Loser (GxG) ☑️

By KangChul23

216K 8.1K 1.3K

"A loser will always be a loser." Akala ni Eleven ay basketball ang tutulong sa kanya para makamit niya ang m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Author's Note
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Dear Readers:
New Story!!!

Chapter 26

3.3K 146 20
By KangChul23

26:

REESE's POV

"Ang saya mo naman ngayong umaga?" tanong ni Shane na kakapasok lang sa kusina. Mukhang kakagising niya lang dahil magulo pa ang buhok at may antok pa sa mga mata. Dumiretso siya sa sink at binuksan ang gripo at doon naghilamos ng mukha.

"Wala ka bang balak mag-ensayo ngayon?"

"Mamaya pang ala-una ang practice namin," sagot niya tsaka pinunasan ang mukha gamit ang isang face towel. Mukhang dala niya iyon mula sa kuwarto niya.

"Pahingi naman niyang niluto mo oh. Napababa talaga ako dito dahil diyan. Umabot kasi hanggang sa kuwarto ang amoy ," sabi niya at lumapit sa table kung saan nakalagay ang adobong manok na niluto ko. Kumuha pa siya ng tinidor sa malapit na lalagyan at tumusok ng isang karne. Pero bago niya pa man maiangat iyon ay napigilan ko siya.

"Para kay El ang ulam na iyan," sabi ko at pinilit tanggalin sa pagkakahawak niya ang tinidor na may nakakapit na isang hiwa ng adobong manok. Hindi naman siya nagpatalo at hinigpitan ang pagkakahawak sa tinidor.

"Wag ka ngang madamot. Isa nga lang ang hihingin ko eh. At saka hindi naman siguro saulado ni El ang lahat ng parte ng manok para magreklamo siya na kulang ang niluto mo," saad niya tsaka pinilit kunin ang kamay ko na pumipigil sa kamay niya para tuluyang makuha ang piraso ng karne ng manok.

"Dapat kompleto 'to kapag ibinigay ko El para walang kulang. Tulad ng pagmamahal ko sa kanya, walang kulang."

Nagkunwari siyang nasusuka sa sinabi ko. Kaya ang resulta ay binatukan ko siya.

"Aray~!" reklamo naman niya. Ang nakakamangha lang sa bruha ay kahit nasaktan na siya sa pagkakabatok ko ay nakahawak pa rin siya sa tinidor. Ayaw niya talagang bitawan.

Ako na tuloy mismo ang sumuko at binitiwan ang kamay niya "Fine. Sayo na iyan. Pero yan lang. Wag ka ng manghingi pa uli dahil para na ito kay Eleven."

Tumango naman siya na parang bata at mabilis na isinubo ang pagkain sa bibig niya.

Nagliligpit ako ng mga ginamit ko sa pagluluto ng magsilata siyang muli.

"Tinatanggap naman ba niya ang mga niluluto mong pagkain sa kanya? Nung isang araw lang ay nagluto ka ng Caldereta, right?"

Natigil ako sa kung ano mang ginagawa ko dahil sa tanong niyang iyon. Napatingin ako sa kanya at nakita kong mukhang wala naman siyang ibang intensiyon ng magtanong siya. Just a pure plain question.

"Actually hindi niya tinatanggap ang mga niluluto ko. Ang bagsak nga lagi ng mga nun ay sa tiyan ng mga teammates namin. But despite that I will not stop. I will still try. Wala akong mapapala kung susuko kaagad ako. After all ako naman ang may kasalanan kung bakit niya ako laging iniiwasan at hindi man lang pinagtutuunan ng pansin kahit konti."

"Paano kayo nakakapaglaro kung ganyan siya?" Nakapangalumbaba na siya habang nakatingin sa akin.

"Hindi kami pinagsasabay ni coach sa loob ng court. Kapag nasa loob siya ay si PJ ang point guard ng team at kapag wala ay ako naman," sagot ko sa kanya.

"So konti lang ang playing time mo?" usisa niya pa. Nakakunot pa niyang ang noo niya sa pagtataka. Malamang hindi siya makapaniwala dahil alam niya na magaling akong player lalo na kapag point guard ang position ko.

