His Bad Ways

Door JFstories

9.9M 387K 126K

X, the green-eyed handsome boy who hangs around Quiapo, Manila, is the suitor of Rita. She believes her futur... Meer

Prologue
Xerxes Batalier
...
His Bad Ways
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
RNS

Chapter 22

257K 10.3K 3.8K
Door JFstories

Chapter 22


"GOOD MORNING..."


Malamig na tingin ang isinagot ni Xerxes sa akin.


Tama nga si Fury, alas-siete ng umaga lumalabas ng kuwarto ang daddy niya.


Nag-alarm talaga ako para magising ako ng alas-sinco. Naligo agad ako at naghanda ng almusal; bacon, hot dogs saka itlog na pula na may kamatis. Lahat iyon ay stock sa ref na pinakialaman ko lang. Saka na ako magluluto ng pakbet, kare-kare, adobong atay ng manok at iba pa, kapag inutusan niya na akong mamalengke para sa stock next week.


Nilingon ko siya at nginitian. Magaan na magaan ang pakiramdam ko ngayon. "Kain ka na, o."


Sabi ni Fury, araw-araw may meeting ang daddy niya. Hindi raw nag-aalmusal si Xerxes kapag umaalis, kape lang daw ang tinitira ng lalaki sa umaga.


"What are you doing?"


Parang gusto kong matunaw sa titig niya. Gusto ko ring matulala sa kanya.


Ang liwa-liwanag ng bukas ng mukha niya dahil sa pumapasok ng sikat ng araw sa sliding door ng terrace sa sala. Parang higit siyang gumuwapo kaysa kahapon. Bawat minuto yata ay higit siyang gumuguwapo.


Ipinilig ko ang ulo ko at muli ko siyang nginitian. "Ito, ipinagluto kita kasi alam ko na maaga ang alis mo ngayon."


Naka all black siya from his shoes to his polo. Ang naiba lang ay ang suot niyang tie at ang silver na relo sa kaliwang pulso niya. Basa pa ang kanyang buhok kaya alam kong bagong paligo siya, naaamoy ko pa ang swabeng amoy ng tiyak na mamahaling after shave na ginamit niya.


Kung noon na mumurahin at luma ang isinusuot niya ay malakas na ang kanyang dating, ano pa kaya ngayon?


Siguro ang dami niyang naiko-close na deal at marami siyang napapahangang tao. Noon pa man ay matalino, madiskarte at resonable na siya. Higit siguro siyang magaling ngayon na nakapag-aral na siya sa ibang bansa. Ang balita ko nga sa half-brother niyang si Van ay napalago ni Xerxes ang isa sa mga kompanyang ipinagkatiwala ng daddy niya sa kanya.


"Pasensiya ka na at 'yan lang ang nailuto ko, ha? Iyan lang kasi ang meron sa ref." Ipinaghila ko siya ng silya.


Pero kahit iyon lang ang mga ulam na inihanda ko ay tiniyak kong presentable at mabangong-mabango iyon, lalo na ang sinangag.


Ipupusta ko ang lahat ng internal organs ko na pagbukas pa lang ni Xerxes ng pinto ng kuwarto niya ay naamoy niya na ang bawang sa sinangag. Weakness niya iyon kaya sinadya ko talagang damihan ang pritong bawang.


"Kain na, tulog pa si Fury, e." Sinandukan ko ng sinangag ang plato. "Sige na, kain na. Anong gusto mong hapunan mamaya? Gusto mo ba ng pakbet? Binagoongan? Iyong mga wala sa abroad? Malamang namiss mo iyon."


Feel na feel ko ang pagsisilbi ko sa kanya. Ipinagsalin ko pa siya ng fresh juice sa baso.


"Xerxes?"


"Just to remind you, you're just a maid here. It's not appropriate if you call me by my name."


Natigil ako bigla. Para akong sinampal at ginising ng malamig at iritable niyang boses.


