After All

By clockwork_chaser

84.4K 3K 738

I am trying to be better. I am working to be better. More

BEHINDtheCLOCKWORK
Pain of Forgetting the Feeling of Love
Life is Your Every Decision Between Birth and Death
This Life is not Mine to Live
Not All Heroes Wear Capes
Feel Until You Can Feel No More
There's This Doctor
Love Between Passion and Calmness
It's Fine to Make Love With the Man You Love
You Don't Have To Love Just Because You Are Loved
Not a Matthew Neil But a Troy Lancer, History Repeating Itself
The One Who Plays God and The Fallen Angel
Pillow and Sheet
Closure isn't What I Need
Between the Two
Hannah
End of it All
To Do
Chicken Noodle Soup
Leon
Starry Night
Old Spanish Style
First 'I Do'
Well Played
Same Situation Different Ending
Parental Love
Eighteen Years Promise

To Play Safe Because I am Not a Businessman

2.3K 99 38
By clockwork_chaser

Chapter 11

MARRON

"I'm sorry, Frig." Nahihiyang sabi ko sa boyfriend ko at malambing na ngumiti sa kanya.

Pilit na ngumiti si Frigate sa akin. Kahit sabihin n'ya na ayos lang ay kita ko ang disappointment sa mukha n'ya. 

He invited me to be his date in a big event in their company. Pumayag ako pero sa huli ay binawi ko ang pagpayag ko. Nakabili na si Frig ng damit na susuotin ko at nakapagpa-book na s'ya sa mag-aayos sa akin. Pero masasayang lang ang lahat. 

"Sorry talaga. Si Tatay kasi." I sighed. 

Nang ibinalita ko kila Nanay ang tungkol sa event ay agad na na-excite si Nanay. Pero tatlong araw matapos kong magpaalam ay tumawag si Tatay at inutusan akong umuwi sa hacienda. Talagang magtatampo daw s'ya kung hindi ko s'ya pagbibigyan. At h'wag ko na daw s'yang tawaging Tatay. 

Ginagap ni Frigate ang kamay ko at nilaro ang mga daliri ko. "Okay lang, Marron. Miss ka lang ng Tatay mo. At nag-e-edad na din si Mr. Vergara. Naglalambing lang." 

Ngumuso ako. Isa pa 'yan. Ayaw magpatawag ni Tatay sa kanya kahit sana 'Tito'. Gusto n'ya ay 'Sir' o 'Mr. Vergara'. Sabi ni Ate Casey ay gan'on din daw si Tito Nex kay Kuya Tristan noon. Pero matanda naman na ako! Hindi na ako teenager!

"It's the third time he ruined your event." Inis na sabi ko. 

Tuwing may imbitasyon sa akin si Frig, palagi akong hindi nakakasama dahil palagi akong pinapauwi ni Tatay o 'di kaya ay biglang silang susulpot ni Nanay dito at yayayain ako. 

"Tatay, may lakad kasi ako ngayon. Sasamahan ko si Frigate. Reunion nila ng mga highschool classmates n'ya." Nakangiwing sabi ko nang biglang sumulpot sila Nanay at Tatay dito sa V Mansion. "Naipalam ko naman na po 'to n'ong nakaraan, 'di ba?"

Umismid si Tatay sa akin. "Nawala sa loob ko. Bahala ka kung mas mahalaga na sa'yo na pumunta d'on. Wala ka namang kilala d'on. Sinurpresa ka pa naman namin ng Nanay mo." 

"'Tay..." Agad na sumunod ako kay Tatay. 

"Sige na. Tumuloy ka na d'on. Babalik na lang kami ng Masbate. At hindi na ko tatapak ulit dito." Nagtatampong sabi ni Tatay at tumulak na sa hagdanan. "Cleo!" Malakas na tawag n'ya. "Uuwi na 'ko! Wala akong anak dito!"

Iyon ang unang beses. At dahil sa pag-aalala ko ay 'di na ako tumuloy sa lakad namin ni Frigate. Hiyang-hiya ako sa kanya dahil last minute akong nag-cancel at napilitan s'ya na pumuntang mag-isa. 

"Our parents can be unpredictable, Marron. Sensitive ang mga matatanda. Madali nang magdamdam. At naiintindihan ko naman ang Tatay mo. Madalas na wala ka sa inyo kaya nananabik lang din sila sa'yo." 

I bit my lower lip. "I'm so lucky to have you." I dramatically said then I leaned forward to kiss him. 

Frig chuckled. "In my every attempt to introduce my girl to my colleagues and family, I failed. Iniisip na tuloy na imaginary ang girlfriend ko." 

Lalo akong nakaramdam ng hiya. "Sorry. Natataon sa paglalambing ni Tatay. Ewan ko nga din d'on e. Hindi naman gan'on 'yon dati."

Ngumiti lang si Frig sa akin. 

"Paano na 'yon? Sino ang isasama mo? Pupunta ka mag-isa?" Nag-aalalang tanong ko. 

"Baka si Mommy na lang. O ako na lang mag-isa kung 'di sasama si Mommy." 

"Sorry." 

Frig smiled at me then pinched my chin. He kissed me on the lips then on my forehead. "I understand." 

After my lunch with Frig, tumulak na ako pabyaheng Masbate. I also took my three days leave from work. 

"Ipinahanda ko ang lahat ng paborito mo!" Maligayang salubong ni Tatay sa akin. Talagang naka-abang sila ni Lavi sa pagdating ko. Naabutan ko na nagbabasa ng libro ang mag-Lolo. 

Nagmano at humalik ako kay Tatay. Ginulo ko naman ang buhok ng pamangkin ko at saka binuhat s'ya. 

"Ang laki mo na a!" Nakangising sabi ko at pinanggigilang halikan ang matabang pisngi n'ya. 

"Eew!" Maarteng reklamo ni Lavi at itinulak ang mukha ko. Nagpilit s'ya na bumaba mula sa pagkakakarga ko. Gamit ang laylayan ng bestida n'ya ay pinahid n'ya ang pisngi n'ya na hinalikan ko at saka nagtataktakbo papasok ng mansyon. 

"Arte nito. 'Yong iba nga tuwang-tuwa sa halik ko!" Natatawang sabi ko habang tinatanaw si Lavi na lumiko na at siguradong hinahanap si Nanay. 

Napangisi ako nang maalala ko si Frig na tuwang-tuwa kapag nanggigigil ako sa paghalik sa pisngi n'ya. Lalo na kapag pinapaliguan ko ang mukha n'ya ng matutunog na mga halik. 

"Oo nga." Biglang sabi ni Tatay sa gilid ko. "May isa nga akong kakilala na nangangarap ng halik mo." Mahinang sabi n'ya na halos hindi ko na narinig. 

Kunot-noong binalingan ko si Tatay. Malapad na ngumisi lang naman s'ya sa akin tapos ay hinila ako sa mahigpit na yakap. 

Ako lang ba, o weird talaga si Tatay. 

Hinala na ako ni Tatay papuntang kusina at ipinatawag na sila Nanay para maghapunan. Sakto na dumating na din si Ram na nakasuot pa ng putikang boots n'ya. 

"Umuwi ka pala?" Seryosong baling sa akin ng kapatid ko at humalik sa sentido ko. 

"Mamaya ka na magbihis. Kumain na tayo." Utos ni Tatay at itinuro ang puwesto ni Ram sa hapag namin. 

"Kumusta ang naging byahe mo, Marron?" Banayad na tanong ni Nanay habang nagsasalin si Tatay ng kanin sa plato n'ya. 

Tumanda na sila at lahat, pero maasikaso at malambing pa din si Tatay kay Nanay. Palagi pa din s'yang natutulala kay Nanay kung minsan at makikita talaga sa kislap ng mga mata n'ya na mahal na mahal n'ya si Nanay. 

Nakakainggit ang pagmamahalan nila. At hanggang ngayon ay nangangarap pa din ako ng ganoong pagmamahal. Nabigo man ako kay Trey. 

Nabigo din naman si Nanay noon kay Tatay. Pero sila pa din. 

Stop right there, Marron. Tama na. 

I sighed. 

"Bakit? May nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Nanay. 

Lahat ng mga mata ay bumaling sa akin. Natatarantang umiling ako. Hindi ko nga pala nasagot ang tanong ni Nanay. 

"Maayos naman po ang naging byahe ko. Medyo napagod ako sa pag-drive."

"May driver, Nueve. Bakit hindi ka nagdala?" Nakataas ang kilay na tanong ni Tatay. 

Umiling ako. "Galing pa po kasi ako sa clinic ni Frigate." 

Umasim ang ekspresyon ni Tatay. 

"Nahihiya kasi ako na 'di ko na naman s'ya nasipot. Pangatlong beses na po." 

"Hayaan mo na 'yon. Mas mahalaga ba ang mga okasyon na dadaluhan n'ya kaysa sa amin? Paano pala kung huling lambing ko na pala sa'yo?" Seryosong tanong ni Tatay. 

"'Tay!" Hindak na sabi ko. 

"Bakit? E matanda na ako. Kaonti na lang ang ilalagi ko sa mundo." Kaswal na sabi ni Tatay at ang sariling pinggan naman ang sinalinan ng kanin. 

Napailing lang si Nanay at si Ram naman ay tumatawa. 

"Bakit si Lilit 'di mo pinapauwi?" Nakangusong tanong ko. 

Tumaas ang kilay ni Tatay. "Itinakwil ko na 'yon. Dalawa na lang ang mga anak ko." 

Kumunot ang noo ko. "Si Kuya?"

"Wala kang kuya. Si Ram lang ang kapatid mo." Pagtatama ni Tatay. 

Napairap ako. "Si Skipper Clint?" Ulit ko. 

"Amante yata? Alipin n'ong panganay ni Terrence." Matabang na sabi ni Tatay. 

This time, Nanay giggled. Ram chuckled then shook his head a little. 

What's happening to my father? He's too young for second childhood.

After our dinner, nagkayayaan na uminom sa garden. I realized that I miss my family. 

"Kumusta ang mga kambing?" Tanong ni Tatay kay Ram. 

Ang alam ko ay ipinaubaya na ni Tatay ang pamamahala sa mga tao kay Ram. Ang mga desisyon sa hacienda na lang ang hawak ni Tatay. At itinuturo na din ang lahat kay Marjoram. Wala kasing may interes dito maliban sa kanya. 

Kuya's doing great in his photography career and on his investments. At buntot 'yon ni Tricia. At hindi mapipirmi dito si Tricia dahil ang mga Amante, namamayagpag sa negosyo. Hindi sila puwedeng ipirmi sa isang lugar. 

Si Candice ay mahal ang buhay n'ya sa ibang bansa. She's enjoying her modeling career and the spotlight. She's always moving from places to places for her shoots. Ilang taon ko na din s'yang hindi nakikita. Itinakwil na s'ya ni Tatay. Pinapili s'ya noon kung uuwi na s'ya matapos ng apat na taon sa ibang bansa o magmamatigas s'ya sa gusto n'ya. She chose to turn her back on the family. Galit kami sa kanya dahil winasak n'ya ang puso ni Nanay. Lalo na si Tatay. 

Ako naman, ayos lang sa akin dito, pero mas nakasanayan ko sa Maynila. At simula pa lang naman, si Marjoram talaga ang may pagmamahal sa bukid, mga kambing, baka, kalabaw... sa buong hacienda. At s'ya ang magpapatuloy ng apelyidong Vergara. 

Madaming tanong si Tatay tungkol sa trabaho ko at mga pangkaraniwang ginagawa ko. Tinatanong n'ya din ang mga kapatid n'ya at mga pinsan ko. 

"I missed the city. The night life." Ram smirked. "Pagbalik ni Finnick, magbabakasyon ako. Miss ko na din si Kit." 

"Kung magbabakasyon si Ram, dumito ka Nueve. Kailangan ko ng tutulong sa akin." Tatay smiled sweetly at me. 

"May trabaho po ako d'on, 'Tay. At hindi ko naman alam paano dito. ME po ako." Katwiran ko. 

Sumimangot si Tatay. "Tuturuan kita. Mag-resign ka na lang sa trabaho mo." 

"May kontrata ako, 'Tay. At professional po ako. I need to finish the contract." Apila ko agad dahil alam ko na babarahin ako ni Tatay na kaya n'yang bayaran ang kontrata. 

"Tapos mo d'yan ay umuwi ka na dito a. Dalawa na nga lang kayong anak ko." 

"Parang tanga 'tong si Tatay." Natatawang sabi ko. "Apat kaming anak n'yo. Uuwi din 'yong si Lilit. Ninanamnam lang n'on 'yong kasikatan n'ya. 'Di ba kayo proud sa kanya?"

"Saan naman? Sa pagbibilad n'ya ng katawan n'ya?" Sarkastikong tanong ni Tatay. "Walang sesryosong lalaki sa kanya sa kakagan'on n'ya."

"Bakit naman? Sineryoso mo naman ako, 'di ba?" Singit ni Nanay na taas na taas ang kilay. 

Agad na yumakap ang isang braso ni Tatay sa bewang ni Nanay. "Iba naman 'yon. 'Di ka naghubad kahit kailan sa harap ng iba. Akin lang 'yan." 

"Kung mamahalin si Candice, kahit ano pa 'yan, mamahalin s'ya. 'Yong iba nga may anak na pero nakakahanap pa din ng true love." Sabi ni Nanay. 

"Si Nueve nga kahit nakikipag-sex 'yan kay doc, tatanggapin pa din 'yan ni Trey e." Ram chuckled. 

Inis na sinipa ko ang kapatid ko. Gagong 'to! Parang si Calix lang. 

Ang pamilya ko, boto kay Trey. Si Nanay lang yata ang kakampi ko na kay Frigate e. Ang mga kapatid ko, si Trey pa din ang ipinagtutulakan sa akin. Si Tatay, kahit hindi sabihin, sa pambabara n'ya kay Frigate, alam ko na si Trey ang gusto n'ya. 

Pero ako ang magdedesisyon. At si Frigate ang desisyon ko. 

Nakita ko na hindi kumportable si Tatay sa sinabi ni Ram. 

"Marjoram, asikasuhin mo ang mga kailangan sa harvest a. 'Pag balik ni Nueve sa Maynila ay sasabay na kami ng Nanay mo. Ikaw na muna ang bahala dito." Pagbabago ni Tatay ng usapan. 

Sumimangot ako. Kung uuwi din pala sila d'on b'at pa ako pinauwi dito? Pero 'di na lang ako kumibo. Baka maitakwil pa ako. Edi si Ram na lang ang nag-iisang anak?

"Sige po. Pero bakit uuwi kayo d'on?" 

"HHF anniversary, anak. Tutulungan ko ang Tita Courtney mo." Nanay answered. 

"I need my baby to breath." Tatay chuckled then hugged Nanay. 

Napairap na lang ako. 

"Si Lavi?" Tanong ni Ram.

"Isasama namin, syempre." Sagot ni Nanay na parang ang tanga ni Ram na tinanong n'ya pa. 

"Four months pa 'yon a." Singit ko.

"Initial preparations. Court is planning a grand celebration. It's Mama's tenth death anniversary as well." Nanay replied. "Aayusin ko na din ang isusuot natin para doon. Ipadala mo ang sukat mo sa akin, Ram." 

"Opo, 'Nay." Tumango pa si Marjoram. "Ako lang pala maiiwan dito. Gaano po kayo katagal d'on?"

"Isang buwan siguro kaming mawawala. Nagyayaya din si Lavi na mag-Disney Land." Si Tatay ang sumagot. "Isasama na din namin si Guin."

Tumawa ako. "'Di 'yon mahilig sa gan'on." 

"Bata 'yon, Nueve." Nanay smiled. 

"Isama n'yo si Tita Court para sumama 'yon. Maka-Mama Courtney 'yon, 'di 'yon mabubuhay na wala ang Lola n'ya." Tawa ko. 

"Parang si Lavi pala." Komento ni Ram patungkol sa anak n'ya. 

"Pareho kasi walang nanay kaya Lola na lang." Tatay commented. "Wala ka bang balak mag-asawa, Marjoram?" 

Umiling si Ram. "Dadating din 'yan. Sa ngayon dito na po muna ako sa hacienda. At may Lavender naman na ko."

"Lavender mo? E parang bunso nila Nanay at Tatay 'yong anak mo." Asar ko. 

"Yabang mo, Nueve. Subukan mo kayang mag-anak." Hamon n'ya. 

Umirap ako. "Bata pa ako. Saka 'di pa ready si Frigate sa ganyan." 

"Si Trey ready na." 

Binato ko ng mani ang kapatid ko. "Tapos na kami n'on. Si Frigate na nga ngayon. Bakit ba hindi n'yo na lang respetuhin 'yon?"

Mapang-asar na ngumisi ang gagong kapatid ko. "Talaga ba? 'Di na si Trey? 'Di mo na mahal?" 

Matalim na tinignan ko s'ya. "Si Frigate na ang boyfriend ko. Deal with it."

"S'ya na nakikita mong papakasalan?" Hamon pa din ni Ram. 

Hindi ko nagawang sumagot. Dahil hindi ko alam. Mahal ko si Frigate at alam ko na mabibigyan n'ya ako ng magandang kinabukasan, pero wala pa 'yon sa isip ko. 

"Ang tanong ay kung ihahatid ko ba si Marron sa altar." Singit ni Tatay. 

"Ihahatid n'yo po?" Pakikisakay ng kapatid ko. 

Ngumisi si Tatay. "Depende." 

Kumunot ang noo ko. Depende saan?

Humalakhak si Ram. "Parang alam ko na." 

Nagngisian ang mag-tatay. 

Tumingin ako kay Nanay na napapairap na lang. 

"Ano 'yon?" 'Di ko matiis na itanong. 

"May bisita kasi kami dito mga pitong buwan na ang nakalilipas. Isang  buwan dito." Ram smirked. 

"Ano'ng connect?" Tanong ko dahil hindi ko pa din makuha. May inside joke ba? "Sinong bisita?"

"Ay! 'Di pala bisita kasi dito din naman 'yon nakatira." 

"Sino?" Alam ko na 'di ko dapat pinapansin si Ram pero kumakalabog ang puso ko. 

Siya ba? 

"Basta!" Halakhak ni Ram. 

Inis na sinuntok ko ang braso ng kapatid ko. "Kainis 'to! Sino ba?"

"Tanong mo si Tatay." Tumatawang sabi ni Ram. 

Bumaling ako kay Tatay na malaki lang ang ngisi sa akin. "My old friend, Marron." 

Kumunot ang noo ko. "Old friend?" 

Tumango si Tatay. "Historia of Corpse." Nakangiting sabi n'ya. 

"Huh?" Kinilabutan ako.

Umiling si Tatay. "Wala. Bigla ko lang naalala si Troy." 

"Tatay!" Saway ko sa kanya. Nababagabag na ako sa pinagsasasabi ni Tatay. 

Kumunot ang noo n'ya. "Masama bang alalahanin si Troy? E parang kapatid ko na din 'yon." 

Umiling ako. 

Naunang magpaalam si Nanay na aakyat na. Hindi naman nagtagal ay sumunod din si Tatay. 

"Makasabi na buntot ni Ate Tricia si Kuya, e mana-mana lang naman." Natatawang sabi ni Ram.

"Kumusta dito?" Tanong ko kay Ram at ininom ang isinalin kong alak sa baso ko. 

Humiga si Ram sa damuhan. Hindi tag-ulan kaya duyo ang mga damo. Naengganyo ako kaya gumaya ako sa kanya. 

"Ayos lang. Alam mo naman dito, paulit-ulit lang naman. Kaya 'di ko kayo masisi na nag-alisan kayo dito." Tawa ni Ram. 

"Napipilitan ka dito?" 

"'Di naman. N'ong una siguro. Syempre, hiyang-hiya ako kila Tatay noon. Kaya kahit ano'ng sabihin n'ya sinusunod ko. Mas nahiya ako n'ong nakita ko kung paano nila mahalin 'yon anak ko. Pero natutunan ko na lang din na mahalin 'tong hacienda. 'Yong mga tao dito at lahat ng sakop nito." 

"Handa ka nang dumito talaga hanggang sa pagtanda mo?" Tumingin ako kay Ram na sa langit naman ang mga mata. 

"Handa na. Pero may mga oras talaga na nasasabik talaga ako sa Maynila." 

"Puwede namang bumisita, Ram." Natatawang sabi ko. "'Di ka naman pagbabawalan nila Tatay."

"Tapos siguro ng ani. Kailangan ako dito lalo at aalis pala sila. Panahon na din naman kasi para isipin na lang nila Tatay ang mga sarili nila. Nasa edad na tayong mga anak para kunin 'yong responsibilidad." 

"Nasa edad ka na." Natatawang sabi ko. "Mukhang ikaw lang kasi ang para dito."

"Parang gago nga e." Tawa n'ya din. "Apat tayo, tapos ako lang? Tanginang n'yong lahat kasi nagagawa n'yo gusto n'yo."

"Bakit, ano ba'ng gusto mo?" 

"Tambay?" 

"Gago! Wala ka man lang pangarap?" 

"'Di na ko nangarap." Seryosong sagot ni Ram. Napabaling ulit ako sa kanya. "Alam ko kasi na dito ko mapupunta." 

Ayoko man, pero si Trey talaga ang gumigiit sa utak ko. Puwede din naman kasi na si Frigate, pero si Trey talaga ang nauna. 

Si Frigate kasi, 'di n'ya gustong mag-doktor. Pero iyon ang gusto ng Mommy at Daddy n'ya. Surgeon ang umampon sa kanya at ang mga Santillana ay lahi ng mga doktor, kaya iyon ang ipinakuha sa kanya. Maging si Hannah na kapatid n'ya ay nursing student bago napunta sa institusyon. 

"Ang bigat pala, Nueve." Dagdag ni Marjoram. 

Medyo naguluhan ako dahil sa mga naiisip ko. 

"Ng alin?" Tanong ko dahil humahaba ng ang katahimikan. 'Di kasi nagdugtong si Ram sa sinasabi n'ya. 

Bumaling din si Ram sa akin kaya nagkatinginan kami. Malungkot na ngumiti s'ya. "Ito. 'Yong responsibiladad. Na gawin 'yong bagay na 'di mo naman talaga gusto. Pero swerte pa din naman ako. Kasi nandito pa si Tatay at Nanay. Kapag 'di ko na kaya may aalalay sa akin. May gumagabay at tumutulong sa akin. May karamay ako." 

Tinapik ko ang braso n'ya. "Maiintindihan nila kung sasabihin mo, Ram."

"At sino naman ang mamamahala dito? Kita mo si Tatay, retirement na nasa isip n'on." Ngumisi s'ya. 

Hindi ako nakakibo.  Ngayon ko lang nakita si Ram na ganito. Responsableng tao. 

"Alam mo ba, Nueve. 'Di ko maiwasan na maisip si Kuya Trey."

Ako din. 

Tangina. Tama na, Marron. Ilang taon na!

Ngumiti si Ram. "Kung ako nabibigatan na sa ganito, paano pa s'ya? Wala s'yang pagpipilian. Bawal na hindi n'ya kaya. Lahat-lahat kinaya n'ya. Walang Nanay at Tatay na susuporta sa kanya nang buo. Kaya kapag napanghihinaan ako ng loob, iniisip ko talaga s'ya. Tapos na-iinspire na lang ako. Naiinis sa sarili ko kasi ano'ng karapatan ko na umayaw kung may isang tao na mas matindi ang hinaharap kaysa sa akin."

Napadaing ako nang pitikin ni Ram ang noo ko. 

"Kaya n'ong iniwan mo s'ya, kahit ikaw 'yong kapatid ko, nagalit ako sa'yo. At mas lalo akong humanga sa kanya. Kasi kahit na nasasaktan s'ya, nagsasakripisyo pa din s'ya. Patuloy na pinapasan n'ya pa din ang lahat."

"Gan'on s'ya." Halos manghina ako nang sabihin ko 'yon. 

Ayos na ako. Pero ngayon, parang kahapon na lang ulit nang umalis ako sa buhay n'ya. 

"Kaya kahit na tapos na kayo, siya pa din ang nakikita kong para sa'yo. Hindi 'yong doktor."

"May pangalan s'ya, Ram. Frigate." Respeto kay Frigate ang hinihingi ko sa kanila, pero manang-man s'ya sa tatay n'ya!

"Sabihin mo nga, Nueve. Talaga bang wala nang pag-asa? Si Frigate na ba talaga?"

Huminga ako nang malalim at tumingala sa langit. Itinuon ko ang atensyon ko sa mga bituin na para bang nandoon ang sagot. 

"Siya na ang ngayon, Ram. He was the one who picked my every broken pieces. He loved every broken pieces until I was whole again." 

"Kuya Trey was here seven months ago." Biglang sabi ni Ram. I felt his hand on mine. "He was so broken and miserable. He's losing himself. And he's yearning for you. Gustung-gusto n'ya na habulin ka na. Na agawin ka d'on sa doktor mo. Pero pinigil n'ya 'yong sarili n'ya. dahil ayaw n'ya na masaktan ka. Ayaw n'ya na magulo ka. Gan'on ka n'ya kamahal.

He spent a month here. He's the one who taught me what I should do. He gave me pointers about business. He studied agriculture with me. And every night, he did nothing but to recall his memories of you. And every night, I can feel how miserable life is for him. He's working hard to be fine, but I can see how broken he was from within. 

He's just surviving, but not living. And the only drive he has left of him was the hope that you'll be his after all. That he still have a chance to love you." 

I closed my eyes and let the tears fall freely from my eyes. Ayoko na gumalaw. Ayoko na magsalita. Ayokong kumilos dahil natatakot ako na baka 'yong pilit kong binuong sarili ay muling mawasak dahil sa kanya. 

Nanghahapdi na ang lalamunan ko sa kakapigil ng iyak. Tapos na ako sa ganitong kahinaan. Tama na. 

"P-Pero si Frigate na kasi." Sa wakas ay nasabi ko. "Hindi n'ya ako nasasaktan tulad ng dinanas ko kay Trey. His love gives me calmness." 

"Peace of mind, but not happiness, Ate Marron. That's two different thing. In business, you have to take a risk to get a better gain."

"But playing safe is a better option. No matter how small the profit is, it's still a profit." 

"Masaya ka ba?" Seryosong seryosong tanong ni Marjoram. Ramdam ko ang buong atensyon n'ya sa akin. 

"Mahal ako ni Frigate." 

"Mahal ka din ni Kuya Trey."

Nanginig ang labi ko. "Ayokong saktan si Frig. Wala s'yang ibang ginawa kundi intindihin at mahalin ako." 

"Edi mahal mo pa nga si Kuya Trey."

Hirap na hirap akong aminin, pero kay Marjoram, sasabihin ko. Sa kanya na lang at hindi sa sarili ko. Dahil kung sa sarili ko aaminin 'yon, baka gumuho muli ang buong mundo ko. Baka mawasak lang muli ang sariling pilit kong binuo. Baka magulo ulit ang kapayapaan na pinaghirapan ko. 

"Pero kaya kong hindi pansinin iyon." Pinal na sabi ko.

Dahil mas pipiliin ko na maging tahimik na lang sa piling ni Frigate. Ayoko na masaktan s'ya. Hindi ko kaya na saktan s'ya. 

"Kaya kong ipikit ang mga mata ko para sa pagmamahal na 'yon. Dahil nakakatakot ang pagmamahal na 'yon, Marjoram. Masyadong buo, masyadong maalab. Nantutupok at matinding sumugat." 

Hindi na kumibo si Marjoram at naramdaman ko lang ang pagpisil n'ya sa kamay ko. 

I am not a businessman. I don't take risks. 


_________________

12 July 2019 - 21:10

Continue Reading

You'll Also Like

2.9M 103K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
8.2K 614 33
Simula pagkabata ay may lihim ng pagtingin si Juan Miguel Sandoval kay Clarette Amethyst Fernandez. Migz is two years ahead of Clare sa med school. H...
177K 6.6K 24
Some people are stuck in an unrequited love, some are in a painful point of a love triangle, While some are running around inside a messy love squar...
5.3K 156 6
Moonlight Sierra is a spoiled brattinella that everyone either hates or envies. She has all the money in the world to spend and so she claimed that h...