THE PLAYMATE

By PagOng1991

547K 9.7K 2.5K

"Taguan tayo, ako ang taya. Kapag nakita kita, PATAY ka." More

Pagkabilang kong tatlo nakatago na kayo... Isa.. Dalawa... Tatlo...
Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima
Anim
Pito
Walo - Flashback
Siyam
Sampu
Labing-isa
Labing-dalawa
Labing-tatlo
Labing-apat
Labing-lima
Labing-anim
Labing-pito
Labing-walo
Labing-siyam
Dalawampu
Dalawampu't Isa
Dalawampu't dalawa
Dalawampu't apat
Dalawampu't lima
Dalawampu't anim
Dalawampu't pito
Dalawampu't walo
Dalawampu't siyam
Tatlumpu
Tatlumpu't isa
Tatlumpu't dalawa
Tatlumpu't tatlo
Tatlumpu't apat
Tatlumpu't lima
Tatlumpu't anim
Tatlumpu't pito
Tatlumpu't walo
Epilogue
Author's Note
Special Chapter: The Whore
Announcement!
Manila International Book Fair 2015
Special Chapter: The Traitor

Dalawampu't tatlo

8.1K 147 32
By PagOng1991

"Sige po. Salamat," sabay baba ng telepono. Tapos na silang mag-usap.

"Anong sabi?" tanong ko kay Isay.

"Pumayag. Mamaya daw hapon siya pupunta." sagot niya. Natuwa ako sa nalaman. Sa wakas ay matutuldukan ko na ang lahat ng ito. Magkakaroon na din ng kasagutan ang aking mga tanong.

"Teka. Saan pupunta yung ate mo?" tanong ko kay Isay habang tinatanaw si Ate Dan. Napansin ko kasi na umasim ang timpla ng mukha nito noong magkasagutan silang magkapatid. Not actually sagutan na parang nag-aaway, pero mukhang tinamaan ito sa sinabi ni Isay. Medyo na-curious tuloy ako at parang gusto kong malaman ang nangyari noon.

"Hayaan mo siya. Ganyan talaga yan, laging may S." Napailing na lang si Isay.

"S? Anong S?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi alam ang ibig sabihin nun.

"Sumpong. Madalas yang ganyan, iniintindi ko na lang."

"Ano bang nangyari, bakit parang galit na galit siya dun sa ninong niya?" pag-uusisa ko. Hindi naman sa tsismoso pero siguro likas na sa akin ang matanong. Isa pa, gusto ko din na humaba ang oras na ilalagi ko sa bahay nina Isay para mas makasama ko pa siya nang matagal. Natigilan bigla si Isay at parang nag-iisip kung ano ang susunod na sasabihin. Marahil ay hindi niya gustong pag-usapan ang bagay na iyon. Hindi na ako umasang sasagutin pa niya ang tanong ko.

"Si Tita Sweet kasi ang sinisisi niya kung bakit naging ganyan ang buhay niya," mahinahong tugon ni Isay. Medyo nakakagulat dahil sinagot niya ako, halata naman kasing ayaw niyang magkuwento tungkol doon.

"Bakit naman?" muli kong tanong kay Isay.

***

Nakarinig ng malalakas na katok sa pinto si Andres o mas kilala bilang Tita Sweet sa mga malalapit na kaibigan

"Sino yan? Saglit lang," tanong ni Sweet. Kakatapos lang niyang maligo kaya't nakatapis pa siyang lumabas sa banyo upang pagbuksan ang taong kumakatok sa kanilang pinto.

Hindi pa din ito tumitigil sa pagkatok.

"Ito na nga! Excited? Nakakaloka, sinabi nang saglit lang eh." Nagmamadali siyang lumapit sa pinto at binuksan ito. Laking-gulat niya nang makita ang inaanak na si Dan habang umiiyak at 'tila wala sa sarili.

"Anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong ng matandang bakla.

"Ninong, may problema ako," hagulgol ni Dan. Napayakap siya sa kanyang ninong.

"Ano iyon? Halika dito sa loob. Nakakaloka kang bata ka, dis-oras na ng gabi." Pinapasok niya ang umiiyak na si Dan sabay sarado ng pinto.

