The Prince's Fiancee

By HopelessPen

112K 4.8K 856

(Watty's2019 Awardee for Historical Fiction) Michelle Santiago was killed by a man in a dark suit. But instea... More

Foreword
1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15

7

4.6K 247 28
By HopelessPen

7

Rornos


Isinara ng Destal na nakatalaga para sa akin ang aking bagahe. Tapos na ang pagdiriwang para sa pangangaso ng mga mahaharlika at ang kanya kanyang mga bisita ay babalik na sa kanilang mga tahanan.

Hindi na muling lumapit ang reyna sa amin matapos ng naging pag uusap sa kanyang tanggapan. Wala akong ideya kung anong maaring ibig sabihin noon pero sigurado akong hindi pa rin niya isinusuko ang ideya na ipakasal ako kay Elric para lamang patayin siya sa huli.

Kailangan kong kumilos habang maaga pa. Mabuting makapagplano na ako ng mga paraan para masigurong walang mangyayaring kahit na ano sa Prinsipe at kay Isabella.

"Binibini? Hinihintay na po kayo ng inyong ama sa inyong karwahe. Nais na ba ninyong maibaba na ang iyong mga gamit?" tanong noong Destal sa akin. Inabot niya ang hawakan ng aking bagahe at doon napansin ang mapusyaw na asul na sugat sa kanyang kamay.

Mabilis akong naglakad at inabot ang kamay niya. Nagulat ang Destal pero hinigpitan ko ang aking hawak sa kanya.

"B-binibini! Pakiusap---"

Umangat ang tingin ko sa kanya. Ngayong malapit na ako ay doon ko napansin ang maluluha at mapupula niyang mata. Tuyo rin ang labi niya at sobrang putla nito.

Binalingan kong muli ang asul na pantal sa kanyang balat. Noong hinaplos ko iyon ay naramdaman ko ang lambot sa ilalim ng balat. Maaring tubig lamang iyon o di kaya'y mas malala pa.

"Anong..."

"H-hindi ito nakakahawa sa mga angkan, binibining Klintar. Tanging kaming mga Destal lamang ang nakakakuha ng Rornos---"

"Rornos?" gagad ko. Napaupo na ang katulong sa sahig bago umiyak. Lumislis ang suot niyang bestida sa bandang binti. Doon ay nakita ko ang mas marami pang asul na sugat sa kanyang balat.

"Sinusumpa na kami ng Dyosa dahil wala kaming kinabibilangang angkan..." hagulgol niya. Ilang beses pa siyang humagulgol at hindi mapatahan.

"Binibini, may anak ako. Tatlong taong gulang pa lamang siya. Kapag nalaman ng hari ang karamdaman ko, ipapapatay nila ako. Nakikiusap ako...parang awa mo na..." iyak pa din niya. Yumuko ako para magkapantay kaming dalawa bago ko siya mabilis na niyakap.

"Tahan na. W-wala akong pagsasabihan. Pero kailangan mong maipagamot, Destal," anas ko. Umiyak lamang siya sa aking balikat at kumapit.

"Tutulungan kita, pangako iyan," anas ko. Umilaw ang pag asa sa mata ng babae para lamang mawala iyon ng makarinig kami ng ilang hakbang. Bumukas ang pinto ng aking silid at doon pumasok si Ginoong Vega kasama ang tatlong kawal.

"Binibining Kleona, tama ba?" mapanganib niyang sabi. Mabilis na lumayo sa akin ang Destal habang ako ay tumayo at yumuko para sa ginoo.

"Magandang umaga, sa ngalan ng Dyosa ng Setrelle, Ginoong Vega," pagbati ko. Nilingon ng matanda ang nanginginig na Destal sa aking tabi bago bumaling sa akin.

"Ikaw na lamang ang hinihintay sa inyong angkan. Kung maari sana ay bumaba ka na para makaalis na kayo," matalim niyang sabi, nakatitig ng mariin sa akin.

Sinenyasan niya ang mga kawal para kunin ang aking mga bagahe. Nagmamadaling kinuha iyon ng mga lalaki habang ako ay tahimik lamang na sumunod. Bago ako lumabas ay bumaling muli ako sa Destal na nakayuko pa rin sa gitna ng silid na aking ginamit habang patuloy na tumatangis.

Humawak sa aking braso ang isang kawal at mabilis akong hinila. Nabitiwan ko ang pinto at di ko na nakita kung napaano na ang kawawang babae.

Nakarating ako sa aming karwahe. Tunay ngang ako na lamang ang hinihintay. Nakasakay na ang aking ama sa kanyang kabayo habang si Mama ay nasa kanyang sariling karwahe.

Noong makalapit ako roon ay nakita ko ang Prinsipe na tamad na tamad na nakasandal sa aking karwahe. Nagbigay pugay sa kanya ang mga kawal pero iyong tingin niya ay nanatiling nakapako sa akin.

