STUNNED ✓

By Itimnapluma_

13.2K 2.4K 1K

Liv Miller's tormented past has left her on the brink of despair, haunted nightly by the specter of her forme... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
Chapter ONE
Chapter TWO
Chapter FOUR
Chapter FIVE
Chapter SIX
Chapter SEVEN
Chapter EIGHT
Chapter NINE
Chapter TEN
Chapter ELEVEN
Chapter TWELVE
Chapter THIRTEEN
Chapter FOURTEEN
Chapter FIFTEEN
Chapter SIXTEEN
Chapter SEVENTEEN
Chapter EIGHTEEN
Chapter NINETEEN
Chapter TWENTY
Chapter TWENTY-ONE
Chapter TWENTY-TWO
Chapter TWENTY-THREE
Chapter TWENTY-FOUR
Chapter TWENTY-FIVE
Chapter TWENTY-SIX
Chapter TWENTY-SEVEN
Chapter TWENTY-EIGHT
Chapter TWENTY-NINE
Chapter THIRTY
Chapter THIRTY-ONE
Chapter THIRTY-TWO
Chapter THIRTY-THREE
Chapter THIRTY-FOUR
EPILOGUE
Author's Note
🏆ACHIEVEMENTS🏆
Author's Note

Chapter THREE

424 89 59
By Itimnapluma_

CONTENT WARNING: This chapter explores themes of intense emotional distress and mental health struggles, including pessimism, depression, self-harm, schizophrenia, suicidal ideation, and death. The content may be deeply unsettling or triggering for some readers. Please proceed with caution and prioritize your well-being while reading. Viewer discretion is strongly advised.

*****

Pabagsak akong napa-upo sa sahig dahil sa pangingilig ng tuhod at pangangatal ang kalamnan. Hindi ko magawang paniwalaan ang nakikita ko ngayon.

"What the- Ano yan!" sigaw ni Noah.

"Isla," paulit-ulit na tawag ko ngunit hindi na talaga ito kumikibo. Umakyat sa ulo ko ang takot, pagkabigla at galit.

"Sino ang walang pusong gumawa nito?" ani pa ni Noah.

Nasapo ko ang aking ulo ng magsimula nanamang umalingaw-ngaw sa aking utak ang boses na iyon.

"Oli-via!"

Parang tubig na bumubuhos sa ala-ala ko ang lahat. Kung paanong kagaya ng sitwasyong ito, ay natagpuan ko rin ang aking ina at kapatid na walang buhay.

"Liv, anong nangyayari sayo? Hoy!"

***

Noah's POV...

Nagtatakang pinagmamasdan ko si Liv ngayon na panay ang sabunot sa kaniyang sarili. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya upang pigilan siya sa kaniyang ginagawa ngunit malakas niya akong naitutulak palayo.

"Liv, are you okay? Hey, everything will be fine," sambit ko ngunit tila hindi na niya napapansin ang presensiya ko.

"Liv ano bang ginagawa mo? Natatakot na ako sayo huh!" saad ko pa. Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat kong gawin para pigilan siya. Hindi siya umiiyak ngunit kapansin-pansin ang pamumula nang kaniyang mga mata.

Naalarma ako ng bigla itong mag tatakbo at pumasok sa kaniyang silid. Nag-aalangan man, dahil hindi ko naman bahay ito ay sinilip ko parin siya sa loob. Ganuon na lamang ang gulat ko ng makitang ginigilitan niya ang kaniyang pulso gamit ang maliit na pocket knife sa kaniyang kamay. Sumisirit ang dugo mula sa sugat na nilikha niya, ngunit hindi niya ito ininda sa halip ay ipinikit niya ang mga mata at lalo pang idiniin iyon.

"Liv! Anong ginagawa mo! Tama na!" pigil ko sa kaniya. Agad kong inagaw sa kaniya ng patalim na hawak ngunit mabilis ang naging kilos niya para bawiin ito.

"Don't touch me! Leave!" sigaw nito sa akin. Natigilan ako. Hindi ko kayang iwan siya dito, knowing na balak yata niyang magpakamatay. Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang dalawang kamay at ikinulong iyon sa akin.

"Tama na yan, Liv!" malakas kong sigaw.

Tumitig siya sa akin at tila biglang bumalik sa wisyo, kusa rin niyang binitawan ang patalim na inagaw sa'kin saka pabagsak na naupo sa sahig nang kaniyang silid. Ilang beses ko siyang sinubukang kausapin ngunit tulala lang siyang deretso ang tingin. Ani mo'y hindi niya ako naririnig o nakikita. Ikinalma ko ang aking sarili, dahil hindi makakatulong sa sitwasyon ang pagpapanic.