"Ano ba ang dahilan ng pag-iyak mo?" muli niyang tanong sa dalaga.

"Ninong—" hindi niya masabi ang gustong sabihin. Pero para kay Dan ay ang kanyang ninong lang ang makakaintindi sa pinagdaraanan niya ngayon. Hindi niya magawang magsabi sa kanyang mga magulang. Punong-puno siya ng takot. Isa pa, parang pangalawang magulang na niya ito dahil si Sweet ang madalas na mag-alaga sa kanya noong bata.

"Ano ba iyon? Sabihin mo ang gusto mong sabihin, handa akong making," pagpapalubag ng loob ni Sweet sa kanyang inaanak.

"Kasi—Mag-promise ka na hindi mo sasabihin kina mama," atungal di Dan. Hinawakan nito ang kamay ni Sweet at tinitigan sa mata.

"Sige, I promise. Ano ba kasi iyon?" pilit pa ni Sweet. Panandaliang tumahimik si Dan na para bang humuhugot ng lakas ng loob.

"Ninong, buntis po ako." Mas lalo siyang napaiyak nang sabihin iyon. Sobrang hirap ng pinagdaraanan niya, lalo na noong wala siyang mapagsabihan.

"Ay Malandi ka, bakit isinuko mo agad ang bataan?" Napasigaw ang matandang bakla sa narinig mula sa inaanak.

"Ninong naman, alam mo namang nagmamahalan kami eh," pangangatwiran ni Dan.

"Kahit na! Ang babata niyo pa para tikman ang bagay na iyan. Diyos ko! Hindi ka ba nag-iisip?" pagalit pa ni Sweet.

"Ninong naman. Kaya nga sa inyo ako lumapit dahil ayaw kong mapagalitan eh," hagulgol muli ni Dan.

"Abno ka ba? Anong akala mo, simpleng bagay lang itong nagawa niyo? Magpasalamat ka pa nga dahil pinapagalitan kita. Naku kang bata ka. Tumataas ang dugo ko sa iyo." Hindi niya mapigilan ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.

"Tama na po. Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh." Iyak lang ito ng iyak.

"Sabagay, nandiyan na yan. Wala na tayong magagawa. Kailangan malaman 'to ng mga magulang mo," seryosong saad ni Sweet.

"Nag-promise ka na hindi mo sasabihin!" paalala ni Dan sa kanyang ninong.

"Nag-promise ba ako?" tanong ni Sweet.

"Oo! Bago ko sabihin, nag-promise ka," pagmamaktol muli ni Dan.

"O siya, hindi ko sasabihin. Itetext ko na lang."

"Kasi naman eh. Lalo mo lang akong pinapaiyak niyan eh," bulalas ng dalaga.

"Alam na ba 'to ng magaling mong boyfriend?" tanong ni Sweet. Umiling lang si Dan.

"Aba, kailangan niyang malaman ito. Pati ng mga magulang niya. Hindi pwede yung ganyan," usal ni Sweet.

"Natatakot ako na baka hindi niya matanggap. Pati ng mga magulang niya, hindi nila ako kilala," malungkot na saad ni Dan.

"At pumayag ka na ganun? Iha naman, hindi ka ba nag-iisip?" tanong niya sa inaanak.

"Alam ko namang mahal niya ako eh. Nararamdaman ko yun," sagot ni Dan kay Sweet.

"Eh paano kung libog lang yung nararamdaman niya sa iyo?!" nanlalaking mata niyang tanong sa dalaga. Humagulgol lang si Dan at 'tila nasaktan sa tinanong ng kanyang ninong.

"Saglit lang. Magbibihis lang muna ako at ihahatid na kita sa inyo. Anong oras na oh? Pasensya na at hindi ka pwedeng matulog dito dahil mamaya-maya lang ay nandito na ang jowa ko. Manyak yun, baka reypin ka pa," brutal niyang babala sa inaanak.

Pumasok si Sweet sa kuwarto upang magbihis. Iniwan niyang mag-isa si Dan sa sala habang umiiyak. Pagkalipas ng ilang minuto, pagkatapos niyang magbihis ay agad siyang lumabas. Paglabas niya ay wala siyang naabutan na tao sa sala. Wala na si Dan, umalis ito nang walang paalam. Nagmamadali siyang tumakbo sa labas sa pag-asang matatanaw pa niya ang inaanak ngunit sa kasamaang palad ay hindi na niya ito naabutan.

