Obliteration

By MissPetunia

200 7 0

Set in the Fall of the year 2017, Cadence Aldana, more known as Cady, gets ready for the upcoming destruction... More

Epilogue
October 9, 2017: part 1
October 9, 2017: part 2
October 10, 2017: part 1
Author's note
October 10, 2014: part 2

October 11, 2014

21 3 0
By MissPetunia

October 11, 2014

Binuksan ko ang radio at tinune sa AM station. Ang balita ngayon ay katulad pa rin ng balita nung mga nakaraang araw. Puro tungkol sa disease at paalala na maiwan na lamang sa bahay. Siguro kung may naiba man sa mga binabalita ay ang bilang ng mga nagkaroon na ng disease. According sa statistics ngayong araw na ito, naeestimate nilang isa sa bawat tatlumpung tao ang naapektuhan na nito.

“Psh. Puro na lang negativity kahit anong station. Makapaglakad nga muna sa sunflower field,” sabi ko sa sarili ko.

Bumaba na ako kay Daydream. Nagsimula na akong maglakad pero napansin kong hindi pala nakatali ang suwelas ng sapatos ko. Umupo muna ako sa may upuang kahoy na nakatambak dito sa garahe. Tinali ko na ito hanggang sa magustuhan ko ang itsura ng ribbon nito. Pagkatayo ko ay nakarinig ako ng isang riiiiiipp. Tinignan ko agad ang manggas ng damit ko. At gaya nga ng aking inaasahan, napunit ito. Tinignan ko agad ang upuan at may nakausli palang pako dito.

Kainis naman talaga. -__-

Magshopping na lang kaya ako?

Mukhang magandang idea yun. ^__^

Sumakay ulit ako kay Daydream at tinignan kung nadala ko ba ang mga dapat dalhin. Pera, check. Katana, check. Hindi pipichuging baril, check. Okay. Pwede na ako magdrive.

Nakarating ako sa Trinoma agad. Mabilis lang ako nakarating kasi hindi ko kasama si Caleb na dadaan sa pinakamahabang route para lang matagal ko siyang makasama. Hindi din ako nahirapan sa parking dahil onting-onti na lang ang nagbabalak lumabas ng mga bahay nila.

Bumaba na ako ng kotse dala-dala ang katana at bag ko na may lamang pera at baril. Kahit nga sino ay pwede nang magdala ng baril tutal wala na rin namang guard na magchecheck sa bawat entrance ng mall.

Pagkapasok ko ay marami nang abandonadong shops. Kung may laman pa ang store, swerte ka dahil pwede mo kunin iyon ng walang bayad.

At isa na ako sa mga swerte na iyon dahil nagsara na ang napakalaking shop ng Zara. ^o^v

Pumasok ako sa Zara at naghanap na ng mga damit. Syempre ay hindi ako katulad ng mga ibang tao na kukunin ang lahat ng damit na nandun just for the sake of it. Alam kong may mga taong mas may kailangan ng damit sa akin kaya pipiliin ko lang ang mga gusto ko. ^__^

Habang tuwang-tuwa ako sa pamimili ay nakarinig ako ng sigaw. Nilagay ko na agad ang mga damit na nagustuhan ko sa bag. Nilabas ko ang baril kasi mas madali makapatay dahil long-range.

Lumabas na ako with caution. Tingin sa kanan. Tingin sa kaliwa.

AHHHHHHHHHH!!!!!!

Tumakbo ako papunta sa direksyon ng sigaw.

Pagkarating ko ay nakita kong may isang babae na may hawak na pinutol na kamay mula sa isang mannequin. Nakaupo siya katabi ang isang taong mukhang patay na.

                “WAG KANG LALAPIT!” sigaw niya habang tila ginagawa niyang armas yung kamay nung mannequin.

Kalokohan naman kung panunuorin ko pa ang live action na ito.

BANG!!!

One-hit headshot.          

Tumingin sa akin yung babae.

Tinignan ko lang din siya.

Maya-maya ay lumapit ako sa kanya. Umiiyak siya at kinakausap niya yung patay na tao.

                “Ma! Gumising ka!” sigaw niya habang inaalog yung katawan nung patay na tao.

                Nilapitan ko ang kanyang ina at sinuri kung paano siya namatay.

                Isang kagat sa leeg.

                “Miss, anong pangalan mo?”

                “Nicole po.”

                “Nicole,” at hinawakan ko ang kamay niya. “Hindi patay ang nanay mo.”

                Nakita ko yung mga mata niya na parang nag-twinkle.

                “Comatose lang siya.”

                Biglang nawala ang sigla sa mga mata niya.

          “Nakagat siya ng zombie sa leeg kaya mas mabilis itong makakarating sa utak niya. Kailangan na natin umalis.”

                “Hindi ko po siya iiwan!” sabi niya at bigla na naman siyang umiyak.

                “Sa  tingin ko ay hindi magugustuhan ng nanay mo na maranasan mo rin ang paghihirap na maging zombie.”

                “Tara na!” at hinila ko na siya para lumabas ng mall.

                Bago makalayo ay binaril ko rin ang nanay niya.

                Nung narinig niya ang tunog ng baril, bigla siyang huminto.

                “Ano bang ginagawa mo? Baka mahabol ka nila!” galit kong sigaw.

                “BAKIT MO BINARIL ANG NANAY?!”

                “Kapag hindi ko siya binaril ngayon, baka makasalubong mo siya at ikaw pa mismo ang kailangang bumaril sa kanya. Sa tingin ko ay hindi mo makakayang gawin yun. Kaya tara na.” Hinawakan ko na ang braso niya at hinila na siya palabas.

_____________________________________________________________________________

Author's Echos:

        Yup. Dedicated ang update na ito para kay nicoletteoh_ dahil siya ang una kong reader na nagvote sa story ko. Yehey! Maraming salamat. :*

Continue Reading

You'll Also Like

190K 7.5K 98
'WE NEED BACKUP HERE IN THE 4TH STREET! THERE'S TOO MANY OF THEM WE'RE GETTING HEAVY CASUALTIES' 'This is HQ. Hold your position for 50 mins. Help is...
66.7K 2.6K 38
Nathalie, a high school student who obsessed with mysteries, horror, and zombie lore. But, she never expected her fantasies to come alive. But, every...
8.3K 712 21
Six Hundred Thousands of Vaccines spread all over the Five Continents of the world, Europe, North America, South America, Africa and Asia. For Four...
206 7 10
are you ready for apocalypse? A group of students who are surviving flesh-eating creatures in high school, but as they escape through the deep forest...
Wattpad App - Unlock exclusive features