Fools in Love [COMPLETED]

Autorstwa mysehuniverse

316K 13.9K 3K

Ano na lang ang gagawin mo kapag ikaw at ang best friend mo ay parehas na may gusto sa iisang lalaki? Aaminin... Więcej

P R O L O G U E
Mr. Geeky
BASTED
First Score
Plans
Avoiding Audrey
NEW LOOK
Misunderstandings
Do I Make You Nervous?
Besties
Like a Date?
Flirting Lessons
Doubts
Confrontations
Romeo and Juliet
Friends?
Change
Loving Boyfriend or Loyal Friend?
Key and Chace
STORM
Prism vs. STORM ; First round
Confusion
The Conclusion
Cinderella and the Evil Stepsisters
Damn it Chace
Curse the Hiccups
Why Now?!
Admit It
Beach
Scared
Fireflies and A Sunrise
True or Not?
I'm Jealous
Bonfire
Mistakes
Torn
Sorry
Past is Past
I Wish
Key Puso Mo
I Can't Ask Her
Hopeless Romantic
Hulog
Get Well Soon
Wala Na
Heart
Too Late
My Hero
Till We Meet Again
Waiting
E P I L O G U E
AUTHOR'S NOTE + PLAYLIST

Selos Ka?

4.3K 190 80
Autorstwa mysehuniverse

Chace's POV

It has been a whole month since Hero and Key started dating and to be honest, I feel horrible. Wala eh, ano man ang gawin ko di pa rin ako makamove-on. Para bang ayaw magsink in sa utak ko na sila na. Kahit na ba alam kong isang tanong lang ni Hero kay Key ay sila na, eh parang di ko pa rin matanggap. Tapos idagdag pa yung sakit ni Key, lalo lang nakakabigat sa pakiramdam.

Si Key naman kasi, masyadong matigas ang ulo. Alam naman niyang may sakit na siya pero pinipilit pa rin niyang maging active sa school, kahit na sinasabihan na namin siyang huwag ng mag-PE, pipilitin pa rin niya. Tapos ayaw rin niyang pumayag muna na magpa-surgery dahil kailangan matapos na raw muna niya 'yung school year.

Mahahalata mo kay Key 'yung sakit niya, nangayayat na kasi siya tapos medyo tumatamlay na rin tapos mas madali na siyang mapagod pero ayaw na ayaw niya ng nabibigyan siya ng special treatment. Ewan ko ba kung maganda 'yun or hindi, oo gusto niya pantay lang pero di naman nakakabuti sa kanya.

Lalo rin kaming naging malapit sa isa't-isa nitong mga nakaraang linggo. Lahat kasi kami tutok na tutok kay Key, di ko nga aakalain na maging sila Marley ay magiging kaibigan ko na rin. Paminsan-minsan rin nakakausap namin si Elise, nakikipag-video call siya kila Hero at Key.

Masaya lang kami bilang magkakaibigan, okay lang rin kami ni Key. Parang nabalik lang yung dati, ang kaso may mga times na masyado kaming nage-enjoy na magkasama tapos mare-realize na lang namin bigla na di pwede. Wala namang sinasabi si Hero sa amin eh, kaso para bang naiisip ko rin na huwag akong masyado lumapit kay Key kasi nga girlfriend na siya ni Hero.

Hero's been nothing but a good friend to me, at nakikita ko rin na mabuti siyang boyfriend para kay Key, kaya naman ayokong masira yung tiwala niyang iyon. Handa akong maging loyal friend para sa kanya.

"Pre, siguro mas magiging okay kapag makipagkilala ka muna sa ibang babae" kasama ko ngayon si Chen at Deo. Nasa loob lang kami ng classroom at hinihintay lang namin 'yung subject teacher namin, lumipat lang ng upuan etong dalawa para kulitin na naman ako.

"Loko, di ko kailangan yun" sabi ko sa kanya.

"Wag mo ngang itulad sayo si Chace" binatukan naman ni Deo etong si Chen.

"Bakit naman? Ano ba ang masama kapag nakipagkilala siya sa ilang mga babae? Kaysa naman palagi siyang nagmumukmok kapag nakikita niyang magkasama si Key at Hero" sabi naman ni Chen.