"Pasaway talaga ang batang iyon," bulong ni Sweet sa hangin habang umiiling. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan ang mga magulang ni Dan.

***

"Tapos? Yun lang? Sinisi na niya yung ninong niya? Parang ang babaw naman yata?" magkakasunod kong tanong kay Isay.

"Syempre hindi. Wag ka kasing excited." Tumayo si Isay upang kumuha ng tubig sa ref. Habang nagkukuwento kasi siya ay panay ang subo namin ng lugaw na binili ni Ate Dan. Kumuha din siya ng dalawang baso at saka isinalin dito ang tubig na malamig. Inabot niya sa akin ang isa at agad ko naman itong ininom.

"Oh tapos? Anong nangyari? Saan pumunta yung ate mo nun?" medyo nabitin ako sa kuwento niya kaya ang dami kong tanong.

"Ayun nga, buong buhay niya sinisi niya si Tita Sweet. Hanggang ngayon," patuloy niya.

***

"Sino kayo?" pataray na tanong ng isang katulong sa mga magulang ni Dan. Nasa labas lang sila ng gate habang ang katulong ay nasa loob ng bakuran.

"Puwede ba naming makausap ang mga amo mo?" mahinahong tanong ni Aling Sylvia sa katulong, siya ang nanay nina Dan at Isay. Tiningnan sila nito mula ulo hanggang paa na para bang nangmamata.

"Bakit? May appointment ba kayo sa kanila? hmm? Kung mangungutang kayo, hindi sila bumbay," sarkastikong sagot nito.

"Aba, bastos to ah," bulong ni Mang Roldan.

"Wala sila dito. Nasa america. Sino ba ang nagpapasok sa inyo dito? Hindi niyo basta makakausap ang mga amo ko dahil kailangan niyo mag-set ng appointment bago niyo sila makausap."

"Eh yung anak nilang lalaki? Pwede ba naming makausap?" pagmamakaawa ni Aling Sylvia.

"Si Senyorito? Hindi pa umuuwi nagparty-party kagabi. Anong kailangan niyo sa kanya? Sino ba kasi kayo?" naiirita nang tanong ng katulong.

"Kami ang mga magulang ni Dan, ang kasintahan ng senyorito mo. Naparito kami para ipaalam sa kanya ang lagay ng anak naming," maluha-luhang pahayag ng pobreng ginang.

"Syota ni senyorito ang anak niyo?" may pangmamata nitong tanong sabay tawa nang malakas.

"Sino sa kanila? Madami kasing syota yung siraulo na yun eh," muling tawa nito.

"Aba!" Nanggigigil na si Mang Roldan sa matabil na dila ng katulong.

"Inday! Sino yang mga yan?" sigaw ng isang magandang ginang. Nakapantulog ito at may hawak na isang tasa ng wine. Siya si Senyora Amancia Estevez

"Ah, eh. Senyora, mga namamalimos lang po," nakangitin nitong tugon sa amo. "Umalis na kayo! Baka matanggal pa ako sa trabaho nang dahil sa inyo. Dali!"

"Misis! Kayo ba ang may-ari ng bahay na ito?" sigaw na tanong ni Aling Sylvia. Napakunot ang noo ni Senyora Amancia at naglakad patungo sa entrada ng kanilang bahay kung nasaan ang mag-asawa.

"Who the hell are you?" mataray na tanong ng ginang. "Ah, senyora. Ako na po ang bahala sa dalawang ito. Nagluto na po si manang ng almusal ninyo, kumain na po kayo," nakayukong sabi ng katulong.

"Tonta! Hindi ikaw ang tinatanong ko!" sigaw nito sa katulong. "Sino kayo? Anong ginagawa niyo rito?" baling sa kanila ng Senyora.

"Misis, kami po ang mga magulang ng kasintahan ng anak ninyo," sagot ni Aling Sylvia. Biglang tumaas ang kilay ng ginang at natawa.

