Expat Huntress Series 2: Kinō...

By Juris_Angela

15.7K 477 25

"The moment I felt my heart is beating crazy while I looked at you that day. Alam ko, ikaw na ang gusto kong... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE
CHAPTER FIVE
CHAPTER SIX
CHAPTER SEVEN
CHAPTER EIGHT
CHAPTER NINE
CHAPTER TEN

CHAPTER FOUR

1K 35 2
By Juris_Angela

PINAGMASDAN mabuti ni Andie ang bawat kilos ni Reiji habang hawak ang matalim na kutsilyo, the way his hands gracefully move with knife and gently slice the raw fish. Everything that her eyes witnessed are pure art. Perfection. Matagal na siyang nakakapanood ng mga documentary tungkol sa mga Sushi Chef. Ngunit iyon ang unang pagkakataon na makitang gawin ang Sushi ng personal. At hindi niya kinalimutan na i-type sa Notepad niya sa phone ang lahat ng natunghayan ng sandaling iyon. Nang matikman ni Andie ang sushi at sashimi ay hindi siya makapaniwala sa lasa.

"I've taste authentic, sushi and sahimi before. Pero ito, gosh! Sobrang sarap!" puri naman ni Erika.

Tumalon na naman ang puso ni Andie ng sumilay ang guwapong ngiti ni Reiji.

"Salamat. I always believe that you can taste my passion in what I do on the food that I prepare," sagot ng binata.

"Grabe Reiji, naniniwala ako diyan! Lasang-lasa ko!" eksaheradang sagot ni Alona kaya natawa siya.

"Lukaret ka talaga!" tumatawang sabi niya sa kaibigan.

Napatingin siya sa binata ng tumingin sa kanya ito.

"How about you, Andie? Did you like it?" tanong nito.

"I love it! Palaging binibida ni Imee sa akin ang Sushi mo kapag nagkakausap kami online. And she's right, this is delicious. Kailangan ko yatang kumain ng kumain nito dahil tiyak na mami-miss ko ito pag-uwi ko!"

"Well, you can stay here in Japan. I can make you this Sushi whenever you want it," sagot ng binata.

Hindi agad nakasagot si Andie. Her heart is pounding inside her chest like crazy. Sinabi iyon ni Reiji na nakatingin ng deretso sa mga mata niya. He said that as if he's asking her to stay. Naaaninag niya ang kakaibang emosyon mula doon, pero hindi niya kayang pangalanan iyon. Basta ang alam niya, tila naabot niyon ang kanyang damdamin. Pasimpleng iniwas ni Andie ang tingin at kunwaring uminom ng tubig.

"As if naman ganun kadali 'yon," sagot niya.

"Paano kung may choice ka naman na mag-stay dito? Will you grab it?" tanong ulit ni Reiji.

"Teka, nakakahalata ako ah! Sabihin mo na kasi ng deretso na ayaw mo siyang umalis, Chef!" walang prenong sabi ni Alona.

Bigla siyang napalingon dito.

"Huy, ano ka ba!" saway niya.

"Bakit?"

Pagtingin niya kay Reiji ay tatawa-tawa lang din ito. Nakahinga ng maluwag si Alona ng dumating si Imee.

"Mabuti naman at nagpakita ka sa akin ngayon," aniya sa pinsan.

"Sorry na. Inasikaso ko kasi kahapon 'yong kuwarto na tutuluyan mo sa bahay. Pinapalitan namin 'yung mga gamit sa loob dahil luma na," kuwento nito.

"What? Bakit pa? Eh isang buwan lang naman ako dito. Nakakahiya naman kay Hitoshi!"

"Hindi ah! Siya nga ang may gusto no'n! Alam mo naman ang asawa ko, mabait! Ang gusto n'ya ay maging komportable ka doon," sagot niya.

Bumuntong-hininga siya. "Kayo talagang dalawa!" sabi pa niya.

"So, sino ang kasama kong mamasyal ngayon?" tanong ni Imee.

Mabilis na nagtaas ng kamay silang dalawa ni Alona. Kumunot ang noo nito ng tumingin sa kanya, kasunod niyon ay biglang may humawak sa kamay niyang nakataas. Paglingon ni Andie ay si Reiji pala iyon.

"May iba tayong lakad mamaya," anang binata.

"H-ha? Teka, may isa pa kaming pagkain na kailangan tikman, hindi pa tapos ang trabaho ko!"

"Ayan na naman po siya sa pagiging workaholic n'ya," ani Alona.