"Ulol, anong nagmumukmok? Eh kaibigan ko nga sila parehas eh" sabi ko naman sa kanya.

"Ah, di ka nagmumukmok? Kaya pala nakikita kita minsan na mag-isa sa rooftop na tumutugtog ng gitara habang mangiyak-ngiyak ka ng kumakanta ng Pangarap Lang Kita" sabi ni Chen saka siya tumawa ng mahina.

"Pati na lang ba yun nakita mo pa?!" hinampas ko sa mukha niya yung notebook ko. Bwisit, pati na lang yun napansin pa niya? Syempre naman kailangan ko rin na ilabas yung mga nararamdaman ko kahit papaano, di naman pwede na palagi na lang akong nagkukunwari na masaya. Mamaya ako pa ang magkasakit nito eh.

"Eh di makipagkilala ka na pala" sabi naman ni Deo. Ha? Eh kanina lang tutol siya ah! "Sasama ako sa inyo ni Chen at wala akong tiwala kapag kayo lang ang magkasama" sabi naman niya.

"Ayos, ako na bahala na magyaya ng mga girls. Mamayang uwian ah, walang atrasan" sabi ni Chen.

"Ang kulit, di ko nga kailangan yan" kinuha naman ni Deo yung notebook na hawak ko at siya naman ang humampas sa akin.

"Mas ayos na eto kaysa naman magka-depression ka pa. Parang isang oras lang na may mga makikilala ka, wag ka ngang parang bading dyan" sabi niya sa akin.

Hay nako! Kahit kailan talaga ang abnoy nitong dalawa, bahala na nga. Baka nga sakaling makatulong sa akin.

Pagkadating ng uwian ay hinatak na ako kaagad palabas ni Chen at Deo, para namang tatakasan ko pa sila. "Chace, saan kayo pupunta? Di ka ba sasama sa amin?" napatigil kami ng tinawag ako bigla ni Key. Paglingon naman namin ay nandoon silang lahat, pati na rin si Hero.

"Thursday ngayon Chace, sa labas tayo kakain di ba?" tanong ni Hero. Ay takte! Nakalimutan kong Thursday nga pala. Lagi kasi kaming kumakain sa labas tuwing Thursday, para bang get together day naming lahat 'yun bilang barkada.

"A-ah, kasi ngayon lang ako niyaya nitong dalawa. Di muna ako sasama ngayon. Next week ako babawi, sorry ah" sabi ko sa kanila.

"Sige, kami na lang. Mag-enjoy kayo ah" sabi naman ni Audrey sa amin.

Nagpunta na kaming tatlo doon sa ice cream parlor na malapit sa school namin. Pumasok na kami doon at agad naman na may kumaway sa amin na tatlong babae. "Hi Chen!" bati nila. Naupo na kami sa tapat nila.

Hanep rin nitong si Chen eh, ang daming kilalang babae. Galing pa pala sa all-girl's school etong niyaya niya. Di ko rin maipagkakaila na magaganda nga etong mga babaeng inimbita niya... pero mas maganda pa rin si Ke-wala! Kailangan kong enjoyin to kahit labag sa kalooban ko.

"Mga kaibigan ko nga pala, di ba sabi niyo magdala naman ako ng iba kong kaibigan? At gusto rin nilang ipakilala ko naman sila sa inyo eh" Haha, galing mong magsinungaling Chen, napilit lang talaga ako eh.

"Deo nga pala" nauna ng magpakilala etong katabi ko. Sumunod naman ako at nagpakilala na rin.

"Ako nga pala si Jess and they are my friends Sasha and Blossom" sabi nung isa habang tinuro niya yung mga kaibigan niya na ngumiti naman sa amin. Pinigilan ko yung sarili kong matawa kasi kapangalan pa ng member ng Powerpuff girls yung isa, kaya mukha tuloy naging OA yung ngiti ko.

"So first time niyo sa ganitong meet-up?" tanong sa amin nung Sasha. Napatingin ako sa kanya, pansin ko lang na simula nung pumasok kami eh sa akin na ito nakatingin eh. Then again, baka pakiramdam ko lang yun.