"Oo," I honestly said. Hindi ako nahihiyang sabihin iyon dahil wala naman akong magagawa. Eleven is a vital key player sa team kaya halos buong laro siyang nasa loob ng court. Kaya naipapasok lang ako kapag malayo ang abanse namin sa kalaban.

"Pero sayang naman," ngakanguso niyang sabi. "I think it will be good if magkasama kayo dahil magandang tandem ang magagawa niyo pagnagkataon. She's a pure scorer while you're a pure point guard. Nice combi."

Pinunasan ko ang aking mga kamay tsaka lumapit sa pwesto niya. "Sa susunod na siguro kapag napatawad na niya ako. Alam ko namang dahil sa ginawa ko noon kaya halos hindi niya matiis ang presensiya ko malapit sa kanya."

Kinuha ko ang lalagyan at tinakpan. "May ulam na diyan sa takip. Nilutuan na kita dahil na-sense kong mali-late ka nga gising."

Tinuro ko sa kanya ang takip na nasa tabi din lang niya halos. Alam kong hindi niya iyon napansin ng lumapit siya sa mesa dahil nakatuon ang pansin niya sa adobong manok na niluto ko.

Tiningnan niya naman ako at nagkunwari pa siyang may pinunasang luha mula sa mga mata. Loka-loka din ang bruha.

"Mahal mo talaga ako, friend."

"Eww."

Natawa naman kaming dalawa dahil doon. Naging maayos na ang pakikitungo namin sa isa't isa matapos naming mag-usap ng isang araw. At saka tingin ko naman ay may nobyo na siya dahil halos palaging may naghahatid na lalaki sa kanya dito sa pamamahay niya. Palagi ko kasing nakikita dahil mas una akong nakakauwi sa aming dalawa.

Matapos nun ay naligo na ako. Naging mabilis iyon dahil gipit na ako sa oras.

Isinuot ko ang isang itim na t-shirt na may naka-imprintang salita na PLAY sa harap tsaka isang pulang jersey short naman sa ibaba pero pinatungan ko kaagad ng kulay navy blue na sweat pants. Pinaresan ko ang aking suot ng isang pares ng Nike Air Precision II. Tinupi ko ng kaonti ang dulo ng sweat pants ko, pantapos sa pag-ayos ko sa sarili. Sinuklay ko lang ng mabilis ang aking buhok at bumaba din agad sa sala.

Kinuha ko ang duffel bag na nandoon at nagpunta sa kusina para kuhanin ang ulam na niluto ko.

Naabutan ko pa si Shane na kinakain ang niluto ko para sa kanya. Ni hindi nga siya nag-abala na tingnan ako dahil mas tinuon niya ang atensiyon sa pagkain.

Umiling-iling na lang ako at kinuha ang baunan at nilagay iyon sa bag ko.

"Isarado mo ang pintuan paglabas ko ha. Baka kung sino'ng pumasok dito."

Konting tango lang ang isinagot niya at bumalik din sa pagnguya ng pagkain pagkatapos.



Mabilis naman akong nakarating sa gym dahil malapit lang nga talaga ang bahay ni Shane sa gym. At malapit din doon ang gym na pinag-i-ensayuhan nila.

Pagdating ko doon ay pasimula na rin sila sa pagtitraining. Napatakbo ako sa loob at nilagay ang bag ko sa isang tabi at nakihabol sa linyang ginagawa nila.

Matapos naming isagawa ang daily drills namin ay nagpractice game kami at syempre hindi ko na naman kasama sa grupo si Eleven. Ilang ulit na kasing sinubukan ng coach namin pero hindi talaga nagwo-work out kapag kaming dalawa ang magkasama. Sabi nga ni Coach ay para mang malaking pader na humaharang sa aming dalawa. A thing that hinders us to communicate well inside the court. He didn't know that there is really a wall. A wall I''m willing to try to break kahit kapalit pa nun ay ang tiisin lahat ng pasakit na ibigay ni Eleven sa akin.

