I thought

By JustMeStffny

5 0 0

Everything was unreal More

I thought

5 0 0
By JustMeStffny

Kleya Arazon's Point Of View

"Huy babaita! Sasabay ka ba samin kumain sa cafeteria?" Nagulat ako kay Candyce ng sigawan ako nito, hindi ko namalayan na nakatingin nanaman ako sa soccer field kung saan naglalaro ang mga players.

"For sure, dito nanaman 'yan kakain. May laro ang bebe e." Pang aasar ni Flora sabay tawa.

"Hindi ako sasabay, may gagawin pa ako sa Calculus." Ani ko. Tiningnan naman nila ako ng parang nanghihinala kaya inirapan ko nalang sila na ikinatawa nila. Haynako.

"Sige, magkita nalang tayo mamayang uwian." Tumango ako sakanila bago sila umalis.

Nang maiwan ako mag-isa dito sa bleachers, nilabas ko na iyong pagkain ko. Ang totoo'y wala naman akong gagawin sa Calculus, gusto ko lang mapanood mag laro si Aethan, my long time crush.

"Aethan Focus!!" Napatingin ako kay Aethan ng marinig ko ang pangalan niya. He was looking at me, bumilis ang tibok ng puso ko. Parang biglang tumigil ang mga nasa paligid ko. Wait, hindi naman ako namanalikmata diba? Ohmygod!

Nakita ko siyang may binulong doon sa lalaking sumigaw sakaniya, maya maya pa'y nakita kong naglalakad na siya papunta sa direksyon ko. Lalong bumilis ang pintig ng puso ko, hindi na ako mapakali. Anong sasabihin ko? Ayos ba mukha ko? Hala! Baka ang haggard ko na! Sabi na e, dapat nag ayos muna ako.

Naglalakad na siya papunta sa pwesto ko, unti-unting bumabagal ang paglalakad niya. Parang nag slow-mo yung paningin ko.

"I brought water for you." Narinig kong masiglang bati  ng nasa likod ko. Napalingon ako at nakita ko ang babaeng kinaiinggitan ko. Tila bumagsak ang mundo ko, lahat ng pag-asa nawala. Ilang hakbang lang ang pagitan nila sa akin kaya naririnig ko ang pag uusap nila. Ang sakit pala.

"Thank you Tiffany! Matatapos na rin kami, maiintay mo ba ako?" Ani ni Aethan. Agad na tumango si tiffany, wala na akong maintidihan. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa.

"Rovis tama na ang harot! Makakapag hintay 'yan!" Sigaw ng mga ka team niya. Tila nabingi na ako at wala na akong ibang maisip. Binalot ko muli ang pagkain ko at nagmadaling umalis sa lugar na iyon.

I didn't even call Candyce and Flora. Dumiretso agad ako ng uwi after ng classes ko. Pag-uwi ko, as usual wala sila Mommy and Daddy. Workaholic sila pareho e, kapatid? Wala. Only child ako. Pag pasok ko sa kwarto ko, bumigat ang pakiramdam ko. Di ko namalayan, tumulo na pala ang luha ko. I even laugh at myself, bakit ba ko umiiyak sa mababaw na rasong ito?

Aethan was my elementary crush, he's good at playing soccer ball. Lagi akong nasa bleachers para panoorin siya, practice man or laban. Walang palya ang pagsunod ko sakaniya everyday, creepy right? Hahahaha. Pero siguro ganon kapag inlove ka. I did not wish for this, pero ewan ko ba bakit ko nararanasan 'to.

Sa sobrang bigat ng nararamdaman ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.


"Himala at sumasabay ka na sa amin kumain." Panunukso ni Flora. I just rolled my eyes at her. Hindi na ako nagpupunta sa bleachers, siguro pahinga na muna ako kay Aethan, hindi na rin ako makapag focus sa studies ko which is not a good one.

"I heard Tiffany's crying kanina sa soccer field." Napatingin ako kay Candyce ng banggitin niya si Tiffany.

"Bakit daw?"