"Ah, oo eh. Naisipan lang namin at madalang rin kasi kaming lumabas ng magkakasama eh" sagot ko naman.

Dumating na 'yung waitress sa amin at binigyan niya kami ng menu, umorder na muna kami at pagkatapos noon ay umalis na siya. "Treat nga pala namin ito ah, wag na kayong mag-abala" parehas kaming napatingin ni Deo kay Chen. Anong treat namin?! Eh kakakita ko lang kung gaanong kamahal 'yung ice cream dito eh!

Nagtawanan naman bigla yung tatlong babae. "Nako, mukhang labag sa kalooban ng mga kasama mo Chen, wag na lang" natatawang sabi ni Blossom.

"Ah hindi, biro lang yun para mapatawa kayo. Treat na namin ito" nginitian sila ni Deo. Nako pero sa loob-loob niyan alam kong gusto niya ng paslangin si Chen eh.

Bigla naman namin na narinig na bumukas yung pinto at may mga pumasok. "Ang gwapo nung pumasok oh" bulong ni Jess kila Sasha.

"Ano ka ba Jess, may girlfriend yata eh. Nakita mo ng may kasama" sabi naman ni Sasha.

"Ano ba yan, kami ang ka-meet niyo tapos napatingin kayo sa ibang lalaki" sabi ni Chen habang nagkukunwari na nagtatampo.

"Joke lang naman, mas gwapo kayo. Napatingin lang naman ng sandali eh, cute niyo naman" sabi sa amin ni Blossom.

"Sa inyo na lang kami titingin promise" dagdag ni Sasha.

Ang tagal naman ng order namin, uminom muna ako nung na-serve sa amin na tubig. "Chace?" muntik ko ng maibuga yung tubig ng marinig ko yung boses ni Key. Lumingon ako at shete lang nandito pala silang lahat, at kasama rin nila si Hero at Gray.

"Coincidence nga naman, dito pala kayo pupunta" sabi naman ni Hero. "Naisama ko muna si Gray kasi ako lang yung nag-iisa na lalaki eh"

Putek, nakakahiya. Di ako sumama sa kanila tapos mahuhuli nila akong may ma-meet na mga babae?! Takte lang talaga kapag minamalas nga naman! "Sige Chace, bukas na lang ha. Kakain lang rin kami" sabi ni Key bago siya umalis. Bakit parang masama yung tingin niya sa akin? Sa tingin ba niya nangchi-chicks ako? Pero wala naman siyang pakialam dapat doon di ba?

Ang mas nakakabaliw lang, sa dinami-rami ng mga upuan na bakante dito sa mesa ay talagang doon sila sa may likuran ng upuan namin. Marami rin kasi sila kaya siguro sa couch na rin sila naupo.

"So kakilala niyo pala 'yung tinitingnan namin kanina?" bulong ni Jess. Si Hero siguro 'yung tinitingnan nila, aba sino pa ba?

"Ah, oo mga kaibigan ko" sagot ko naman. Nakatingin lang si Chen at Deo sa akin, mukhang gusto na naman nila akong pagtripan dahil sa angking kamalasan ko. Buti na lang at dumating na 'yung order namin kaya dinaan ko na lang sa kain.

"Chace, pa-try naman nung flavor nung sayo. Mukhang masarap yan eh" sabi ni Sasha sa akin.

Kumuha ako sa lalagyan ko gamit yung kutsara saka ko sinalin sa lalagyan niya. Natawa naman silang lahat ng mahina habang napatakip sa bibig niya si Sasha. "Inaasahan niya yatang magiging mas sweet ka man lang" bulong sa akin ni Deo. Ano siya swerte? Di ako tutulad kay Chen na kasalukuyan na sinusubuan si Jess ng ice cream ngayon no!

"Ah sige, try mo na lang 'yung akin" nakangiting sabi ni Sasha habang nilapit niya sa akin yung kutsara niya.

"Ako ba?" tanong ko. Sige Chace, magtanga-tangahan ka pa.