"Nakakahiya naman kay Ma'am Erika eh!"

"Ano bang nakakahiya? Hindi, go! Magpakasaya kayo ngayon. Consider this day as your day off," mabilis na sagot ng Boss niya.

"Eh paano po 'yung article sa Ramen?" tanong pa niya.

"Ako na ang bahala doon. Natikman ko na ang karamihan ng Ramen dito sa Japan. Iyon ang kinakain namin ng asawa ko kapag nandito kami tuwing bakasyon. Kaya leave it to me."

"O sige po," aniya.



"SAAN TAYO pupunta?" tanong ni Andie habang nagmamaneho si Reiji, at

panay ang tingin niya sa mga dinadaanan nila.

"Basta, makikita mo mamaya pagdating natin doon," sagot nito.

"Ang daya nila! Gusto ko pa naman matikman 'yong authentic ramen!" protesta niya.

Marahan natawa ang binata kaya napatingin siya dito.

"Bakit ka natawa diyan?"

"Ikaw kasi parang ayaw mo akong kasama. Ano ba ang mas importante sa'yo Ramen o ako?" kunwari ay nagtatampo na tanong nito.

Siya naman ang natawa sa biglang pagda-drama nito.

"Importante ka naman eh, kaya lang kasi, ramen 'yon!" sagot niya.

Pumalatak ito habang umiiling.

"That hurts, Andie! Ramen lang pala katapat ko!"

"Sorry na!" natatawang sabi niya.

"Sige na nga, pagkatapos natin pumunta doon sa sinasabi ko sa'yo. Let's eat, Ramen!"

Namilog ang mga mata niya. "Yes!" masayang bulalas ni Andie.

Halos labinlimang minuto pa ang lumipas bago sila huminto sa basement parking ng isang gusali. Mula doon ay bumaba sila sa kotse saka sumakay ng elevator at huminto sa twelveth floor.

"Kaninong bahay 'to?" tanong ni Andie.

"Mine, come in."

Nasa bungad pa lang siya ay napatakbo na si Andie papasok dahil sa bumungad sa mga mata niya. Malawak ang condo unit nito, pero napapaligiran ang loob ng halos anim na matataas na glass cabinet na may limang layers, at lahat iyon ay puno ng limited edition na Anime Character Figures. Pakiramdam ni Andie ay nag-hugis puso ang mga mata niya.

"Oh. My Goodness."

"Welcome to my kind of paradise," anang binata.

Tulalang lumingon siya dito. "Sa'yo lahat ito?"

"Yup! Pero bakit parang amaze na amaze ka pa rin? Di ba nasabi ko na sa'yo dati pa na marami akong collection?"

"Oo nga, pero hindi ko naman na-imagine na ganito kadami! Parang isa o dalawang display cabinet lang ang pinakita mo sa akin noon," sagot niya.

Hindi alam ni Andie kung saan unang titingin. Gusto niyang hawakan ang mga iyon, pero hindi na siya nagtangka pang sabihin iyon sa binata dahil alam niya na may value ang mga iyon.

"Dumami na lang 'yan sa paglipas ng araw. Kakabili ko," sagot nito.

Bumuntong-hininga si Andie ng biglang maalala ang mga anime figures niya na nakatambak sa cubicle sa office nila.

"Mabuti ka pa, walang nagbabawal sa'yo na mag-kolekta ng ganito. Sa amin kasi bawal," aniya.

"Is it about your grandfather?"

"Alam mo?"

Marahan itong tumango.

"But how? Wala naman akong binabanggit noon sa'yo, di ba?"

"Nabanggit minsan ni Imee sa akin noong minsan mapagkuwentuhan ka namin," sagot ni Reiji.

"Sorry kung hindi ko sinabi, ang totoo, sinadya ko 'yon. Ayoko kasing ma-offend ka," aniya.

"But thank you, dahil binigyan mo ako ng chance na patunayan na hindi lahat ng Japanese ay gaya ng pagkakakilala ng Lolo mo."

Napangiti siya sa narinig mula sa binata. Muling binalik ni Andie ang atensiyon sa mga anime figures. Biglang nanlaki ang mga mata niya ng makita na kasama sa koleksiyon ni Reiji ang isang anime figure na pangarap niyang mabili. Kaya lang ay hindi magawa dahil sa sobrang mahal nito. Ang isang robot ng anime na iyon ay nagkakahalaga ng halos limang libong piso. Hindi na praktikal kung bibilhin niya dahil marami ng mararating na mas importanteng bagay ang halagang iyon. Gustong maiyak sa inggit ni Andie ng makitang kompleto ng koleksiyon si Reiji ng mga robot mula sa iba't ibang version ng anime na iyon.

