The Prince's Fiancee

By HopelessPen

112K 4.8K 856

(Watty's2019 Awardee for Historical Fiction) Michelle Santiago was killed by a man in a dark suit. But instea... More

Foreword
1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13
14
15

8

4.6K 304 29
By HopelessPen

8

Prinsesa



"Malalim na ang gabi, aking kapatid. Hindi ka pa ba magpapahinga?" untag ni Amreit sa akin. Katulad ko ay tanging puting roba na lamang na nakatali sa aming mga beywang ang suot. Nakasandal ang aking nakatatandang kapatid sa bukana ng aking silid habang pinapanood ako sa aking terasa.

"Maaga kang nagdilat, hindi pa man sumisikat ang araw. Ngayong nariyan na ang buwan ay hindi ka pa rin nahihimbing."

"Wala pa si Apitong, kapatid," anas ko. Humawak ako ng mariin sa terasa habang hinihintay ang pagbabalik ng aking kwago. Isang oras na dapat siyang nakakabalik rito mula sa Apryanya ngunit hanggang ngayon ay wala pa siya.

Hindi lilisan si Apitong kay Amelia hanggat hindi nababasa ng aking binibini ang liham na ipinadala ko. Hindi kaya...

Napapikit ako ng mariin. Binibining Kleona, saan sa panatagin mo ang aking damdamin ang hindi mo maunawaan? Milya milya na ang pagitan nating dalawa ngunit nagagawa mo pa ring sakupin ang aking isipan.

"Saan mo ba siya pinapapunta?" tanong ni Amreit, lumapit na sa akin sa may terasa. Hindi ako sumagot habang iyong kapatid ko ay nagdududa na akong tiningnan.

"Bakit pa ba ako nagtatanong? Baka napagod si Apitong sa paglipad, Elric. Ang Apranya ang pinakamalayo sa palasyo," aniya. Umiling ako, siguradong nagkakamali ito sa sinabi.

"Mukhang may pagtatangi ka na sa anak ni Daniel," dagdag ni Amreit. Hindi ko siya pinansin. Dumiretsyo ako sa aking kwarto at mabilisang nagbihis. May nangyayari sa aking binibini, sigurado ako roon.

"Elric? Saan ka pupunta? Malalim na ang gabi!"

Kinuha ko ang aking armas at sinabit iyon sa aking katawan.

"Sa Apranya,"maikli kong sagot. Isinuot ko sa aking likuran ang kapa bago inayos ang pagkakasabit ng espada sa aking tagiliran. Hindi na ako mapakali. Ang isipin pa lamang na may masama ng naganap kay Amelia, para na akong nilalagutan ng hininga.

Hindi na ako nagpaalam sa aking kapatid. Dumiretsyo ako sa kwadra ng kabayo at kinuha ko ang akin. Mabilis ko iyong pinasibad para makarating agad sa Apranya, sa tirahan ng aking binibini.

Mahirap ang naging paglalakbay namin ni Argo, ang aking kabayo, papunta kina Amelia. Madilim at mabato ang daan patunga sa kanilang bayan. Tanging ang naging gabay ko na lamang ay ang liwanag ng buwan at ng mga tala sa kalangitan.

Tatlong oras matapos kong umalis sa palasyo ay nakita ko na ang dulo ng Apryanya. Hinigit ko ang renda ni Argo para huminto sa isang batis roon. Madali kong hinila ang aking kabayo para makainom kaming dalawa roon.

Sa silangan ay unti unti ng nagpapakita ang haring araw. Umupo ako saglit sa damuhan para umusal ng dasal para sa Dyosa.

Hindi ko alam kung para saan itong takot na ito. Kahit kailan, sa digmaan man o sa simpleng dwelo sa mga kawal, ay hindi pa ako natakot ng ganito. Maging ang mga halimaw na pinaslang ko tuwing nangangaso ay hindi pa nakapagpanginig sa akin.

Ito lang. Ngayon lang. Dahil sa isang binibining hindi kayang tuparin ang pangakong papanatagin ang aking kalooban.