"Aking binibini," pagbati niya. Sinikop ko ang laylayan ng aking damit at nagbigay pugay sa kanya.

"Kamahalan. Magbabalik na kami sa kweba ng Apryanya. Nawa'y patnubayan ka ng Dyosa hanggang sa muli nating pagkikita."

"At kailan ang muli na tinutukoy mo, Amelia?" anas niya. Napatuwid ako ng tayo bago pinamulahan ng pisngi. Pilyo ang ngiti sa akin ng Prinsipe habang pinapanood ang aking reaksyon.

"Mahal na prinsipe..."

"Maari bang sa linggo ring ito ang muli nating pagkikita? Nais ko sanang lumangoy sa sapa malapit sa inyong tahanan. Naaalala mo ba iyon, binibini? Hindi ba't doon tayo unang nagtagpo?" malalim ang boses niyang sabi. Kahit nakangiti ang prinsipe ay bakas ang kaseryosuhan sa kanyang asul na mata habang hinihintay ang aking sagot.

"P-pero sa susunod na araw na iyon, Kamahalan."

Tumaas ang sulok ng kanyang labi. "Mas mabuti. Kung maaring sumama na lamang ako sa inyo pabalik sa Apryanya ay gagawin ko."

Napasinghap ako sa kanyang sinabi bago yumuko. Hindi ko alam ngunit parang lumobo ang aking dibdib sa kanyang mga tinuran.

"Halina, at ihahatid na kita sa iyong karwahe. Baka kapag mas lalo ka pang nagtagal..." bitin niyang sabi. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Baka ano, kamahalan?" nagtataka kong tanong. Umiling lamang siya at hinawakan ang aking siko para tuluyan na akong makaakyat. Noong makasakay ako sa karwahe ay siya pa mismo ang nagsara nito.

"Amelia.."

"Kamahalan?"

Ipinatong niya ang kanyang baba sa siwang ng pinto ng karwahe bago inabot ang iilang hibla ng aking pulang buhok.

"Pakiusap, mag iingat ka. Ipinangako mo sa akin na walang mangyayaring kahit na ano sa iyo. Panatagin mo ang damdamin ng iyong prinsipe, binibini," bulong niya. Bumaba ang kanyang tingin sa nakaawang kong labi bago siya huminga ng malalim. Para bang may kinakalaban siyang kung ano habang titig na titig sa akin.

"Pangako," anas ko. Kasabay noon ay ang pag andar ng aking karwahe palayo. Sinilip ko pa siya at nakita ang panonood niya sa papalayo naming mga sasakyan.

Noong makalabas kami ng Briaria ay hindi ko na napigilan ang aking malawak na ngiti. Hinawakan ko ang aking buhok na inipit niya kanina bago ako napangiti muli. Hindi ko alam kung bakit pero may maliit pang tawang kasama ang nagawa ko habang iniisip ang kamahalan.

Malapit nang magdapit hapon ng makauwi kami sa amin. Noong makababa ako sa aking karwahe ay nakita ko agad ang aking magulang na nakaabang sa akin.

"Maari ba tayong mag usap sa aking opisina, anak?" tanong ni Papa. Lumapit si Mama sa kanyang tabi at mukhang seryoso.

"Opo," sagot ko. Tumuloy kaming tatlo sa opisina ni Papa. Umupo siya agad sa likod ng kanyang mesa habang si Mama ay tumayo sa kanyang likuran. Nanatili naman ako sa bungad lamang ng pintuan at hinihintay ang kanilang sasabihin.

"Amelia, hindi lingid sa amin ng iyong ina na may namamagitan sa inyo ng ikalawang prinsipe---"

"Papa nagkakamali kayo. Magkaibigan lamang kami ng kamahalan," sansala ko. Umiling si Mama at nilapitan ako. Hinila niya ako para makaupo sa harapan ng mesa ni Papa. Umupo naman siya sa aking tabi.

"Amelia, magulang mo kami. Kung may tao rito sa Setrelle na maaari mong pagsabihan ng katotohan, kami iyon."

Binuka ko ang bibig ko at nilingon si Papa na hinihintay ang aking sagot. Napayuko lamang ako at agad na umiling.

"Si Isabella Vega ang pipiliin ng prinsipe para pangalanang Vaurian, Mama. Hindi ako," anas ko. Nalukot ang noo ni Mama bago huminga ng malalim.

"Paano ka nakakasiguro, Amelia? Sinabi ba ng Vaurian Elric sa iyo iyan?"

Umiling ako at huminga ng malalim. Paano ko ba ipaliliwanag, huh? Na nanggaling ako sa ibang mundo, sa mundo kung saan lahat kayo ay mga tauhan lang ng isang nobelang hindi natapos? At ako ay napunta lang rito, na hindi naman talaga ako si Amelia Kleona ng angkang Klintar?!