"Seryoso ba kayo?" sabay tawa nang malakas. "Kung kailangan niyo ng limos, huwag na kayong gumawa ng kung anu-anong kuwento," panglalait nito sa mag-asawa.

"Hindi namin kailangan ang pera niyo!" singhal ni Mang Roldan kay Senyora Amancia. "At oo, kami ang magulang ng nabuntis ng magaling niyong anak! Hindi pera ang kailangan namin. Ang gusto lang namin ay harapin ng anak niyo ang responsibilidad niya bilang ama ng magiging apo natin," patuloy ni Mang Roldan. Biglang napalunok si Senyora Amancia dahil sa pagkabigla. Mahahalata ang panginginig.

"Umalis na kayo bago pa ako tumawag ng mga pulis. Mga ambisyoso!" sigaw niya sabay talikod sa mag-asawa. Napaiyak na lang si Aling Sylvia sa nangyari habang si Mang Roldan ay nanggagalaiti sa galit.

"Tara na. Umuwi na tayo," aya ni Mang Roldan sa asawa.

"Paano na ang anak natin?" naiiyak na tanong ni Aling Sylvia.

"Papalakihin natin ang bata nang tayo lang." Walang nagawa ang mag-asawa kung hindi ang lumabas sa village na iyon.

Pag-uwi ni Dan sa kanilang bahay ay naabutan niya ang kanyang mga magulang kasama ang ninong niyang si Sweet. Nakatingin ang mga ito sa kanya. Hindi man sila magsalita ngunit natunugan na niyang alam na ng kanyang mga magulang ang kalagayan niya, at isa lang ang pwedeng magsabi noon. Ang kaniyang ninong. Tiningnan niya ito nang masama.

"Magpapaliwanag ako," depensa kaagad ni Sweet.

"Pero nangako ka. Nangako ka!" naiiyak niyang singhal sa kanyang ninong.

"Abuso ka naman. Pinangakuan ka na, gusto mo pa tutuparin?" sarkastikong sagot nito sa kanya.

"Iha, huminahon ka. Makakasama yan para sa bata," pagpapahinahon ni Aling Sylvia sa panganay na anak.

"Hindi kayo galit?" tanong ni Dan.

"Hindi. Hinding-hindi," sagot naman ni Mang Roldan. Doon tuluyang bumuhos ang mga luha ni Dan.

"May kailangan kang malaman." Napatingin lang si Dan sa ama habang umiiyak.

"Pinuntahan namin ang tatay ng anak mo, pero ang kanyang ina ang humarap sa amin." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Hindi niya ito nagustuhan dahil hindi pa siya handang sabihin sa kanyang boyfriend ang tungkol sa dinadala niya.

"Bakit niyo ginawa iyon?" Hindi maipaliwanag ni Dan ang nararamdaman, nagpapasalamat siya sa pang-unawa ng kanyang mga magulang pero hindi ang pangingialam ng mga ito.

"Anak, ginawa namin iyon para makatulong. Pero mukhang pinaglaruan ka lang ng lalaking iyon. Matapobre ang pamilya niya. Hindi siya karapatdapat sa iyo," paliwanag ni Mang Roldan.

"Hindi totoo yan, mahal niya ako. Alam kong ipaglalaban niya ako sa pamilya niya," pangangatwiran ni Dan. Bigla siyang tumakbo palabas kahit nagbabadya ang napakalakas na ulan.

"Anak! Saan ka pupunta?" sigaw ni Aling Sylvia. Hinabol naman siya ng mga ito ngunit agad siyang sumakay ng taxi.

"Kami na ang bahala sa anak mo, dumito ka na lang muna kasama si Isay," paalam ni Mang Roldan sa asawa. Magkasama sila ni Sweet na sumunod kay Dan ngunit medyo nahirapan silang humanap ng masasakyan.

Samantala, habang nasa sasakyan ay sinubukang tawagan ni Dan ang kasintahan. Ngunit hindi ito sumasagot, patuloy lang ang pag-ring nito. Hindi man niya aminin pero nangangamba siya na alam na ng kanyang boyfriend ang tungkol sa ipinagbubuntis niya kaya hindi niya ito makontak.