Pagdating ng tanghalian ay kinuha ko ang baunang naglalaman ng ulam na niluto ko para kay Eleven. Nilapitan ko siya at ibinigay iyon pero for the nth time ay hindi niya ako pinansin. Nakita ko pa nga sa gilid niya si Jema na apologetic na nakatingin sa akin.

Kahit ganoon ang ginawa niya ay kinulit ko parin siya para tanggapin ang pagkain pero nagulat ako sa sumunod niyang ginawa.

Tinabig niya ang baunan kaya natapon ang laman nun. Napatingin ang lahat dahil sa eksenang iyon. Parang maiiyak naman ako dahil doon pero pinigil ko.

"Hindi mo naman kailangang gawin iyon El. Sayang ang pagkain," kahit gusto ko ng maiyak ay pinigil ko talaga. Parang sumobra naman kasi siya sa ginawa.

Tinaasan niya lang ako ng kilay dahil sa sinabi ko sa kanya.

"Bakit ba ayaw mo akong bigyan ng pagkakataon. Alam kong nagkamali ako at sinasabi ko sa iyo ngayon, pinagsisihan ko ang pag-iwan ko sa iyo."

Tiningnan niya ako ng masama. Mukhang na-trigger ko siya sa sinabi ko.

"Nung ako ba ang humingi ng pagkakataon ay binigyan mo ako? You never did and you know that!!! Tapos ang kapal ng mukha mong hingan ako ng pagkakataon ngayon?!"

Kita ko ang sakit, poot at galit sa kanyang mga mata habang sinasabi niya iyon sa harapan ko. Bawat salitang binibitawan niya ay parang mga kutsilyong tumatarak sa puso ko.

Mas na-guilty ako ng makitang may mga butil ng luhang naglandas sa kanyang mga pisngi. It felt like I'm seeing that Eleven begging for a chance to explain for herself eight years ago.

"El-"

"Tigilan mo na ako! Hindi mo na mababago kung ano mang nangyari noon!"

At padabog siyang umalis sa harap ko. Kinuha niya ang mga gamit niya at lumabas sa gym. Doon na ako napaiyak. Kahit ano'ng pilit kong pigil sa mga luha ko ay ayaw talaga nilang magpapigil.

"Tigil na sa pag-iyak. Kapag nakita ka ni coach ay baka kung ano pang isipin nun," napabaling ako sa nagsalita at nakita si Jade na may hawak na panyo at nakalahad sa harap ko.

"Jade," niyakap ko siya at doon mas umiyak ng husto. Pinagsa-walang bahala ko na lang na galit pa siya sa akin. Ang gusto ko lang ng mga oras na iyon ay ang comfort ng kaibigan ko. May kasalan ako sa kanya pero bumabawi naman ako.

"Tahan na," sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

------

Dahil sa nangyari kanina kaya balisa ako habang naglalakad pauwi ng bahay. Parang zombie nga ako habang nasa gilid ng kalsada.

Napahinto lang ako ng mapansin si Eleven sa kabilang side ng kalsada at may tinatanaw sa di kalayuan. Sinundan ko ang direksiyon ng tingin niya at nakita sina Shane at ang mga kaibigan niya nagtatawanan habang may mga hawak na ice cream.

Nakaramdam ako bigla ng kirot sa puso ko dahil sa tagpong iyon. Bakit siya nakatingin kay Shane? May gusto kaya siya dito?

Kahit masakit ay nagpatuloy ako sa pagtingin kay Eleven. Nang makita niyang papalapit na sa pwesto niya sina Shane ay mabilis siyang pumasok sa isang establishment at nagtago. Mukhang hindi naman iyon napansin ng grupo nila Shane at diretso lang ang mga ito sa paglalakad.

Nakalayo na sina Shane ng lumabas si Eleven sa pinasukang establishment. Nakita ko pa sa ekspresiyon niya na nagpapasalamat siya at hindi siya namataan nila Shane.

"Gusto mo ba siya El?"

Parang kaharap ko siya habang tinatanong ang mga salitang iyon. Gusto ko malaman mula sa kanya ang sagot. But also from the back of my mind I also know what's the answer.