Tinalikuran niya na ako matapos niya akong tingnan ng disgustadong tingin. Napaismid pa ang natural na mapula niyang mga labi ng lampasan niya ang mga pagkaing inihanda ko sa mesa.


Wala na si Xerxes ay nakatitig pa rin ako sa mga iniluto ko.


Naiiyak na natatawang hinila ko ang buhok ko matapos ang ilang minuto ng pagkatanga.


Ano ba kasing hangin ang pumasok sa utak ko at ginawa ko ito? Masyado akong ambisyosa at feelingera para isiping siya pa rin ang Xerxes na asawa ko noon.


Ang gaga ko talaga. Ang gaga-gaga. Estupida. Lahat na.


...


It took one look

Then forever laid out in front of me
One smile then I died
Only to be revived by you

There I was
Thought I had everything figured out
Goes to show just how much I know
'bout the way life plays out...


Paulit-ulit na nagpi-play sa isip ko ang pinapatugtog niya sa study room kagabi.


Mukhang pagod siya maghapon... masyado niyang pinapagod ang sarili niya.


Hindi pa rin siya nagbabago, workaholic pa rin siya. Masipag.


Tiningnan ko ang relo na nadikit sa dingding ng sala, mag-a-alas cuatro na pala. Kanina pa ako tulala rito at walang magawa.


Hindi pa lumalabas ng kuwarto si Fury matapos ko siyang hatiran ng lunch. Masyado siyang busy sa cell phone niya. Masyado pang maaga para makahawak siya ng ganoong gadget. Para sa akin ay hindi pa makatuwiran ang isang magte-ten years old na batang babae para ma-expose sa Internet at social media.


Pero anong magagawa ko? Hindi ako ang magpapasya para sa kanya.


"Ops."


Napalingon ako sa pinto ng bumukas iyon.


Dalawang lalaki ang pumasok, parehong naka-itim na amerikana. Makikinis ang balat, parehong moreno. Iyong isa ay masasabing may itsura, may angas at matangkad; kasing tangkad ni Xerxes. Iyong isa ay medyo maliit pero guwapo. Chubby rin ng kaunti.


"Sino ka?" Iyong pinakamatangkad ang agad na lumapit sa akin. Ikiniling pa niya ang mukha para sipatin nang maigi ang mukha ko. "Very familiar!"


"Damn it, I know her!" biglang bulalas ng isang lalaki, iyong medyo chubby.


"Anong ginagawa mo rito?!" Sabay pa ang dalawang lalaki ng sa wakas ay makilala nila ako.


Ako man ay nagulat ng mamukhaan ko sila. Silang dalawa ay dalawa sa tropa ni Xerxes noon sa Quiapo!


"Berting?! Mumog?!" Kulang na lang ay yakapin ko sila sa tuwa.


"Purita!" Si Berting ang magiliw na yumakap sa akin. "Kumusta ka na?! Wala na kaming naging balita sa yo, ah?!"


"Okay lang ako. Nasa Quaipo na ulit ako, sa pinsan kong si Laarni."


"Anong ginagawa mo rito?" maasim ang mukha na tanong ni Mumog sa akin.


Nagulat ako sa kalamigan niya. "Mumog..."


"It's Marvin. Marvin Jose Ikalawa," iritang pagtatama niya sa akin.


"Ah, Marvin." Tumingin ako kay Berting na bigla ring nawala ang ngiti sa mga labi. "Ano kasi, kinuha akong yaya ni Fury..."


"Really?" gulat na sambit ni Berting. "Yaya ka ng sarili mong—"


"Hubert!" Pigil sa kanya ni Mumog—este, Marvin. "Matagal ng walang ina si Lady Fury."


Napatungo ako.


"Tsk, karma nga naman." Iiling-iling na sumalampak ng upo si Marvin sa sofa. "Ikuha mo nga kami ng maiinom."