Una kong hinagilap ang first aid kit at sa wakas ay natagpuan ko iyon sa gilid ng basag na salamin nang kaniyang banyo. Tulala parin ito hanggang sa matapos ko siyang gamutin kaya inalalayan ko muna siya hanggang makahiga. Pagkatapos ay sinimulan ko ng alisin ang katawan ng kawawa niyang aso sa kisame.

"Sino ba ang walang puso na gagawa nito? Buhay na buhay kapa kaninang umaga ah! Kawawa naman ang amo mo mukhang hindi niya nakayanan ang pagkawala mo," saad ko dito kahit pa alam kong hindi naman iyon sasagot. Ibinaba ko ito mula sa pagkakasabit sa kisame at piniling ibalot nalang muna sa puting tela. Nilinis ko na rin ang mga basag na salamin sa sahig nang banyo. Matapos iyon ay saka ako bumalik sa silid ni Liv na tiim bagang at naka pikit ang mga mata.

* * *

Liv's POV...

I winced as I shifted over my side and pain shot up my entire arm.

"Isla," bulong kong saad habang inaalis sa isip ko ang nakarehistrong itsura niya sa aking isip.

"Okay kana?"

When my eyes opened, I noticed a very concerned stranger standing next to my bed. I turned to face my surroundings and saw that I was lying there, still wearing my school uniform, but my coat was on the bed. I looked down at my wrist and winced a little to find that my wound was carefully cast.

"Kumain ka muna, you need strength," he said.

Noah had not taken off his coat and was still dressed in his school uniform. It seemed like he had been running his hands through his untidy black hair.

"I'm fine, and I think you should leave," I said. I bit my lip to stop myself from sounding so impolite.

"Kumain ka muna, pinagluto kita ng pagkain," giit pa niya na ikina iwas ko ng tingin. I don't want to argue with him, especially because I don't want to sound so rude. Dahil alam kong tinulungan niya ako ngayon, but Isla's passing was my peak. I just wanted to be alone myself, but right now anger is taking hold of me.

Since I was a young child, Isla has been my only friend. However, I never thought it would be this way. He is still not supposed to go at this time, but some psychopaths brutally take his life.

Wala akong idea kung sino man ang gumawa nito ngunit nasisiguro kong may kinalaman ang nagpadeliver ng pagkain kanina. Now that I think about it, imposible ngang galing kay Tito Ricardo ang pagkain na iyon, dahil kilala ko siya sa pagiging supistikadong tao. He'd rather choose Italian or Chinese food over a fast food chain. On the other hand, that book inside the library are somewhat connected. Tandang-tanda ko pa 'yong parehas na mga salitang nakasulat sa sticky note. Walang pinagkaiba iton sa description sa likod ng libro ni Tom Pawlik, except sa mga nakakalitong numbers sa hulihan.

"SOME THINGS AREN'T MEANT TO BE DISCOVERED.
BUT ONCE THEY'RE UNLEASHED,
THERE'S NO TURNING BACK."

4¹6³04²6³6¹3²06³5³4³8³4³2¹

If this is some kind of prank, hinding hindi ko talaga mapapatawad ang gumawa nito kay Isla. Paniguradong may nalalaman sa buhay ko ang gumawa nito. He/she knows how to damage me. Sa lalim ng pag-iisip, bigla akong napatingin kay Noah.

"How'd you know that I need to get home?" I asked him shadily.

"I heard you called your dog Isla this morning, kaya nuong narinig kong inimik mo ang pangalan niya, I concluded that there's an emergency at home. Kung itatanong mo naman kung paano ko nalaman iyong lumang gate sa likod ng library, well ginagamit ko kasi 'yon pag na la-late na akong pumasok," he explained, and I sighed deeply.

Inayos ko nalang muna ang sarili at Ibinaba ang dalawang paa sa sahig saka deretsong lumabas ng aking silid. Malinis na ang buong apartment. Wala na ang katawan ni Isla sa kisame at maging ang mga basag na salamin sa banyo. Napabaling tuloy ako sa gawi ni Noah na ngayon ay napapakamot sa kaniyang batok.

"Na-bored lang ako kanina kaya inayos ko na. Nga pala, kumain ka muna," aniya. Hindi ko malaman kung nahihiya ba siya sa ginawa niyang pangingialam sa bahay ko o sadyang lahat nang bagay ay kinahihiyaan niya.

"Where's Isla?" tanong ko na nakapag patigagal nanaman dito.

"Nanduon," sambit nito at itinuro ang puting tela sa ibabaw ng center table. Humugot muna ako nang malalim na buntong hininga bago lumapit duon.

"Siguro mas maganda kung kumain ka na muna," aniya at lumapit pa sa akin.

"I'm fine."