"Nag away raw sila ni Aethan." Muntik na akong masamid ng banggitin niya si Aethan. Nandito kasi kami sa Cafeteria habang kumakain. Mahigipit isanc linggo na rin kasi akong walang balita doon, at first time yun sakin. Magsasalita na sana si Flora ng matuon ang atensyon namin sa may pintuan ng cafeteria.

"Stay away from Aethan bitch!" I heard Tiffany's shout. Gumagawa siya ng eksena sa mismong Cafeteria, what a shame. Nakita ko ang babaeng kaharap niya, si Alyza. Nerd type student siya, alam ko mag kaklase sila ni Aethan. Anong problema ng dalawang ito?

"S-sorry. Hindi ko naman ginustong maging partner sa research si A-aethan." Nauutal niyang sabi. Lahat ng nasa cafeteria ay nasa kanila ang atensyon.

"Sana inayawan mo diba!! Ang harot harot mo!" Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. Kilala ko si Alyza, mabait siyang tao, paano niya nasabing maharot yon! Nakita ko ang pagsugod ni Tiffany papunta kay Alyza. Bago pa siya makalapit, tumayo ako at mabilis na sumugod sa pwesto nila. Bago pa matulak ni Tiffany si Alyza, humarang na ako sakanila. Tila umakyat lahat ng dugo ko sa ulo. Wala akong pakialam kung magalit si Aethan sa ginagawa ko. Mag sama silang dalawa!

"Don't you dare." Ani ko na kinabigla niya,  napasinghap naman siya at akmang sasampalin ako ng hablutin ko ang braso niya at tinulak ko siya na ka-agad niyang kinatumba.

"Kleya!" Narinig kong sigaw nila Flora. Biglang may sumagi sa akin, bago ko pa makita ang mukha niya alam kong si Aethan yon. Tinulungan niyang tumayo si Tiffany, biglang kumirot ang puso ko. Gusto kong umatras kaso ayokong maging talunan sa harapan nila.

"What did you done Kleya?" Galit niyang tanong. Biglang sumikip ang dibdib ko, ngayon ko nalang ulit siya narinig na binanggit ang pangalan ko.

"It's her f-fault-."

"Nakikisawsaw ka kasi!" Putol ni Tiffany. Gusto ko siyang tampalin sa sobrang inis ko. Pasalamat siya nakakapag timpi pa ako.

"It's because you're over your limits!"

"Bitter ka lang, kasi kami na ni Aethan!" Aniya pa. Nabigla ko sa sinabi niya, saan niya nakukuha ang mga pinagsasabi niya?

"It's not about tha-."

"Tama na kleya!!" Sigaw ni Aethan na kinabigla ko. Bago pa ko makapag react, umalis na sila ni Tiffany palabas ng Cafeteria. Lumapit naman agad sa akin sila  Candyce. They hugged me, nakita ko pa si Alyza sa gilid ko habang pinapakalma ng kaibigan niya.

—-
After ng eksena sa Cafeteria, umuwi na agad ako noon. Hindi na ako umattend ng classes, sila Flora na daw ang bahala. Halos isang linggo din akong hindi pumasok, sumama ang pakiramdam ko after ng nangyari.

"Okay ka na ba talaga?" Candyce asked. Tumango lang ako at ngumiti.

"Ofcourse." Ani ko sabay tawa. Maya maya'y may lumapit sa aming estudyante habang nag tatawanan kami.

"Sino si Kleya Arazon?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.

"Pinapatawag siya sa Guidance Councilor."

—-
"Okay lang ako, wag kayo mag aalala."  Ani ko kila Flora at Candyce. Kanina pa sila hindi mapakali dahil pinapatawag ako sa Guidance, kinakabahan ako pero kaya kong dipensahan ang sarili ko.

"Sasama kami."

"Hindi n-."

"Wag ka nang makulit, matatahimik kami kung sasama kami." Napabuntong hininga naman ako at wala ng nagawa.

