PAGKALIPAS NG ISANG LINGGO
ANGELO'S PROVERBS
Isang linggo na nga ang lumipas pagkatapos ng mga pangyayari at isang linggo pa lang ay mahusay na si Vanessa sa pakikipaglaban at pagamit ng kapangyarihan.
ANGELO:Good job guys !(Pagbati ko sa kanya)
VANESSA:Salamat kuya!
DASHA:Pwede bang magpahinga muna tayo?
MIRA:Oo naman sandali lang punta lang ako sa kitchen para sabihan si Ate Choleng!😊
ALANA:Sama ako Ate!
MIRA:Ikaw bahala!😊
Saka sila nag-ivictus papuntang kusina.
ADAMUS:Avisala eshma na wala na ring Ether na sumusugod sa atin!
CASSANDRA:Huwag muna tayong maging kampante Adam dahil isang linggo pa lang ang lumipas.
Ilang segundo lang ay dumating na si Mira.
ALANA:Oo nga pagkat hindi pa natin alam ang mangyayari.
PAOPAO:Yup..dahil marami pang mga posibilidad na maaring mangyari.
ADAMUS:Sabagay hay!kailan kaya matatapos ito!😩
ANGELO:Huwag kang mag-alala Adam malapit at nakikita ko na liban sa mga Mulawin makahanap pa tayo ng mga bagong kakampi!
ADAMUS:Sana nga po manalig lang tayo sa iyong Ama!
VANESSA:Mulawin,ano iyon?
MIRA:Mga taong ibon sila Vanessa isa sila sa mga kakampi naming mga diwata!😊
VANESSA:Ang dami ko pa palang kailangan matutunan.
Ilang minuto lang ay dumating na si Tita Haydie at Ate Choleng na may dalang merienda meron pa kaming hindi inaasahang panauhin.
ALANA:Anong ginagawa mo dito?(Kunyaring pagtataray niya)
JUNO:Bakit hindi pa ako pwedeng magpunta rito upang ika'y makita!😊
CASSANDRA:Ayyiieee..ang sweet naman nilalanggam na nga ako!
ADAMUS:Sa sobrang dami kinakagat na nga ako eh!
DASHA:Nangangati na nga ang buong katawan ko!
Sabi nila habang pinagtawan si Alana.
ALANA:Che tigilan niyo nga ako kung ayaw niyong batukan ko kayo isa-isa!
CASSANDRA:Sorry na po hindi na po mauulit!😊
MIRA:Tandaan niyo na pwede kayong magka-crush pero bawal muna magboyfriend or girlfriend kasi ang bata niyo pa!😊
HAYDIE:Narinig niyo ang Ate Mira niyo ha bawal pa daw kayo magnobyo!
MGA BATANG SANGGRE AT VANESSA:Opo!
CHOLENG:Merienda na kayo!
JUNO:Yes handa na rin ang food!😊
VANESSA:Kararating mo lang merienda agad?(pang-aasar niya)
JUNO:Gutom na ako eh!(Patawa niyang sabi)
ANGELO:Hayaan niyo na guys marami pa na mang food jan!😊
Habang kumakain kami ay bigla na lang sumulpot si Lira sa aming harapan na may dala-dalang dalawang galon na ice cream.
LIRA:Avisala!
CASSANDRA:Wow Yna may pa ice cream ka pa ha!
LIRA:Oo naman at tamang-tama ang init-init ngayon!😊(Sabi niya habang nilapag ang mga ito sa lamesa)
DASHA:Oo nga eh..pero wala pa ring tatalo sa hotness ko!
PAOPAO:Ang init tapos biglang humangin ng napakalakas!😂😂
ALANA:Napansin ko rin,mamaya maging ipo-ipo na yan!😂😂
DASHA:Wow grabe naman kayo guys wala kayong support ha!(Sabi niya habang sumusubo ng ice cream)
MIRA:Kumain ka na lang diyan Dasha!😂
DASHA:Hmp..fine!(Sabi niya habang naka-pout)
ANGELO:Guys punta muna akong 7/11 bibili lang akong softdrinks.
ADAMUS AT JUNO:Kuya sama kami!
ANGELO:Sige!
MIRA:Balik kayo kaagad ha!😊
ANGELO:Pangako Mira babalik ako!😊
LIRA:Naks naman nilalanggam na kami dito bes!😂
MIRA:Edi lagyan mo ng bug spray!
ANGELO:Oo nga Lira,sige na alis na kami!😂
Kaya pumunta kami sa parking lot at inihanda ko na ang aking motor nang saganon ay maka-alis na kami pagdating namin sa convenience store store ay naramdaman ko na tila may sumusunod sa amin ngunit binaliwala ko lang ito pero paglabas namin ay sinalubong agad kami ng mga alagad ni Agatha.
ADAMUS:Tanakreshna!
ANGELO:Tanakreshna nga!
JUNO:Hanggang dito pa naman!
ANGELO:Estasectu!