Sumakay muli ako kay Argo. Dalawang oras pa bago ko marating ang mansyon ng mga Kleona. Mahirap ang daan sa Apryanya gawa ng pagbabago sa lupain dala ng pagmimina. Idagdag mo pang sa limang bayan ng Setrelle, ito ang pinakamalawak, hindi ang kapital.

Nakarating na ako sa tahanan ng mga Kleona makalipas ang isa't kalahating oras. Hindi katulad ng mga normal na araw, mas maraming tao ngayon sa tahanan nila. May iilang mga Vidrumi ang nakamaskara at tumatakbo papasok at palabas sa mansyon.

"Kamahalan!" bati sa akin ng isa sa kanilang mga alipin. Bumaba ako sa aking kabayo at nagmamadaling sinalubong iyong matandang Destal na nag-aalalang lumapit sa akin.

"Patawad, ngunit hindi kayo maaring makalapit," nanginginig nitong sabi. Nilingon ko ang bukana ng kanilang tahanan at nakita ang isang matandang Vidrumi, duguan ang kasuotang pangmanggagamot.

Nagimbal ako sa nakita. Inalis ng manggagamot ang kanyang maskara bago inabot iyon sa isa pa niyang kasama. May sinabi siya rito ngunit natigilan noong makita niya akong nakatayo sa gilid. Mabilis lumapit sa akin ang apat nilang kasama habang iyong manggagamot ay nakasunod sa kanilang likuran.

"Kamahalan? A-anong ginagawa ninyo rito?" takang tanong noong mangagagamot. Pinalibutan ako ng apat pa niyang kasama, nagtatangkang paalisin ako.

Lumipat ang aking kamay sa espadang dala. Tinitigan ko ng mariin ang manggagamot bago ako nagsalita.

"Kaninong dugo iyang nasa kasuotan mo, Vidrumi?" malamig kong tanong. Napalunok ang manggagamot bago sinubukang burahin ang dugo. Kumalat iyon at mas lalong nagmantsa, tanda na bago pa lamang iyong nailagay sa puti niyang damit.

"S-sa isang Destal na alipin, k-kamahalan..."sagot nito. Umigting ang aking panga at sa isang iglap ay iniumang ko ang patalim ng aking espada sa kanyang lalamunan. Pumitik ang ilalim ng aking mata, tanda na ang kakaunti kong pasensya ay malapit nang maubos.

"Uulitin ko ang aking katanungan, manggagamot, kaninong dugo ang nasa iyong kasuotan?" anas ko. Idiniin ko ang aking patalim sa kanyang balat. Isang maliit na patak ng dugo ang tumagas mula sa sugat nito.

Naramdaman ko ang paggalaw ng kaniyang mga kasama sa aking gilid. Hinila ko sa aking gilid ang isa ko pang punyal at itinutok sa kanila iyon.

"Ginoo, ayaw kong dungisan ng dugo ang lupain ng aking binibini. Ngunit hindi ko mapipigilan ang aking punyal na kitilin ang inyong buhay kong mananatili kayong pipi sa aking katanungan," banta ko. Nagtinginan ang mga ito bago suminghap ang mangaggamot.

"P-patawad kamahalan. Kahit bawian pa ninyo ako ng buhay---"

Hindi ko pinatapos ang sinasabi ng manggagamot. Umigkas ang aking kamao at tumama iyon sa kanyang panga. Humawak sa akin iyong isa pang ginoo ngunit naging mabilis ang aking galaw. Pinatama ko ang siko ko sa sikmura nito at kasama siyang bumagsak ng mangaggamot.

Inapakan ko ang dibdib ng mangagamot bago muling tinutok sa kanya ang aking espada. Iniumang ko naman ang punyal sa kanyang mga kasama habang isa isa silang tinitigan.

"Huling pagkakataon! Bilang isang Vaurian, sagutin ninyo ako! Sino ang may karamdaman at kaninong dugo ang nasa kasuotan ng Vidruming ito?!" malakas ang boses kong pagkakasabi. Nagtinginan ang tatlong natitirang nakatayo bago ko narinig ang isang boses.