Pagpasok namin sa guidance, nandoon na sila Tiffany, Aethan at Alyza. Biglang naging awkward ang atmosphere. Umupo kami nila Candyce at Flora kung saan kami pinaupo. Kaharap namin sila Tiffany, katabi naman namin si Alyza.

"So what behaviour ang pinakita niyo last week sa Cafeteria?" Tanong ni Miss Sanchez. Wala ng nagsalita sa amin.

"Ngayon ko kayo pinatawag dahil nalaman kong nagsakit ka Miss Arazon. So Miss Lopez, can you tell me what happened last week?" Napatingin kami kay Alyza ng tanungin siya ni Miss Sanchez. Tila maumutla siya dahil sa kaba.

"Partner po kami ni A-aethan sa Research, And tiffany got Jealous. Sinugo-."

"That's not true!" Sigaw ni Tiffany. Umismid naman si Miss Sanchez sa naging tugon ni Tiffany.

"Okay, hindi mo siya sinugod. Kaya si Kleya ang sinugod mo Miss Marzo?"

"Hindi po iyan totoo. Siya ang sumugod sa akin." Aniya.

"Only she wants to help Alyza!" Sigaw ni Flora, hinawakan ko naman ang kamay niya to make her calm.

"Nakikisawsaw kasi siya, ang bitter mo kasi sa amin ni Aethan." Dagdag pa niya.

"Wag mong ungkatin yung tapos na." Malamig kong sabi na kinatahimik nila.

"Ang issue dito ay ang sainyo ni Alyza, bakit mo kailangang sugudin kung pwede mo naman kausapin?" Ani ko.

"Sinabihan ko na siya!" Sigaw niya, hawak siya ni Aethan sa kamay. Hindi ko maiwasang hindi masaktan sa nakikita ko kaya umiwas ako ng tingin. Nakikinig lang si Miss Sanchez samin, tila ba hinahayaan muna kaming mag salita.

"Kahit na, Hindi mo dapat siya sinugod ng ganon!" Sigaw ko dahil sa inis. Napaka immature ng kausap. Paano siya natitiis ni Aethan.

"Stop, wala kang alam sa nangyayari." Biglang sabat ni Aethan na nakapag patahimik sa akin.

"Ano? Tiklop ka? Kasi hindi ka pa nakaka move on kay Aethan. You grab the opportunity na maitulak ako that day para makabawi ka diba?!" Sigaw niya. Nag init ang ulo ko, kinuyom ko ang kamao ko. Hinawakan naman ako ni Candyce sa braso dahil nakaramdam na siya ng tensyon.

"Baka ikaw ang bitter sa ating dalawa? Sino ba ang di maka move on sa nangyari dati ha?!" Tumaas na rin ang boses ko dahil sa inis. Nakita ko ang pagkagulat niya at ang pag igting ng panga ni Aethan. Naiinis siya? Pwes magsama sila! I'm over with them!

"You should be thankful, kung hindi ako umalis. Walang Aethan sa tabi mo." Pareho silang nagulat sa sinabi ko.

"Stop-."

"No Aethan, ito ang gusto niya diba? Sige pagbibigyan ko siya. Totoo naman diba, walang kayo kung nanatili ako dito sa Pilipinas." Ramdam ko ang tensyon sa loob ng Guidance at ang pagkakagulat nila Candyce at Flora.

"Umalis ka kasi mas pinili mo ung gusto mo kaysa ka Aethan." Dagdag pa ni Tiffany.

"I chose America dahil my dad said, ibabalik niya ang shareholders ng company nila Aethan if I go with them." Mabibigat kong sabi, sumisikip ang dibdib ko. Nakita ko ang pag titig sa akin ni Aethan, sobrang kumikirot ang puso ko.

"N-nakiusap ang magulang ni Aethan sa akin, na tulungan ko sila dahil ayaw nilang mawala iyong kumpaniya nila." Kahit anong pigil ko sa luha ko, bigla itong tumulo. Nakatitig sila sa akin, waiting for my next statement.