"Pero sayang naman itong pagkain. Alam mo bang binawasan ko pa ang inipon kong pera para dito? Grabe 'tong bahay mo wala manlang pagkaing kahit ano. Kumakain ka ba?" frustrated na bumaling muli ako sa kaniya at sa hula ko ay kinabigla nito dahil sa pamimilog nang mga mata.

"Napaka hina ng loob mo sa maraming bagay pero ang lakas ng loob mong pakialaman itong bahay ko. Sinabi ko bang gastusan mo ako para makapag luto ka nang pagkaing hindi ko naman kakainin?" Nanlaking lalo ang mga mata nito sa tinuran ko at kahit ako'y nagulat din sa aking sarili.

"Wow ganyan ka ba mag thank you? Pinaglinis kita ng bahay, pinagluto, tapos ginamot ko pa iyang kamay mo tapos ngayon, ikaw pa ang galit?" giit niya na more on gulat kesa galit. Iba yata talaga ang takbo ng utak nitong lalaking ito. Kung sa ibang taong sumusubok lumapit at makipag-usap sa akin paniguradong minumura na ako sa inis.

"Umalis kana at dalhin mo 'yang mga niluto mo," ani ko nalang saka itinuro ang pintuan palabas. Busangot na tumingin ito sa akin at mukhang walang balak sumunod.

"Ayuko! Dito lang ako," aniya na nag crossarms pa.

"And why?" inis kong tanong.

"Dahil hindi na ako pwede bumalik sa school nasa kabilang bayan pa ang bahay ko at hindi ako pwedeng malaman ng tiyohin kong hindi ako pumasok lalo na at wala na akong scholarship. Hindi rin naman ako pwedeng magpalaboy-laboy diyan sa kalsada ng naka school uniform." I sighed deeply releasing the toxic trait from my veins, preventing me from punching him.

"Pahihiramin kita ng t-shirt," napipilitan kong saad.

"I'm fine, sasamahan nalang kita sa paglilibing mo kay Isla. Ayaw mo nuon may karamay kana may instant bestfriend kapa. Don't worry, aalagaan ulit kita pag sinapian ka nanaman ng masamang espirito." Ngumising tataas-taas ang kilay nito na ikina tiim nang bagang ko.

"Just leave Noah, please." Tumalikod na ako at kumuha ng sweater sa cabinet. Binuhat ko ang katawan ni Isla na ngayon ay nakabalot sa puting tela. But Noah was so determined to annoy me that he still followed me outside. Pumara agad ako ng taxi pagkalabas ng apartment. Nagmadali pa ako sa pag-aakalang hindi na ako maaabutan nito ngunit isasarado ko palang ang pinto nang iharang nito ang kaniyang kamay.

"Nakita ko 'yon, balak mo akong iwan," aniya. Bumuga ako nang hangin at isinandal nalang ang ulo habang hinihimas nang palad ko ang nakabalot na katawan ni Isla.

Isang oras ang byahe kaya tanghaling tapat narin kami nakarating sa burol. Ang lugar kung saan madalas kong puntahan tuwing gusto kong takasan muna ang mundo. Kung saan kahit sandali ay nagiging normal ako. Nahahayaan kong ilabas ang mga emosiyon na kinikimkim ko lang madalas.

"Wow, ang ganda dito!" magiliw na puna ni Noah na ibinuka pa ang mga braso upang damhin ang malamig na simoy nang hangin. Ibinaba ko naman muna sa isang tabi si Isla saka nagsimulang mag hukay ng lupa sa ilalim mismo nang kaisa-isang puno nang Narra sa tuktok nang burol.

"Ahm- okay kalang?" Inis na tumingin ako kay Noah na nakapanuod lang sa ginagawa ko.

"Sa dami ng pagkakataon na nakialam ka sa akin, ngayon kapa talaga tatayo diyan?"

"Takot ako sa bulate e!" kamot sa ulo niyang pag amin kaya't huminga nalang ako nang malalim sa inis.

"Ano pa nga bang bagay ang hindi mo kinatatakutan," saad ko na mukhang hindi niya nadinig.

"Okay, kalang?" maya-maya ay ulit nanaman niya sa kaniyang tanong.

"I mean, kanina kasi parang mababaliw ka nuong nakita mo si Isla na naka bigti, pero bakit ngayon parang ayos ka naman," usisa niya na medyo nag pahinto sa aking ginagawa.

"Wag kang tanong ng tanong, hindi tayo close." Napangiwi ito sa aking sagot.

"Eto naman napaka sungit. Hindi mo ba nakikita na possible bff tayo? Ikaw din, sayang ang opportunity na magka bestfriend nang kagaya ko."

"Kagaya mong ano? Duwag?" singit ko sa sinasabi niya. Napahawak ito sa kaniyang dibdib na ani mo'y nasaktan nga sa sinabi ko.

"Mapanakit ka talaga Liv. Aminado naman akong matatakutin sa maraming bagay pero hindi ako duwag noh!"