"Sa aking anak, kamahalan," anas ng boses sa aking likuran. Marahas ang naging pagharap ko sa Madam noong marinig ko ang kanyang tinuran.

"Kasinungalingan. Maayos pa ang lagay niya noong naghiwalay kami sa Briaria..." bulong ko. Nabitiwan ko ang aking espada at nanlambot. Lumapit sa akin ang Madam at iniabot ang isang maskara.

"Hindi nanaisin ng aking anak na pati ang kanyang prinsipe ay mahawa sa kanyang karamdaman," mahinhing anas ni Alena Kleona. Tinitigan ko lamang ang maskara bago umiling.

"Aanhin ko iyan, Madam? Hindi ako natatakot."

"Ngunit kamahalan..." pag angal niya. Umiling lamang ako at tuluyang umupo sa damuhan. Mabilis na tumayo iyong mangagamot at ang isa niyang bumagsak na kasama bago lumuhod sa aking tabi.

"K-kamahalan, nakikiusap kami. Hindi mo maaring lapitan ang binibini dahil maari ka ring mahawa," atungal nito. Hindi ko siya pinakinggan. Tumayo ako at nilampasan ang ginang bago pumasok sa kanilang tahanan.

Nanghihina ako habang umaakyat papunta sa kanyang silid. Tuloy tuloy na ang takbo ng aking isipan. Ano kaya ang maaring maging lunas para sa sakit na ito? Kung...kung pumunta kaya ako sa angkan ng aking ina, sa mga Vidrumi na mas magaling pa sa mangagamot na narito, baka sakaling matulungan nila ako.

O kaya'y maari kong buksan ang silid gamutan ng aking ama. Doon ay nakatago lahat ng mga maaring lunas sa kahit na anong sakit na maaring makuha ng hari. Sigurado akong may magagamit para magamot si Amelia.

Huminto ako sa paglalakad noong makarating na ako sa kanyang silid. Binuksan ko ang pinto at doon ay nakita ko ang kanyang ama, nakayuko habang sapo ang ulo gamit ang dalawang palad niya. Nakaupo siya sa tapat ng kama ng aking binibini habang tahimik na nagbabantay.

Lumipat ang tingin ko kay Amelia at halos panawan ako ng ulirat. Punong puno ang kanyang balat ng asul at nagtutubig na sugat. Bitak bitak na rin ang maputla niyang labi habang iyong ilalim ng kanyang mata ay sobrang pula.

"Klintar..." tawag ko sa kanyang ama. Bumaling lamang ang ginoo sa akin bago niya nilingon si Amelia.

"Hindi nanaisin ng aking anak na narito ka, kamahalan," aniya bago tumayo. Narinig ko ang hakbang ng ginang sa aking likuran bago hinawakan ang aking balikat. Iniabot niya sa akin ang isang pares ng gwantes at isang maskara bago malungkot na ngumiti.

"Alam kong hindi ka natatakot, kamahalan. Alam ko ring nag aalala ka para sa aming anak. Ngunit mas mahihirapan si Amelia kapag nalaman niyang maging ikaw ay malalagay sa kapahamakan kapag nilapitan mo siya," aniya. Tinitigan ko ang kanyang mga hawak bago nag init ang gilid ng aking mga mata.

Tumatangis ka yata para sa akin, aking binibini?

Hindi ko alam kung bakit bumalik sa akin ang alaala ng aking biro noong makita ko siyang umiiyak dahil nahuli ako sa pagbalik mula sa pangangaso ng Amikiri. Noong makita ko si Amelia na hinihintay ako, ang pagod at sakit na iniinda ko mula sa pakikipagdigma sa higanteng sawa ay nawala. Para bang hinaplos ako ng kamay ng Dyosa noong nagtama ang paningin naming dalawa.

