Chapter 12 - Looking in the mirror
February 11, 2011
"Lee! 'Yung mata mo! Manalig tayo kay Hyunbin-oppa." Pinalo siya ni Mizzy nang makitang nakatingin siya sa nagsasayaw ng quadrille sa harap.
Practice kasi ngayon ng cotillon ng halos lahat sa kakaunting 3rd and 4th year high school ng eskuwelahan. Pero bago kasi magsayaw ang lahat into one organized dance routine, magsisimula muna ito sa sayaw ng dalawang pares sa harap na kung tawagin ay quadrille. Obviously, model student Odyssey was one of them at ang kaparehas nito ay si Danielle. Ang isa pang pares ay ang kaklase nilang si Eliseo at isa pang babaeng taga ibang section.
"Ang tagal-tagal mo nang matatag Lee. Isipin mo 'yung Secret Garden! 'Yung kilig na naramdaman mo 'nung pinapanood mo 'yun. The sit-up almost kiss. The foam kiss. Lee, huwag kang mabulag sa tikling na 'yan friend." Pilit pinapaalala ni Mizzy sa kanya ang kdrama na kakatapos pa lang noong isang buwan. Totoo namang nabuwang siya dito, pero hindi niya talaga alam kung bakit parang magnet na napapatingin siya sa harap.
"Oo. Alam ko." Kinuha niya ang ID niya at tinignan ang picture korean actor na si Hyun Bin na nilagay niya sa loob. "Hyun bin oppa, help me."
Natawa na lang si Mizzy while turning Lee's vision away from the couples dancing in front of everyone.
"Partners. Parters! Get ready!"
Muli silang naghiwalay ni Mizzy at bumalik sa kanina pa nilang kinatatayuan.
Lee felt a little uncomfortable dahil sa lahat ba naman ng maipapartner sa kanya sa Grand Cotillion na ito, si Julius Javier pa talaga? Masugid niya itong manliligaw na wala yata sa bokabularyo ang NO dahil kahit ano pa yata sinasabi niya dati, hindi naman ito huminto.
Mabuti na lang at kung masugid ito, mas masugid siya dati sa pagsunod-sunod kay Odyssey. Kaya natatabunan ng efforts niya ang efforts ng lalaking ito pagdating sa panliligaw. She always tells him that there's already someone in her heart. And it's very obvious that it's Odi. nakakainis lang dahil ngayon na pinipilit niyang tinatanggal paunti-unti si Odyssey sa sistema niya, hindi na niya magagamit ang dahilan na ito para patigilin si Julius sa paglapit sa kanya.
Kaya habang nagsasayaw~ while Julius' eyes are sparkling while giving her a spin, lalong sumasama ang pakiramdam ni Lee. But at the same time, every turn, every step, she is having a great realization towards Julius. Ngayon lang niya ito natitigan ng ganito. Kaya ngayon lang din niya naramdaman ang ganitong pakiramdam.
It's not that she's falling in love with him now, but she's just seeing herself in him.
Bigla siyang nalungkot. At nahiya.
Nang matapos ang practice, Mizzy immediately confronted her dahil nakita rin pala ng kaibigan niya kung paano niya titigan si Julius.
"Ang sinabi ko, mag-move on ka. Hindi ko sinabing ma-inlove ka sa iba." Ani Mizzy habang naghihilamos siya sa CR.
"Anong sinasabi mo? Nainlove kanino? Kay Julius?"
"Sino pa ba?"
"Hindi ako inlove sa kanya!" Lee answered frustratingly.
"Eh bakit kasi ganoon ka makatitig?"
Hindi agad nakasagot si Lee. Mizzy noted how her expression changed to a sulky one.
"Ano?"
"Wala... Nahiya na kasi ako sa sarili ko..." Ani Lee habang pinupunasan ang mukha.
"Dahil?" Mizzy tries to get on Lee's train of thoughts.
"Kasi 'di ba, sinasabihan kita dati na nakakarita na si Julius. Nakakadiri na. Mga ganon?"
"Tapos ngayon ba hindi mo na 'yun nararamdaman?"