"Sumagot ka," naiiyak niyang bulong sa hangin. Ilang beses niyang sinubukan na tawagan ito ngunit ring lang nang ring. Halos mawalan na siya ng pag-asa. Nagdesisyon siya na puntahan ito sa mismong bahay at sabihin nang harapan ang tungkol sa kalagayan niya.

Nang makarating siya sa tapat ng bahay ng mga Estevez ay bumuhos ang napakalakas na ulan. Pero hindi niya ito alintana at nagtungo pa din siya sa tapat nito. Ilang beses niyang pinindot ang door bell ng mansyon ngunit walang lumabas ni isa. Ilang ulit din niyang isinigaw ang pangalan ng kasintahan ngunit para lang siyang sumisigaw sa kawalan. Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan ang pag-agos ng kanyang mga luha. Ginaw na ginaw na siya at halos mangitim na ang kaniyang labi. Sumasakit na ang kanyang ulo at unti-unting nakaramdam ng pagkahilo. Maya-maya ay nawalan na siya ng malay.

Pagkagising niya ay nasa ospital siya. Ilang segundo siyang lutang at hindi alam ang mga nangyari. Agad siyang niyakap ng kanyang ina habang umiiyak. Doon niya naalala ang lahat.

***


"Anong nangyari sa baby nila?" tanong ko kay Isay.

"Nasa heaven na, nakunan si ate dahil dun," sagot niya sa akin.

"Eh yung boyfriend niya? Nalaman yung tungkol doon?" muli kong tanong.

"Malay. Ang huli naming balita, umalis papuntang america nung malaman na buntis si ate," pagkibit-balikat ni Isay.

"Grabe. Napakaduwag. Iresponsable at walang kuwenta," nanggigigil kong saad.

"Sinabi mo pa," pagsang-ayon sa akin ni Isay. "Kaya simula noon ay sinisi na niya si Tita Sweet sa nangyaring iyon. Kung hindi daw dahil kay Tita Sweet ay hindi mangyayari ang lahat," patuloy ni Isay.

Doon ko naintindihan ang lahat. Kung tutuusin wala namang kasalanan si Tita Sweet doon, escape goat siguro ang nangyayari. Defense mechanism kumbaga. Sinisisi niya sa iba yung nangyari, pero ang totoo, alam niya sa sarili niya na may malaki siyang kasalanan kung bakit nagkaganun ang buhay niya.

Biglang nag-ring ang telepono ni Isay. Agad naman niya itong sinagot.

"Hello?" sagot ni Isay.

"Oh Tita Sweet, bakit po iyon?"

"Ah ganun ba? Sige po, nakikiramay po ako. Kung gusto niyo po kami na lang ang pumunta diyan. Para na rin po madamayan namin kayo."

"Sige po. Salamat po." Ibinaba na niya ang telepono.

"Anong sabi?" agad kong tanong sa kanya.

"Hindi daw siya matutuloy mamaya. Namatay daw yung pamangkin niya," tugon ni Isay.

"Ganun ba," medyo malungkot kong sabi.

"Pero kung gusto mo, tayo na lang ang pumunta doon," aya niya sa akin.

"Okay lang daw ba?"

"Oo naman. Gusto mo ngayon na eh," alok niya sa akin.

"Paano na yung nagbabanta sa iyo?" nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Hindi ko na lang iisipin. Tsaka nandiyan ka naman eh 'di ba? Panatag na ako," nakangiti niyang tugon sa akin. Kinilig ako dahil dun pero hindi ko pinahalata.

"Kung okay lang sa iyo, mamaya na lang? Pupunta na lang muna ako ngayon sa office para ipasa yung resignation ko," sabi ko sa kanya.

"Sige, ikaw ang bahala. Puntahan mo na lang ako mamaya," pagsang-ayon ni Isay sa akin.

"Sige. Mauna na ako, sigurado kang okay ka lang dito ah?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Salamat sa pagpunta," nakangiti niyang sagot sa akin.

"Walang anuman." At tuluyan na akong nagpaalam.

Continue Reading

You'll Also Like

9.3M 393K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
2.4M 88.2K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
2.7M 53.7K 36
A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Olivia. Ang pangyayaring iyon ay nakalimutan...
6.1M 204K 110
AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'yo. Malay mo, ngayon na pala ang oras mo...