The Lady in Shining Armor: Mo...

By imbethqui

138K 3.5K 1.1K

Akala ko ligtas na ako nang lumipat ako sa Monte Carlo High School. Hindi pala. NOTE: Not a paranormal story... More

The Lady in Shining Armor: Monte Carlo High
Author's note
Prologue
I. The New Kid
II. The Roommate
III. Black Day Friday
IV. The News
V. Suspecting Dawn
VI. Guilty Conscience
VII. Transformation
VIII. Let the Games Begin
IX. The Unexpected Hero
X. Challenged
XI. Escape part 1
XII. Escape part 2
XIII. Truth, Lies, Secrets and Weirdness
XIV. Let Me Give You A Heart Attack
XV. Cloudy
XVI. Switch Part 1
XVII. Switch Part 2
XVIII. Help
XIX. Problems
XX. Solutions
XXI. JS Prom Part 1
XXII. JS Prom Part 2
XXIII. JS Prom Part 3
A Note From Me To You
XXIV. Monday Mourning
XXV. A Helping Hand
XXVI. Missing Victims
XXVII. Lost and Found
XXVIII. Two Is Better Than One Part 1
XXIX. Two Is Better Than One Part 2
XXX. So Little Time
XXXI. Heart, Heart!
XXXII.The Smart Mouth and The Ice Queen
XXXIII. On The Move
XXXIV. Hesitations
XXXV. Fact or Bluff?
XXXVI. Campaign
XXXVIII. Miss Monte Carlo High 2015
XXXIX. One More Chance?
XL. The Tributes
XLI. Broken Hearts Part 1
XLII. Broken Hearts Part 2
XLIII. Surprise
XLIV. Espada
XLV. Level Up
XLVI. Last Dance
XLVII. Too Late
XLVIII. Divert
XLIX. The Sacrifice
L. Ice and Blood
Epilogue
What's Next?
Notice To All
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 1
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 2
Bonus Chapter: Glimpse of the Future 3
The Lady in Shining Armor: Reed University
A Sad Note
not a sad note :)
Cast revamp

XXXVII. Distance

998 34 17
By imbethqui

The wait is over dahil ito na ang first update for the week! This is dedicated to LexGarcia, one of the silent readers and a fellow WattMag member as well. Can't wait for the next poem :)

Our soundtrack for this chapter is Distance by Christina Perri feat. Jason Mraz. Super ganda ng kantang 'to, bagay na bagay! hohoho! May isa pang update, so stay tuned, guys! :)

***Vince's POV***

Isang linggo makalipas ang announcement ng Student Council members for this school year, naging busy na ang lahat. Lalo na ako.

"First agenda natin for this year ay ang Miss Monte Carlo High 2015." I wrote it on the whiteboard. May ilang tumatango at may ilang nag-susulat sa notebook nila. I was about to proceed with the details of the activity nang biglang bumukas ang pintuan ng SC room at pumasok ang hinihingal na si Dawn-- ang bagong Senior Representative ng SC.

"Sorry, Mr. SC President. Napa-awa-- este, may dinaanan lang ako sa Main Building." Kailan kaya siya titigil sa pakikipag-away? Hindi ko din naman siya masisi, mainit talaga ang mata ng mga bully at gangster sa kanya.

"Take your seat, Dawn. I'll have a word with you after this meeting." Tumango siya at tumungo sa isang bakanteng upuan. "Going back, this year's Miss Monte Carlo High will be a little different from the ones that we had in the past. Kung noon, kung sino lang yung gustong sumali 'yun ang kukuning contestants, this year hindi na ganoon. We will require all levels, all sections to have at least one representative."

"Paano kung walang gustong sumali sa isang section?" Asked Jenny-- the third year representative.

"As I've said, it's a requirement that all sections in all levels to have a representative."

"Ang dami naman yata ng contestants kung sakali?" Asked another member.