"OMG! Strike Freedom! Deathscythe! Heavy Arms! Sandrock! Shenlong!" bulalas niya.

"Ah, my dream anime figures! Kelan kaya kayo mapapasaakin?"

"Wala ka ba talagang balak bumili n'yan? Mas makakamura ka na kapag bumili ka dito ngayon dahil hindi ka na magbabayad ng shipping fee," ani Reiji.

Napaupo sa sahig habang hindi maalis ang paningin sa mga character figures sa kanyang harapan. Pakiramdam ni Andie ay parang natutukso siyang bumili, pero mayamaya ay bigla siyang pumikit saka sunod-sunod na napailing sabay taboy niyon sa kanyang isip.

"Hindi puwede! Baka maubos allowance ko para sa isang buwan na pag-stay ko dito," sagot niya, saka binalik ang tingin sa mga figures.

"Grabe, ang ganda nilang lahat!" puri ulit niya sabay buntong-hininga.

"Yeah, very beautiful," narinig niyang sang-ayon ni Reiji.

Pero nagtaka siya dahil parang seryoso ang pagkakasabi nito, kaya wala sa loob na napalingon si Andie. Muling bumalik ang bilis ng tibok ng kanyang puso dahil sa kanya pala ito nakatingin at hindi sa mga nakadisplay. Kabado pa rin na umiwas siya ng tingin, saka sadyang iniba ang usapan.

"A-anong oras ba tayo kakain ng Ramen? Excited na akong matikman 'yon!"

Narinig niyang tumikhim ang binata.

"Sandali, may kukunin lang ako," sagot nito.

Kahit nakapasok na si Reiji sa isang kuwarto ay hindi pa rin bumabalik sa normal ang pintig ng puso niya. Sinamantala niya ang saglit na paglayo ng binata para makahinga ng maluwag. Biglang naalala ni Andie ang napag-usapan nila ni Imee sa video chat noon na may gusto daw sa kanya ang binata. Parang gusto na rin niyang makumbinsi na totoo iyon, base sa mga pakikitungo nito. Pero agad din iyon tinaboy ni Andie sa isip niya.

"Huwag assumera, Andrea. Kilabutan ka!"

"Close your eyes!" narinig niyang sabi ni Reiji ng buksan nito ang pinto ng silid.

Napangiti siya, at tuluyan bumalik ang atensiyon niya sa binata.

"Ang dami mong pakulo, Reiji Yamada!"

"Bilis na!"

"Eto na nga," nakangiting sagot niya saka pumikit.

"Huwag kang didilat, huwag kang sisilip," bilin nito.

"Ano ba 'yan kasi?"

"Basta!"

Mayamaya ay narinig na lang niya ang yabag ng mga paa nito na naglakad palapit. Hanggang sa maramdaman niya na pumwesto ito sa kanyang likod. Bahagya siyang napapitlag ng lumapat ang isang kamay nito sa mga mata niya.

"Ready?" halos pabulong na tanong ni Reiji.

When his breath touches her skin, it gives her shivers. Muli ay nawala sa normal ang kabog ng kanyang dibdib.

"Yes."

Pag-alis ng kamay nito ay siya naman dilat niya. Bumungad sa harap niya ang limang anime figures na pangarap niyang mabili. Ang mga iyon ay gaya ng kung anong mayroon si Reiji. Ang Gundam Character Figures.

"Oh my God, what is this?"

"It's yours."

Gulat na napalingon siya dito.

"What?!"

Ngumiti ito.

"Sa'yo nga iyan. Matagal ko ng nabili iyan para sa'yo. Hindi ko pinapadala dahil gusto kong ibigay sa'yo in person. Alam ko kasi kung gaano mo ka-gusto na magkaroon ng mga iyan," paliwanag ni Reiji.

"Hindi ka nagbibiro?" mangiyak-ngiyak na tanong na naman niya.

"Hindi nga! They are for you," sagot nito.

Doon na siya tuluyan naiyak sa sobrang tuwa.

"Nakakainis ka naman eh!" parang bata na sabi niya.

"Hey, bakit ka umiiyak?"

"Eh ikaw eh! Iyong surprise mo! Hindi ko akalain na gagawin mo 'to para sa akin!"

Marahan itong natawa saka tumayo sa harap niya at punasan ang kanyang luha.

"Tama si Imee, iyakin ka nga," anito.