"Really? Matatakutin pero hindi duwag?" usig ko sa kaniya.

"Bakit pag ba may kinatatakutan ba awtomatic duwag na. Hay Liv! maswerte ka talaga nakilala mo ako. Marami kang hindi alam sa buhay." Naupo ito sa harap nang ginagawa ko at humalukipkip.

"Just, shut-up!"

"Alam mo Liv, hindi natin napipigilan ang pagkatakot. There is always one thing or more that we are afraid of. And there is nothing wrong with that. Ang mali ay maging duwag, gaya ng ginawa mo." Nahinto ako at malamig na tumingin sa kaniya.

"I mean, what you did recently is very impulsive. I must say, cowardly." Tiim bagang kong iniugsok ang kutsilyong ginagamit sa paghuhukay at saka umahon mula duon. Napatayo naman siya at umurong, mukhang nasindak sa aking biglang kilos.

"Anong alam mo sa nangyari kanina? May alam kaba sa buhay ko?" Umurong muli ito pero hindi inaasahang magsasalita pa siyang muli.

"Hindi ko nga alam pero hindi naman kailangang umabot sa ganuon. You can just... cry," aniya na may pag kibit balikat pa.

"I don't cry."

"Kasi, pinipigilan mo lang ang sarili mo," giit nanaman niya.

"Crying is weakness." Tinantanan ko na ang pagtitig sa kaniya nang masama dahil hindi rin naman tumatalab. Sa halip ay nilapitan ko nalang ang katawan ni Isla at sa huling pagkakataon ay niyakap iyon nang mahigpit.

"Your wrong. People cry not because they're weak or because they are cowards. It's because they've been so strong for too long." His comments makes me snicker. He gives the impression that he has never experienced any difficulty from the way he speaks.

"Whatever you say."

Ipinagpatuloy ko na ang aking ginagawa. Dahan-dahan kong ibinaba si Isla sa hukay na ginawa ko saka paunti-unti iyong tinahuban nang lupa.

"Goodbye Isla. Thank you for spending your whole life taking care of me." Bulong ko saka sunod-sunod na ipinatong sa ibabaw ng puntod ang makikinis na bato sa 'di kalayuan. Tumulong naman si Noah sa aking ginagawa at halos sabay pa kaming tumayo at nag pagpag nang kamay.

Hindi ko akalaing ganito ang katapusan ng buhay ni Isla. He was with me all the time. Alam kong lahat ng masasakit at nakakatakot na nasaksihan ng mga mata ko ay nasaksihan rin niya. I feel bad thinking that he never leave me alone. Tumanda na siyang hindi manlang nakabuo ng sarili niyang pamilya.

I may look fine but deep inside my heart, malaking parte nito ang kulang na ngayon. Ayuko lang maging mahina. Buong buhay ko kinakaya ko ang lahat ng bangungot gabi-gabi, dahil alam kong may nag-iisang nilalang dito sa mundo ang dadamay sa akin. Kumikirot ang puso ko tuwing maaalala ang malambot niyang balahibo sa aking mga kamay. Lalo na ang mga mata niyang laging nag-aalala tuwing susumpungin ako nang mga bangungot.

He's a very smart dog; he knows when I will need his company and when I want to be alone. He knows when I'm hurt, and I need his warm hugs. He woke me up every time the past tried to knock me out at night. I've been too dependent on him.

Paano na ako ngayon? I still can't believe that I lost my one and only friend, Isla.

Continue Reading

You'll Also Like

397K 29.2K 45
𝐭𝐮𝐦𝐧𝐞 𝐤𝐡𝐨𝐲𝐚 𝐡𝐢 𝐤𝐲𝐚 𝐡𝐚𝐢? He questioned tears brimming out of his eyes. 𝐉𝐞𝐞 𝐦𝐞𝐧𝐞 𝐤𝐡𝐨𝐲𝐚 𝐡𝐢 𝐤𝐲𝐚 𝐡𝐚𝐢 ?! She replied...
50.1K 2K 16
Book 2 of the 𝕱𝖎𝖌𝖍𝖙𝖈𝖑𝖚𝖇 series {Duology} 𖤓 𝕾𝖔𝖒𝖊 𝖒𝖊𝖒𝖔𝖗𝖎𝖊𝖘 𝖓𝖊𝖛𝖊𝖗 𝖑𝖊𝖆𝖛𝖊 𝖞𝖔𝖚𝖗 𝖇𝖔𝖓𝖊𝖘. 𝕿𝖍𝖊𝖞 𝖇𝖊𝖈𝖔𝖒𝖊 𝖕𝖆�...
1.1K 307 38
POETRY COLLECTION ••• "My mouth will tell of your righteous acts, of your deeds of salvation all the day, for their number is past my knowledge. With...