"Ang cute mo naman, sige na masarap eto" sabi niya. Nagbuntong-hininga na lang ako at pumayag na lang ako. Makikisakay na nga lang ako sa trip ng babaeng eto. Pagkatapos noon ay nagkwentuhan pa kami, ang ingay nga ng mesa namin eh. Mukha nga na nag-eenjoy etong dalawang kasama ko, lalo na etong si Chen. Sanay na siguro sa ganito ang mokong na eto.

"So... Chace, picture naman tayo please?" sabi ni Sasha habang nilabas niya yung cellphone niya.

"Sige" matipid kong sagot. Tumayo naman si Sasha saka lumapit sa akin.

"Gusto ko tabi tayo, Deo pausod muna" sabi niya.

Tumayo naman si Deo at tumabi na lang siya kay Blossom. Tumabi na sa akin si Sasha at inayos na niya yung camera. "Smile ka ha, okay. One...two...th-"

"ARAY!" nagulat kami kasi biglang sumigaw etong si Key.

"Ano yun?" tanong nung mga nasa kabilang mesa.

"Ay, wala pala. Akala ko naipit ako eh, sorry" natatawang sabi ni Key. Napailing na lang ako, ano kaya nangyari doon.

"Lapit ka pa Chace, gagawin ko etong wallpaper, dapat maganda" sabi ni Sasha. "One...two...th-"

"AH UBOS NA PALA ICE CREAM KO!" nagulat ulit kami dahil sumigaw ulit itong si Key.

"Bakit ka sumigaw pa?" natatawang tanong nila Hero sa kanya.

"Sensya nagulat ako eh" sabi naman ni Key.

"Cute mo talaga" narinig kong sabi ni Hero.

"Hoy bawal yan, PDA!" sabi naman ni Gray tapos nagsitawanan pa ulit sila. Napansin ko naman na mukhang naiirita na etong si Sasha.

"Ako na lang yung kukuha" inabot niya sa akin yung phone at inayos ko. Hindi na ako nagbilang at pinindot ko na lang basta. Sa wakas nakakuha na rin ng matino na picture.

"Tara na, gabi na pala. Pahatid na lang sa may sakayan Chen" sabi ni Jess.

Pumayag na lang kami. "Una na kami sa inyo ah" sabi ko kila Hero bago kami lumabas. Hindi ko na naintay pa yung sagot nila kasi hinatak na ako kaagad palabas nitong si Sasha.

Bago sila nakasakay sa jeep ay naka-score pa ng kiss sa pisngi itong si Sasha sa akin. Nung nakaalis na sila ay parehas kami ni Deo na tumingin ng masama kay Chen. "Di na kami uulit sa ganito" sabi ni Deo.

"Di ba kayo nag-enjoy?" tanong naman ni Chen.

"Ulol, ayoko na. Ano na lang magiging tingin nila Hero sa akin? Nangchi-chicks? At isa pa, madikit masyado si Sasha" reklamo ko habang pinunasan ko 'yung pisngi kong hinalikan niya.

"Maarte lang kayo masyado" sagot naman ni Chen sa amin.

Nung sumunod na araw ay papasok na sana ako ng school building nang biglang may humila sa akin. Napalakas yata yung hila kaya sakto naman na tumama ako sa may pader.

"Ay sorry, nakalimutan kong may pagkalampa ka nga pala" pagtingin ko si Key pala. Tapos tumatawa pa siya.

"Ikaw na nga ang nakasakit tapos tatawanan mo pa ako, at sinabihan mo rin akong lampa" sabi ko sa kanya.

"Sorry, napalakas lang yung hila ko. Sundan mo ko" pagkatapos ay naglakad na siya papunta sa likuran. Sumunod na lang ako.

Pagkadating naman doon ay nag-iba na yung aura ni Key. Nakapameywang siya tapos masama yung tingin niya sa akin. "Ba-bakit?" tanong ko.

"Sino yung mga kasama mo kahapon? Nangchi-chicks ba kayo? Galing pa sa all-girl's school 'yung mga target niyo ah" tinaasan pa niya ako ng kilay.