"Syempre, I chose America. I sacrificed para kay Aethan, hindi ko pinaalam sakaniya yung about sa magulang niya. Ang alam nila bakasyon lang ako doon, well ayun lang din ang alam ko. Lately, nalaman kong doon na ako mag aaral for two years." Tumigil ako at pinunasan yung luha ko. Nakita ko rin ang gulat kila Candyce at Flora, they don't even know. Akala nila galing lang ako states, hindi ko sinabi na may nakaraan kami ni Aethan. They're clueless.

"Sinabi ko sayo diba na hindi ko alam na ganun yung balak nila Mommy, pero anong ginawa mo? You get mad. You ended whats between us. You cut our connections. For two executive years, I suffer abroad. I regret na doon ako nag aral. Na sana hindi nalang ako umalis sa tabi mo na sana magkasama tayo until now." Pinapakalma na ako nila Flora dahil sa pag iyak ko.

"Then, nakarating sa akin na, yes you and Tiffany are now together. Aethan, masakit. Kung masakit sayo, mas doble sa akin. I thought mahihintay mo ako, akala ko may babalikan pa ako. P-pero wala na pala. I'm lost and broken." Nakita ko ang gulat sa mata niya, ang pagmula ng mata niya. Ang pag igting ng panga niya. Ang sakit, sobrang sakit. Walang nagsasalita sa amin kaya I excused myself. Tiffany remain stunned. As well as candyce and flora.

Paglabas ko, nakita kong sumunod sa akin si Aethan.  He back hugged me. Doon na bumuhos ng sobra ang luha ko. I wish i can turn back the time.

"I'm sorry, p-please come back." He pleaded and cried. Kumirot nanaman ang puso ko. Sobrang sakit, bakit kailangan mangyari 'to.

Kinalas ko ang yakap niya, at humarap sakaniya. Buti nalang wala tao dito, i kissed him. For the last time, he kissed back. Damn!! Nakakamiss. Humiwalay ako and breathe for an air.

"Please Kleya, give me a chance." He pleaded. Namumula na ang mata niya, may tumulo na ring luha. It kills me tuwing nakikita ko siyang nahihirapan.

"Huli na, Aethan. I am already e-engaged." I said and cry harder. He stunned, yes I already engaged. Kaya ako bumalik dito para bumalik kay Aethan and dad give me a chance to be with him. But its too late, di ko alam na may iba na siya. So dad continue my engagement. Sobrang huli na, wala ng pag asa. Kung sana naayos agad, we will be happy together. I caress his face, reminiscing the old days. Sobrang sakit, sana panaginip lang lahat ng ito.

"Kleya wake up!" Napabangon ako ng may yumugyog sa akin, it's my cousin. Ang bilis ng tibok ng puso ko, akala ko kung anong nangyayari!

"Mabuting gising ka na, Mag ayos ka na, magpapa sukat ka pa ng gown." Excited niyang sabi bago lumabas ng kwarto ko.

Napatingin ako sa kalendaryo, ngayon ang araw ng pagsusukat ko ng gown. September 23, 2017. Ilang buwan na rin pala ang nakakalipas simula ng mangyari iyon ngunit gabi gabi parin ako binabagabag ng pangyayaring iyon. Akala ko panaginip, pero hindi. Totoong totoo, ramdam ko parin yung sakit at kirot.

Kumusta na kaya si Aethan? Masaya ba siya? After ng araw na yon ay nahimatay ako, at wala na akong nabalita pa kay Aethan after that. Hindi ko na rin natapos ang school ko dahil dad said na hindi ko na kailangan, pinili ko lang naman siya because of Aethan. Wala na siyang paramdan He just emailed me and congratulate me. Masakit sobra pero all i need to do is to accept. Wala naman na akong magagawa, mananatili nalang masakit na nakaraan iyon na naka tatak sa akin.

I thought everything was a fairytale. Pero hindi lahat ng knight in shining armor mo ay siya na ring prince charming mo. And that's a life lesson for me. Aethan would be always my one and only. Nothing can replace him in my heart.

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
44.9K 3.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
54.6K 901 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: