As my son's wish, nandito ako ngayon sa tapat nang bahay nina Jayni and kasama ko si Jarred ngayon. Ayaw nya kasing mag-paiwan lalo na't si EVE ang pinag-uusapan.
''Ma, hindi pa ba tayo papasok?''
Nilapitan ko na yung guard.
''Excuse me nandyan ba si Emeth?'' Tanong ko.
''Wala po ma'am''
''Eh ang anak ko nandyan din ba sa loob?''
''Ma'am nandito po si Sir Jacob''
''Papasukin mo ako dyan'' Sigaw ni Jarred
''Anak, hinay-hinay lang''
''Ma naman, kailangan ko na talagang mabawi si Earth''
''Naiintindihan kita anak, pero huminahon ka lang''
''Ma, nahihirapan na kasi ako! Ikaw buksan mo 'to!!'' Baling nya sa guard.
''Sir pasensya na po talaga pero napag-utusan lang po talaga kami''
''Hayop ka! Isa kang malaking tanga! Uto-uto!''
''Pasensya na talaga sir pero''
''Ma'' Napalingon kaming lahat sa tumawag sa akin. ''Anong ginagawa nyo dito?'' Tanong ni Jacob
''Hoy hayop ka! Ilabas mo si Earth!'' Pag-wawala ni Jarred.
''Hindi ikaw ang kinakausap ko. Ma, bakit kasama nyo yan dito?''
''Anak, Jacob gusto kong kausapin ang tita Emeth mo''
''Para saan naman ma?''
''Para hindi na matuloy ang kasal tanga'' Sabat ni Jarred
''Anak, uhm pagpasensyahan mo na ang kapatid mo Jacob. Ang totoo nyan, hindi ko na kayang isangkalan pa ang buhay nyong dalwa para sa kapakanan nang kumpanya kaya sana pag-bi''
''NO! I won't and I will never'' Matigas na sagot nang aking anak
''Pero Jacob anak hindi na 'to tama''
''Hindi maganda ang patutunguhan nang usapan na 'to kaya kung wala na kayong mas mahalagang sasabihin pa ay papasok na ako sa loob''
''Tarantado! Bumalik ka dito'' Sigaw nang nagsusumamo kong anak na si Jarred. He keep on shouting. Pasensya na anak kung wala akong magawa. Nakita ko namang naglakad syang papasok. Walang kahit anong ginawa kung hindi ang iwan kami. Nilapitan ko si Jarred at niyakap. Mahigpit na yakap na sanay pumawi sa sakit na nararamdaman nya.
''Ma, paano ako makakapasok sa loob nang bahay na yan?''
''Anak, hindi ko din alam. Sobrang higpit nang seguridad nang bahay na yan. Ayokong mapahamak ka kaya nakikiusap ako sa'yo anak na huwag kang gumawa nang hindi maganda. Gagawin ko ang lahat para matulungan kita. Kanina, hindi ko na nakilala ang kapatid mo. Walang galang na ang paraan nya nang pakikipag-usap sa akin.''
''Ma, gawin mo ang lahat please ma'' Maluha-luhang sabi ni Jarred. Isinama ko na muna sya sa loob nang kotse at doon tinawagan ko si Emeth.
Nagsimula nang tumunog ang kabilang linya. Napatingin ako sa aking anak. Nasasaktan din ako sa bawat pagpatak nang luha nya.
''Hello? Jayni?''
''Oo Emeth, si Jayni nga ito I just want to clarify something''
''Go ahead, may meeting pa ako eh''
''I'll just go to the point, I want to cancel the marriage proposal''
''WHAT? Are you crazy? No, Ayoko. I made it already. You know me Jayni. What was planned should be done''
''I know Emeth, pero nahihirapan na ang mga anak ko sa arrangement na'to. Kung gusto mo sa'yo na ang kumpanya nang buong-buo itigil na lang natin ang kalokohan na'to''
''No! Whatever you do, whatever you say I made up my mind, Itutuloy ang kasal''
''But Emeth?''
''No buts Jayni, una kang humiling at dahil sa kagustuhan kong tulungan ka, ginawa ko ang gusto mo''
''I am really sorry but we need to cancel the wedding early this time''
''I am sorry then Jayni, but I can't make it. I have to end this call now, have a nice day bye'' Then the call ended. Napabuntong-hininga na lamang ako. Ano bang nangyayari kay Emeth at sobra naman ang pagkakagusto nyang maipakasal ang mga bata? Napatingin ako sa anak ko na patuloy pa din sa pag-iyak.
''Ma? Anong sabi nya?'' Hindi ako makaimik dahil hindi ko alam kung magugustuhan ang napag-usapan namin. Pero kahit na sino man sa kanyang sitwasyon ay hindi matutuwa. ''Ma? Pumayag ba sya?'' Nagulat ako na suntukin nya ang salamin nang kotse nya. ''Sabi na nga ba walang mangyayari kung kakausapin lang natin sila ma, ano pang dapat kong gawin? Ano nang dapat kong gawin? Ma sabihin mo? Dapat pa ba akong manahimik lang? Ma babaeng mahal ko ang pinag-uusapan dito e'' Pagsigaw nya sa akin. This time puno na nang galit ang mga salitang binibitawan nya. He never been like this before just because of a girl.
''Please calm down. Umuwi muna tayo anak para malaman na din nang mga kaibigan mo't makatulong din sila. Sana naman anak maintindihan mo din''
Hindi na sya umimik pa. Ramdam ko ang lungkot nya sa bigla nyang pag-tahimik.
''Ma, hirap na hirap na kasi itong dibdib ko. Hirap na hirap na itong huminga. Hindi pa ito tumitigil sa pagtibok nang mabilis dahil sa takot na baka kung ano na ang nangyayari kay Earth. Ma alam kong nagmahal ka din. Minahal mo rin si papa kaya naranasan mo din ang mga bagay na'to. Sana maintindihan mo ma kung bakit ako nagkakaganito ngayon'' Mahinahon na syang nagsasalita kumpara kanina. Tamang-tama sa akin ang mga sinabi nya. Oo, nagmahal din ako nang sobra sa taong hindi ko kailanman pwedeng mahalin. Si Simon, dahil sa hindi nga kami mayaman tulad nang iba hindi ako nagustuhan nang pamilya ni Simon. Ipinakasal sya sa kasing taas nang status nya sa buhay. At ako? Ang bestfriend ko na matagal na palang sekretong nagmamahal sa akin ang pinakasalan ko. Lahat inalay nya sa akin. Hindi ko nagawang mahalin sya tulad nang pagmamahal nya sa akin. Pero wala syang ginawa kundi ang mahalin akong lalo. Hindi man kami nagkaanak dahil iginagalang nya ang kagustuhan ko nag-ampon kami at iyon ang kambal ko na bunga parin nang pag-mamahal. Hindi man nang totoong mag-asawa pero nang totoong magkaibigan. Kaya't nang mawala sya sa buhay namin nang mga bata, para akong nawalan nang life support para makahinga. Sya na lang kasi ang pinag-huhugutan ko nang lakas sa lahat nang bagay. At ngayon, na may problema ako at wala na sya kailangan kong maging matatag at matutong kumuha nang lakas nang loob sa mga bata. Mahal na mahal ko sila. Itinuring ko silang parang babasagin dahil ganun sila kahalaga sa akin.
''Anak, sana sa oras na'to, pagkatiwalaan mo ako''
''Ma, mahal na mahal ko si Earth. Tulungan mo ako''
''Halika nga dito'' Hinigit ko sya palapit sa akin at niyakap. Haplos-haplos ang kanyang buhok. ''Anak, hindi ko man maipapangako ang magandang resulta pero ibibigay ko ang lahat kapalit nang ikaliligaya mo. But we need to go back in Manila for the mean time. Sana maintindihan mo''
''Ma, next week na ang engagement''
''Kaya natin ito anak, magtutulong-tulong tayo''
''Sana, mangyari nga iyon ma'' Malungkot nyang sabi.
I drove going back to Manila.
''Ma, ibaba mo ako sa likod nang school''
''Bakit? Anong gagawin mo dun?''
''May kakausapin lang po ako''
Then I turned the car on the said place. A food stand caught my attention. Jarred point it out.
''Wait lang ma, kung gusto mo umuna ka na sa condmwm. Pangako, susunod ako.''
''But''
''Ma, don't worry about me. I'm fine'' Then he hugged me and kissed me.
[ JARRED CHAIX'S MIGUEL ]
I tried to calm down during the trip, but then I can't. Naisip ko na lang na mas mabuti pa sigurong pumunta ako sa dating pinupuntahan naming dalwa ni Earth. Bumaba na ako nang kotse at hindi pa ako nakakalapit ay sumalubong na agad sa akin ang nakangiting si Aling Cynthia.
''O Hijo? Bakit hindi mo kasama ang maganda mong girlfriend?''
''Si Earth po?''
''Earth ba kamo ang pangalan nya? Ay bagay na bagay sa kanya'' Pinaupo nya ako sa isang table dun.
''Buti po at mas lumaki ang pwesto nyo. Mukhang dumami na talaga ang bumibili dito.''
''Oo nga e, dahil ito sa tulong nyong dalwa hehehe''
''Hindi naman po, dahil po iyon sa magaling nyong pagm-manage'' Napatawa naman sya sa mga sinabi ko. Bahagya akong napatingin sa kabilang lugar. Nandun pa din si mama. Bakit kaya? ''Wait lang aling Cynthia'' Tumayo ako at lumapit sa kotse.Kinatok ko ang bintana at sa halip na buksan nya ang bintana, pinto na ang binuksan nya. ''Ma? Saan ka pupunta?'' Hindi nya ako pinansin. Deretso lang nyang tinungo ang kinaroroonan ni aling Cynthia? Bakit naman kaya? Agad kong nilapitan si mama. ''Mama!'' Hinawakan ko sya sa braso. ''Ma, saan ka ba pupunta? Anong gagawin mo?''