Isinuot ko ang ibinigay ng kanyang ina bago lumapit rito. Tulog na tulog siya ngunit malalalim at hirap ang kanyang paghinga. Iniabot ko ang kanyang palad at doon ay nakita ko ang singsing na ibinigay ko sa kanya noong nasa palasyo siya.

Sa ilalim ng sikat ng araw ay kuminang ang lila at asul na dyamanteng naroon. Kung alam mo lang Amelia, na ako pa mismo ang nagpanday sa singsing na iyan, siguro ay mas matutuwa ka pa. Patawad binibini kung hindi ko agad iyon ipinaalam. Natatakot lamang akong baka mas hindi mo tanggapin kapag nalaman mong ako ang may gawa ng singsing na ito.

Iniangat ko ang kanyang kamay. Bahagya siyang napaungol at akala namin ay magigising siya ngunit nanatiling nakapinid ang kanyang mata.

"Rornos ang tawag sa kanyang karamdaman, Prinsipe Elric," anas ng kanyang ina. Tumango lamang ako at pinanatili ang titig kay Amelia.

"Kung ganoon, anong maaring lunas?"

Nag iwas ng tingin sa akin ang mag asawa. Yumakap si Alena sa kanyang asawa bago huminga ng malalim.

"Hindi alam ng manggagamot, kamahalan. Hindi naghanap ang palasyo ng lunas dahil tanging ang mga Destal lamang ang nagkakasakit nito. Walang kahit sino sa mga mahaharlika ang nagkakaroon ng Rornos, tanging si Amelia pa lamang," sagot ni Daniel. Humigpit ang kapit ko sa palad ni Amelia at huminga ng malalim.

Hindi ko nais ibunton ang sisi sa aking ama ngunit...hanggang dito ba naman ay lumalabas pa rin ang pangsasantabi niya sa mga Destal? Kung hindi siya nagbulagbulagan sa karamdaman na ito, sana'y may lunas na para kay Amelia ngayon!

"Binigyan siya ng tatlong araw ng manggagamot bago..."

"Klintar Daniel! Makahahanap ako ng lunas para sa inyong anak," putol ko sa kanyang sasabihin. Napatuwid ng tayo ang ginoo bago napuno ng pag asa ang kanyang mata.

"Hindi siya mawawala sa atin. Hindi ako makapapayag," anas ko, mas sinasabi sa aking sarili. Muli kong hinaplos ang singsing sa kanyang daliri bago huminga ng malalim.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naroon, pinapanood ang kanyang payapang pagtulog. Hindi ko na rin namalayan na umalis na ang mag asawa at iniwan kaming dalawa roon.

Hinaplos ko ang kanyang pulang buhok bago malungkot na ngumiti. Noong gabi ng una naming pagkikita ay akala ko siya ang Dyosa na bumaba sa batis ng Apryanya. Hindi ako sigurado ngunit pakiramdam ko ay hindi niya alam kung gaano nakabibighani ang kanyang ganda. Mistulan siyang isang anghel habang nakatayo sa gitna ng batis, tanging ang buwan lamang ang ilaw at gabay na sumasamba sa kanya.

"Amelia...aking binibini..."tawag ko rito. Kinagat ko ang aking labi at pumatak na roon ang isang luha. Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib habang pinapanood ang mata niyang nakapinid.

Ipinapangako ko, makikita kong ngumiti muli ang iyong lilang mata, aking binibini. Hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo.

Hinawakan ko ang kanyang mukha bago huminga ng malalim. Ilang beses akong lumunok bago ko tinuran ang mga salitang hindi ko makakayang sabihin kapag gising siya at may malay.

"Amelia..."

Pumatak ang aking luha sa kanyang nakapinid na labi. Parang kinikuyumos ang aking dibdib sa sakit habang nakikita siyang nahihirapan.

"Iniibig kita, aking prinsesa..." 

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 89.7K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
614K 34.9K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
272K 12.7K 35
With one bullet, the greatest assassin of the 21st century meets her end. As she tries to accept her end, she then open her eyes in a very familiar b...
203K 12K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...