"No problem with that. Kasi ang sistema natin ngayon-- elimination round, semis and then finals. We aim to let our ladies showcase their beauty and talent. Maraming nahihiya lang diyan, pero deep inside, gusto talagang sumali. Kung wala o kaya ayaw, edi pa-eliminate sila, ganoon lang kadali."

"Paano ang criteria nito?" Another member asked.

"One day lang ang eliminations. Talent at question and answer lang. Wala munang gown gown dito, Sunday dress lang, okay na, saka kung anuman yung suot nila sa talent. It will not be shown to the student body anyway. For semis and finals, which will happen days after the eliminations, doon na sila mag-susuot ng gown. Ito na yung ipapalabas in front of the entire student body."

"Paano ang judging?"

"We will have a set of judges-- I have people in mind, pero syempre, I want to hear your ideas. Kung may gusto kayong i-suggest, sabihin niyo lang. For the eliminations-- talent, intelligence and beauty criteria. For the semis and finals, idadagdag natin ang audience impact at stage presence."

"Suggestion. If we have audience impact on the criteria, bakit hindi tayo gumamit ng social media and text votes to help with this criteria?" Nakita kong umayon ang ilang members sa kanya. I liked the idea, too.

"That's actually a great idea. Sige, let's add that on the criteria." I looked at Rhea-- the SC Secretary from class 4-2. The meeting continued at nag-brainstorming na kami sa theme at division of labor for the said event. I was glad na lahat cooperative at naging maayos naman ang lahat, kabaliktaran ng inaasahan ko. Akala ko hindi sila makikinig sa akin dahil sa hindi ganoon ka-ganda ang reputasyon ko sa eskwelahang ito.

I knew what my label was-- playboy, chickboy, casanova. Lahat ng synonym nun, ako yun. Pero unti-unti na akong nagbabago. Gusto kong maging mas mabuting tao para kay Dawn. My grades went up, with the help of Red, tapos ngayon, President ako ng SC. I want to prove to her at sa lahat ng tao na hindi lang ako superficial.

"Anong pag-uusapan natin, Mr. SC President?" Tanong sa akin ni Dawn nang matapos na ang meeting at kasalukuyan kong isinasara ang SC Room. I looked at her and noticed na may konting dungis pa siya sa mukha niya. Sa kakamadali niya sigurong humabol sa meeting, hindi na niya naayos ang sarili niya mula sa trobol na pinanggalingan niya. I pulled out my handkerchief from my pocket at pinunasan ang pisngi niya.

"Sasabihin ko lang po na hindi na po kayo pwedeng makipag-away. Kasi po member na kayo ng Student Council at dapat maging role model na po tayo sa lahat. Okay po, Miss Dominguez?" I said that in my sweetest tone and I saw her blushed. Grabe... bakit ba kasi hindi ka pa umamin, Dawn? Nag-iwas siya ng tingin at yumuko. Sobrang cute niya kapag ganito siya.

"S-Sorry. Eh kasi naman sila..." I held her chin at ini-angat ito para matignan ko siya.

"Ayoko nang masaktan ka ulit, in any way and form. I will protect you, Dawn, until my last breath."

***Red's POV***

Ang ingay. Ang mga babae mula Dorm gates hanggang Cafeteria, hindi na tumigil sa pag-uusap tungkol sa eliminations ng Miss Monte Carlo High. Hanggang dito sa hallway, walang palya ang mga bibig nila. Ano ba 'yan. I entered our classroom at dumiretso sa upuan ko. Finally, peace. I expected our class to have Melissa join the pageant. Siya naman ang class muse, eh.

"Before we start the class, I know that you are already aware of the upcoming Miss Monte Carlo High eliminations next week. And I assume that Melissa, will be in the competition, right?" Mr. Cabrera paused and looked at Melissa. She just nodded and smiled at our class adviser.

"Sir." One of our classmates raised his hand.

"Yes, Marc."

"I heard class 4-2 has a new student and she's...well, they said it's a sure win for them. I suggest we send more than one candidate, just to be sure."