"Marvin, stop it!" sigaw ni Berting— Hubert sa kanya.


"What, Bro? She's a maid here, right? Ano ngayon kung utusan ko ang babaeng 'yan?"


"Okay lang, Hubert," sabat ko. "Ikukuha ko na kayo ng maiinom. Sandali lang..."


"Ang hirap sa inyong mga babae, ang konti na nga lang ng mga lalaking loyal, niloloko niyo pa."


Hindi ako kumibo, tinalikuran ko na sila para ipaghanda sila ng merienda.


Tumawa si Marvin. "O ngayong nagkapera, babalik ka? Nasan ang hiya mo? Kapal ng mukha."


"Bro, will you stop it?!"


Pigil ko ang mga luha ko ng buksan ko ang ref sa kusina.


"Rita, pasensiya ka na..." habol sa akin ni Hubert.


Pasimple kong pinunasan ang mga mata ko. "Ano ka ba? Okay lang iyon. Tama naman siya e. Sige na, don ka na. Igagawa ko na kayo ng merienda."


"Are you sure you're okay?"


Nginitian ko siya para wag na siyang mag-alala. "Okay na okay."


"Sure?"


"Oo naman. Ang saya-saya ko. Ang saya ko kasi napabuti kayo, na bigatin na kayo. Lalo ka na, Berting, parang big time ka na ngayon, ah? Siguro may car ka na, 'no?"


Tumawa siya. "Meron na. At ikaw, gumanda ka!"


"Sus, bola! Manlibre ka, 'yaman mo na!"


Natigil kami sa pag-uusap ng biglang may tumikhim sa likuran ni Hubert.


"X!" Gulat na napalingon si Hubert sa pinto ng kusina.


Parang hindi natutuwa si Xerxes na nakikipag-usap ako kay Hubert. Madilim ang mukha niya habang nakatingin siya sa aming dalawa ng kaibigan niya.


"In my study room." Pagkasabi'y tinalikuran niya na kami.


"Ah, sige." Nilingon ako ni Hubert. "Mukhang bad mood na naman si Bossing. Iwan muna kita, ah?"


"S-sige." Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong kinabahan.


...


"YOU CAN LEAVE TOMORROW."


Natigilan ako sa pagsasalin ng tubig sa baso.


Umangat ang tingin ko kay Xerxes na kakapasok lang sa kusina. Nakapajama siya ng kulay asul at t-shirt na kulay puti. Magulo ang buhok niya at walang emosyon ang kulay luntian niyang mga mata.


"Leave?" Hindi siya sa akin nakatingin pero ako ang kausap niya. Wala naman kasing ibang tao rito maliban sa aming dalawa. Alas onse na ng gabi, tulog na si Fury.


Nagising lang ako dahil nauhaw ako. Hindi ko alam na gising pa rin pala si Xerxes.


Alas diez na natapos ang meeting nila ng mga kaibigan niya sa kanyang study room. Ipinatawag lang nila ako kanina para sa pagpapahatid ng merienda at kape noong gabi.


"Yes. My driver will drive you home tomorrow."


Alanganin akong ngumiti. "Kakapasok ko lang, day off na agad? Hindi ko naman kailangan iyon. Hindi mo ako kailangang pag-leave-in, sino ang aasikaso kay Fury?"


Doon lumipad sa akin ang malamig niyang paningin. Mali ba ako?


"Iyon bang leave na sinasabi mo ay iyong parang day off?"


Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "You got it wrong."


"Ha?"


"I want you to leave this place tomorrow."


Hindi ako nakapagsalita.


"Pinapaalis na kita."


"M-may nagawa ba ako? Sabihin mo, may nagawa ba ako?" Gusto kong maiyak sa frustration. Bakit niya ako pinapaalis?


"Gusto ko, umalis ka rito. Lumayas ka sa pamamahay ko."


"Pero pumayag ka na maging yaya ako ni Fury!" sumbat ko sa kanya.