"What I mean is, hindi ko man lang naisip na baka ganoon din 'yung nararamdaman para sa'kin ni Odyssey. Kapag kinukulit ko siya... Kapag sunod ako ng sunod sa kanya..." She answered painfully.
"Lee..."
"Ngayon lang nagsi-sink in sa'kin 'yung mga pinagsasasabi sa'kin ng mga ibang girls. Na 'di na daw ako nahiya, ako pa naghahabol. Ayaw na nga sa'kin, pinagpipilitan ko pa rin 'yung sarili ko."
"Lee naman."
"I heard them. Promise. Alam ko naman na masama 'yung tingin sa'kin ng ibang tao because I'm chasing for the person I like. Kasi wala naman akong pakialam dati. Pero kanina ko lang talaga naintindihan. Kanina lang habang nakatitig sa'kin, bigla kong nakita 'yung sarili ko."
"Kay Julius?"
"Oo. Na baka katulad ko kay Julius. Baka hindi rin ako magugustuhan kahit kailan ni Odyssey. Na nakakadiri ako. Nakakairita." Napailing si Lee. "I can't believe I said that without giving up."
"Baka naka-move on ka na..."
Umiling ulit si Lee.
"Alam kong hindi pa... Pero marami na akong naintindihan. Katulad nang hindi ko dapat ipinipilit 'yung mga bagay na hindi talaga pwede..."
"Woah... Our Lee has matured..."
"Baliw. Halika na nga!" Niyakag niya si Mizzy palabas ng CR.
Ang hindi niya inaasahan ay nasa labas at naghihintay sa kanila si Julius.
"Oh? Julius?" Lee greeted him a little warmer than usual.
Mizzy raised one eyebrow but realized this change in attitude may be caused by Lee's realizations. Na baka mas magiliw ito sa manliligaw because of pity. Dahil ngayon lang nito nakita ang sarili kay Julius, at naantig ang kalooban kapag iniisip na masakit nga ang hindi makakuha ng sukli sa mga atensyong ibinibigay.
"Were you waiting for Lee?" Singit ni Mizzy.
"Oo..." Kumakamot-kamot na sagot ni Julius Javier.
"Bakit?"
"Ano kasi... Ano..."
Buhul-buhol ang sagot ni Julius, and before he came into his point, may mga nagdaang mga kalalakihan na papunta rin sa CR ng mga lalaki. Including them is Odyssey.
"C-can I be your prom date?"
And just like any high school students. Naghiyawan ang mga kalalakihang dumaan. Ang ilan pa ay tinukso si Odyssey.
"Odi oh. Payag ka Odi?!"
Pati tuloy si Julius ay napahiya. Hindi rin naman alam nito na sa lahat ng lugar at oras, talagang nandoon din ang lalaking gusto ni Lee sa oras ng pagyaya niya.
Mizzy felt the tension. Tumingin siya kay Odyssey pero tuloy-tuloy lang ito sa pagpasok sa loob ng boy's comfort room.
"Okay..."
It was an answer that came as a surprise for everyone.
Julius, and Mizzy included.
"T-talaga?"
Tumango lang si Lee.
"Yes!"
Walang pagsidlan ang tuwa ni Julius. Halos magpaikot-ikot ito bago muling lumapit kay Lee.
"Pero 'di mo na ako kailangang sunduin sa bahay namin. Sasabay ako kay kuya Aldrin eh. Antayin mo na lang ako sa gate."
"Oo oo! Yes! Yes! Oh my god, Lee. You made me so happy."
Naawa naman si Mizzy sa kaibigan niya at kay Julius. Because she knew that she was just giving Julius a chance because she finally knew the feeling of being rejected. Ang mga bagay na oddly, hindi nito napansin at narealize noon despite Odyssey constantly pushing her away.
Sa sobrang tuwa, bigla na lang hinalikan ni Julius si Lee sa pisngi.
"Oh my god!" Napasigaw tuloy si Mizzy.
At sumakto rin na papalabas na ang mga lalaking nagpalit din ng damit mula sa banyo.
*later*