"Are you trying to say that I can't do it?!" Sagot ni Melissa.

"Hey, Mel. I agree with Marc. I saw that new girl and no offense, she's really pretty." At nagsimula nang umingay ang klase.

"Okay, okay. Class, calm down." Tumahimik na ang lahat nang magsalita si Sir. "We can have another candidate, no problem with that. And no offense to you, Melissa, but we have to give chance to the other girls who wanted to join. I think that's fair enough, right?" Nakita kong nag-halukipkip siya at sumama ang mukha sa naging desisyon ni adviser namin. "So, who's the brave soul to join Melissa and represent class 4-1 in the pageant?" Silence.

"Can I nominate someone?" Nag-taas ng kamay si Peter Castillo.

"That's okay. We'll ask her if she's willing to join. Who are you nominating, Peter?"

"Dawn Dominguez." Ano daw?! Napatingin ang lahat kay Dawn na pinapatay na sa tingin si Peter.

"Don't be angry, Dawn. I'm just nominating. Hey, Campus Hearthrob will not like you if you're not pretty, right?" Sabay tingin niya kay Vince, na sa nakakatawang sandali, ay ngumingiti dahil sa ginawa ni Pete.

"I agree. Please, give it a try, Dawn." Tumingin siya sa direksyon ko dahil sa likod ko lang naka-upo si Dawn. Kitang-kita ko ang admiration sa mga mata niya. Sumasakit na naman ang dibdib ko. Si Vince at si Dawn, alam ng lahat na para sila sa isa't-isa, pero bakit hindi ko matanggap iyon ng maluwag sa loob ko?

"Psst! Domingo!" Bumulong siya sa akin mula sa likod nang nasa History class na kami at busy magsulat sa whiteboard ang teacher namin. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pag-kopya ng notes. "Bilang napasubo na ako sa pagsali sa walang-kwentang pageant na 'yun, kailangang may gawin ka para sa 'kin." Patuloy niyang bulong. Itinigil ko ang pagsulat at akmang haharap na ako sa kanya para umalma nang bigla siyang magsalita. "You have to do it, slave." The bell rang at parang nanghina ako sa oras na iyon. Wala akong choice kundi pumayag sa kung anuman ang hihingin niya sa akin.

"What do you want this time?"

"I need a talent for the pageant."

"So? Anong kinalaman ko dun?"

"Huwag ka ngang masungit diyan. 'Di ba marunong ka mag-gitara? Kakanta ako sa talent portion ko, kailangan ko ng gitarista."

"I don't--"

"Bawal tumanggi." At agad siyang lumabas ng classroom. I had to endure a few days with her again.

"Dude, galingan niyo ni Dawn, ha? Kung marunong nga lang akong mag-gitara, ako na lang gagawa nun para sa kanya, eh. Pero confident naman ako sa inyong dalawa." Vince said two days before the eliminations. Ano ba'ng plano ng dalawang ito, saktan ako hanggang mamatay?

"I'll do my best, the rest is up to her." Palabas na kami ng Dorm gates papunta sa Cafeteria nang biglang sumulpot sa harapan namin si Dawn.

"Good morning!"

"Wow! Mukhang may maganda ang gising ngayong Sabado, ah?" Vince smiled at her and she replied with a smile, too. Agad bumilis ang tibok ng puso ko pero sumikip din ang dibdib ko. Her smile was so sweet, pero alam kong hindi ito para sa akin. Laslas na talaga, Red.

"I'm here to get my guitarist. Isang beses pa lang kami nag-pa-praktis kaya dapat ma-plantsa na ng maayos yung talent ko para sa Monday." She then looked at me with that same smile still on her lips. It felt ike a thousand needles pricked on my heart. Bakit ka ba ganyan sa 'kin, Dawn?

"I'll just get my guitar."