"I'm the master here. I have the right to change my decision anytime I want. And I want you out of this house first thing in the morning."


"Hindi."


Nag-ingting ang panga niya. "What did you say?"


"Pumayag ka ng dito ako!" mariin kong sabi.


"You have two options, woman. Aalis ka nang maayos bukas o ipapakaladkad kita sa mga guwardiya."


"Pero pumayag ka ng dito ako, di ba? Ano bang problema? Bakit nagbago ang isip mo?!"


"Because I realized that I don't want you here."


Napanganga ako sa sinabi niya. Kahit alam ko naman na iyon ang dahilan niya mula pa noong una, masakit pa rin. Masakit pa rin.


"I want you to get the hell out of my house. Out of our lives."


"Sorry," bigla kong sabi.


Kumunot ang noo niya.


"Sorry. Patawad." Nangilid ang mga luha ko.


"Hindi mo ako madadala sa mga luha mo. Not anymore, Belarita Ramos."


Umiling ako saka pinahid ng likod ng mga palad ko ang namamasa kong mga mata. "Hindi ako iiyak sa harapan mo dahil alam kong kahit umiyak ako ng dugo rito, wala kang pakialam. Pero magso-sorry at magmamakaawa pa rin ako sa 'yo. Ano man ang nagawa ko na ikinaganyan ng pasya mo ngayon, sorry."


Hindi siya kumibo.


"Alam kong galit ka sa akin, pero wag mo naman sana akong paalisin. Wag naman..." ngayon ko lang makakasama ang anak ko, ayaw kong mawala ang pagkakataong ito.


Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.


"K-kailangan mo ako ngayon..." Tinibayan ko na ang sikmura ko. Kinapalan ko na ang mukha ko. "Kailangan mo ng magbabantay kay Fury. Ako iyon. Dahil hindi ka makakasigurado sa ibang makukuha mo sa agency. Mayaman ka, bilyonaryo, kilala. Hindi ka ba natatakot na ipagkatiwala si Fury sa iha-hire mong ibang nanny? Uso na ang kidnapping ngayon. Lalo na at alam ng lahat na anak mo siya. Babantayan ko siya habang nandito kayo sa Pilipinas, makakaasa ka sa akin."


Pagak siyang tumawa. "Are you listening to yourself?"


Hindi ako nakapagsalita agad. Nakakatawa nga naman ang mga sinabi ko sa kanya, lalo na ang linyang makakaasa silang mag-ama sa akin.


"Okay, then." Tumikhim siya at hinagod ako ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik.


May kung anong init na hatid sa akin ang titig niya, hindi pangkaraniwan. May laman iyon, pero pilit ko na lamang inignora. "Hindi ako magpapabayad."


Tumawa si Xerxes. Napahawak pa siya sa kanto ng center table.


Nag-init ang magkabila kong pisngi. Ano nga naman kung hindi ako magpabayad sa serbisyo ko bilang nanny? As if naman kabawasan ang suswelduhin ko sa bilyones niya?


"Okay." Tumigil siya sa pagtawa at tumingin muli sa akin.


"A-anong okay?"


"Okay." Namulsa siya. "You're still my daughter's nanny."


His daughter's nanny. Masakit pero beggars can't be choosers. "Salamat. Maraming salamat, wag kang mag-alala, hindi mo naman ako kailangang swelduhan."


Tumango-tango siya na tila may iniisip.


"Salamat talaga. Sana 'wag na ulit magbago ang pasya mo. Sana..."


"Yeah," aniya. "But there's no such thing as free lunch."


"Anong ibig mong sabihin?"


Humakbang siya papalapit sa akin.


Sa pagdaan niya sa dingding kung nasaan ang switch ng ilaw ay inilapat niya roon ang palad niya, iglap lang ay nawala ang liwanag sa kusina. Ang natira ay ang malabong ilaw na nagmumula pa sa maliit na chandelier sa sala ng condo.