Nagpalit na kami ng baluti at nagsimula na nga ang bakbakan habang nakipaglaban kami ay napansin ko na nagkagulo na ang paligid ginamit namin ang aming buong lakas at sandata upang labanan ang mga kawal niyebe na ito ilang minuto lang ay lumitaw si Agatha kasama ang kanyang alagad na halimaw nauubos nga namin ang mga kawal ngunit halimaw naman ang pumapalit pashnea!
AGATHA:Handa na ba kayong mamatay?!
JUNO:Kung sino man ang mamamatay dito hindi kami iyon!
AGATHA:Sino ka naman?!
ADAMUS:Bagong kakampi!,kung ako pa sa iyo umalis ka na bago ka namin lunurin!
AGATHA:Bilib talaga ako sa iyong tapang Sang'gre ngunit tingnan natin kung hanggang saan ay iyong tapang,alagad kong halimaw patayin sila!
Agad naman siya sinunod ng kanyang alagad kaya nilabas ko na ang aking pakpak ng saganon ang makalaban ako sa higanteng halimaw gamit ang aking kapangyarihan habang sina Adamus at Juno ay nilabanan naman si Agatha masasabi kong mas lumakas ang halimaw maihahambing ko ang kanyang kalakasan at kapangyarihan sa isang Bathala.
Ngunit kahit ganon pa man ay nakayanan ko itong labanan bumuga ito ng napakalakas na kapangyarihan ganon din ako habang nakipagtagisan ako ng galing sa halimaw ay nakita ko si Adamus at si Juno na natamaan ng kapangyarihan ni Agatha kaya nawalan ang mga ito ng malay sa sobrang galit ko ay ibuhos ko na ang pinakamalakas na kapangyarihang taglay ko at nadaig ko ang halimaw.
Dali-dali akong bumaba nang saganon ay matulungan ko ang aking mga kasama.
AGATHA:Nasaan ang sinabi niyo na ako ang mamamatay dito mukhang kayo ang haharap sa kamatayan ngayon!
ANGELO:Akala mo lang iyon!
Sa oras ito ay ako naman ang nakipatagisan ng galing sa espadahan ni Agatha at nang magkamalay si Juno at Adamus ay agad nila akong tinulungam pagkatapos ay pinagkaisa namin ang aming lakas nang saganon ay madaig namin ang kalaban konting-konti nalang sana ay matatalo na namin siya ngunit bigla kong naramdaman na may pumana sa aking likuran at unti-unting dumilim ang aking paningin ang huling narinig ko ay sumigaw si Adamus at Juno ng "KUYA!" tapos hindi ko na namalayan kung ano ang susunod na pangyayari.
GENERAL'S PROVERBS
Tutulungan pa sana nang dalawang paslit si Angelo ngunit naka-ivictus na ang mga kalaban dala ang anak ni Cassiopea kaya dali-dali silang bumalik sa bahay upang ipaalam ang nangyayari.
MIRA:Mabuti nalang na nandito na kayo,teka nasaan si Angelo?(Sambit niya na walang kamalay-malay sa nangyayari sa kaibigan)
ADAMUS:Ate...may masamang nangyari kay Kuya.😟
MIRA:Anong ibig mong sabihin?
JUNO:Kinuha siya ng mga alagad ni Agatha at di namin batid kung saan siya dinala!(Deretso niyang sambit na siyang ikinagulat nang lahat)
MIRA:Tanakreshna,hindi pwedeng mangyari ito!
Sabi niya may bumuong luha sa kanyang mga mata at agad naman siyang nilapitan ni Lira.
LIRA:Kalma lang bessy mabuti pang puntahan na natin sila Nanay para malaman na nila kung ano ang nangyayari!
PAOPAO:At kayo mga bata pagkatapos niyo kumain ay dumeretso kayo agad sa silid aklatan para ipagpatuloy ang naiwan niyong mga aralin!(Bilin naman ni Paopao tumango naman ang mga ito saka sila nag-ivictus)
Pagdating nila sa loob ang dumeretso na sila sa silid pulungan at nadatnan nila na kakaumpisa palang ng pagpupulong nila Ybrahim.
PAOPAO:Poltre Mga Hara,Rama,Rehav,Mashna,at Sang'gre Danaya ngunit kailangan namin putulin sandali ang inyong pagpupulong!
ALENA:Bakit Paopao may nangyayari ba na hindi namin alam?
MIRA:Opo,dinukot si Paopao ng mga alagad ni Agatha at hindi namin batid kung saan siya dinala!
AZULAN:Pashneang Agatha na iyan, kung ganon ay kailangan natin humingi nang tulong sa kanyang Yna!
PIRENA:Sang-ayon ako sa iyo Mahal at hihingi rin tayo ng tulong mula sa mga taga-encantadia upang magtungo sa mga lugar kung saan posibleng magtago ang panig ng mga kalaban.
ALENA:Kung ganon ay ihanda na natin ang mga brilyante upang maghatid ng mensahe.
TO BE CONTINUED....