''C-cynthia?'' Paanong alam ni mama ang pangalan ni aling Cynthia?
''Ma? Paanong?''
''Cynthia, ikaw nga'' At kumalas sya sa pagkakahawak ko sa braso nya. Agad nyang niyakap si Aling Cynthia, mahigpit na mahigpit. Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni aling Cynthia.
''J-Jayni? Paanong? Kamusta ka na?'' So magkakilala nga sila?
''Mama'' Muli kong tawag sa kanya. Kanina pa kasi nya akong hindi pinapansin. Nakita ko ang pag-kalas nilang dalwa sa pagkakayakap sa isa't-isa.
''Sya na ang anak mo?'' Tanong ni aling Cynthia na ikinangiti ni mama . ''Kaya pala napakagaan nang loob ko sa kanya, halika upo muna kayo''
''Maraming salamat, pwede ba tayong mag-usap sa ibang l lugar?''
''Ah eh, kasi ako lamang ang tao sa negosyo ko Jayni''
''Babayaran ko na lang lahat yan, pag-bigyan mo na ako''
''Aling Cynthia, pag-bigyan mo na si mama. Para makapamahinga ka na rin'' Sabat ko sa kanilang usapan.
******
Nandito na kami nina mama sa Figgarro. Nagkamustahan sila at nagpalitan nang madaming kwento hanggang sa
''Buti ka pa nagkaanak ka'' Sabi ni Aling Cynthia. Oo, anak ako ni mama pero adopted.
''Nasaan nga pala ang anak nyo after that incident, and look at you now, I can't see you to be that way back then.'' Nakikinig lang ako sa usapan nila. I know kung anong tinutukoy ni mama. Nai-kwento na kasi ni aling Cynthia ang lahat tungkol dito.
''Hindi ko na alam, from the start na pinilit syang kunin sa akin nang maldita mong kaibigan, nawalan na ako nang balita sa anak ko.''
''What do you mean Cynthia? Don't tell me na ang tinutukoy mo ay si Emeth?'' Nagulat ako sa itinanong ni mama. Hindi tunay na anak nang Emeth na yun si Earth? Kaya ba ganun na lamang nya saktan at pahirapan si Earth?
''Oo Jayni, sya nga ang kumuha sa anak ko'' Muli akong nakaramdam nang galit at pag-hahangad na makuha sya sa mga demonyong yun.
''Ibig sabihin nakita mo na po ang anak mo aling Cynthia'' Sabi ko sa kanya. Hinawakan naman ni mama ang kamay ko at tumango-tango na parang sinasabing ''Sabihin mo na ang lahat anak'' Kaya naman ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat. Lahat nang pinag-daanan ni Earth. Lahat nang pasakit na nararanasan nya ngayon at ang kalagayan nya sa kamay nang kapatid ko. Sh*t naalala ko na naman ang tarantadong iyon. Si Aling Cynthia, mangiyak-ngiyak na sya sa mga narinig nya.
Sa pagpapatuloy nang aming usapan napagpasyagan naming itakas si Earth sa araw nang engagement. Ang problema lang ay kung paano. Alam naming lahat na mahihirapan kami dahil sa mga bantay sa labas pa lamang pero si mama na lang muna ang papasok sa loob. Kapag nasa loob na sya doon na kami gagawa nang susunod na hakbang. Delikado para sa aming lahat pero mas delikado para kay Earth ang manatili sa kamay nang mga hayop na yon.
''Maraming-maraming salamat Hijo, sasama ako sa inyo. Kung hindi dahil sa inyo habang buhay kong dadamdamin ang pag-kawalay sa akin nang panganay ko. '' Huling binitiwang mga salita ni aling Cynthia bago sya mag-paalam sa amin. Hinatid na din kasi namin sya ni mama para iwas hassle sa part nya.
Medyo madilim na din nang makarating kami sa condo. Pagbukas na pagbukas pa lang nang pinto nang unit ko naka-abang na agad ang mga chismoso kong kaibigan pero sila ang the best sa lahat. Kahit wala ako sa sarili nang mga nakaraang araw, alam kong hindi sila nag-sawang tangahin ako at ubusin ang laman nang refrigerator ko. Sila yan eh. Ang mga totoong kaibigan na mayroon ako. Alam kong sa kahit na anong laban, nandyan lang sila para tulungan ako. Kahit paganyan-ganyan lamang ang mga yan, isa sila sa parte nang buhay ko na kahit kailan hindi pwedeng mawala dahil sila ang Barkadang Walang Kapantay.