"Hindi ako iniibig ng Prinsipe, Mama. Kung iyon ang nais ninyong malaman."

Tumingin si Mama sa aking ama bago hinawakan ang aking kamay. Malamig ang kanyang palad habang pinipisil niya ang akin.

"Iyong sinabi mo sa reyna, Amelia. Na hindi mo hahayaang may mangyaring kahit na ano sa Prinsipe, tunay ba iyon?" si Papa naman ang nagsalita ngayon. Nilingon ko siya bago mabilis na tumango.

Kumunot ang noo niya bago huminga ng malalim.

"Kung gayon, nasabi mo iyon dahil..."

"Dahil kaibigan ko ang prinsipe, Papa," putol ko sa nais niyang sabihin. May kung anong kirot sa aking dibdib habang sinasabi ang mga salitang iyon.

Ito naman talaga ang kahihinatnan naming dalawa, hindi ba? Sila ni Isabella ang magkakatuluyan sa dulo at ako, kung sakaling mang mabubuhay sa wakas, ay mananatiling kaibigan lamang niya.

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib bago malungkot na ngumiti sa aking mga magulang.

"Huwag ho kayong mag alala. Wala kaming nararamdamang kahit ano ng kamahalan para sa isa't isa. Magkaibigan lamang po kami at hanggang doon lang iyon," pinal kong sabi. Binitiwan ni Mama ang aking kamay bago dahan dahang tumango.

"Ayaw lamang namin ng iyong ama na makita kang nasasaktan, Amelia. Hindi pareho ang antas natin sa mga Vega. Siguradong mahihirapan kang kalabanin si Isabella kung sakali mang umiibig ka sa Prinsipe."

Hinaplos ko ang balikat niya at tumango.

"Alam ko po iyon, Mama. Alam kong si Isabella talaga ang para sa Prinsipe. Tanggap ko iyon. Sinusuportahan ko iyon. Kaya ipanatag na ninyo ni Papa ang inyong mga isip dahil maayos lamang ako," sagot ko. Tinitigan ako ni Mama sa mata bago tumango tango.

Si Papa ay napabuntong hininga bago hinawakan ang aking balikat. Isang maliit na ngiti ang iginawad niya sa akin bago ako tinapik.

"Nauunawaan ko. Patawad at inabala ka pa namin, anak. Maari ka ng magbalik sa iyong silid para makapagpahinga."

Hinalikan ko ang aking magulang at nagpaalam para makaakyat sa aking silid. Noong mapag isa ako ay agad akong humiga sa aking kama. Pinanood ko ang aking kisame habang bumubuntong hininga.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako gawa ng sobrang pagod. May bahagyang kirot sa aking ulo, siguro dahil sa naputol na tulog, kaya hindi ko na lamang iyon ininda.

Noong magising ako ay malalim na ang gabi. Tumatagos ang liwanag ng buwan sa siwang ng aking bintana at ang puting kurtina na naroon ay sumasayaw sa saliw ng tahimik na kanta ng panggabing hangin.

Tumayo ako at binuksan pa ang bintana para papasukin ang hangin. Tiningala ko ang buwan at tahimik na pinanood ang pagkislap nito sa madilim na gabi.

Ilang sandali pa akong nanatili sa ganoong posisyon noong makaramdam ako ng kaunting paggalaw sa aking gilid. Noong bumaling ako ay nakita ko ang puting kwago na nakakapit sa aking terasa. Sa leeg nito ay may puting papel na namang nakatali.

Mabilis akong lumapit roon, halos mapatalon pa habang dahan dahang hinihila ang sulat ng prinsipe para sa akin. Ngunit noong inangat ko ang aking braso ay bigla akong natigilan.

Inilapit ko sa aking mga mata ang aking braso para masiguro ang nakikita. Sumalakay ang kaba noong matanto kong hindi ako nagkakamali.

Sa aking braso ay may apat na asul na sugat. Sa ilalim noon ay may mapusyaw na tubig. Napatakbo ako sa papasok para makalapit sa aking salamin. Mapula ang aking mata at sa aking leeg ay may mas maraming asul na sugat.

Bumagsak ako sa sahig habang tinitingnan ang aking balat. Pinuno ko na lamang ng hangin ang aking dibdib bago tuluyang nagdilim ang aking paningin at bumagsak.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 89.7K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
203K 12K 45
Eloisa, a tomboy from the present has to travel in time to 19th century in order to save Marikit from the death caused by Maximilliano, a playboy hea...
Sa Taong 1890 By xxienc

Historical Fiction

81.3K 3.5K 71
Siya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghi...
31.9M 815K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...