ka sa mga mang-iiwan. May mga pagkakataong gusto kong ipihit ang kamay ng orasan, sa unang beses na ika’y aking nasilayan.

Paulit-ulit kong ginugunita ang mga bagay na alam kong bahagi na lang ng nakaraan.

A/N:

Dedicated to ate Rayne. Nire-read ko yung The Last Chapter and Bestfriend, at wala pa ring mintis, nalulungkot parin ako. Kaya eto, na-inspire ako na i-share tong story na to. :)

E kase, di naman talaga lahat ng love story nagtatapos sa happily-ever-after. Pero sabi nga ni Einstein, "Life is like a bicycle,to keep it balance you must keep moving.":)

 

Continue lendo

Você também vai gostar

6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
27.6M 701K 33
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
1.2M 44.6K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...