Doon ako mas nagsisi. Kung hindi ko siya iniwan ay baka hindi niya nagustuhan si Shane. Kung hindi ako nagpadala sa problema ko noon baka hindi ko siya nakikita ngayon na nagkakagusto sa iba at sana nasa piling ko parin siya.





"Kaninang umaga lang parang ang sigla mo pa tapos ngayon parang namatayan ka naman," puna ni Shane na kakadating lang.

Nasa sala kasi ako at nakatulala sa kawalan ng mabungaran niya ako.

Bumuntong-hininga naman ako. "Wala lang ito."

Ngumiwi naman siya sa naging sagot ko. "Ayan na naman tayo sa wala pero klaro naman sa mukhang merong problema. Ano ba kasi iyon? Hindi niya na naman ba tinanggap iyong niluto mong ulam na ang sarap-sarap?"

"Natapon nga eh kasi tinabig niya."

Nanlalaki ang mga matang lumapit siya sa akin. "What?!"

"Nainis na masyado sa akin eh," paliwanag ko. Marahas niya namang ibinagsak ang bag niya sa isang upuan at napaupo naman sa kabila.

"Sana pala inubos ko na lang iyon kanina. Sayang naman," nanghihinayang niyang saad. "Tsaka hindi niya naman kailangang gawin iyon. Kaibigan ko siya pero hindi ko ito-tolerate ang ginawa niya. Ang daming taong nagugutom sa mundo tapos siya tinatapon niya lang? At saka hindi niya man lang ba naisip na nagpakahirap ka sa pagluto nun?"

Hindi ko ba alam kung matutuwa ako o malulungkot na sinusuportahan ako ni Shane sa pag-pu-pursue ko kay Eleven. To think na siya ang nagugustuhan ng taong mahal ko.

"Shane," mahinang tawag ko sa kanya.

"Hmm?"

"May gusto na siyang ibang tao."

Mukhang nalito naman siya sa sinabi ko. "Pero ang sabi naman ni Nics ay wala namang nababalitang may girlfriend si El o kaya nililigawan man lang," sabi nito habang nakakunot ang noo. Nag-iisip ata kung sino ang posibleng nagugustuhan ni El.

"Nakita ko siya kaninang nakatingin doon sa babae. at sigurado akong may gusto siya dito dahil ganoon ang mga tinging ibinibigay ko kay El noong nasa Camp pa tayo," pahayag ko. Pinipigil ko ang luha ko na wag tumulo. Ayaw kong mangyari iyon sa mismong harap ng taong tinutukoy ko.

Biglang lumambot ang ekspresiyon ng mukha ni Shane. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hindi ko na tuloy napigilan at napaiyak na ako. At katulad ng ginawa ni Jade kanina ay hinagod niya rin ang likod ko para tangakain na mapatahan ako.

"Wag kang sumuko kaagad. May pagkamatigas talaga si Eleven pero mas hindi mo siya makukuha kung titigil ka kaagad. May pag-asa ka pa," payo niya sa pagitan ng pag-iyak ko.

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama naman si Shane dahil may nobyo na siya at iyon ang isang dahilan para magkaroon ako ng pag-asa kay El. Sisiguraduhin kong nasa tabi ako ni El kapag nalaman niya iyon. Sisiguraduhin kong sa akin na siya mapapatingin pagkatapos.

---

Continue Reading

You'll Also Like

333K 17.5K 66
Iniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it because it is the chance she wanted. The cha...
501K 27.4K 64
Vienne Krea Heatherson is a half Filipino - half British girl who decided to live in the Philippines by her own, but little did she know that her lif...
919K 19.6K 73
Princess Tiara Cassiopeia Cartus The Princess of Magical Kingdom.. But she run away from her responsibilities, because she's scared that she can not...
86.1K 2.9K 27
STORY DESCRIPTION: Parang isang minuto lang umiiyak pa ko sa sobrang pag-iisip sa babaeng pinakamamahal ko kase wala na sya sa mundo. Then, another m...