"Okay, sige, pare. Antayin ka na lang namin sa Cafeteria, sabay-sabay na tayo mag-breakfast." Vince said at lumakad na sila papunta sa Cafeteria. Kung pwede lang talaga mag-back out dito, matagal ko nang ginawa.

"Ano ba'ng problema mo, Red? Simula nag-start ang school year, ganyan ka na sa 'kin." Naka-upo kami sa isang bench sa campus grounds at nag-pa-pratice ng talent piece niya.

"I don't know what you're talking about. Let's continue with the song, please."

"No. Hindi natin itutuloy 'to hangga't hindi mo ako kinakausap ng maayos!" Her face soften and she looked me in the eye. Paano ko ba sasabihin sa 'yo lahat, Dawn? Hindi mo pwedeng malaman ang nararamdaman ko dahil alam kong kayo ni Vince ang para sa isa't isa. I felt weird myself, hindi ko sigurado kung totoo ba itong nararamdaman ko. Basta ang alam ko, nasasaktan ako kapag nakikita ko silang magkasama ni Vince, bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siyang nakangiti at nahihirapan akong kumilos at mag-salita kapag malapit siya sa 'kin. 'Yun na ba yung signs and symptoms ng crush or love?

"I'm fine. I'm just... focusing more on studies."

"Studies? Bakit, nakaka-gulo ba ako sa pag-aaral mo?"

"Please, stop asking questions, dahil hindi ko alam ang isasagot ko!" Nagulat siya nang bahagyang tumaas ang boses ko. I had always been calm, pero ipit na ipit na ako sa sitwasyong ito and I had no choice. "So-Sorry, Dawn. Stressed lang siguro talaga ako." I looked down at my hand at naramdaman ko at kamay niya sa balikat ko.

"Andito lang ako kung kailangan mo ng kausap, ha?" Tumango ako at bumalik na ulit kami sa pag-pa-practice.

***Dawn's POV***

"Good luck, ate Dawn." I heard her voice while we were inside the dressing room changing for our talent presentation. Kasali din siya sa pageant bilang representative ng class 2-2. It was the day of the eliminations at sobrang busy ang lahat mag-bihis at mag-retouch.

"Good luck din." Hindi pa rin kami nagkaka-usap ng maayos ni Joyce after ng confrontation namin sa Library. Lagi ko siyang iniiwasan dahil umiinit ang ulo ko tuwing naaalala ko 'yung ginawa niyang pagnakaw at pagbasa sa notebook ko. She tried many times to apologize, pero sadyang bato ako sa kanya.

"Girls, one minute!" Sigaw ng SC Vice President na si Romina. Siya ang naatasang mamahala sa program kasama ang ilan pang miyembro ng Student Council. Kasama sana nila ako, kung hindi ako na-nominate nung Castillo na 'yun para sumali dito!

"Ano'ng trip mo, Castillo?! Gusto mo ba'ng baragin ko na 'yang mukha mo ngayon?!" I cornered him in the hallway after ng first class namin that day. Napahiya ako dahil sa ginawa niyang pag-nominate sa akin para sumali sa Miss MCH na sinang-ayunan naman ng karamihan sa klase.

"Te-teka lang, Da-wn..." Kinwelyuhan ko siya at idiniin sa pader.

"Dawn!" I heard Vince's voice at agad niyang tinanggal ang kamay ko sa leeg ni Castillo. "Pete, umalis ka na."

"May araw ka rin, Castillo!" Sigaw ko sa lampang bully ng klase bago ito kumaripas ng takbo papunta sa Boys' Room.

"Dawn naman... I told you to minimize being violent to others. Napag-usapan na natin 'to, 'di ba?" Sa lambing ng boses niya, nakalimutan ko na kung bakit ko inatake si Castillo in the first place.

"I'm sorry, Vince. Siya kasi, eh. Napahiya ako sa ginawa niya."