Ganoon na lang ang tahip ng dibdib ko ng marealized ko ang gagawin niya. Kahit hindi pa ako sigurado ay kusang nagulo ang sistema ko.


Napaurong ako ng isang hakbang na lang siya sa akin. Sa pag-atras ko ay napahawak ako sa lababo na nasa likuran ko.


"Naligo ka ba kanina, hmn?" Bigla ay naging mainit at malambing ang tinig niya.


"Oo..." Parang iglap lang din ay bumalik kami sa nakaraan. Iyong panahong nilalambing niya ako.


Muntik na akong mapapikit ng dumaiti ang dulo ng daliri niya sa mukha ko ng hawiin niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa gilid ng kanan kong pisngi.


Napalunok ako ng tuluyang dumikit sa akin ang katawan niya. Dinaga ng sobra ang dibdib ko na halos hindi ko na maramdaman ang paligid. Siya at ako na lang ang nararamdaman ko. Nawala na ang tibok ng puso ko dahil pangalan niya na ang biglang isinigaw nito.


Dahil siya lang naman ang laman nito, at hindi siya nawala kahit kailan.


"Rita..."


Bumaba ang mukha niya sa leeg ko kasabay ng paglapat ng palad niya sa bewang ko.


"Open your legs for me."


Tila may sariling isip ang mga binti ko na humiwalay sa isat-isa. Kusa ring pumulupot ang mga braso ko sa matigas na leeg niya. Hinintay ko ang paglapat ng mga labi niya sa mga labi ko pero sa leeg ko bumagsak ang halik ni Xerxes.


Hinawakan niya ang harapan ng garter ng suot kong pajama at ekspertong ipinasok doon ang kaliwa niyang kamay, diretso sa loob ng suot kong panty.


"Uhmn..." Napasabunot ako sa buhok niya.


"So wet..." Dama ko ang paguhit ng ngiti sa mga labi niya na nakalapat sa leeg ko.


Sandali lang hinaplos ng palad niya ang pribadong parte ko dahil mas nagfocus ang dalawang daliri niya sa pagpasok sa akin. Halos mangapos ako sa paghinga sa pinaghalong sakit at sarap na dulot ng mga daliri niya. Lalo na ng magsimula iyong maglabas-masok.


"Oh..." ungol ko. Nanginginig ako, ayaw ko siyang bitawan.


Malapit na... malapit na ako....


Gusto ko lang siyang yakapin nang mahigpit pero lumayo siya. Lumayo siya matapos niyang hugutin ang mga daliri niya sa akin.


Napadilat ako. Bakit? Bakit siya tumigil?


"Xerxes?"


"It's Sir to you, dear slave," paos ang tinig na anas niya sa balat ko, binitawan niya ako.


"Ha?" Naguguluhang tiningala ko siya. Nang tingalain ko siya ay wala na ang pagnanasa sa mga mata niya, ang nasisinag ko na ron ay pandidiri.


"Go to your room now, I'll knock on your door when I want to fuck you."


Nanghihinang napakapit ako sa lababo. Ang init na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng pagkapahiya at awa sa sarili ko.


JF


Song played: ONE AND ONLY YOU by Parokya ni Edgar

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

16.2K 1.1K 28
A love story that begins in the unexpected checkpoint. The most awkward encounter. Will that encounter creates a new found love? Let's find out in th...
307K 14.5K 35
Still aching from her internet ex-boyfriend's scam, Tamitha finds herself in deep trouble when she meets Roosevelt Sanvictores, the man in the photos...
2M 135K 38
You can't hide anything from him... you just can't. *** Embry's life is smooth sailing until two storms shattered her frame of mind - one in the form...
189K 8.8K 30
Captured by a man who despises her, Aiko doesn't know how to escape the situation that she is in. But as she spends more time with Pocholo Saavedra...