Nagtaka naman ako, bakit naman niya tatanungin. "H-ha? Di ako nangchi-chicks ah, niyaya lang kami ni Chen at tsaka ano naman sayo kung makikipagkita ako sa ibang babae?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang" umiwas siya ng tingin. "Eh kasi di ka sumama sa amin para makipag-meet doon sa mga babaeng yun, lalo na 'yung Sasha ba yun? 'Yung dikit ng dikit sa iyo kahapon. Kulang na lang eh ipagtulakan niya 'yung sarili niya sa iyo eh" sabi naman niya.

Bigla naman akong napangiti dahil sa mga sinabi niya. "Oh, bakit ka ganyang makangiti ngayon?" tanong niya sa akin.

"Eh kasi ganyan kang umakto eh" mahina akong tumawa saka ako lumapit ng kaunti sa kanya. "Selos ka?"

"Ano?!" napalakas bigla yung boses niya. "Hindi ah, akala mo lang yun. Bakit ako magseselos? Ayoko lang talaga sa mga linta, yun lang yun" lalo lang lumapad yung ngiti ko.

Alam kong dapat na sukuan ko na si Key, pero may mga bagay na nagpipigil sa akin para sumuko. Isa ito sa mga bagay na 'yun, alam kong hanggang ngayon ay nalilito pa rin siya.

"Bahala ka Key, para sayo maniniwala ako" pang-iinis ko pa.

Lumapit lang siya sa akin saka niya hinatak yung collar ng polo ko kaya napayuko ako ng kaunti para magkatapat yung mukha namin. "Mang-iinis ka pa talaga ah, basta wag kang makikipagkita ulit doon sa Sasha na yun ah. Pati doon sa dalawa, sabihan mo rin si Chen at Deo, di kayo bagay sa mga ganung type ng babae" sabi niya.

"'Yun lang ba?" ngumisi ako.

"'Yun lang, ano pa ba gusto mo?" tanong niya.

Hinawakan ko siya bigla sa balikat saka ko mabilis na nilapit 'yung mukha ko sa kanya hanggang sa magdikit yung labi namin. Hindi ko alam kung ano itsura ni Key ngayon pero alam kong gulat siya, hindi nga niya ako nagawang itulak eh.

Nung tinapos ko yung halik ay lumayo ako pero nakatingin pa rin ako sa kanya. Namumula lang yung mukha niya tapos gulat lang siya.

Takte, bakit ko ba yun ginawa? "Key, di sinasadya sor-" di ko 'yun natapos kasi nasampal niya ako bigla.

"Di mo sinasadya? Ano, may magnet ba 'yung labi ko kaya napahalik ka na lang bigla? Nakakainis ka!" sabi niya habang hinampas niya ako sa balikat.

"Sorry nga, spur of the moment lang 'yun, kung di ka kasi nagbigay ng motibo eh-" di ko uli natapos kasi muli niya akong hinampas sa balikat ko.

"Nagbigay ako ng motibo? Putek Chace ang sabi ko lang ayokong sumasama ka sa mga babaeng ganun!" naiinis niyang sinabi.

"Yun na nga eh, bakit mo pa ako palalayuin? Dahil sa selos di ba?"

"Shit lang, ano ba ang nangyayari sa akin?" tumingin siya bigla sa akin saka niya inayos yung nagulo niyang buhok. "Wala kang pagsasabihan nito, hindi ito nangyari" pagkatapos noon ay mabilis siyang tumakbo palayo.

Sumandal na lang ako sa may pader saka ko dinampi yung mga daliri ko sa labi ko, parang ramdam ko pa rin yung labi ni Key. Loyal friend my ass. Takte, anong gulo na naman etong ginawa ko?

t


Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.2M 53.8K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
52.7K 2.4K 50
Ang storyang ito ay tungkol sa pamilyang lumipat sa bagong bili nilang bahay at doon ay napansin nila na parang hindi lang sila ang nakatira sa loob...
100K 2.8K 36
Ang lahat ng makukuhanan ng KAMERA ay mamamatay. Handa ka na ba? -- Date Started: May 15, 2015 Date Competed: June 23, 2015 Cover by: @httpdotkeanne
31.1K 1.2K 16
Maituturing niya itong napakalaking malas sa buhay simula nang maaksidente siya dahil roon unti-unti bumagsak ang kanyang career sa pagiging journali...