"Tse," natatawang sagot niya habang pinapahid ang luha.

Pagkatapos ay tumingin siya kay Reiji.

"Thank you," aniya.

"You're welcome."

Nang mga sandaling iyon ay sinantabi na muna ni Andie ang hiya. Walang babala na yumakap siya sa binata. Tila hindi inaasahan ni Reiji ang ginawa niya dahil hindi man lang ito gumanti ng yakap. Akmang lalayo na ng bigla siyang hapitin nito palapit. Then, locked her in his arms. Napangiti siya saka yumakap sa beywang at

isandal ang ulo sa matipunong dibdib nito.

"Your heart is beating fast," sabi niya.

"Kasalanan mo 'yan," sagot nito.

Natawa na lang silang dalawa habang nakayakap sa isa't isa. Hindi lang dahil sa character figures na regalo nito, pero hindi mapaliwanag ni Andie ang kanyang nararamdaman na saya sa tuwing kasama si Reiji. Minsan, naiisip niya, nakakatakot dahil baka masanay siya at tuluyan mahulog ang loob dito. Naalala niya ang sinabi ni Lolo Julio, na masasaktan lang siya. Pero ngayon yakap siya ng binata, sa naririnig niyang bawat pintig ng puso nito, parang binubulong niyon na mag-tiwala lang at wala siyang dapat ikatakot.



"PARA KANG baliw! Bakit ka umiiyak? Akala ko ba ako ang iyakin dito?" natatawang tanong ni Andie kay Alona.

"Eh mami-miss kita bruha! Nakakaloka ka, matagal ka rin kaya tayong hindi magkikita!" sabi pa nito.

Umiiling na niyakap niya ang kaibigan.

"Iyong mga anime figures ko doon sa cubicle ko ha? Huwag mong ipagalaw sa iba," bilin pa niya.

"Oo, ituturing ko 'yon parang mga batang nanggaling sa matris ko," sagot nito.

Natawa siya saka hinigpitan ang yakap sa kaibigan.

"Mami-miss ko rin 'yan kabaliwan mo," aniya.

"Basta mag-iingat ka dito ha?"

"I will."

"Kailangan boyfriend mo na si Reiji pag-uwi mo sa Pilipinas," bulong pa nito sa kanya kaya bigla siyang napahagalpak ng tawa.

"Bye Ma'am Erika, ingat po kayo sa byahe," paalam niya sa boss.

"Bye, and enjoy your vacation!"

"Thank you po. Just email me anytime if there will be problem on the articles," sagot niya.

"Sure," nakangiting sagot nito.

"Bye Imee. Thank you for accommodating us," sabi ng boss niya.

"Walang anuman po. Ingat kayo sa biyahe," sagot nito.

"Uy Imee, babay!" paalam ni Alona.

"Bye!"

Nang pumasok na sa departure area si Alona at Erika ay nakaramdam ng lungkot si Andie. Bago ang tinakdang araw ng pagbalik ng dalawa, sinigurado nilang napasyalan at nakain nila ang iba pang sikat na pagkain sa Japan. Ngayon pa lang ay excited na siyang makita ang December issue ng Food Magazine nila. Sa kabila ng lungkot sa pag-uwi ng mga kasama, part of her is excited, dahil ibig sabihin ay umpisa na ng opisyal niyang bakasyon. Paglabas nila ng airport ay nagkatinginan silang magpinsan, saka tila nagkakaintindihan ang mga tingin nila at sabay silang sumigaw saka nagtatalon sa tuwa.

"Puwede na tayong gumala ng bongga!" excited na sabi nito.

"Let's go!"

Her stay in Japan is just starting. At mukhang magiging mas makulay ang bakasyon niyang iyon dahil kay Reiji. Andie is matured enough to know that the way Reiji and her treat each other is something beyond friendship anymore. He is sweet, caring and easy to get along with. Being with him is such a wonderful adventure.


Continue Reading

You'll Also Like

520K 7K 5
"Masakit na ang mga paa ko. Hay..." May narinig si Jhunnica na munting ingay at ilang sandali ay naramdaman na niya ang pagluwag ng kanyang paghinga...
17K 682 13
Hindi nila inakala na mahuhulog at mamahalin nila ang isa't isa-isa. Arkin and Jucylle met in college. It might look like Mr. Popular fell for Miss...
849K 153 1
Anneska Enriquez or 'Anne' is willing to do anything just to have him all by herself. She wants her crush 'Tyrone Alexander Santiago' to make him str...