"Wala ka bang bilib sa sarili mo? He's actually right, alam mo ba 'yun? Hindi ako magkaka-gusto sa 'yo, if you are not pretty. Hindi naman sa 'yun ang una kong nagustuhan sa'yo, pero nung tumagal, I just noticed kung gaano ka kaganda. Lalo na kapag ngumingiti ka." Oh, no. Here he goes again. "Isang smile nga diyan!" I blushed and I couldn't help but to smile at him. This person. He's special.

"Dawn, you're next." Romina called me at lumabas na ako ng dressing room para hanapin si Red. Ang swerte ko naman kasi, nung bunutan ng number, 3 pa yung napunta sa akin! Kainis!

"Ready?" He asked when he approached me in the line backstage. Tumango lang ako para hindi mahalata ang kaba ko.

"Thank you for that very energetic dance, contestant number two. Next is contestant number three, from class 4-1, Princess Dawn Dominguez!" I climb the stage with Red behind me at naramdaman kong parang nanlambot ang mga tuhod ko. Good thing, naka-upo lang ako sa performance na 'to. I sat on the monoblock chair and Red sat on the chair beside me. He looked at me and he started playing his guitar.

"The sun is filling up the room

And I can hear you dreaming

Do you feel the way I do right now?

I wish we would just give up

Cause the best part is falling

Call it anything but love"

Napalingon ako sa kanya at nakita kong nakatingin din siya sa 'kin.

"And I will make sure to keep my distance

Say, "I love you," when you're not listening

And how long can we keep this up, up, up?"

Sobrang tahimik ng Gym. Wala akong marinig kundi ang gitara niya at ang boses ko. Boses namin.

"Please don't stand so close to me

I'm having trouble breathing

I'm afraid of what you'll see right now

I give you everything I am

All my broken heart beats

Until I know you'll understand

And I will make sure to keep my distance

Say, "I love you," when you're not listening

And how long can we keep this up, up, up?"

I looked at the people watching us at talagang attentive sila sa ginagawa naming pagkanta. Hindi pa ako nakakanta sa harap ng maraming tao kaya sobrang kabdo ako sa talent portion na 'to, pero for some reason, hindi ganun ang nararamdaman ko ngayon.

"And I keep waiting

For you to take me

You keep waiting

To save what we have"

I couldn't believe how good our voices were together. I never intended to sing this before, pero dahil hindi niya alam ang chords ng unang kantang gusto ko, we settled for the only Christina Perri song that he knew. I closed my eyes at inisip na walang nanonood sa 'kin.

"So I'll make sure to keep my distance

Say, "I love you," when you're not listening

And how long can we keep this up, up, up?"

I opened my eyes at nang mapalingon ako sa direksyon niya, there's something different in him. It's like the words of the song were his own.

"Make sure to keep my distance

Say, "I love you," when you're not listening

How long 'til we call this love, love, love?"

Applause. I finally remembered why I was here and singing this song. I stood up at nakita kong lumalakad na pababa ng stage si Red. I bowed to the judges and quickly walked down the stage.

"Red!" I was only a few feet away from him pero hindi ko na nagawang habulin pa siya dahil humarang sa daraanan ko si Vince.

"That's so awesome, Dawn! I didn't know you sing that great! You actually sounded ike Christina Perri, the judges were amazed by your performance!"

"Th-thanks. I need to go to the Girls' Room first. Excuse me." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nagmadali akong habulin ang taong iyon. Naguguluhan na ako. Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin? I'm now definite that Red is hiding something from me. And I'm going to find that out, by hook or by crook.

---END OF CHAPTER 10.18.14

Continue Reading

You'll Also Like

82.4M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
178K 4.2K 56
Bella isn't a trouble maker. She just wanted to be alone and not bothered by anyone but people just really like to get on her nerves that is why she'...
306K 14.1K 44
At Royal International High School, where luxury and extravagance reign supreme, section 1-A is the envy of all. Comprised of 19 dashing, brilliant...
46.8K 2.2K 38
Nathalie is a highschool student who loves about intriguing in horrors, mystery, suspense and specially in zombies. One day the unexpected disaster h...